Share

Love Scam 75:

Penulis: Hiraya_23
last update Tanggal publikasi: 2026-10-13 23:09:09

“Bakit, Charlotte? Nagulat ka ba?” ang boses ni Vanessa ay paos, mababa, ngunit puno ng matinding lason. Dahan-dahan siyang humakbang pasulong, bagaman medyo umuuga ang kaniyang tindig dahil sa epekto ng pampalambot ng kalamnan.

“Akala mo ba magtatagumpay kayo ng asawa ko? Akala mo ba hahayaan kong mabubulok ako rito habang ikaw ay nag-aastang bagong reyna sa West Wing?!”

“V-Vanessa, makinig ka... nagkakamali ka, pakiusap ibaba mo 'yan!” umiiyak na pakiusap ni Charlotte, awtomatikong napahakban
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Contracted To Break The Billionaire's Heart   Epilogue!

    Lumipas ang tatlong buwan. Ang proseso ng annulment sa paggitan nina Niorr at Vanessa ay mabilis na natapos sa tulong ng mga matataas na opisyal at ng walang-butas na ebidensyang hawak ng mga Figarlan lawyers.Opisyal nang nawalan ng karapatan si Vanessa sa apelyidong Figarlan, sa yaman ng kumpanya, at sa custody ng bata.Ang kaniyang sentensya ay pansamantalang sinuspinde dahil sa kaniyang medikal na kalagayan, ngunit siya ay nakatakdang ilipat sa isang high-security psychiatric facility sa labas ng siyudad.Hapon na, ang sikat ng araw ay nagbibigay ng ginintuang kulay sa malawak na hardin ng Figarlan Estate.Nakatayo si Niorr sa balkonahe ng Master Suite, suot ang isang simpleng puting button-down shirt. Sa kaniyang tabi ay si Charlotte, suot ang isang napakagandang puting silk dress na pinili para sa kaniya. Ang kaniyang maamo at inosenteng ganda ay nagliwanag, wala na ang bakas ng takot o pangamba.Sa loob ng kaniyang mga braso, mahigpit niyang kalong ang isang malusog na sanggol

  • Contracted To Break The Billionaire's Heart   Love Scam 77:

    Dalawang araw matapos ang emergency operation, dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Vanessa sa loob ng kaniyang pribadong silid sa medical wing.Ang amoy ng antiseptic, ang tunog ng heart monitor, at ang malamig na hangin ng aircon ang sumalubong sa kaniyang paggising. Ang kaniyang buong katawan ay nakakaramdam ng matinding pananakit, partikular na sa kaniyang ibabang bahagi. Ngunit ang kaniyang unang naging reaksyon ay ang ilipat ang kaniyang kamay patungo sa kaniyang tiyan.Patag. Masyadong patag.Nanlaki ang mga mata ni Vanessa sa matinding takot. Subalit bago pa man siya makapagsalita o makasigaw, narinig niya ang isang malamig at baritonong boses mula sa gilid ng kama.“The child is alive, Vanessa. But he is currently inside the NICU fighting for his breath.”Nilingon niya ang direksyon ng boses at nakita si Niorr. Nakaupo ito sa isang leather chair, nakadekuwatro ang mga binti, at ang kaniyang mga mata ay kasing lamig ng yelo. Sa kaniyang kandungan ay nakapatong ang marriage cer

  • Contracted To Break The Billionaire's Heart   Love Scam 76:

    Ang tunog ng pagtama ng katawan ni Vanessa sa solidong sulok ng mahogany coffee table ay tila isang malakas na kulog na bumasag sa katinuan ng lahat ng nasa loob ng silid.Isang segundo ng nakakabinging katahimikan ang namayani—isang segundo kung saan huminto ang pag-ikot ng mundo.“Ahhh...!” Isang gipit, paos, at puno ng matinding sakit na daing ang kumawala sa mga labi ni Vanessa habang dahan-dahan siyang gumagapang patungo sa malamig na marmol na sahig.Ang kaniyang magkabilang kamay ay awtomatikong lumipat at humawak nang mahigpit sa kaniyang umuumbok na tiyan.Nanlaki ang mga mata ni Charlotte sa matinding sindak. Ang kaniyang konsensya, na kanina pa siya pinahihirapan, ay tuluyan nang sumabog nang makita ang kaniyang kaibigan na namamaluktot sa sahig.“Vanessa...!” palahaw na sigaw ni Charlotte habang walang pag-aalinlangang lumuhod sa sahig at mabilis na lumapit sa kaibigan.Nanginginig ang kaniyang buong katawan, at ang kaniyang mga luha ay mabilis na pumatak sa kaniyang mga p

  • Contracted To Break The Billionaire's Heart   Love Scam 75:

