Share

1

"I can't believe this! I can't believe him! I hate him!" Kanina pa ako pabalik-balik ng lakad sa kwarto ni Bella, but Bella just laughed at me after hearing what happened.

 

Umuwi na ako agad pagkatapos dahil sa kahihiyan. Ang lalakeng iyon! 

"Ang lakas ng loob niyang ipamukhang bata ako at walang panama sa mga babaeng nandoon. He even said na umuwi na ako at huwag akong maglaro sa lugar na ganoon. How dare him! Ang kapal kapal ng mukha niya! Hindi niya na raw kailangang lumapit sa babae dahil babar ang lumalapit sa kanya! Ang kapal talaga!" Bulyaw ko dahil sa inis at iritang nararamdaman ko.

Nagsuot ako ng maganda, nag-ayos ako tapos ganoon lang ang sasabihin niya? For the first time may nagsabi na bata ako! Nagsuot pa nga ako ng ganito tapos sasabihan lang niya akong bata?

"Well, he is so gwapo naman kasi talaga. Sa itsura nga talaga nito ay hindi na niya kailangang lumapit sa babae," sambit ni Bella. Binigyan ko siya ng madamang titig.

"And you think tamang ipagyabang iyon? Ang sabihin mo nagpapasikat siya! Hambog siya! Mayabang siya!"

Kinamot ni Bella ang ulo nito at napapailing na tignan kung gaano ako inis na inis.

"Totoo naman kasi na bata ka pa. Ipapaalala ko lang na 27 na ang lalakeng gusto mong paibigin kaya hindi na ako magugulat kung ang tingin niya sayo ay bata kasi bata ka talaga. You think ikaw lang ang nag-isip na paibigin ang isnag Maddix Villanueva? I don't think so."

Mas lalong naging masaa ang tingin ko kay Bella, pero hindi niya iyon inalintana. Tumawa pa ulit ito habang umiiling.

"I have a perfect body at my age, hindi ba niya iyon nakita? Hindi ba niya nakita na ang katawan ko ay hindi pang bata tulad ng sinasabi niya?"

Ngayon ay si Bella naman ang umirap.

"So what's your plan? Don't tell me you'll continue your plan after he says those things. Obviously he will never like you; you'll just waste your time," she said before taking her phone from the side.

Sa bahay nila ako umuwi dahil ayokong umuwi na ganito ang suot. Magpapalit ako rito at uuwi sa bahay. Walang problema kung dito ako matulog. Ang kailangan ko lang ay tumawag kay mama at magpaalam, pero ayokong maiwan ngayong gabi si mama dahil napapadalas ang pagsubok niya sa pagkitil ng buhay niya. May kasama naman kami sa bahay, pero gusto ko pa rin na nandoon ako.

Mama was suicidal; since I was 15 years old when Papa died, she tried to take her life several times. That is the reason I'm so angry with Maddix Villaranza. If my dad hadn't died because of him, mom wouldn't have thought of killing herself at sundan ang pagkamatay niya. 

She loves Papa so much that she can end her life just to follow him, but I just can't get her. Why do I feel like I'm not enough to give her strength? Am I not enough?

"Tutuloy ako. Hindi ako pwedeng sumuko. Kailangan kong magawa ang plano ko para man lang makapaghiganti sa kanya. Kung nakita mo lang sana ang ngiti niya kanina, nakakairita."

I heard Bella sigh after what I said.

"Pero paano nga? This is not really a good idea, Aliyah," malumanay na sambit na niya.

"Gagawa ako ng paraan," ma-ikling sambit ko dahil pagkatapos ng nangyare, hindi ko na rin alam kung paano ko isasagawa ang kailangan kong gawin.

