Share

Broken Contract with My Client
Broken Contract with My Client
Author: AMVO

Chapter 1

Author: AMVO
last update publish date: 2026-10-13 00:11:01

POV: Wren's Perspective

Hawak ko ang piraso ng papel habang nanginginig ang mga daliri ko sa loob ng CR ng clinic ng kumpanyang aking pinagtatrabahuhan. Sa bawat mabilis na pag-angat at pagbaba ng dibdib ko, naiiyak ako sa tuwa na tila sumasabay ang buong mundo sa kabog ng puso ko. Sa wakas, pagkatapos ng dalawang taon ng aming sikretong kasal, positibo ang resulta. Magiging ina na ako.

Ang kasal namin ni Kai Vance ay hindi normal. Nagsimula ito bilang isang malamig na transaksyon sa pagitan ko - isang simpleng HR Staff ng isang Recruitment Agency - at niya, ang pinakamayaman at pinakamalaking korporasyong kliyente ng kumpanya namin. Kailangan niya ng asawa para makuha ang mana niya mula sa kaniyang lolo, at kailangan ko naman ng pera para isalba ang pamilya ko mula sa baon sa utang na iniwan ng tatay ko. Sa loob ng dalawang taon, pinilit kong maging propesyonal. Sa umaga, inaasikaso ko ang mga mga kinakailangan ng kumpanya niya at iba pang transakyon; sa gabi, natututo akong mabuhay sa ilalim ng kaniyang malamig at dominanteng mga kamay. At sa hindi inaasahang pagkakataon, nasanay na ako at pakiramdam ko ay nahulog na ang loob ko sa kaniya. 

Bumalik ako sa aking mesa, pinatay ang aking laptop at saka nagpaalam sa aking boss na maghahalf-day muna. Kinuha ko ang aking bag at bumaba ng building kung saan ay may nakatigil na rin na taxi, sabay sakay. Alam kong may executive physical check-up si Kai ngayon sa VIP wing ng St. Jude Medical Center, ang ospital na pagmamay-ari din ng pamilya niya. Hindi ko na kayang mag-antay hanggang sa makauwi kami sa mansyon niya. Gusto kong makita ang kaniyang mga malalamig at seryosong mga mata na manlambot sa oras na malaman niyang magiging ama na siya.

Subalit pagdating ko sa dulo ng pasilyo ng obstetrics department, tila biglang huminto ang pag-ikot ng mundo ko.

"Huwag kang mag-alala, Morgana. Narito ako. Hindi ko kayo pababayaan ng bata," isang pamilyar na baritono, malalim at malamig na tinig ang bumasag sa katahimikan ng pribadong pasilyo.

Si Kai.

Biglang nanlamig ang aking tuhod na para bang ayaw kong maniwala, Nagawa kong magtago sa isang sulok at unti-unting sumilip.

Si Kai. 

Napahawak ako sa aking mga bibig at unti-unting bumagsak ang aking mga luha.

Nakatayo siya roon, ang kaniyang malawak at matikas na balikat ay nakatalikod sa akin. Ngunit ang mas nagpadugo sa puso ko ay ang kaniyang mga braso na nakapulupot nang buong pag-iingat at proteksyon sa isang magandang babaeng umiiyak sa dibdib niya. Si Morgana. Ang kaniyang childhood sweetheart. Ang babaeng akala ng lahat ay matagal nang naglaho sa ibang bansa. At sa ilalim ng mga palad ni Morgana, malinaw kong nakita ang bahagyang umbok ng kaniyang tiyan. Buntis siya.

Ang puso ko ay parang hinampas at nadurog sa tindi ng sakit. Ramdam ko ang patuloy na pagtulo ng aking luha, ang panghihina ng aking mga tuhod. Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala at sabihing asawa niya ako. Pero bilang isang HR professional, ang utak ko ay awtomatikong pumasok sa crisis management mode. Natuto akong magtago ng emosyon sa harap ng mga kliyente, at si Kai, higit sa lahat, ay ang aking pinakamakapangyarihang kliyente.

Pilit ko inayos ang aking sarili. Hinawakan ko ng mahigpit ang aking bag. Kinuha ko ang aking eyeglasses at isinuot ito. Huminga ako nang malalim, pinahid ang isang patak ng luha na pilit kumawala, at naglakad nang tuwid patungo sa kanila. Ang tunog ng aking takong sa sementado at makintab na sahig ay naging hudyat ng aking presensya.

Mabilis na lumingon si Kai. Ang kaniyang mga kulay-abong mata na laging nagpapatakbo sa aking pagkatao ay nanlaki nang makita ako. Agad niyang hinawakan si Morgana sa siko at dinala ito sa likod niya, tila ba pinoprotektahan ito mula sa akin. Isang sampal sa aking pagkatao.

Hindi ako umiyak. Sa halip, binuksan ko ang aking dalang folder at tumingin nang diretso sa kaniyang mga mata.

