Share

Chapter 4

Author: AMVO
last update publish date: 2026-10-13 00:12:58

"Mommy, look! The yellow cabs downstairs are so bright! Pwede ba tayong sumakay doon later after your work?"

Isang masiglang tinig ng isang anim na taong gulang na batang lalaki ang biglang pumutol sa aking malalim na pag-iisip. Nabalutan ako ng init sa dibdib habang nakatitig ako sa malalaking glass windows ng aking penthouse office sa Manhattan. Tumingin ako kay Leo, ang aking anak. Habang lumalaki siya, lalong nagiging halata ang kaniyang mga genes—ang matatalas na hugis ng mukha, ang makakapal na kilay, at ang tindig na puno ng natural na awtoridad. Copy-paste talaga ng kaniyang ama. Kulang na lang ay maging kulay-abo rin ang kaniyang mga mata. Pero sa kabutihang palad, sa akin nakuha ni Leo ang kaniyang mga mata—bilugan, malalalim, at laging puno ng kabaitan.

"Of course, baby. We can ride the yellow cab after Mommy’s conference," nakangiting sagot ko habang lumalapit ako sa kaniya at hinahaplos ang kaniyang malambot na buhok.

Anim na taon na ang lumipas mula nang lisanin ko ang Pilipinas bilang isang sugatan at kawawang HR Staff. Ang mahiyain, marupok, at madaling i-manipulate na Wren Reyes ay matagal nang binaon sa limot. Sa loob ng anim na taon dito sa magulo, malamig, at mabilis na mundo ng New York City, dumaan ako sa butas ng karayom. Ang tindi ng culture shock, ang panlalamig ng panahon, at ang hirap ng buhay bilang isang single mother sa ibang bansa ay halos ikasuko ko na mabuti na lang at kasama ko ang aking ina. May mga gabi noon na umiiyak ako habang tulog si Leo, nagtatanong kung tama ba ang desisyon kong tumakas nang walang kahit ano kundi ang natitira kong dignidad. But every single time I looked at Leo, pinipilit kong bumangon at magpakatatag. Ginamit ko ang aking talino at background sa Human Resources upang magtayo ng sarili kong imperyo—ang Apex Global Talent Solutions. At sa tulong ng New York Corporate Market, napalago ko ito hanggang sa maging isang nangungunang Elite Executive Headhunting Agency sa buong mundo.

Ang kumpanya ko ay hindi lang basta nagre-recruit ng mga karaniwang empleyado. Kami ang tinatawag na "sharks" ng corporate world. Naghahanap at "nagnanakaw" kami ng mga pinakamagagaling na Directors, Vice Presidents, at chief executives mula sa malalaking multi-billion dollar corporations upang ilipat sila sa kanilang mga kalabang kumpanya. At sa nakalipas na dalawang taon, palihim kong ginagamit ang impluwensya ng aking New York agency para targetin ang Vance Conglomerate sa Pilipinas. Isa itong tahimik ngunit madugong corporate warfare. Pinalalaki ko ang aking anak sa pinakamarangyang bahagi ng Amerika habang dahan-dahang pinapahina ang imperyo ng lalaking nanakit sa akin gamit ang aking sariling utak at diskarte.

Naputol ang aking pag-iisip ng biglang may kumatok sa labas at bumukas ang p***o ng aking malawak na opisina. Pumasok ang aking personal secretary na si Jane, bitbit ang isang makapal na file ng international contracts at ang kaniyang corporate tablet. Lumakad siya palapit sa aking desk nang may maingat at propesyonal na mga hakbang habang inaayos ko naman ang aking sarili sa aking swivel chair.

"Ma'am Wren, sorry to interrupt your time with Leo. Handa na po ang lahat ng documents and travel permits natin para sa pagbabalik sa Pilipinas," ulat ni Jane habang inilalapag ang tablet sa mesa ko.

"The Vance Conglomerate in Manila officially filed a desperate request to acquire our headhunting services. According sa market analytics natin, nagpapanic na ang buong board nila dahil sa sunod-sunod na pag-resign ng kanilang mga top members, nang hindi nila nalalaman na ang agency natin ang may gawa."

Napangiti ako nang malamig habang pinaglalaruan ang aking mamahaling fountain pen. Vance Conglomerate. Pagkalipas ng anim na taon ng paninirahan ko sa US, sila na mismo ang lumapit sa akin nang nakaluhod para humingi ng tulong, nang walang kaalam-alam kung sino ang tunay na nagmamay-ari sa Apex Global. Parang kailan lang, ako ang HR staff na nagmamakaawa para sa kaunting konsiderasyon bago ako pinapirma ng kontrata para sa mana niya, pero ngayon, ang buong board of directors na nila ang nagmamakaawa para maisalba ang kumpanya nila.

