LOGINKinabukasan, pumasok ako sa opisina ng Elite Recruitment & Consulting Agency na tila walang nangyari. Ang hirap magpanggap. Buong gabi akong hindi nakatulog dahil sa kakaiyak sa lumang bahay ni Mama, kaya idinaan ko na lang sa makapal na concealer at seryosong awra para hindi mahalata ng mga katrabaho ko ang namumugto kong mga mata. Walang nakakaalam sa kanila na ang asawa ko ay ang pinakamalaking kliyente ng kumpanya, at walang nakakaalam na winasak niya nang pira-piraso ang puso ko kagabi. Naupo ako sa aking desk, binuksan ang aking laptop, ngunit hindi para magtrabaho, kundi para ihanda ang aking pagtakas gamit ang aking kaalaman sa corporate system.
Kung karaniwang babae ako, baka nag-impake na ako at sumakay ng bus patungo sa isang malayong probinsya. Pero alam kong makapangyarihan si Kai. Sobrang yaman niya, at sa loob ng isang oras ay kaya niyang utusan ang kaniyang mga private investigators para hanapin ako sa kahit saang sulok ng Pilipinas. Alam ko kung paano gumalaw ang mga tulad niya. Kapag nalaman niyang wala na ako sa mansyon, gagamitin niya ang lahat ng koneksyon niya. Kaya gagamitin ko ang batas at ang system laban sa kaniya. Kailangan kong maging mas matalino sa kaniya sa pagkakataong ito. Dumiretso ako sa database para maghanap ng exit strategy na hindi niya basta-basta maaabot.
Binuksan ko ang aming HR Enterprise Resource Database. Bilang isang senior HR Staff, may access ako sa mga international job transfers. Mabilis kong hinanap ang isang nakatagong Executive Relocation Program patungong New York headquarters ng aming kumpanya na matagal nang walang kumukuha dahil sa sobrang hirap ng mga requirements, qualifications, at sa tindi ng competition sa US corporate world. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang ginagawa ko ito, para akong nakikipagkarera sa oras. Inaprubahan ko ang sarili kong aplikasyon gamit ang aking admin credentials, nilagyan ko ito ng pinakamataas na priority sa system, at agad na pinalitan ang aking status sa database bilang 'Permanently Relocated to NY Office'.
Pagkatapos, itinype ko ang aking Irrevocable Resignation Letter. Maikli lang ito, walang halong personal na sumbat, dahil ayaw kong mag-iwan ng kahit anong emosyon sa opisina. Mula sa ilalim ng bag ko, kinuha ko rin ang orihinal na kumpirmasyon ng aming Marriage Contract at ang mga papeles ng diborsyo na matagal ko namang pinirmahan bago pa man mangyari ang lahat ng ito—mga papeles na nakatago sa drawer ko bilang paalala na ang lahat ng mayroon kami ay pansamantalang transaction lang.
"Wren, may package para sa iyo galing sa Vance Conglomerate," biglang sabi ng katrabaho ko na si Mia, sabay lapag ng isang itim na marangyang kahon sa aking mesa.
Napatigil ako. Tinitigan ko ang kahon na may gintong logo ng kumpanya ni Kai. Pero sa halip na matuwa kagaya ng madalas kong reaksyon, para bang biglang bumalik ang sakit sa dibdib ko.
Nang buksan ko ito, naglalaman ito ng isang mamahaling kwintas na gawa sa dyamante. Kumikinang ito sa ilalim ng ilaw ng opisina, pero para sa akin, mukha itong kadena. Kasama nito ang isang maikling sulat mula sa secretary ni Kai: 'A gift from Mr. Vance for your compliance.'
Compliance. Pabuya para sa aking pananahimik, sa pagiging masunurin ko, at sa pag-alis ko nang walang gulo para hindi masira ang perpektong buhay nila ni Morgana. Napatawa ako nang mapait habang nangingilid ang aking mga luha, pero pinatuyo ko agad ito. Ayaw kong makita ni Mia na umiiyak ako. Ibinalik ko ang kwintas sa loob ng kahon, at isinama ko doon ang aking pinirmahang divorce papers, ang aking singsing sa kasal na iniwan ko sa mansyon pero binalot ko ulit ngayon, at ang orihinal na kopya ng aking pregnancy report na nakuha ko sa clinic. Sa likod ng medical paper, gamit ang isang itim na ballpen, sumulat ako ng maikling mensahe para sa kaniya: 'Paid in full.’
