Share

2

Subrang diin ng ginawa kong pagto-toothbrush pagkatapos. Masama ang tingin ko sa pintuan at halos gusto ko nang lumabas at sabihin na hindi naman ako mabaho, pero alam ko naman na talagang mabaho ako. Nagsuka ako kaya paniguradong mabaho ako.

Hindi dapat ako nahihiya sa kanya diba? Pero hindi ko talaga mapigilang mainis at mahiya sa nangyare. Nagawa pa niyang mang-asar! Sinulyapan ko ang sarili sa harap ng salamin at halos mapasimangot dahil medyo nahihilo nanaman ako.

Pagkatapos ko ay lumabas na ako. I saw him sitting in a sofa na pang-isahan. Tinaasan niya ako ng kilay at muling tinignan mula ulo hanggang paa. I'm ready to say something, but he made me stop.

"Grade 12 ka tapos pumupunta ka sa lugar na ganoon?" Tanong agad niya.

Natauhan ako. Napakurap-kurap. Naalala niya ako? It's been a month, pero naalala niya ako? Hindi ko maiwasang kagatin ang labi para pigilan ang ngiti sa labi ko. Ngayon lang tumatak sa'kin na nandito siya sa loob ng barko. So I have time to get his attention and get his trush, huh.

"But I am 18. I'm not a kid," diniinan ko pa ang salitang kid.

"Still a kid," binalewala nito ang sinabi kong edad ko.

I was about to say something again, pero napahawak ako sa tiyan ko nang bumabaliktad ulit ito. Narinig ko ang buntonghininga siya. Imbes na magsalita pa ay pumasok akong muli sa loob ng comfort room. Hindi pa naman ako nasusuka, pero incase lang, ayoko namang manatili sa harap niya tapos sa mismong harap niya ako magsuka.

I have plans. I need him to fall in love with me, and I can't help but think that he might have turned off a while ago. Maybe instead of making him fall in love with me, baka tuluyan pa itong ma turn off sakin at mandiri kasi nagsuka ako habang pinapanood niya ako.

""Do you volunteer to go here even though you know that It's giving you a hard time?" Rinig kong tanong nito sa labas.

Hindi ko siya sinagot at sinubukang tumayo, pero nahihilo ako. Damn! May trabaho pa ako. Ni wala pa nga akong nasimulang gawin. Tumayo ako at lumabas ulit, hindi ko maiwasang sulyapan ang kama at pakiramdam ko ay inaakit ako non para mahiga.

I caught a glimpse of Maddix when he approached a drawer, and then I saw him getting medicine there. Napakurap-kurap pa ako nang lumapit siya sa mini fridge and took out a bottle of water.

"Take that medicine," seryosong sambit nito bago lumapit at binigay sa'kin ang bottle water.

Napatitig ako sa gamot. Should I take it? 

"Para saan ang gamot na 'to?" Wala sa sarili kong tanong bago siya sulyapan, pero kumunot ang noo niya at napailing.

"Obviously, for your sea sickness. Tsk." Mariin namang sagot nito.

Dahil talagang nahihilo na ako ay ininom ko na rin iyon sa mismong harapan niya, pero halos maibuga ko ang iniinom nang may biglang pumasok sa kwarto ni Maddix.

"Bro---- Hi, you look familiar," sambit agad ni Wendell nang makita ako.

Pinunasan ko ang labi ko dahil sa natapong tubig. Ngumuso ako. Hindi makapaniwala sa sinabi nito. Hindi niya ako naaalala? 

"Siya yung bata," sambit naman ni Maddix kaya napangiwi ako.

"Sabing hindi ako bata!" Iritang sambit ko na.

Namilog ang labi ni Wendell at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Alam ko na alam na agad niya kung anong ibig sabihin ni Maddix. Sa suot ko pa lang ay kitang-kita na na isa ako sa mga traning ngayon dito. 

"You are really a kid?" Gulat na tanong nito at medyo natawa pa.

"I'm not. I'm 18," mariin na sambit ko.

"Well, tama ka. Wait... Liyah, right? Nice to see you again," sambit niya at lumapit sa'kin. I was about to say something, pero nagsalita si Maddix.

