The Good Lawyer's Impostor Wife

The Good Lawyer's Impostor Wife

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-09-23
Oleh:  Yuki AkaneBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
4Bab
7Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Mula sa isang huwad na hatol, pagkakakulong, at sunog na dapat sana’y kumitil ng kanyang buhay, muling isinilang si Beatrice Pascual sa katauhan ni Margaret Villacaceres. Sa likod ng bagong mukha ay naglalagablab ang paghihiganti laban sa mga taong umagaw sa kanyang kalayaan, anak, at pangalan. At sa gitna ng lahat, nakatayo si Atty. Theodore Galvez—ang abogado na siyang nagdiin sa kanya. Hindi niya alam, ang muling pagkikita nila ang magiging simula ng pinakamadilim at pinakamatamis na laro ng hustisya, pag-ibig, at paghihiganti.

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1

Sunod-sunod na umaagos pababa sa pisngi ko ang aking mga luha habang nakatingin sa abogado ng kabilang panig.

Si Atty. Theodore Galvez.

Galit kong pinagmasdan ang kabuuan ng kanyang mukha at pinakatandaan ang bawat detalye nito, para bang inuukit ko na sa isipan ko iyon. Hinding-hindi ko makakalimutan ang itsura niya.

Napatingin ang abogado sa akin at nagtama ang mga mata namin. Kalmado ang tingin niya, wala akong makita na kahit anong pag-aalinlangan sa kanya. Mula pagpasok niya sa courtroom, iisa lang ang reaksyon niya, at hanggang ngayon ay hindi pa rin iyon nagbabago.

Totoo nga ang sinasabi nila. Napakagaling niyang abogado. Nabaliktad niya ang kaso laban sa akin. Ako ang naidiin niya sa kasalang hindi naman ako ang gumawa.

"Beatrice Pascual, ikaw ay itinuturo ng mga ebidensya sa salang pagpatay sa iyong asawa. The facts presented have clearly established your direct participation, and no sufficient justification has been proven to lessen your liability.

Therefore, by the authority of the law, this Court sentences you to suffer the penalty of life imprisonment, to be served at the national penitentiary. You are likewise ordered to pay the corresponding civil indemnity and damages to the heirs of the victim, as provided by law.

This is the judgment of the Court. So ordered."

Gumuho ang mundo ko nang marinig ang pagbasa ng hatol laban sa akin, kasabay ng hiyawan ng mga tao na puno ng iba't ibang opinyon.

"H-Hindi! Hindi ako ang pumatay sa asawa ko!" malakas kong sigaw habang sunod-sunod na bumabagsak ang mga luha ko. "Walang katotohanan ang mga sinasabi at ibinibintang niyo sa akin! Hindi ko kailanman magagawang saktan at patayin ang asawa ko!"

Nakita ko ang mabilis na pagtayo ng mother-in-law ko. Mabilis siyang naglakad papalapit sa akin at malakas akong sinampal.

"Walanghiya ka! Minahal ka ng anak ko, bakit mo iyon nagawa sa kanya!" galit na galit siyang sumigaw sa akin. Kitang-kita ko ang pagkamuhi sa kanyang mga mata.

Umiling ako at sinubukang abutin ang kamay niya, pero itinaboy niya ako. "Ma, hindi totoo ang mga ibinibintang nila sa akin. Mahal ko si Felix kaya hindi ko magagawa na patayin siya—"

Hindi ko natapos ang sasabihin dahil muli akong sinampal ng mother-in-law ko.

"Dalhin niyo na sa kulungan ang babaeng yan!" utos niya sa mga pulis habang nakaturo sa akin. “Mamamatay tao ka!”

Sinubukan kong kumawala, pero kahit ano man ang pagpupumiglas ko at pagmamakaawa ay wala akong nagawa nang dakpin ako ng mga pulis. Hindi nila ako pinakinggan at pilit na ikinulong sa apat na sulok ng madilim na silid, at ang tanging makakapitan ko lang ay ang mga rehas na puno ng kalawang.

Halos madurog ang puso ko. Nagluluksa ako sa pagkamatay ng taong pinakamamahal ko, pero bakit? Bakit sa akin nila ibinibintang ang pagkamatay niya? Ang pagkawala niya ay labis ko ring ikinangungulila.

At kahit pagdalaw man lang sa libing niya at masilayan siya sa huling sandali ay hindi nila ako pinagbigyan. Hindi ko na mabilang kung ilang gabi o araw na ang nagdaan. Wala ni isa ang dumalaw sa akin. Kahit ang sarili kong kapatid ay hindi ko na muling nasilayan.

Nangako siya na iaapela namin ang kaso ko sa mas mataas na hukuman, pero ilang buwan na ang lumipas at unti-unti na akong nabubulok sa loob ng masikip at madilim na selda.

Ano bang kasalanan ko at pinarurusahan ako nang ganito?

Wala akong ginawang mali. Pinilit kong maging mabuting anak, kapatid, kaibigan, at asawa, pero sa kabila ng lahat, nagdurusa ako sa salang hindi ko naman ginawa.