"Mr. Vance, ang iyong 2:00 PM corporate meeting ay inilipat sa ibang oras. Nakikita ko namang abala ka ngayon sa isang napakahalagang personal na asset," ang boses ko ay pormal, malamig, at walang kahit anong panginginig. Iniabot ko sa kaniya ang isang piraso ng corporate document. "I’ll leave you to your business."

Napatitig sa akin si Kai, halatang nagulat sa aking pormal at walang emosyong reaksyon. Bago pa siya makapagsalita, tumalikod na ako at naglakad paalis, hawak ang aking tiyan kung nasaan ang aming sariling lihim.

Mabilis ang naging paghakbang ko palayo sa kanila. Ramdam ko pa rin ang mabibigat na titig ni Kai sa likod ko habang mabilis akong sumasakay sa pampublikong elevator ng ospital. Pagod na pagod ang puso ko. Pagkasara pa lang ng p***o ng elevator ay doon tuluyang nanghina ang aking mga binti kaya napasandal ako sa malamig na pader nito. Ang eyeglasses ko ay bahagyang lumabo dahil sa mga bagong luha na muling pumatak. Bakit ngayon pa? Bakit sa mismong araw na nalaman kong may buhay sa loob ng tiyan ko, doon ko pa matutuklasan na may iba na palang pamilyang inaalagaan ang asawa ko?

Pagbaba ko sa ground floor, hindi ko pinansin ang mga naglalakad na tao sa lobby. Dire-diretso ako sa labas para mag-abang muli ng taxi. Gusto ko nang lumayo. Gusto ko nang magtago sa isang lugar kung saan hindi ko maririnig ang pangalan ni Kai at Morgana.

"Wren! Sandali!"

Bago pa ako makahakbang palabas ng glass door ng ospital, isang malaki at pamilyar na palad ang biglang humawak sa siko ko. Ang higpit ng hawak na iyon ay sapat na para mapatigil ako. Nang lumingon ako, si Kai na pala ang nasa likod ko, bahagyang hinihingal at madilim ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Iniwan niya si Morgana sa itaas para lang sundan ako.

"Bitawan mo ako, Mr. Vance," malamig kong sabi, pilit kong ibinabalik ang aking HR staff tone kahit na ang totoo ay nagwawala at gusto ng sumbog ang emosyon ko sa loob ko.

"Anong ibig sabihin ng eksena mo sa itaas? At bakit ganyan ka magsalita?" 

mariing tanong niya, habang hinahatak niya ako patungo sa mas tahimik na bahagi ng parking lot para walang makakita sa aming mga empleyado o reporter. Ang kaniyang mga mata ay tila nagbabanta, ibinabalik ang kaniyang pagiging dominanteng kliyente na hindi sanay na tinatalikuran "Nakalimutan mo na ba ang mga nakasulat sa kontrata natin?"

Tiningnan ko ang kaniyang mukha. Ang lalaking pinangarap ko na mamahalin ako balang araw ay nakatayo sa harap ko, galit dahil lang sa nalaman ko ang kaniyang personal na transaksyon. Doon ko narealize na kahit kailan, hinding-hindi ako magiging sapat sa kaniya. Nilukot ko ang pregnancy report sa loob ng aking bulsa at nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

"Hindi ko nakakalimutan ang kontrata, Mr. Vance," sagot ko habang pinapanatili ang isang pormal na ngiti sa aking mga labi. "Kaya nga iniwan ko na kayo sa itaas para asikasuhin ang inyong... bagong obligasyon."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Broken Contract with My Client   Chapter 5

    Ang malaking conference room ng Vance Headquarters sa Maynila ay napakatahimik. Pagpasok ko pa lang, naramdaman ko agad ang pamilyar at malamig na aura ng lugar na ito, pero sa pagkakataong ito, hindi na ako ang Wren na nakatayo sa gilid habang nanginginig ang mga kamay. Naupo ako nang de-kwatro sa dulo ng mahabang lamesang gawa sa mamahaling kahoy, direktang kaharap ang mga board of directors na tila ba takot na takot huminga.Ngbut may isang bagay na nagpabaling sa atensyon ng lahat sa akin—suot ko ang isang mamahaling puting corporate suit, at ang mukha ko ay natatakpan ng isang eleganteng black fascinator hat na may manipis at mahiwagang lace veil. Ang manipis na tela na iyon ay sapat upang itago ang buo kong mukha mula sa mga mata ng mga tao sa silid, na nagbibigay sa akin ng aura ng isang misteryoso at untouchable na New York executive. Walang sinuman ang makakakilala sa akin sa unang tingin.At sa kabilang dulo ng mesa, nakaupo ang natatanging lalaking matagal kong iniwasan.Si

