LOGIN"Wren! Sandali!"
Narinig ko ang mabibigat na hakbang ni Kai na sumusunod sa akin pababa ng VIP elevator hanggang sa marating namin ang kaniyang pribadong opisina sa loob ng ospital. Pagkasara ng p***o, hinarap niya ako. Bigla niya akong hinawakan sa mga braso ko ng mariin, kaya napilitan akong huminto at ngumiwi sa harap niya dahil sa sakit.
Pero walang naging pagabahago sa kaniyang emosyon. Ang kaniyang mukha ay seryoso, bumalik ang kaniyang pagiging dominanteng CEO na sanay na sinusunod ng lahat.
"What do you mean about what you did? Bakit ganyan ka magsalita?" mariing tanong niya, ang kaniyang tinig ay mababa ngunit puno ng babala.
Tumingin ako sa paligid ng marangyang opisina. Walang bakas ng init. Parang ang kasal namin—malamig. Sobrang lamig na kahit ang sarili kong hininga ay parang nagyeyelo kahit nasa tindi ng tensyon sa pagitan naming dalawa.
Doon niya napansin na namumula na ang aking braso at saka ako binitawan. Humakbang ako palapit sa kaniyang lamesa, inilapag ang aking bag, at tumingin sa kaniya nang deretso sa mga mata, na parang isang HR Professional na nagsasagawa ng isang seryosong Exit Interview. Nilabanan ko ang titig ng mga kulay-abong mata niya na dati-rati ay nagpapahina sa aking mga tuhod. Nilaksan ko ang aking loob. Gumuhit ang maliit na ngiti sa aking labi.
"Magsalita? Paano ba dapat magsalita ang isang asawa na nakakita sa kaniyang asawa na may kasamang ibang buntis na babae, Mr. Vance?" tanong ko. Pilit ko pa ring pinapatigas ang aking puso kahit na ang bawat salita ay parang kutsilyong sumasaksak sa aking dibdib. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko, pero itinatago ko iyon sa likod ng aking tuwid na tindig.
Napakuyom ng kamao si Kai, bahagyang nag-iwas ng tingin bago muling tumitig sa akin nang malamig. "Nakalimutan mo na ba ang kontrata natin, Wren? Kinasal tayo dahil kailangan ko ng asawa para sa mana ko, at kailangan mo ng pera para sa pamilya mo. Kliyente mo ako. Empleyado ka. Huwag mong lagyan ng emosyon ang negosyo."
Huwag lagyan ng emosyon ang negosyo. Ang mga salitang iyon ang tuluyang pumatay sa kung anong natitirang pag-asa sa puso ko. Para sa kaniya, isa lang akong transaksyon na maaari niyang bayaran, isang operational expense na madaling palitan kapag tapos na ang project. Ang papel ng aking pregnancy test sa loob ng aking bulsa ay tuluyan kong nilukot gamit ang aking nanginginig na palad. Nanatili akong tahimik, nakatitig sa kaniya, hinahayaang pumasok sa utak ko ang bawat detalye ng kaniyang kawalan ng pakialam.
"Buntis si Morgana, at ako ang ama," pagpapatuloy ni Kai, ang boses niya ay walang pag-aalinlangan. "Bago pa kita nakilala, siya na ang inarrange sa akin ng aking pamilya. May obligasyon ako sa kaniya at sa anak ko. Kaya pakiusap, Wren, huwag kang gagawa ng iskandalo na sisira sa imahe ko at ng kumpanya."
Napatawa ako sa aking narinig. Isang mapait, sarkastiko, at basag na tawa.
"Arrange ng pamilya mo? O pinili mo?"
Tiningnan ko siya. Ang lalaking minahal ko nang palihim, ang lalaking inalayan ko ng aking katawan at puso sa loob ng dalawang taon, ay nakatayo sa harap ko at itinuturing akong isang banta sa kaniyang korporasyon. Kung sasabihin ko ba sa kaniya na may anak din kami, pipiliin niya ako? Pipiliin ba niya ang isang simpleng HR staff dinala niya sa mansyon niya para lang sa isang deal?