Iniwan ko ang kahon sa ibabaw ng mesa ng aking manager bago siya dumating. Dahil sa ginawa kong pag-bura at pag-encrypt sa aking sariling HR files gamit ang Data Privacy Law ng kumpanya, kahit ang pinakamagagaling na hacker o investigators ni Kai ay mahihirapang hanapin ang aking bagong lokasyon sa ibang bansa. Malayong-malayo ang New York, tatawid ako ng karagatan, at protektado ako ng napakaraming layer ng international corporate security. Maging ang kumpanya namin sa Pilipinas ay hindi pwedeng magbigay ng impormasyon ko nang walang sapat na subpoena mula sa korte ng Amerika.
Makalipas ang ilang oras, naroon na ako sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport. Hawak ko ang kamay ng aking matandang ina na walang kaalam-alam sa buong detalye ng nangyari, bukod sa sinabi kong na-promote ako sa US office. Habang nag-aantay kami sa boarding gate para sa aming long-haul flight patungong New York, biglang nagvibrate ang aking telepono sa loob ng aking bulsa.
Kinuha ko ito at tiningnan ang screen. Ang pangalan ni Kai ay paulit-ulit na lumalabas. Mukhang natanggap na niya ang itim na kahon na iniwan ko sa opisina. Marahil ay nabasa na niya ang pregnancy report at ang divorce papers, at ngayon ay nagpapanic na siya sa aking biglaang pagkawala. Ang screen ng phone ko ay walang tigil sa pag-ilaw, bawat tawag niya ay parang sumasamo, pero para sa akin, huli na ang lahat. Mas pinili niya ang kaniyang reputasyon at si Morgana kagabi, kaya wala na siyang karapatang makuha ang mga sagot mula sa akin ngayon.
Tama na ang dalawang taon.
Tiningnan ko ang aking ina na tahimik na nagpapahinga sa tabi ko, at pagkatapos ay hinawakan ko ang aking tiyan.
"Wala ka nang hahabulin, Kai." bulong ko sa sarili ko.
Hinarap ko ang aking telepono habang patuloy pa rin itong tumatawag. Binuksan ko ang lalagyan ng SIM card gamit ang isang maliit na paperclip. Kinuha ko ang aking SIM card, tinitigan ito nang isang segundo, at pagkatapos ay binali ito sa dalawa nang walang pag-aalinlangan. Itinapon ko ang mga piraso nito sa basurahan sa tabi ng upuan ko.
Kasabay ng pagkasira ng card na iyon ay ang tuluyang pagputol ko sa huling koneksyon ko sa kaniya. Nang ianunsyo ng airport staff na pwede na kaming sumakay sa eroplano, binuhat ko ang aming mga natitirang gamit at naglakad patungo sa boarding gate nang walang kaunting lingo sa likod.
Paalam, Kai.
Magpapakalayo-layo ako kung saan hindi mo na ako maaabot. Mula ngayon, hindi mo na ako pag-aari, ako at ang anak ko.
Ang malaking conference room ng Vance Headquarters sa Maynila ay napakatahimik. Pagpasok ko pa lang, naramdaman ko agad ang pamilyar at malamig na aura ng lugar na ito, pero sa pagkakataong ito, hindi na ako ang Wren na nakatayo sa gilid habang nanginginig ang mga kamay. Naupo ako nang de-kwatro sa dulo ng mahabang lamesang gawa sa mamahaling kahoy, direktang kaharap ang mga board of directors na tila ba takot na takot huminga.Ngbut may isang bagay na nagpabaling sa atensyon ng lahat sa akin—suot ko ang isang mamahaling puting corporate suit, at ang mukha ko ay natatakpan ng isang eleganteng black fascinator hat na may manipis at mahiwagang lace veil. Ang manipis na tela na iyon ay sapat upang itago ang buo kong mukha mula sa mga mata ng mga tao sa silid, na nagbibigay sa akin ng aura ng isang misteryoso at untouchable na New York executive. Walang sinuman ang makakakilala sa akin sa unang tingin.At sa kabilang dulo ng mesa, nakaupo ang natatanging lalaking matagal kong iniwasan.Si
