Share

Chapter 54

What? Tama ba ang narinig ko? Ang isang Alpha na katulad niya ay basta na lang iniwan? Sabagay, hindi naman kasi lahat ng mga babae ay nakukuha sa mga katangian na meron siya.

Natagpuan ko ang aking sarili na naaaliw sa mga nalalaman kay Liam tungkol sa Alpha kaya nagtanong pa ako.

"Ilang taon ba siya nung iniwan siya?"

Natawa si Liam dahil sa tanong kong iyon. "I'm not sure though. Maybe 15?"

15? Hindi ba ay masyado pang bata ang edad na iyon upang magmahal?

"Yung babae, kilala mo ba? Taga Magnuth ba siya?"

Napansin ko na bahagyang natigilan si Liam. Bigla rin siyang naging alerto at bahagyang umiwas.

"I-I don't know. He didn't gave enough details about her."

"Even her name?" nakataas kilay kong tanong.

"Yes. Even her name," he confirmed.

Duda ako dun. Magkaibigan sila pero hindi man lang sinabi ang pangalan ng babae sa kanya? I know men. Mas matindi pa silang magtsismisan pag ang babaeng gusto nila ang kanilang

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status