LOGINAng malaking conference room ng Vance Headquarters sa Maynila ay napakatahimik. Pagpasok ko pa lang, naramdaman ko agad ang pamilyar at malamig na aura ng lugar na ito, pero sa pagkakataong ito, hindi na ako ang Wren na nakatayo sa gilid habang nanginginig ang mga kamay. Naupo ako nang de-kwatro sa dulo ng mahabang lamesang gawa sa mamahaling kahoy, direktang kaharap ang mga board of directors na tila ba takot na takot huminga.
Ngbut may isang bagay na nagpabaling sa atensyon ng lahat sa akin—suot ko ang isang mamahaling puting corporate suit, at ang mukha ko ay natatakpan ng isang eleganteng black fascinator hat na may manipis at mahiwagang lace veil. Ang manipis na tela na iyon ay sapat upang itago ang buo kong mukha mula sa mga mata ng mga tao sa silid, na nagbibigay sa akin ng aura ng isang misteryoso at untouchable na New York executive. Walang sinuman ang makakakilala sa akin sa unang tingin.
At sa kabilang dulo ng mesa, nakaupo ang natatanging lalaking matagal kong iniwasan.
Si Kai Vance.
Mas lalo siyang naging mukhang matikas at mapanganib sa paglipas ng mga taon. Ang kaniyang charcoal-gray na suit ay perpektong nakalapat sa kaniyang katawan, ngunit sa kabila ng telang nakatakip sa akin, malinaw kong nakikita ang bakas ng matinding pagod sa kaniyang mukha. Ang Vance Conglomerate ay unti-unti nang bumabagsak dahil sa sunod-sunod na pagkawala ng kanilang mga top executives, at alam kong halos mabaliw na siya sa paghahanap ng solusyon. Nang pumasok ako, napatitig siya sa akin, pilit na inaaninag ang mukha ko sa likod ng manipis na veil. Ang kaniyang hawak na mamahaling fountain pen ay tuluyang nahulog sa lamesa, gumulong patungo sa sahig, pero hindi niya ito pinansin. May kung ano sa boses ko ang nagpatigil sa kaniya.
"Magandang umaga, Mr. Vance," pormal at malamig kong bati. Ang boses ko ay walang kahit anong panginginig, parang isang reyna na nakikipag-usap sa isang ordinaryong kliyente. "I’m Wren Reyes, CEO of Apex Global. Our team from the New York office is here to discuss your workforce restructuring plans and present strategic solutions to your ongoing executive crisis."
Nang mabanggit ko ang pangalan ko, tila ba sinaksak ng kuryente si Kai. Napatingin siya sa akin nang may matinding gulat at pangungulila. "Wren... Ikaw... Ikaw ba talaga iyan?"
Hindi ako sumagot agad. Dahan-dahan kong itinaas ang aking mga kamay, hinawakan ang gilid ng aking sumbrero, at marahan kong iniangat ang manipis na tela na nakatakip sa aking mukha. Sa paghawi ng veil na iyon, tuluyang tumambad sa kaniya ang mukha ng babaeng iniwan niya anim na taon na ang nakararaan—ngunit sa pagkakataong ito, wala na ang takot at luha, kundi isang malamig na determinasyon.
"Wren..." mahinang usal ni Kai, tuluyan siyang napatayo mula sa kaniyang executive chair sa harap ng kaniyang mga direktor. "Anim na taon, Wren... Anim na taon mo akong pinagtaguan nang walang dahilan. I searched for you everywhere, but you completely erased your tracks."
Tumingin ako sa kaniya at bahagyang ngumiti nang malamig habang inilalapag ang aking laptop. "Look, Mr. Vance. I didn’t fly all the way from Manhattan to waste my time. My billable rate is one hundred thousand dollars an hour. If you're not ready to talk business, let's not draw this out. My assistant will escort you out."
Binaligtad ko ang mga salitang madalas niyang sabihin sa akin noon. Gusto kong maramdaman niya kung paano ituring na isang transaksyon lamang. Napatulala si Kai, ang kaniyang pride bilang isang makapangyarihang bilyonaryo ay unti-unting nadudurog sa harap ng buong board of directors niya, pero wala siyang magawa dahil ang kumpanya ko lang ang makakasave sa imperyo niya.
