Napaunat si Trixxie nang dumating ang isang lalaki. Kamukhang-kamukha ng matanda na isinugod nila sa hospital. Nang makita nito ang bag ng ina sa kanyang tabi ay kaagad siya nitong nilapitan. “Ito po ang gamit ng pasyente, Sir.” Inabot ni Trixxie ang luxury purse ng matanda at iginiya ang anak na si Trevin palapit sa kanya. “Kayo po ba Misis ang nagdala kay Mama dito sa hospital?” tanong nito. Napangiti itong nakatingin sa mag-ina na tumulong sa ina. “Opo, Sir. Hindi ko na ginalaw ang kanyang gamit at kaagad na tumawag na lang ng ambulansya. Teka, paano nyo po nalaman na andito ang Mama ninyo?” usisa ni Trixxie. “Well, first of all thank you for saving my Mom. May diabetes siya at karaniwan na sa kanya ang mahimatay kapag masyadong bumababa ang kanyang blood glucose. At dahil mahilig siyang tumakas ay may inilagay akong tracking device sa kanyang cellphone. I'm Brandt Buenaventur
Brandt couldn't believe his eyes. And what did that lunatic have something to do with Trixxie Angeles? Hanggang dito ba naman ay nagkalat ang babaeng ito? Mga tanong na nais niyang bigyang linaw. Matapos magising ang kanyang ina sa hospital kahapon ay hindi siya tinigilan nito na hanapin ang taong tumulong dito. And as a dutiful son ay sinunod ang kagustuhan ng kanyang ina. Ang hindi alam ni Trixxie ay may microchip ang business card na binigay niya rito. Knowing his mother, he anticipated na hihilingin nito na hanapin ang tagapagligtas nito. Pinaandar ni Brandt ang kanyang motor at nilapitan ang mag-ina. Nagulat si Trixxie nang may pumaradang motor. Naka-helmet ang rider at hindi niya kilala kaya bilang proteksyon ay niyakap niya ang anak. “Relax, it's me Brandt.” Isang nakakasilaw na ngiti ang iginawad ni Brandt sa mag-ina. “How are you little fella?” Bumaba na siya sa kanyang motor at lumapit sa mag-ina. Ginusot ni Brandt an
Napaisip si Trixxie sa sinabi ni Brandt. Ang tindi pala ng suklam sa mga puso ng mag-inang Dianne at Dina. Kung ganoon ay dapat nga na iwasan si Gavin. Ang tindi ng mga pinagdaanan ng mag-inang Belinda at Brandt. Nakikita niya ang kanilang sarili sa mga ito lalo at katulad ng ginang ay isa siyang dalagang ina. Ni hindi man lang siya sinuyo ni Gavin kahit man lang sa kapakanan ng anak nila. Kaya hindi na rin dapat na malaman nito na magkakaroon ng bagong anak ito sa kanya. “I will call the apartelle owner na babayaran ko na lang ang bookings ninyo at ipapakuha sa driver na si Kuya Mando ang mga gamit niyo ni Trevin.” Ginagap ni Brandt ang mga kamay ni Trixxie at pinisil iyon. “This is for you and your children. I won’t give that woman the satisfaction of ruining someone. This mansion is heavily guarded and well-equipped with surveillance cameras. Hindi na rin nila kami natunton dito ni Mommy. And as I've said I'm always out of the country because of my job a
Nagkagulo sa mansion ng mga Angeles. Hindi na nakontak ng mag-asawang Anatalia at Arthur at bunsong anak. At nang magtungo sila sa townhouse na inuupahan ay wala din silang nakalap na impormasyon kung saan nagtungo ang anak. Tanging hinagpis ang nadama ng mga magulang ni Trixxie sa kanyang biglaang pagkawala. “Trixxie, nasaan ka na ba pumunta anak?” Naiiyak na si Senyora Anatalia habang walang sawang paulit-ulit na tinitip ang cellphone. Si Senyor Arthur naman ay tahimik na nakaupo lang sa sofa habang iniisip ang susunod na hakbang. Dumating si Harvey na galing pa sa Free range chicken farm. “Mama, may napansin ba kayo kay Trixxie bago siya umalis?” tanong ni Harvey sa ina. “Wala naman anak. Maliban na lang sa palagi niyang inu-update kami ng Papap mo sa kalagayan ni Trevin ay wala siyang nababanggit na problema. Dios ko anak, nasaan na kaya ang kapatid mo?” Humagulgol na ang ina sa pag-aalala sa anak at
