Hindi siya sumagot. Tumitig lang siya sa akin, at sa klase ng tingin na iyon, parang unti-unting bumaba ang guard niya.At ewan ko ba.Para akong hinihila palapit.Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko hanggang sa tuluyang lumapat ang labi ko sa kanya.Saglit siyang natigilan.Tapos, gumanti siya.Sandali lang.But damn…parang may sumabog na fireworks sa dibdib ko.Hinapit ko ang baywang niya.“Jyrone…”Umatras siya agad. Namula. Saka tumikhim.“Let’s go. I’m hungry.”Narinig ko ang sinabi niya, pero parang nabingi ako. Hinawakan ko ang labi ko, para bang nahalikan ako ng diwata.“Darling…” Lumapit ako sa kanya, hindi mapigilan ang ngiti. “You kissed me back, right?”Hindi siya sumagot. Nagkibit-balikat lang.“Halika na,” bulong niya, sabay hila sa braso ko.At nagpaubaya ako.Siyempre.Mahal ko, eh.Kahit saan niya ako dalhin, automatic na susunod ako.Habang naglalakad kami palabas, hindi ko maalis ang tingin sa kanya.Siya naman, pasimpleng sumusulyap sa akin, tapos biglang iiwas
Read more