    “Bakit, Charlotte? Nagulat ka ba?” ang boses ni Vanessa ay paos, mababa, ngunit puno ng matinding lason. Dahan-dahan siyang humakbang pasulong, bagaman medyo umuuga ang kaniyang tindig dahil sa epekto ng pampalambot ng kalamnan.“Akala mo ba magtatagumpay kayo ng asawa ko? Akala mo ba hahayaan kong mabubulok ako rito habang ikaw ay nag-aastang bagong reyna sa West Wing?!”“V-Vanessa, makinig ka... nagkakamali ka, pakiusap ibaba mo 'yan!” umiiyak na pakiusap ni Charlotte, awtomatikong napahakbang paatras hanggang sa tumama ang kaniyang likod sa gilid ng vanity table. “Buntis ka, Vanessa! Baka kung anong mangyari sa baby... pakiusap, huwag mong gawin 'to!”“Huwag mo akong ma-buntis-buntis ngayon, hampaslupa!” palahaw na sigaw ni Vanessa, ang kaniyang mukha ay namumula sa matinding inggit at pagkabaliw. “Ang batang 'to? Ito lang naman ang dahilan kung bakit hindi ako pwedeng burahin ni Niorr, hindi ba?! Pero ikaw... ikaw ang kumuha ng atensyon niya! Ikaw ang gusto niyang maging asawa! Sa

  • Contracted To Break The Billionaire's Heart   Love Scam 74:

    THIRD PERSON’S POVSa loob ng lower library ng West Wing, tahimik na nakaupo si Charlotte sa isang malambot na sofa.Hawak niya ang isang lumang nobela, ngunit ang kaniyang mga mata ay kanina pa nakatitig sa iisang pahina.Ang kaniyang isip ay patuloy na binabagabag ng nakakaluray na konsensya. Ang bawat alaala ng marahas at mapusok na halik ni Niorr noong gabing iyon sa private rest suite ay tila isang matulis na patalim na sumasaksak sa kaniyang moralidad bilang isang kaibigan.Ahas ako... ahas ako sa taong nagpakain sa akin...Biglang bumukas nang marahas ang double doors ng library, na nagpatalon kay Charlotte sa matinding gulat. Pumasok ang head security guard, hingal na hingal at namumutla ang mukha.“Miss Charlotte! Kailangan niyo pong sumama sa akin sa East Wing ngayon din!” taranta nitong saad.Mabilis na napatayo si Charlotte, nalaglag ang hawak niyang libro sa sahig. “B-Bakit? Anong nangyari kay Vanessa? Ang baby?!”“Nagwawala ang kaniyang blood pressure, Miss Charlotte! Sa

  • Contracted To Break The Billionaire's Heart   Love Scam 73:

    Mabilis na lumipas ang mga oras at ang makulimlim na kalangitan sa ibabaw ng Figarlan Estate ay tuluyang nilamon ng kadiliman ng gabi. Alas-sais na ng gabi nang pumasok ang bulletproof na Maybach ni Niorr sa malawak na driveway. Bakas sa kaniyang matikas na mukha ang matinding pagod mula sa maghapong pakikipagpulong sa mga banyagang investors, ngunit ang kaniyang mga mata ay agad na naghanap nang pumasok siya sa main hall.“Nasaan si Charlotte?” malamig na tanong ni Niorr kay Sebastian na agad na kumuha ng kaniyang briefcase at coat.“Nasa lower library po, Sir Niorr,” pormal na sagot ng head butler habang yumuyuko nang bahagya. “Ayon po sa utos ninyo, hindi po siya lumabas doon at sinigurado po ng security na wala siyang naging problema.”Tumango si Niorr nang pinal, bahagyang lumambot ang kaniyang panga bago naglakad patungo sa kaniyang private study sa West Wing upang magpalit ng kasuotan at asikasuhin ang ilang huling email.Samantala, sa loob ng East Wing suite, ang tensyon sa pa

  • Contracted To Break The Billionaire's Heart   Break Him 12:

    Sylviea’s Point of ViewFigarlan Tower.Halos dalawang lingo na matapos ang nangyaring insedente sa Sky Island Paradise project. Isa sa tatlong major investors ang umatras kahit pa hindi pa natatapos ang ginagawang investigation sa nangyari.Ang totoo, halo halo na ang mga dahilan ng kaba at takot k

  • Contracted To Break The Billionaire's Heart   Break Him 11:

    Sylviea's Point Of View“Viea, go to the exit. Now.” Anito na mas lalong nagpabigat sa nararamdaman ko! Bakit? Bakit niya ba ako inaalala ng ganito?“N-Niro—” nahinang saad ko pero hindi ko magawang tapusin.Whoosh!Isang mabilis na ningas ng asul na apoy ang gumuhit sa kisame—isang flash fire. Hind

  • Contracted To Break The Billionaire's Heart   Break Him 7:

    Binaling muli ni Niro ang tingin sa akin, at sa isang iglap, bumalik ang lambot sa kanyang mga mata. “Are you hurt? Ano'ng ginagawa mo rito?”“D-dinalhan lang kita ng lunch,” mahina kong sagot, pilit na inaayos ang sarili habang nakasandal pa rin sa dibdib niya. “N-naisip ko kasi na baka hindi ka p

  • Contracted To Break The Billionaire's Heart   Break Him 5:

    Sylviea De Guzman’s Point Of ViewMarahan kong imunulat ang mga mata ko, umaga na pero pakiramdam ko kulang ako sa tulog.Agad akong napabalikwas ng bangon ng maalala ang ginawa ko kagabi, agad kong sinilip kung nasa ilalim nga talaga ng unan ko ang folder na kinuha ko.Nandito nga.Kasabay noon, ta

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status