Unti-unti akong nawalan ng pag-asa, at kahit katiting na liwanag ay hindi ko na matanaw. Pero pinilit ko, lumaban ako, at nanatili akong matatag para sa batang nasa sinapupunan ko. Ang anak ko na lang ang natitirang rason para magpakatatag.

Isinilang ko ang anak ko na malusog, at sa unang pag-iyak niya ay muling nabuhay ang pag-asa sa puso ko. Ngunit pati siya ay ninakaw sa akin ng pamilya ng aking asawa at hindi ko na siya muli pang nasilayan.

Tuluyan akong pinanghinaan ng loob at kinain ng lungkot. Hindi ko magawang kumain. Napapagod na akong imulat ang mga mata at tanging hinihiling ko na lang ay bawian na akong buhay.

Mukhang narinig ako ng Maykapal at pinakinggan niya ako dahil noong gabing iyon ay binalot ng malaking sunog ang City Jail.

Unti-unting nalagot ang hangin sa katawan ko at ramdam ang bawat paglamon ng apoy sa akin. Napuno ng hiyawan at paghingi ng tulong ang selda kung saan ako.

Natataranta ang lahat, nagwawala, at umiiyak sa sakit, pero mukhang ito na ang kapalaran namin… ang katapusan naming lahat. Buhay pa man ay gusto na nila kaming sunugin sa impiyerno.

Sabay-sabay kaming tutupukin ng apoy para maging abo hanggang sa huling hibla ng mga buhok namin.

Ito na ang hinihintay ko. Ang pagdating ng sarili kong kamatayan.

Nandilim ang paligid at nawalan na ako ng malay. Hindi ko alam ang mga sumunod na nangyari.

"Christian, gaano kalala ang pagkasunog ng mukha niya? May magagawa ka pa ba para maibalik sa dati ang itsura niya?"

"Daphne, apekto hanggang pangalawang layer ng balat niya. Wala ng paraan pa para maibalik sa dati ang itsura niya. Kakailanganin niya ng bagong mukha."

Dinig ko ang usapan mula sa hindi pamilyar na boses ng isang babae at lalaki, pero hindi ko man lang naaninag ang mga mukha nila. Mas ramdam ko at dinadaing ang hapdi sa buong katawan, ang bigat ng mga talukap ng mga mata ko.

"She's awake!"

Unti-unti kong iminulat ang mga mata, at doon nakita ang mukha ng babae at lalaki. Nakasuot sila ng puting gown, guwantes, at nakatakip ang ibabang bahagi ng mga mukha.

Ilang kurap pa ang ginawa ko at nagpumilit akong bumangon. Nagtataka akong napatingin sa kanila, inilibot ang mga mata sa buong paligid, pero hindi naging pamilyar ang buong silid.

"S-Sino... kayo? Nasaan ako? Anong nangyari?”

"Huwag kang matakot, Beatrice. Hindi kami masamang tao. Kakampi mo kami at ligtas ka rito," sagot ng babae at hinaplos ang balikat ko. “Hindi ka namin sasaktan.”

Ang daming tanong ang gumugulo sa isip ko. Ang tanging naaalala ko lang ay nasusunog ang buong kulungan at tuluyan na akong nawalan ng malay, pero bakit?

Bakit buhay pa rin ako?

"Iniligtas niyo... ako sa sunog?”

Bakit nila iyon ginawa? Sino sila at bakit nila ako tinulungan?

Nagkatinginan ang dalawa at sabay na tumango. Inabot ng babae ang isang salamin sa lalaki bago niya inilapit ang labi sa tainga ko.

Napupuno ako ng kaba. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko ay siyang patunay na nakaligtas ako mula sa sunog. Pero mas naguguluhan lang ako sa mga nangyayari, kung saan dama ko ang pagkirot ng bawat laman sa katawan ko, ang bigat ng mga kamay at paa ko, at ang hirap na pagkibot ng mukha ko.

Bakit hindi pa ako namatay? Bakit nabuhay pa ako kung puro pagdurusa lang din ang nararanasan ko?

Nawala na ang lahat sa akin. Patay na ang asawa ko. Kinuha pa sa akin ang anak ko. Ano pang silbi ng buhay ko?

"Pagmasdan mo ang mukha mo. Pagmasdan mong mabuti ang ginawa nila sa 'yo, Beatrice," mariing bulalas ng babae. "Hindi pa sila kuntento na ipakulong ka. Ipinasunog pa nila ang kulungan para matiyak na mamamatay ka talaga roon. Hindi na halos makilala ang itsura mo. Para kang isang halimaw na may nakakadiri na istura. At sila ang may gawa niyan sa'yo. Itanim mo sa puso mo ang lahat ng galit sa mga taong umapi sa'yo, sa mga taong nagpakulong sa'yo, sa mga taong nagnakaw sa anak mo, sa mga taong nagtangka kang patayin. Dahil simula ngayon, papatayin mo na si Beatrice Pascual. Simula sa araw na ito, ikaw na si Margaret Villacaceres. Balikan mo ang lahat ng may kasalanan at nagpahirap sa'yo. Gamit ang pangalang 'yan at ang bagong mukha, maghihiganti ka sa kanilang lahat."

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

Tidak ada komentar
4 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status