"What is it, Wendell? Bakit ka ba bigla-bigla na lang pumapasok ng hindi kumakatok?" Iritang sambit na ni Maddix.

Napakamot si Wendell at ngumiti sa'kin bago harapin si Maddix.

"Kanina ka pa hinihintay. What's your plan?" Tanong na ni Wendell kay Maddix.

"Pupunta na sana ako, pero may makulit na bata rito." Muli ay narinig ko ang pang-aasar sa boses nito kaya hindi ko maiwasang mapasimangot.

"Go back to your assigned work," iyon lang ang dinugtong niya bago maglakad papalapit sa pinto, kasunod niya si Wendell.

Akala ko ay tuluyan na itong aalis, pero muli niya akong hinarap at tinaasan ng kilay.

"What are you doing? You want to stay here in my room? This is not a playground, through." Tinaasan niya pa ako ng kilay. 

Muli ay napasimangot ako ulit. Talagang pinagdidiinan niya na isa lang akong bata! Let's see, Maddix Villaranza! Kapag ako nagtagumpay, ikaw ang kawawa! bata pala ah!

I saw him opening his door. Sinenyas pa niya ang palabas at hinintay niya akong maunang lumabas. Hindi ko maiwasang umirap, at napansin ko ang mapaglarong ngiti sa labi niya. Nakakainis siya! Bumuntong hininga ako at nilabas ang pekang ngiti, saka ako naglakad papalapit sa pinto, pero bago tuluyang lumabas ay hinarap ko siya.

"Salamat sa gamot at salamat kasi hinayaan mo akong pumasok dito," nakangiting sambit ko.

Yeah. Ganito dapat I should pretend that I am thankful kahit na ang totoo ay subra-subra ang galit ko sa kanya, subra ang pagkamuhi ko sa kanya.

Hindi ko na siya hinayaang magsalita pa. Hinawakan ko ang medyo hindi ayos na necktie niya. I saw him staring at me when I did that. Akala ko ay aalisin niya ang kamay ko, pero nakagat ko ang labi. Hinayaan niya ako habang inaayos iyon. Nang matapos ay hinarap ko si Wendell na palipat-lipat ang tingin sa'min ni Maddix.

"Nice to see you again, Wendell," I said before excusing myself. 

Binalikan ko ang tulak-tulak kong panlinis na nasa hindi kalayuan, kung saan ko ito iniwan kanina. Buo ang ngiti ko nang lagpasan sila at pumunta sa tamang kwarto na dapat kong linisin, pero nawala agad ang ngiti nang tuluyan akong nakalagpas sa kanila.

That's his room. Malaking tulong na alam ko na ang room niya. Sampung araw ako rito at sisiguraduhin ko na mapapalapit ako sa kanya. Making him give me medicine was a big step for me.

If he believes that giving me medication will cause my heart to melt, he is mistaken. Kung sa tingin niya iisipin kong mabuti siya ay hindi yun mangyayare.

Medyo hilo pa ako kanina, pero naging maayos ang pakiramdam ko sa sumunod na ilang oras. Mukhang epektibo ang gamot na binigay niya. Apat na room ang nilinis ko hanggang sa gumabi. Sa pang tatlong araw namin sa assigned work namin ay magkakaroon ng rotation.

Nakaramdam ako ng pagod dahil hindi pa ako gaanong sanay. Pasado alas syete na noong nakapagpahinga kami at nakakain. Dalawang kwarto ang binigay sa'min. Limang tao kada isang kwarto at sa isang kwarto na iyon ay may isang mahabang kama na paniguradong kakasya kaming lima at medyo maluwang pa nga.

This ship was one of the ships owned by the Villaranza; it's big, but I'm aware that this is not the biggest ship they have. Ganito kayaman ang mga Villaranza, and that's the reason why I can't make a better plan for my revenge. Ang pa-ibigin, kumuha ng paraan para masira ang kumpanya niya at iwan siya ang sa tingin ko ay magagawa ko lang sa ngayon. That's the reason why I am here.