Umuwi ako pagkapalit ko ng damit, ayaw kong umuwi ng bahay ng ganoon ang suot. Bumuntong hininga ako at lumapit kay mama na ngayon ay nakahiga at tulog sa kama niya. Lumapit ako at inayos ang kumot niya. Yakap-yakap nanaman nito ang letrato ni papa. It's been a years, pero subra pa rin siyang apektado, ako rin naman, pero kailangan kong magpakalakas para sa kanya.

Kahit hinang-hina na rin ako ay kailangan kong magpakalakas.

Hinalikan ko muna ang noo niya bago umalis at magtungo sa kwarto ko. Inabala ko ang buong gabi ko sa pag-iisip kung paano ko tuluyang makapasok sa buhay ng lalakeng iyon.

"Natapos na naming talakayin ang work immersion na gagawin niyo next month," tamad akong sumulyap sa harapan.

I'm in grade 12, and next school year will be college.  Last month pa nila pinag-uusapan ang tungkol sa immersion at mukhang ngayon ay nakapag-usap-usap na sila kung saan kami ilalagay.

"Kalahati sa inyo ay malalagay sa 5 star hotel, pero ang kalahati ay malalagay sa cruise ship."

Maraming nagulat sa narinig at nagsaya agad kahit na wala pa namang nababanggit na kompanya. Halos magising ang buong diwa ko sa narinig. 

"That's why it took so long to make a decision because the original plan was for you all to go to a 5-star hotel, but VICL already offered. Last year, they didn't accept, but now they are accepting."

Is this kind of a joke? O talagang subrang sinuswerte lang ako? Napasulyap ako kay Bella nang mapansin ang pag-sulyap niya. Kinagat ko lang ang labi para pigilan ang sariling ngumiti.

Tinaasan ko siya ng kilay nang itaas niya ang kamay.

"Kami po ba ang pipili kung saan kami mag wowork immersion? O kayo po ang aayos ng line up?" Tanong nito.

Napasimangot ako, pero napabalik din ang ngiti nang marinig ang sagot ni Mrs. Paliya.

"You are the one to choose. We will give you the opportunity to make a decision, but I just want to remind all of you that if you choose to be on a cruise ship, make sure that you will not get sea sick because of your ten-day work immersion. You will be inside the ship while it travels. Huwag naman sana na sa loob ng sampung araw ay imbes na makapag training kayo ay sa kubeta kayo at maghapong nagsusuka," nagtawanan ang ilan at nagturuan pa sa huling sinabi ni Mrs. Hufalar.

After she gave all the details of our upcoming work immersion, she left us for our next subject. As I thought, Bella quickly approached me.

"Saan kayo pupunta?" Mabilis na tanong ni Seji nang mapansin niya ang paghila sa'kin ni Bella. Si Seji ang pinaka close namin ni Bella sa buong section namin.

"What, Bella?" Takang tanong ko.

"Don't tell me sa cruise ship ka? Anong gusto mo? Magsuka hanggang sa matapos ang work immersion mo?" 

Ngumuso ako. Naisip ko na iyon, pero wala akong pakealam.

"Masasanay naman siguro ako--"

"And what if hindi sasakay yang Maddix Villaranza na yan? Edi wala rin? Sa 5-star hotel ka na lang," pamimilit niya.

She's right, pero paano kong sumakay siya?

"Sa cruise ship ako--"

"Ako rin sa cruise ship. Ano bang problema niyong dalawa at bigla-bigla n alang kayong umaalis?" Dahil sa paglapit ni Seji ay hindi na namin nagawang pag-usapan ni Bella pa ang tungkol doon.

Ilang buntonghininga ang pinakawalan ni Bella hanggang sa makabalik kami sa classroom. Tinapos ko ang lahat ng school activities ko. Sa nagdaang araw ay pilit akong kinukumbinsi ni Bella na 5-star hotel na lang, pero talagang doon ko gusto. 