"Mommy, look! The yellow cabs downstairs are so bright! Pwede ba tayong sumakay doon later after your work?"Isang masiglang tinig ng isang anim na taong gulang na batang lalaki ang biglang pumutol sa aking malalim na pag-iisip. Nabalutan ako ng init sa dibdib habang nakatitig ako sa malalaking glass windows ng aking penthouse office sa Manhattan. Tumingin ako kay Leo, ang aking anak. Habang lumalaki siya, lalong nagiging halata ang kaniyang mga genes—ang matatalas na hugis ng mukha, ang makakapal na kilay, at ang tindig na puno ng natural na awtoridad. Copy-paste talaga ng kaniyang ama. Kulang na lang ay maging kulay-abo rin ang kaniyang mga mata. Pero sa kabutihang palad, sa akin nakuha ni Leo ang kaniyang mga mata—bilugan, malalalim, at laging puno ng kabaitan."Of course, baby. We can ride the yellow cab after Mommy’s conference," nakangiting sagot ko habang lumalapit ako sa kaniya at hinahaplos ang kaniyang malambot na buhok.Anim na taon na ang lumipas mula nang lisanin ko ang P
Kinabukasan, pumasok ako sa opisina ng Elite Recruitment & Consulting Agency na tila walang nangyari. Ang hirap magpanggap. Buong gabi akong hindi nakatulog dahil sa kakaiyak sa lumang bahay ni Mama, kaya idinaan ko na lang sa makapal na concealer at seryosong awra para hindi mahalata ng mga katrabaho ko ang namumugto kong mga mata. Walang nakakaalam sa kanila na ang asawa ko ay ang pinakamalaking kliyente ng kumpanya, at walang nakakaalam na winasak niya nang pira-piraso ang puso ko kagabi. Naupo ako sa aking desk, binuksan ang aking laptop, ngunit hindi para magtrabaho, kundi para ihanda ang aking pagtakas gamit ang aking kaalaman sa corporate system.Kung karaniwang babae ako, baka nag-impake na ako at sumakay ng bus patungo sa isang malayong probinsya. Pero alam kong makapangyarihan si Kai. Sobrang yaman niya, at sa loob ng isang oras ay kaya niyang utusan ang kaniyang mga private investigators para hanapin ako sa kahit saang sulok ng Pilipinas. Alam ko kung paano gumalaw ang mga
"Wren! Sandali!"Narinig ko ang mabibigat na hakbang ni Kai na sumusunod sa akin pababa ng VIP elevator hanggang sa marating namin ang kaniyang pribadong opisina sa loob ng ospital. Pagkasara ng pinto, hinarap niya ako. Bigla niya akong hinawakan sa mga braso ko ng mariin, kaya napilitan akong huminto at ngumiwi sa harap niya dahil sa sakit.Pero walang naging pagabahago sa kaniyang emosyon. Ang kaniyang mukha ay seryoso, bumalik ang kaniyang pagiging dominanteng CEO na sanay na sinusunod ng lahat."What do you mean about what you did? Bakit ganyan ka magsalita?" mariing tanong niya, ang kaniyang tinig ay mababa ngunit puno ng babala.Tumingin ako sa paligid ng marangyang opisina. Walang bakas ng init. Parang ang kasal namin—malamig. Sobrang lamig na kahit ang sarili kong hininga ay parang nagyeyelo kahit nasa tindi ng tensyon sa pagitan naming dalawa.Doon niya napansin na namumula na ang aking braso at saka ako binitawan. Humakbang ako palapit sa kaniyang lamesa, inilapag ang aking
POV: Wren's PerspectiveHawak ko ang piraso ng papel habang nanginginig ang mga daliri ko sa loob ng CR ng clinic ng kumpanyang aking pinagtatrabahuhan. Sa bawat mabilis na pag-angat at pagbaba ng dibdib ko, naiiyak ako sa tuwa na tila sumasabay ang buong mundo sa kabog ng puso ko. Sa wakas, pagkatapos ng dalawang taon ng aming sikretong kasal, positibo ang resulta. Magiging ina na ako.Ang kasal namin ni Kai Vance ay hindi normal. Nagsimula ito bilang isang malamig na transaksyon sa pagitan ko - isang simpleng HR Staff ng isang Recruitment Agency - at niya, ang pinakamayaman at pinakamalaking korporasyong kliyente ng kumpanya namin. Kailangan niya ng asawa para makuha ang mana niya mula sa kaniyang lolo, at kailangan ko naman ng pera para isalba ang pamilya ko mula sa baon sa utang na iniwan ng tatay ko. Sa loob ng dalawang taon, pinilit kong maging propesyonal. Sa umaga, inaasikaso ko ang mga mga kinakailangan ng kumpanya niya at iba pang transakyon; sa gabi, natututo akong mabuhay