Hindi. Dahil para sa kaniya, si Morgana ang mahal niya, ang kaniyang childhood sweetheart, at ako ay isang empleyado lang na binabayaran para sumunod. Hinding-hindi niya ipagpapalit ang reputasyon niya para sa akin.
Hindi ko siya hinayaang sumagot. Ayaw ko nang marinig ang susunod na mga idadahilan ng kaniyang mapagmataas na bibig.
"Naiintindihan ko, Mr. Vance," sagot ko, pilit kong pinanatili ang aking propesyonal na ngiti kahit na sobrang sakit. "Bilang isang HR professional, at kung titingnan natin itong kasal natin as a contract, kinikilala ko na si Morgana ay isang malaking liability sa iyong public image kung mananatili ako. Upang maiwasan ang anumang damage sa kumpanya mo, ako na ang magpaparaya. Let's process the separation parameters smoothly."
Napatitig sa index ko si Kai, tila ba naguguluhan at nasasaktan din sa kaniyang naririnig, ngunit mas nanaig ang kaniyang pride bilang isang makapangyarihang bilyonaryo. Hindi siya sanay na ang isang Wren Reyes ang nagdidikta ng susunod na hakbang sa kaniyang buhay.
"Kung iyan ang gusto mo. I'll just send the financial settlement bilang pabuya sa iyong compliance," malamig niyang sabi, ibinaba ang kaniyang tingin sa mga papeles sa kaniyang lamesa na parang tapos na ang aming meeting.
"Pabuya sa aking compliance..." Inulit ko ang mga salitang iyon sa aking isip. Gusto kong isampal sa kaniya ang katotohanang hindi nabibili ng pera ang dignidad ko, pero pinili kong manahimik. Ang katahimikan ko ang magiging pinakamalaking parusa sa kaniya balang araw.
Tumango ako, pinigilan ko ang aking sarili na bumagsak sa kaniyang harapan, at lumabas ng silid bitbit ang pinakamasakit na katotohanan sa aking buhay. Pagkalabas ko ng p***o ng opisina niya, hindi ko na pinansin ang mga security guards na nakatayo sa labas na makikitang nagtataka. Pero wala ako sa mood bumati dahil kapirasong kapiraso na lang. Dire-diretso ako sa elevator, at nang sumara ang mga p***o nito, doon lang ako tuluyang napahagulgol. Napaupo ako sa sahig ng elevator habang yakap-yakap ang sarili ko. Sobrang sakit. Pinilit kong maging matapang sa harap niya, pero ang totoo ay durog na durog na ako.
Pagdating ko sa ground floor, agad akong sumakay ng taxi pabalik sa mansyon ng mga Vance. Sa buong biyahe, nakatingin lang ako sa labas ng bintana, ngunit ang isip ko ay wala doon sa mga tanawing iyon habang patuloy na umaagos ang mga luha ko. Pagdating ko sa mansyon, sinalubong ako ng mga katulong na may pagtataka sa kanilang mga mukha dahil sa namumula kong mga mata, ngunit hindi ko sila pinansin.
Pumasok ako sa kwarto ko—ang kwartong naging saksi kung paano ko ibinigay ang lahat kay Kai, habang siya naman ay nanatiling malamig at malayo. Kinuha ko ang aking malaking maleta mula sa itaas ng closet. Mabilis kong isinilid ang aking mga personal na gamit, ang mga lumang damit ko bago ko pa siya makilala. Iniwan ko ang lahat ng mga mamahaling designer bags, sapatos, at alahas na binili niya para sa akin bilang bahagi ng aking "role" bilang kaniyang asawa. Ayaw kong magdala ng kahit anong magpapaalala sa kaniya.
Nang matapos akong mag-impake, naupo ako sa gilid ng kama at hinawakan ang aking tiyan. Ang maliit at lihim na tibok ng puso sa loob ko ang nagbigay sa akin ng lakas para tumayo muli.
