LOGINParamdam po kayo, kung may'ron man nagbabasa...
JYRONE“Jyrone, answer me!” Tumaas ang boses ni Mama. Medyo pumiyok.“Nagkita kayo ni Daniel?” Niyugyog niya ako.Saka lang ako parang nahihimasmasan.“Ma—”“Tell me the truth, Jyrone.”Imbes na sumagot, napatingin ako kay Papa. Gusto kong tulungan niya ako. Pero umiling siya. Bumagsak ang balikat, na parang sinasabing wala na siyang magagawa.Nahagod ko ang buhok ko. Tumingin kay Mama. Pero hindi ko pa rin magawang magsalita.Hindi ko alam kung anong kasinungalingan na naman ang sasabihin ko, mawala lang si Daniel sa isip niya.“Ma, hindi po…” Ayon. Nakaya ko ring ibuka ang bibig ko. Pero pumiyok ang boses ko.Halatang guilty. Halatang may tinatakpan, na mapait na ikinangiti ni Mama.“Anong hindi? I clearly heard it, Jyrone!”Hindi na naman ako sumagot. Hinawakan ko ang kamay niya. Pinaupo siya. Sumunod naman siya, pero hindi ako tinantanan ng tingin.Maging si Papa Leon ay hindi nakatakas sa matalim niyang tingin.“Alam mo rin, Leon?” tanong niya kay Papa.Hindi rin makasagot si Papa
JYRONENakuyom ni Daniel ang kamao niya habang pasulya-sulyap sa paligid, para bang may kinatatakutan na may ibang nakakarinig sa sinabi ni Ferly.Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa amin hanggang sa tuluyan siyang huminto sa harap namin. Ngunit hindi niya magawang ibuka ang bibig niya. Paulit-ulit lang siyang bumuntong-hininga habang nakatitig kay Ferly.Naikuyom ko na lang ang kamao ko.Ramdam ko na kasing nahihirapan si Ferly na intindihin si Daniel.‘Yong pakiramdam na nangangapa kung ano ba talaga ang totoo. Ang hirap sa kalooban.Iniangat niya ang kamay niya at hinawakan ang balikat ni Ferly. Mahigpit ang hawak niya, pero may bahid ng pag-aalangan, na para bang hindi siya sigurado kung ano ang sasabihin.“Ferly…” mahina niyang sabi, halos paos. “Pagpanggap na lang kayong walang narinig, puwede ba?”“Why?” Tumaas ang boses ni Ferly. Pumiyok. Halatang pinigil ang matinding emosyon.“Kasi ayokong mapahamak kayo—”Hindi magawang tapusin ang salita.Napayuko rin siya, sabay bitaw
JyroneTuluyang pumasok si Daniel sa loob ng presinto nang hindi man lang lumilingon. Diretso lang ang lakad niya, parang may hinahabol. Parang natatakot na maunahan siya.“Sir…” mahinahong tawag ng imbestigador sa tabi ko. “Papasok pa po ba kayo, o susundin na lang po natin siya?”Hindi agad ako sumagot. Sa halip, napatingin ako kay Ferly.Nakatutok pa rin ang tingin niya sa pintong pinasukan ni Daniel.Hindi ko man mahulaan ang nasa isip niya, malinaw sa mukha niya ang pagtataka.“Hey…” Marahan kong hinaplos ang likod niya.Saka lang siya tumingin sa akin. May lungkot sa mga mata niya. Matamlay, parang kinakabahan.“Are we going in?” tanong ko, mahinahon ang boses.Tumango siya at siya ang unang naglakad. Hindi na niya kami nilingon.Sinundan ko ang mabagal niyang paglalakad.Kada hakbang niya, parang pinipiga ang puso ko.Ang gusto ko lang naman noon ay mahalin si Ferly at maging masaya kami kahit kumplikado ang sitwasyon.But shit.Para kaming pinaparusahan.Puro na lang problema a
JyroneHindi ako mapakali buong araw.Kaharap ko nga ang telebisyon, parang nag-e-enjoy sa pinapanood, pero ang totoo, wala roon ang isip ko. Hindi ko nga alam kung ilang beses ko nang tinapik ang dibdib ko; ilang beses na rin akong uminom ng tubig. Sandali lang gumagaan ang pakiramdam ko, pero wala rin.Hindi pa rin naaalis ang bigat. Ang sikip pa rin ng dibdib ko. Ang hirap huminga.Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang boses ni Papa. Ang paraan ng pagsabi niya, hindi galit, pero mas mabigat. Mas bumaon sa puso ko.Find the courage.Napapapikit ako. Kasunod kasi niyon ang imahe ni Mama. Kung paano siya ngumiti kanina, kung paano niya ako niyakap, na parang wala siyang kahit anong duda sa akin.Parang walang mali.“Jyrone…”Napamulat ako at napatingin kay Ferly na nasa tabi ko lang, pero hindi ko ramdam kanina.Tahimik lang siya, pero halata sa mga mata niya na matagal na niya akong pinagmamasdan.“Are you okay?”Mabilis akong tumango kahit hindi naman totoo. “Yeah. I’m fine.”Hindi
