Binaling muli ni Niro ang tingin sa akin, at sa isang iglap, bumalik ang lambot sa kanyang mga mata. “Are you hurt? Ano'ng ginagawa mo rito?” “D-dinalhan lang kita ng lunch,” mahina kong sagot, pilit na inaayos ang sarili habang nakasandal pa rin sa dibdib niya. “N-naisip ko kasi na baka hindi ka pa kumakain.” Isang tipid na ngiti ang sumilay sa kanyang labi. “You came all the way here just for this?” Kinuha niya ang mga bitbit ko. At imbes na bitawan ang beywang ko, muli siyang yumukod para ipasok ang isang kamay niya sa ilalim ng tuhod ko, carrying me papasok sa loob elevator. “Let's go to my office.”Sa loob, banayad akong binaba ni Niro pero nanatiling nasa beywang ko ang isang beywang niya. Pagkasara ng pinto, agad siyang tumingin sa akin. Sobrang lapit ng mukha niya, rinig na rinig ko ang bawat paghinga niya.Sandali akong napalunok, akmang iiwas ng tingin ng bigla niyang hinarap ang katawan niya sa katawan ko, inabot ang isang kamay ko. Pinned it against the wall of the el
Read more