Habang nagpapatuloy ang tensyon at seryosong pag-uusap sa silid, ang anim na taong gulang na si Leo ay tahimik na naglalaro ng kaniyang maliit na laruang kotse sa sofa sa gilid ng boardroom, kasama si Jane. Ginalaw ng anak ko ang laruan sa sahig, gumawa ng mahinang tunog ng eroplano, hanggang sa biglang nahulog ang laruan mula sa sofa at gumulong ito patungo sa direksyon ng sapatos ni Kai.
Napatigil ang buong boardroom. Napatingin ang lahat nang yumuko ang makapangyarihang si Kai Vance upang pulutin ang laruan. Ngunit nang mag-angat ng tingin si Kai upang ibalik ang laruan sa bata, doon tuluyang gumuho ang kaniyang buong mundo.
Tumingin si Leo kay Kai, ngumiti nang malawak at walang halong takot at ipinakita ang eksaktong dimple, ang makakapal na kilay, at ang matatalas na hugis ng mukha na pagmamay-ari mismo ng bilyonaryo. Ang bata ay isang perpektong, walang kaduda-dudang carbon copy ni Kai Vance.
Nanginginig ang mga kamay ni Kai habang tinititigan ang mukha ng bata. Binitawan niya ang hawak niyang folder, at dahan-dahan siyang tumayo patungo sa kaniya. Ang kaniyang mga mata ay puno ng matinding gulat at awtoridad na may kasamang tago na emosyon.
"Wren..." ang boses ni Kai ay nanginginig at naging isang pakiusap na lamang, nawala ang lahat ng kaniyang pagiging dominante at kapangyarihan sa isang segundo. "Sino... sino ang batang ito?"
Tinitigan ko lamang sya ng malamig ngunit binbantayan ang bawat reaksyon nya.
"Mr. Vance, I believe it is not the purpose of this meeting, please mind your manners and separate your personal issues to this moment."
Hindi ako makapaniwala na ang dominanteng CEO ay aarte ng ganito sa harap. Hindi ba may anak silang dalawa. Ano bang nangyaro 6years ago.
Inayos ko ang akin upo. Tinitigan ko syang matalim. Giving him the last chance. Ngunit hindi prin sya nagpatinag.
"Who is that child? Is he my child?!"
Ang malaking conference room ng Vance Headquarters sa Maynila ay napakatahimik. Pagpasok ko pa lang, naramdaman ko agad ang pamilyar at malamig na aura ng lugar na ito, pero sa pagkakataong ito, hindi na ako ang Wren na nakatayo sa gilid habang nanginginig ang mga kamay. Naupo ako nang de-kwatro sa dulo ng mahabang lamesang gawa sa mamahaling kahoy, direktang kaharap ang mga board of directors na tila ba takot na takot huminga.Ngbut may isang bagay na nagpabaling sa atensyon ng lahat sa akin—suot ko ang isang mamahaling puting corporate suit, at ang mukha ko ay natatakpan ng isang eleganteng black fascinator hat na may manipis at mahiwagang lace veil. Ang manipis na tela na iyon ay sapat upang itago ang buo kong mukha mula sa mga mata ng mga tao sa silid, na nagbibigay sa akin ng aura ng isang misteryoso at untouchable na New York executive. Walang sinuman ang makakakilala sa akin sa unang tingin.At sa kabilang dulo ng mesa, nakaupo ang natatanging lalaking matagal kong iniwasan.Si
"Mommy, look! The yellow cabs downstairs are so bright! Pwede ba tayong sumakay doon later after your work?"Isang masiglang tinig ng isang anim na taong gulang na batang lalaki ang biglang pumutol sa aking malalim na pag-iisip. Nabalutan ako ng init sa dibdib habang nakatitig ako sa malalaking glass windows ng aking penthouse office sa Manhattan. Tumingin ako kay Leo, ang aking anak. Habang lumalaki siya, lalong nagiging halata ang kaniyang mga genes—ang matatalas na hugis ng mukha, ang makakapal na kilay, at ang tindig na puno ng natural na awtoridad. Copy-paste talaga ng kaniyang ama. Kulang na lang ay maging kulay-abo rin ang kaniyang mga mata. Pero sa kabutihang palad, sa akin nakuha ni Leo ang kaniyang mga mata—bilugan, malalalim, at laging puno ng kabaitan."Of course, baby. We can ride the yellow cab after Mommy’s conference," nakangiting sagot ko habang lumalapit ako sa kaniya at hinahaplos ang kaniyang malambot na buhok.Anim na taon na ang lumipas mula nang lisanin ko ang P
