LOGINUpdate again dito...
FERLYHindi ko maalis ang tingin ko kay Mama.Ilang araw kong hinintay na kausapin niya ako. Ilang beses din akong sumubok na lumapit sa kaniya, pero lagi niya akong iniiwasan.Kaya ngayong narinig kong ipinagtatanggol niya kami ni Jyrone, hindi ko alam kung paano ko pipigilan ang pag-iyak.“Ma…” Mahina ko siyang tawag.Napatingin siya sa akin. Namumula ang mga mata niya, at bakas pa rin sa mukha ang sakit na dulot ng pagkawala ni Lola.“Halika rito, Ferly.”Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Mabilis akong lumapit sa kaniya, pero bago pa ako tuluyang makayakap, muli siyang nagsalita.“Umuwi ka muna at magpahinga.”Napatigil ako.Akala ko, mayayakap ko na siya. Sa wakas, mararamdaman ko na naman ang pagmamahal niya.Pero pinauuwi niya ako. Para magpahinga? O talagang ayaw pa rin niyang makasama ako?Nilunok ko ang pait na nararamdaman ko.“Ma, kaya ko pa naman po. Ayokong iwan kayo rito.”“Kaya? Tingnan mo nga ang sarili mo. Halos hindi ka na makatayo nang maayos. Ilang araw ka nang h
FERLYMula sa ospital, sa morgue, maging sa lamay ni Lola, hindi pa rin ako pinapansin ni Mama. Maski tingnan man lang niya ako, hindi niya ginawa.Ilang beses ko ring sinubukang lapitan at kausapin siya, pero lagi siyang umiiwas.Kaya hinayaan ko na lang. Sigurado akong ako rin ang sinisisi niya sa pagkawala ni Lola.“Ferly…” Mahinang pinisil ni Jyrone ang kamay ko. Katabi ko siya. Tinatanaw namin si Mama na kanina pa nakatayo sa harap ng kabaong ni Lola.Humihikbi pa rin siya. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na niyang pinunasan ang mukha niya o ilang beses na siyang huminga nang malalim.Inihilig ko na lang ang ulo ko sa balikat ni Jyrone.Maya-maya’y dumating si Papa. Pinilit niya si Mama na umupo muna at magpahinga.Nakailang suyo pa si Papa bago siya sumama rito at umupo sa pinakaharap na upuan habang iniiwasan pa rin niyang mapatingin sa akin.Si Papa lang ang bahagyang ngumiti sa amin ni Jyrone.Malungkot na ngiti ang isinagot ko sa kanya.“Ferly… magpahinga ka muna,”
FERLYBinasag ng hikbi ni Mama ang mahabang katahimikan.Parang ngayon lang siya nahimasmasan.Bigla siyang tumayo at patakbong lumabas ng bahay.Pero wala na si Papa Daniel. Kanina pa umalis ang kotse niya.Napaupo naman si Mama sa bungad ng pinto at tuluyang humagulgol.At ako, napatakip na lang ng bibig. Kahit anong pigil ko, napapahikbi rin ako.Maging si Lola ay naiiyak na rin. Humagulgol na parang sinisisi niya ang sarili sa mga nangyari.Ito ang eksenang kinatatakutan kong mangyari noon pa man.Pero heto na.Talagang nangyayari na. Nararanasan na namin. Hindi ko ma-explain ang sakit. Nakakapanghina ang sakit. Tumatagos hanggang buto ko.At wala akong magawa kundi ang umiyak din.Kahit aluin sila… magsabi ng magagandang salita para kahit kaunti ay maibsan ang sakit na nararamdaman nila, hindi ko magawa.Kasi ako...Kami ni Jyrone ang dahilan ng lungkot nila.Naramdaman ko na lang ang haplos ni Jyrone sa likod ko.Tumingin ako sa kanya.Sa mga mata niyang parang pilit akong pinap
FERLYNapatayo si Mama.Nagpalipat-lipat ang tingin niya kina Papa at Jyrone, na parang pinaghahambing ang hitsura ng dalawa.“Si Jyrone… anak mo?” Napuputol at nanginginig ang boses ni Mama.Namula na rin ang mga mata niya na parang maiiyak na.Mas humigpit ang pagkakahawak ni Jyrone sa kamay ko nang iamba at ituro siya ni Mama.Akmang tatayo si Papa para hawakan ang mga braso ni Mama, ngunit marahas siyang itinaboy at winaksi nito.Tuluyan na ring pumatak ang mga luha ni Mama.“Kailan pa? Kailan mo pa nalaman na anak mo si Jyrone? Answer me, Daniel!”Napasinghap ako. Ramdam kong nadudurog si Mama, pero hindi ako makalapit sa kanya. Wala akong magawa kundi panoorin lang siya.“Noong unang araw na pumunta siya rito,” yuko ang ulo na sagot ni Papa.Umiiyak na tumawa naman si Mama. Isang tawang puno ng pait at panlulumo.“Gano’n na katagal? Dios mio, Daniel… Pinagmukha n’yo kaming tanga! Nanood ka lang na inasawa ng anak mo ang anak ko.”Bago ko pa mapigilan si Jyrone, mabilis na siyang
FERLYIlang minuto na kaming nakatayo sa harap ng lumang bahay, pero hindi ko pa rin magawang humakbang papasok. Nakatingin lang ako sa pintong ilang hakbang ang layo mula sa amin. Ilang beses kong naiisip kung ano ang magiging unang reaksyon nina Mama at Lola sa pagkikita namin pagkatapos ng ilang buwang walang komunikasyon. Pero ngayong nandito na kami, parang biglang nawala lahat ng naiisip kong sasabihin. Nang tumawag si Fernan at sabihing pumunta ako rito, nagulat ako. Kinabahan nang sobra. Nagdalawang-isip. Bakit, matapos ang ilang buwan, bigla nila akong pinapapunta? Pero sa huli, pumayag ako. Umaasang patatawarin na nila kami.“Ferly.”Napalingon ako kay Jyrone nang marahan niyang pinisil ang kamay kong hawak niya.“If you’re not ready to see them, we can leave.”Umiling ako.“Nandito na tayo.”Tumingin ako ulit sa bahay.“Wala nang atrasan.”Sandali niya akong pinagmasdan bago siya bahagyang tumango.Sabay kaming bumuga ng hangin at sabay na naglakad papasok sa lumang b
FERLY“Jyrone, ano na naman ba ’yan?”Napapailing ako habang nakatingin sa bitbit ni Jyrone.“Shoes for the baby…” Nakangiting inangat niya ang isang pares ng sapatos.Kinuha ko iyon at ibinalik sa lalagyan.“Hindi pa ’yan magagamit ni baby.”Nandito kami ni Jyrone sa mall para mamasyal. Kanina pa kami naglilibot para mamili ng mga gamit para sa baby namin.“Sister-in-law… Ito, bagay kay baby.”Napahawak ako sa noo ko nang makita ang denim pants na hawak ni Leandro.Kinuha ko rin iyon mula sa kaniya.“Talagang magkapatid kayo. Puro hindi pa magagamit ni baby ang binibili ninyo.”Parehong humaba ang nguso nila.Itinuro ko ang mga lampin, baby mittens, at damit para sa newborn.“Ito ang kailangan natin.”Halos lahat ng magagamit ko sa araw ng panganganak ay nabili na nila.“Sigurado ka bang kumpleto na ’to?”Tinitingnan ni Jyrone ang laman ng cart.“Oo.”Napangiti na lamang ako habang pinapanood ko silang pumipila na sa counter.Umupo muna ako dahil medyo nangalay na ang mga paa ko.Hin