Isang buwan ang nakalipas ang kasal ni Trixxie at Brandt ay dumating ang huli mula sa trabaho nito. Tuwang-tuwa si Trevin lalo na at may pasalubong itong mamahaling chess piece set na yari sa crystal. Kaagad na lumapit si Brandt sa asawa at hinalikan sa pisngi si Trixxie. Pagkatapos ay ang ina na si Belinda ay hinalikan din sa pisngi. “Naging mabait ka ba Mommy? Habang wala ako, hindi ka ba naging pasaway sa manugang mo?” “Hijo, nagtatampo na talaga ako! Mukhang may bago ka ng paborito.” Nakanguso na saad nito sa anak pero nilakipan ng hagikgik sa dulo. “Ofcourse, may asawa na ako at mga anak. You are now the least of my priorities.” Sinakyan na rin ni Brandt ang pagbibiro ng ina. Natawa na lang si Trixxie sa palitan ng biro ng mag-ina. Muling lumapit si Brandt sa kanya at hinimas ang maumbok na niyang tiyan. “How are you, little one? Excited na si Papa n
Matuling lumipas ang isang buwan at schedule na ng ultrasound ni Trixxie. Kasama si Brandt at ang inang si Belinda na pumunta sa Ob-Gynecologist. “Let’s check the baby's gender,” ginalaw ng Doktor ang wand at tiningnan sa monitor ang imahe. “Congratulations, Mr and Mrs Buenaventura, it's a baby girl!” masayang announce ng doktor sa kanila. Sa narinig na sinabi ng doktor ay napaluha ang ina ni Brandt. Nasapo nito ang kanyang bibig at nababakas hanggang sa mata ang kaligayahan na natupad ang pangarap na apong babae. Umuwi silang masaya ng araw na iyon. Maging si Trevin ay masaya na babae ang magiging kapatid. Masigla na ito kahit apat na buwan pa lang nakalipas ang operasyon nito. Hindi na mababakas ang lungkot sa mga mata nito. At parang walang pinagdaanan na sakit sa liksi na nitong kumilos. Nang tinanong ni Trixxie ang anak kung ano ang gusto na pangalan nito sa baby sister ay kaagad nitong sagot ay “Tati
Kaagad lumipat si Gavin sa condo na pinapaupahan ng kakilala sa murang halaga. Mas mabuti na ganun para hindi na siya matuntun ni Dianne. Kasalukuyan siyang naglalagay ng mga damit sa kanyang tokador ng tumunog ang kanyang cellphone. Nagpalit na siya ng number para hindi na siya kulitin nito at tanging may alam ay ang kanilang Human Resource Office at kanyang pamilya. “Hello….” “Please Gavin, kausapin mo ako.” Umiiyak na si Dianne at narinig ni Gavin kung paano nanginig ang boses ng dating nobya. Napabuntong-hininga na lang siya at kinalma ang sarili. “Wala na tayong dapat pag-usapan Dianne. Let's just go our separate ways. Mas makakabuti sa atin.” May pinalidad na ang boses ni Gavin. “No, hindi ako papayag! Kung hindi mo ako kakausapin I will kill myself! Tatalon ako sa rooftop, Gavin. Kung hindi mo ako pupuntahan sa condo ko, papatayin ko talaga ang sarili ko,” banta ni Dianne. Naputol na ang linya imbes na ma
Hindi naramdaman ni Gavin ang ganap na kaligayahan sa piling ng asawa. Kahit noong nasa honeymoon sila sa Maldives ay sa tuwina ay tinatanaw ang malawak na karagatan sa tuwing tulog na ang asawa. Ang puso niya ay hinahanap si Trixxie. Matay mang isipin ay binalikan siya ng kanyang sinabi dito noon. Na walang iibig dito. Ano at kinain niya ang mga binitawang salita? Imbes na magpakasaya sa piling ng asawa, siya ay nalugmok sa kumunoy na alam niyang mahirap siyang makakaahon. Naalala pa niya ang payo ng ama noon. Lubos siyang nagsisisi na itinuloy ang pasyang pakasalan ang asawa. Palihim pa niyang pina-imbestigahan ang asawa. Nawindang siya sa nalaman! Na may lahi pala ang asawa na may diperensya sa pag-iisip na namana sa ina nito na si Dina. Malabo na silang magkaanak sa kadahilanang tatlong beses na pala itong nakunan at may iniinom pa itong gamot para sa anxiety nito. Kung ititigil ni Dianne ang pag-inom ng maintenance na gamot ay maaaring bumalik ang sak