5-star hotel ang pinili ni Bella, habang kami ni Seji ay sa cruise ship. Sampu lang kaming pumili ng cruise ship at mas marami ang sa 5 star hotel. Nakatitig pa lang ako sa malaking barkong nasa harap namin ay para na akong nalulula na ako, paano pa kaya kung nasa loob na ako. 

We are all excited at ito ang unang pagkakataon naming sumakay sa isa sa malalaking barko ng mga Villaranza. An employee had finished orienting us earlier, and he gave us assignments one by one.

Si Seji at tatlong kasama namin ay sa restaurant ng barko, habang ako at ang tatlo ring kasama namin ay sa mga kwarto. Ang dalawa ay sa bar ng barko.

Dahil hindi pa naman umaandar ang barko, maayos pa ang pakiramdam ko, sana lang ay kahit umandar na ay hindi ako mahilo. Sumunod ako sa isang empleyado nang sabihin nito sumunod kami. Pinakita niya kung saang kwarto kami mag lilinis at kung ano-anu pa na kailangan naming malaman.

Ilang sandali ay iniwan na kami para makapagsimula na. Nilibot ko ang tingin sa buong kwarto kung nasaan ako ngayon. Hindi ko maiwasang mamangha sa subrang ganda, kanina ay halos maglaway ako sa subrang ganda ng buong paligid sa Atrium. 

Lumabas ako para kumuha ng panlinis. Tulak-tulak ko na ang ilang panlinis nang maramdaman ang paggalaw ng barko. Sa unang galaw ay halos bumaliktad na agad ang sikmura ko.

Nangilid na agad ang luha ko nang muling gumalaw ito. Napahawak ako ng mahigpit at napapikit sa tulak-tulak kong lalagyan ng panlinis. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili, pero tuloy-tuloy na ang paggalaw ng barko. Napahawak ako sa bibig ko. Pagmulat ko ay kasabay non ang pagbuhay ng isang pinto sa hindi kalayuan sa'kin, then I saw a familiar eye. Kunot noo itong nakatingin sa'kin mula ulo hanggang paa at hanggang sa hawak kong mga panlinis.

"What are you-- hey!" Mabilis ang takbo ko papunta sa kanya. 

Tinulak ko siya at pumasok sa kwartong nilabasan niya. Wala akong pake kung siya ang may-ari ng barkong 'to! 

"Hey! What do you think are you doing?" Iritang habol nito at nagawa pang hawakan ang kamay ko para pigilan.

Hindi ko nagawang magsalita at nagpumiglas. Nang mabitawan ako ay tinungo ko ang isang pinto. Halos magpasalamat ako nang makakita ng toilet at hindi nagdalawang isip na sumuka roon.

Nagsuka ako roon at walang pakealam kung nanonood sa'kin ang may-ari ng barkong ito. Nang maging maayos ang sarili ay flinash ko ito at nanghihina akong lumapit sa sink para maghilamos.

Nang matapos ay napansin ko ang titig ni Maddix. Nakaawang ang labi nito habang nakatitig sa'kin. Nakasandal ito sa hamba ng pintuan ng Cr. I bit my lower lips when I saw his amused look, then he smirked.

Lumapit ito sa'kin. Napaatras ako nang pinagpantay niya ang tingin naming dalawa. Iniharang ko ang dalawang palad sa gitna namin at bumaba ang tingin niya roon. I saw him biting his lips while a smile played there.

"Ang baho mo, Bata," pang-aasar nito at inabot ang isang tuwalya sa gilid at nilagay sa balikat ko.

"L-Lumayo ka kasi. Sino ba nagsabing lumapit ka!" Sinubukan kong tapangan ang sarili ko. Naiinis ako kasi nanlalambot ako sa titig ng mata niya.

Lumayo siya at tinalikuran ako habang namumula ang buong mukha, pero bago lumabas ng tuluyan ay halos mas lalo akong namula. Gusto ko na lang kainin ako ng lupa.

"May toothbrush diyan na hindi gamit, you can use it," he said before closing the door between us.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status