JyroneParang huminto ang oras pagkatapos magsalita si Ferly.Napatingin kaming lahat sa kanya.Umawang pa ang labi ko.Si Tita Felicia ang unang nakabawi. Pumihit ang katawan niya sa direksyon namin.“Ano?” Naguguluhan ang boses niya. Nanliit ang mga mata. “Bakit naman, Anak?”Bahagya siyang napasandal sa upuan habang nakatingin kay Ferly, tila hindi agad naproseso ang sinabi nito.“Hindi ba ito naman ang gusto ninyo? Nagmamadali nga kayo…” dagdag niya.Hindi agad sumagot si Ferly.“Desidido na kayong magpakasal agad. Ngayon na pumapayag na kami, ikaw naman ang umaayaw,” puno ng dismaya ang boses ni Lola Paz.Nakagat ni Ferly ang ibabang labi niya. Ako naman ay pinisil ang kamay niya.Huminga siya nang malalim bago tumingin sa mama niya.“Hindi po sa ayaw ko,” sabi niya.Mahina ang boses niya, pero malinaw.“Mali po kasi ang timing.”Napakunot ang noo ni Tita Felicia.“Anong ibig mong sabihin?”“May problema pa tayo, Ma.” Tumingin siya kay Lola, matapos sa mga magulang ko. “Hindi pa
JyroneHindi ko alam kung ilang minuto na akong hindi humihinga habang naghihintay na may sumagot sa tanong ni Mama.“Daniel…?” Ulit niya.Mas mahina ang boses niya, pero malinaw kong naririnig.Para akong natuod. Ni kaunting galaw, hindi ko na magawa. Pero ang mata ko, diretso ang tingin kay Mama at Papa na tahimik lang sa tabi ni Papa. Ang mata, blangko na parang malalim ang iniisip.Isang buntong-hininga ang nagpapihit sa ulo ko. Si Tita Felicia. Nakapatong ang mga kamay sa kandungan niya. May bahid ng pagtataka ang mga mata habang nakatingin kay Mama at Papa.Si Lola Paz naman ay rin hindi gumagalaw sa kinuupuan niya. Nakapatong pa rin ang mga kamay niya sa tungkod habang diretso rin ang tingin kina Mama at Papa.Ramdam ko ang marahang paghila ni Ferly sa laylayan ng T-shirt ko.Sobrang mahina pero sunod-sunod.Huminga ako nang mabagal. Pinilit kong ngumiti sa kanya, kahit ang totoo, ang sakit na ng ulo ko. Parang puputok na ang ugat sa sintido ko.Kaunti na lang, malalagutan na
Ilang ulit akong lumunok, inaalis ang humarang sa lalamunan kong pumipigil sa pagsasalita ko.Si Ferly, napatitig sa akin. Seryoso ang mukha habang tumayo nang maayos, pero ni saglit, hindi ako tinantanan ng tingin.Kita ko ring unti-unting nanginig ang labi niya, na parang maiiyak na.I held her ga
FERLYAlam kong mali na isuko ko ang sarili kay Jyrone. Hindi lang tuntunin ng pamilya ko ang sinuway ko. Nilabag ko rin ang tuntunin ko sa aking sarili. Ang panata kong manatiling malinis hanggang kasal.Pero hindi ko pinagsisisihan. Sumuko ako, hindi dahil nadala ako sa init o pang-aakit. Sumuko a
Tumawa ako. ’Yong tawang siguradong magpapakulo sa dugo ni Daniel at Calvin, pero magbubura sa duda ni Ferly. Inayos ko ang tinidor sa plato niya at dahan-dahang inangat ang kamay ko, pinahid ang gilid ng labi niya gamit ang hinlalaki ko.Napahawak din siya sa labi niyang may bahid ng creamy sauce.
Paghinto ng kotse, agad akong bumaba at tahimik kong pinagbuksan si Ferly ng pinto.Tahimik din siyang bumaba, inayos ang bag sa balikat niya, at sandaling tumingin sa akin.Mula nang umalis kami sa restaurant, ganito na kami. Pasulyap-sulyap lang sa isa’t isa, pero wala ni isa sa amin ang sumubok m