Kinabukasan, pumasok ako sa opisina ng Elite Recruitment & Consulting Agency na tila walang nangyari. Ang hirap magpanggap. Buong gabi akong hindi nakatulog dahil sa kakaiyak sa lumang bahay ni Mama, kaya idinaan ko na lang sa makapal na concealer at seryosong awra para hindi mahalata ng mga katrabaho ko ang namumugto kong mga mata. Walang nakakaalam sa kanila na ang asawa ko ay ang pinakamalaking kliyente ng kumpanya, at walang nakakaalam na winasak niya nang pira-piraso ang puso ko kagabi. Naupo ako sa aking desk, binuksan ang aking laptop, ngunit hindi para magtrabaho, kundi para ihanda ang aking pagtakas gamit ang aking kaalaman sa corporate system.Kung karaniwang babae ako, baka nag-impake na ako at sumakay ng bus patungo sa isang malayong probinsya. Pero alam kong makapangyarihan si Kai. Sobrang yaman niya, at sa loob ng isang oras ay kaya niyang utusan ang kaniyang mga private investigators para hanapin ako sa kahit saang sulok ng Pilipinas. Alam ko kung paano gumalaw ang mga
"Wren! Sandali!"Narinig ko ang mabibigat na hakbang ni Kai na sumusunod sa akin pababa ng VIP elevator hanggang sa marating namin ang kaniyang pribadong opisina sa loob ng ospital. Pagkasara ng pinto, hinarap niya ako. Bigla niya akong hinawakan sa mga braso ko ng mariin, kaya napilitan akong huminto at ngumiwi sa harap niya dahil sa sakit.Pero walang naging pagabahago sa kaniyang emosyon. Ang kaniyang mukha ay seryoso, bumalik ang kaniyang pagiging dominanteng CEO na sanay na sinusunod ng lahat."What do you mean about what you did? Bakit ganyan ka magsalita?" mariing tanong niya, ang kaniyang tinig ay mababa ngunit puno ng babala.Tumingin ako sa paligid ng marangyang opisina. Walang bakas ng init. Parang ang kasal namin—malamig. Sobrang lamig na kahit ang sarili kong hininga ay parang nagyeyelo kahit nasa tindi ng tensyon sa pagitan naming dalawa.Doon niya napansin na namumula na ang aking braso at saka ako binitawan. Humakbang ako palapit sa kaniyang lamesa, inilapag ang aking
POV: Wren's PerspectiveHawak ko ang piraso ng papel habang nanginginig ang mga daliri ko sa loob ng CR ng clinic ng kumpanyang aking pinagtatrabahuhan. Sa bawat mabilis na pag-angat at pagbaba ng dibdib ko, naiiyak ako sa tuwa na tila sumasabay ang buong mundo sa kabog ng puso ko. Sa wakas, pagkatapos ng dalawang taon ng aming sikretong kasal, positibo ang resulta. Magiging ina na ako.Ang kasal namin ni Kai Vance ay hindi normal. Nagsimula ito bilang isang malamig na transaksyon sa pagitan ko - isang simpleng HR Staff ng isang Recruitment Agency - at niya, ang pinakamayaman at pinakamalaking korporasyong kliyente ng kumpanya namin. Kailangan niya ng asawa para makuha ang mana niya mula sa kaniyang lolo, at kailangan ko naman ng pera para isalba ang pamilya ko mula sa baon sa utang na iniwan ng tatay ko. Sa loob ng dalawang taon, pinilit kong maging propesyonal. Sa umaga, inaasikaso ko ang mga mga kinakailangan ng kumpanya niya at iba pang transakyon; sa gabi, natututo akong mabuhay