"Huwag kang mag-alala, baby," bulong ko habang pinapahid ang huling patak ng luha sa aking mga pisngi. "Hindi kita hahayaang lumaki sa isang amang hindi ka kayang pahalagahan. Kakayanin natin ito nang magkasama. Hindi ko itututro sayong maging normal ang mga abnormal na bagay at sitwasyon. Magpapakatatag ako para sa ating dalawa."
Tiningnan ko ang kwarto sa huling pagkakataon, tiningnan ko ang aking wedding ring na iniwan sa mesa. Walang luha ng lumabas sa aking mga mata, marahil sinasabi rin ito ng aking sarili na tama na. Benuhat ko ang aking maleta, at tuluyang lumakad palabas ng mansyon nang walang lumingon sa likod. Tapos na ang kontrata. At tapos na rin ang tangang Wren na umasa sa pag-ibig ng isang bilyonaryong kliyente.
Pagbaba ko sa hagdanan, ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang ko bitbit ang maleta kung saan nakasara ang buong dalawang taon ng buhay ko. Ang guwardya sa may gate ay nagmamadaling lumapit para tulungan sana ako, pero tinaas ko ang aking kamay para pigilan siya. Isang pilit na ngiti lang ang ibinigay ko bago ako tuluyang lumabas ng malalaking bakal na harang ng mansyon ng mga Vance.
Pumara ako ng isang dadaanang taxi sa gilid ng kalsada. Nang mailagay ng driver ang gamit ko sa likod, sumakay na ako at ibinigay ang address ng lumang bahay ng aking ina. Habang umaandar ang sasakyan at unt-unting lumiliit ang mansyon sa aking paningin, huminga ako nang malalim. Pakiramdam ko, kasabay ng paglayo ng sasakyan ay ang paglaya ng natitira kong pagkatao mula sa hawla ni Kai.
Hinalikan ko ang aking palad at idinikit ito sa aking tiyan. Maaga pa para sa mga pangarap, pero alam ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat. Isang bagong simula ang naghihintay sa amin, at sa pagkakataong ito, ako naman ang gagawa ng sarili kong mga patakaran.
Ang malaking conference room ng Vance Headquarters sa Maynila ay napakatahimik. Pagpasok ko pa lang, naramdaman ko agad ang pamilyar at malamig na aura ng lugar na ito, pero sa pagkakataong ito, hindi na ako ang Wren na nakatayo sa gilid habang nanginginig ang mga kamay. Naupo ako nang de-kwatro sa dulo ng mahabang lamesang gawa sa mamahaling kahoy, direktang kaharap ang mga board of directors na tila ba takot na takot huminga.Ngbut may isang bagay na nagpabaling sa atensyon ng lahat sa akin—suot ko ang isang mamahaling puting corporate suit, at ang mukha ko ay natatakpan ng isang eleganteng black fascinator hat na may manipis at mahiwagang lace veil. Ang manipis na tela na iyon ay sapat upang itago ang buo kong mukha mula sa mga mata ng mga tao sa silid, na nagbibigay sa akin ng aura ng isang misteryoso at untouchable na New York executive. Walang sinuman ang makakakilala sa akin sa unang tingin.At sa kabilang dulo ng mesa, nakaupo ang natatanging lalaking matagal kong iniwasan.Si
"Mommy, look! The yellow cabs downstairs are so bright! Pwede ba tayong sumakay doon later after your work?"Isang masiglang tinig ng isang anim na taong gulang na batang lalaki ang biglang pumutol sa aking malalim na pag-iisip. Nabalutan ako ng init sa dibdib habang nakatitig ako sa malalaking glass windows ng aking penthouse office sa Manhattan. Tumingin ako kay Leo, ang aking anak. Habang lumalaki siya, lalong nagiging halata ang kaniyang mga genes—ang matatalas na hugis ng mukha, ang makakapal na kilay, at ang tindig na puno ng natural na awtoridad. Copy-paste talaga ng kaniyang ama. Kulang na lang ay maging kulay-abo rin ang kaniyang mga mata. Pero sa kabutihang palad, sa akin nakuha ni Leo ang kaniyang mga mata—bilugan, malalalim, at laging puno ng kabaitan."Of course, baby. We can ride the yellow cab after Mommy’s conference," nakangiting sagot ko habang lumalapit ako sa kaniya at hinahaplos ang kaniyang malambot na buhok.Anim na taon na ang lumipas mula nang lisanin ko ang P