"Nakakapagod," Seji said bago ibagsak ang katawan sa kama.

"Ghad! Did you see the CEO of the VICL? I saw him a while ago. Ang gwapo niya!" Napasulyap ako kay Hennah nang sabihin niya iyon. May inaapply na ito sa mukha niya.

"Shempre isa siyang Villaranza, Hennah. Hindi na nakakagulat na isa siyang magandang lalake. Nakita ko nga iyong ate niya, subrang ganda niya," sambit naman ni Fely na nakahiga sa dulo ng kama.

Napailing ako sa narinig. Ayoko mang aminin, tama sila. Hindi lang mayaman si Maddix, kundi gwapo rin, but I don't care. Hindi mawawala ang galit ko dahil lang sa gwapo siya. Gwapo nga, mayabang naman at subrang sama. 

"Magaling siguro iyong humalik." Naibaba ko ang hawak na phone nang marinig iyon galing kay Wendy.

What the hell?

Hindi ko alam kung bakit nag-init ang pisngi ko sa narinig. Naalala ko yung gabing iyon. Nakahalik na ako ng ibang lalake bago ang gabing iyon, but his kiss was something. Siguradong propesyonal na dahil alam kong isa itong babaero. Magaling humalik. Oo na! Magaling na siyang humalik!

"Pati sa kama," natatawang sambit na ni Seji kaya hindi ko napigilan ang sariling batukan siya. Napadaing ito at tinignan ako.

"Matutulog na ako, tumahimik na kayo," sambit ko na lang at ibinaba ang hawak na phone sa gilid ko bago ihiga ang buong katawan.

"Ang kj mo ah," Hennah said, pero hindi ko na iyon pinansin.

Hindi agad ako nakatulog. Nakapikit lang ako hanggang sa mas nauna pa nga silang natulog. Hindi ako makatulog sa pag-iisip kung anong pwede ko ulit gawin bukas. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga dahil wala akong maisip na iba.

Naupo ako at sinulyapan ang mga kasama ko. Dahan-dahan kong tinanggal ang kumot ko at bumaba. Hindi ko alam kung ilang oras ang epekto ng gamot na binigay ni Maddix, pero pakiramdam ko ay nawawala na ang epekto non. 

Hindi pwedeng palagi na lang akong nasusuka o nahihilo. Kailangan kong sanayin ang sarili ko. Lumabas ako sa kwarto. I'm just wearing a sleeveless silk chiffon terno with shorts.  Nakalugay ang mahaba kong buhok dahil patulog na kanina.

May mga nakasalubong akong mga guest. Bigla akong nahiya dahil lumabas akong ganoon lang, pero ayoko namang bumalik sa kwarto para lang magpalit. Tinuro at pinakita kanina ang balcony cabins. Alam kong baka mahilo nanaman ako at magsuka, pero gusto kong sanayin ang sarili ko.

Sana lang ay walang tao roon. Nalulula ako, pero nagpatuloy ako hanggang sa matanaw na ang madilim na tanawin. Rinig na rinig ang ragasa ng tubig. Sinakop ko ang buong buhok ko dahil hinahangin iyon, pero binitawan ko rin at hinayaan ang sariling damhin ang hangin.

Pumikit ako at hindi napigilan ang luha sa mata ko nang unti-unti iyong tumulo. 

"Pa, diba sabi mo sabay tayong sasakay sa ganitong barko?" Wala sa sariling sambit ko habang tumutulo ang luha at nakapikit pa rin.

"Sabi mo, sasamahan mo ako hanggang sa masanay ako sa pagsakay ng b-barko," nabasag ang boses ko nang sabihin ko iyon at hindi maiwasang isipin at maalala ang mga huling ala-ala ko kasama ang pinakamamahal kong ama.

Ang unang sakay ko kasi sa mas maliit na barko ay halos manghina ako dahil sa pagkahilo, but papa always there for me at sinabi nito na kailangan ay harapin ko yung mga bagay na nangpapahina sa'kin.

Nagmulat ako ng mata, pero umawang ang labi nang makita ko ang matang madilim at seryosong nakatitig sa'kin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status