  • Broken Contract with My Client   Chapter 4

    "Mommy, look! The yellow cabs downstairs are so bright! Pwede ba tayong sumakay doon later after your work?"Isang masiglang tinig ng isang anim na taong gulang na batang lalaki ang biglang pumutol sa aking malalim na pag-iisip. Nabalutan ako ng init sa dibdib habang nakatitig ako sa malalaking glass windows ng aking penthouse office sa Manhattan. Tumingin ako kay Leo, ang aking anak. Habang lumalaki siya, lalong nagiging halata ang kaniyang mga genes—ang matatalas na hugis ng mukha, ang makakapal na kilay, at ang tindig na puno ng natural na awtoridad. Copy-paste talaga ng kaniyang ama. Kulang na lang ay maging kulay-abo rin ang kaniyang mga mata. Pero sa kabutihang palad, sa akin nakuha ni Leo ang kaniyang mga mata—bilugan, malalalim, at laging puno ng kabaitan."Of course, baby. We can ride the yellow cab after Mommy’s conference," nakangiting sagot ko habang lumalapit ako sa kaniya at hinahaplos ang kaniyang malambot na buhok.Anim na taon na ang lumipas mula nang lisanin ko ang P

  • Broken Contract with My Client   Chapter 3

    Kinabukasan, pumasok ako sa opisina ng Elite Recruitment & Consulting Agency na tila walang nangyari. Ang hirap magpanggap. Buong gabi akong hindi nakatulog dahil sa kakaiyak sa lumang bahay ni Mama, kaya idinaan ko na lang sa makapal na concealer at seryosong awra para hindi mahalata ng mga katrabaho ko ang namumugto kong mga mata. Walang nakakaalam sa kanila na ang asawa ko ay ang pinakamalaking kliyente ng kumpanya, at walang nakakaalam na winasak niya nang pira-piraso ang puso ko kagabi. Naupo ako sa aking desk, binuksan ang aking laptop, ngunit hindi para magtrabaho, kundi para ihanda ang aking pagtakas gamit ang aking kaalaman sa corporate system.Kung karaniwang babae ako, baka nag-impake na ako at sumakay ng bus patungo sa isang malayong probinsya. Pero alam kong makapangyarihan si Kai. Sobrang yaman niya, at sa loob ng isang oras ay kaya niyang utusan ang kaniyang mga private investigators para hanapin ako sa kahit saang sulok ng Pilipinas. Alam ko kung paano gumalaw ang mga

  • Broken Contract with My Client   Chapter 2

    "Wren! Sandali!"Narinig ko ang mabibigat na hakbang ni Kai na sumusunod sa akin pababa ng VIP elevator hanggang sa marating namin ang kaniyang pribadong opisina sa loob ng ospital. Pagkasara ng pinto, hinarap niya ako. Bigla niya akong hinawakan sa mga braso ko ng mariin, kaya napilitan akong huminto at ngumiwi sa harap niya dahil sa sakit.Pero walang naging pagabahago sa kaniyang emosyon. Ang kaniyang mukha ay seryoso, bumalik ang kaniyang pagiging dominanteng CEO na sanay na sinusunod ng lahat."What do you mean about what you did? Bakit ganyan ka magsalita?" mariing tanong niya, ang kaniyang tinig ay mababa ngunit puno ng babala.Tumingin ako sa paligid ng marangyang opisina. Walang bakas ng init. Parang ang kasal namin—malamig. Sobrang lamig na kahit ang sarili kong hininga ay parang nagyeyelo kahit nasa tindi ng tensyon sa pagitan naming dalawa.Doon niya napansin na namumula na ang aking braso at saka ako binitawan. Humakbang ako palapit sa kaniyang lamesa, inilapag ang aking

  • Broken Contract with My Client   Chapter 1

    POV: Wren's PerspectiveHawak ko ang piraso ng papel habang nanginginig ang mga daliri ko sa loob ng CR ng clinic ng kumpanyang aking pinagtatrabahuhan. Sa bawat mabilis na pag-angat at pagbaba ng dibdib ko, naiiyak ako sa tuwa na tila sumasabay ang buong mundo sa kabog ng puso ko. Sa wakas, pagkatapos ng dalawang taon ng aming sikretong kasal, positibo ang resulta. Magiging ina na ako.Ang kasal namin ni Kai Vance ay hindi normal. Nagsimula ito bilang isang malamig na transaksyon sa pagitan ko - isang simpleng HR Staff ng isang Recruitment Agency - at niya, ang pinakamayaman at pinakamalaking korporasyong kliyente ng kumpanya namin. Kailangan niya ng asawa para makuha ang mana niya mula sa kaniyang lolo, at kailangan ko naman ng pera para isalba ang pamilya ko mula sa baon sa utang na iniwan ng tatay ko. Sa loob ng dalawang taon, pinilit kong maging propesyonal. Sa umaga, inaasikaso ko ang mga mga kinakailangan ng kumpanya niya at iba pang transakyon; sa gabi, natututo akong mabuhay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status