Kinabukasan, pumasok ako sa opisina ng Elite Recruitment & Consulting Agency na tila walang nangyari. Ang hirap magpanggap. Buong gabi akong hindi nakatulog dahil sa kakaiyak sa lumang bahay ni Mama, kaya idinaan ko na lang sa makapal na concealer at seryosong awra para hindi mahalata ng mga katrabaho ko ang namumugto kong mga mata. Walang nakakaalam sa kanila na ang asawa ko ay ang pinakamalaking kliyente ng kumpanya, at walang nakakaalam na winasak niya nang pira-piraso ang puso ko kagabi. Naupo ako sa aking desk, binuksan ang aking laptop, ngunit hindi para magtrabaho, kundi para ihanda ang aking pagtakas gamit ang aking kaalaman sa corporate system.Kung karaniwang babae ako, baka nag-impake na ako at sumakay ng bus patungo sa isang malayong probinsya. Pero alam kong makapangyarihan si Kai. Sobrang yaman niya, at sa loob ng isang oras ay kaya niyang utusan ang kaniyang mga private investigators para hanapin ako sa kahit saang sulok ng Pilipinas. Alam ko kung paano gumalaw ang mga
"Wren! Sandali!"Narinig ko ang mabibigat na hakbang ni Kai na sumusunod sa akin pababa ng VIP elevator hanggang sa marating namin ang kaniyang pribadong opisina sa loob ng ospital. Pagkasara ng pinto, hinarap niya ako. Bigla niya akong hinawakan sa mga braso ko ng mariin, kaya napilitan akong huminto at ngumiwi sa harap niya dahil sa sakit.Pero walang naging pagabahago sa kaniyang emosyon. Ang kaniyang mukha ay seryoso, bumalik ang kaniyang pagiging dominanteng CEO na sanay na sinusunod ng lahat."What do you mean about what you did? Bakit ganyan ka magsalita?" mariing tanong niya, ang kaniyang tinig ay mababa ngunit puno ng babala.Tumingin ako sa paligid ng marangyang opisina. Walang bakas ng init. Parang ang kasal namin—malamig. Sobrang lamig na kahit ang sarili kong hininga ay parang nagyeyelo kahit nasa tindi ng tensyon sa pagitan naming dalawa.Doon niya napansin na namumula na ang aking braso at saka ako binitawan. Humakbang ako palapit sa kaniyang lamesa, inilapag ang aking
POV: Wren's PerspectiveHawak ko ang piraso ng papel habang nanginginig ang mga daliri ko sa loob ng CR ng clinic ng kumpanyang aking pinagtatrabahuhan. Sa bawat mabilis na pag-angat at pagbaba ng dibdib ko, naiiyak ako sa tuwa na tila sumasabay ang buong mundo sa kabog ng puso ko. Sa wakas, pagkatapos ng dalawang taon ng aming sikretong kasal, positibo ang resulta. Magiging ina na ako.Ang kasal namin ni Kai Vance ay hindi normal. Nagsimula ito bilang isang malamig na transaksyon sa pagitan ko - isang simpleng HR Staff ng isang Recruitment Agency - at niya, ang pinakamayaman at pinakamalaking korporasyong kliyente ng kumpanya namin. Kailangan niya ng asawa para makuha ang mana niya mula sa kaniyang lolo, at kailangan ko naman ng pera para isalba ang pamilya ko mula sa baon sa utang na iniwan ng tatay ko. Sa loob ng dalawang taon, pinilit kong maging propesyonal. Sa umaga, inaasikaso ko ang mga mga kinakailangan ng kumpanya niya at iba pang transakyon; sa gabi, natututo akong mabuhay