Nabalitaan ko rito sa mga international business news na hindi naman pala natuloy ang kasal ni Kai kay Morgana anim na taon na ang nakararaan dahil sa isang malaking iskandalo at dayaan sa pamilya, at nananatiling single ang bilyonaryong CEO hanggang ngayon. Natatandaan ko pa kung gaano ko kabilis na isinara ang browser ng laptop ko noon nang unang beses kong mabasa ang balitang iyon sa New York.

Pero wala na akong pakialam sa kaniyang personal na buhay, istorya nila 'yon, hindi sa akin. Natuyo na ang lahat ng mga luha ko sa New York. Ang pagbabalik ko sa Pilipinas ay strictly business. Hindi na ako ang empleyadong pwedeng bayaran at utusan para sa kaniyang compliance. Ako na ang may hawak ng alas ngayon, at sisiguraduhin kong mararamdaman niya ang bawat bigat ng naging desisyon niya noon.

"Ihanda mo ang private flight natin, Jane. I-pack mo na ang mga gamit natin at ni Leo," utos ko sa kaniya huwag itong pansinin habang inaayos ang aking designer blazer sa harap ng salamin. "Babalik tayo sa Pilipinas. It's time to show my favorite client what happens when you underestimate your HR staff."

Jane nodded professionally. "Understood, Ma'am Wren. The corporate jet will be ready by 6:00 PM tonight. I have already booked our stay at the Shangri-La Suite in Manila."

Nang lumabas si Jane, hinarap ko muli si Leo na abala na naman sa paglalaro ng kaniyang laruang eroplano sa carpet. Lumuhod ako para pumantay sa kaniya, at niyakap ko siya nang mahigpit. Pinisil niya ako sabay sabing, “Mommy, are you sad? You can hug me all you want if it makes you better. Charging Mommy.” then sabay yakap sa akin nang buong lambing.

Dinig ko ang tibok ng puso ng anak ko, ang kaisa-isang dahilan kung bakit ako naging ganito katapang. Ang New York ay naging mabait sa amin, binigyan kami nito ng bagong buhay at ng kapangyarihang hindi ko inakalang makukuha ko bilang isang ordinaryong babae. Pero alam kong kailangan kong balikan ang nakaraan para tuluyang maisara ang mga sugat na iniwan ni Kai sa akin. Lumaban ako para sa amin, at ngayon, oras na para harapin ang natitirang multo sa boardroom.

"Mommy, are we going to Grandma's hometown?" tanong ni Leo, ang kaniyang malalaking mata ay nakatingin sa akin nang may kuryosidad.

"Yes, baby. We are going back to Manila," sagot ko habang pinapahid ang kaunting dumi sa pisngi niya at pilit na pinapakalma ang sarili ko. "May kakausapin lang si Mommy na isang napakahalagang kliyente. At pagkatapos noon, we can go anywhere you want."

Tumingin ako sa labas ng bintana, sa naglalakihang skyscrapers ng New York habang unti-unting lumulubog ang araw. Ang dalawang taon ng kasal na puno ng pagtitiis at ang anim na taon ng pagtatago sa ibang bansa ay nagtapos na. Hindi na ako ang Wren na umiiyak sa gilid ng elevator ng ospital habang hawak ang nilukot na pregnancy report. Handa na ako. At sa pagkakataong ito, si Kai naman ang matututong sumunod sa mga patakaran ko sa boardroom.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Broken Contract with My Client   Chapter 5

    Ang malaking conference room ng Vance Headquarters sa Maynila ay napakatahimik. Pagpasok ko pa lang, naramdaman ko agad ang pamilyar at malamig na aura ng lugar na ito, pero sa pagkakataong ito, hindi na ako ang Wren na nakatayo sa gilid habang nanginginig ang mga kamay. Naupo ako nang de-kwatro sa dulo ng mahabang lamesang gawa sa mamahaling kahoy, direktang kaharap ang mga board of directors na tila ba takot na takot huminga.Ngbut may isang bagay na nagpabaling sa atensyon ng lahat sa akin—suot ko ang isang mamahaling puting corporate suit, at ang mukha ko ay natatakpan ng isang eleganteng black fascinator hat na may manipis at mahiwagang lace veil. Ang manipis na tela na iyon ay sapat upang itago ang buo kong mukha mula sa mga mata ng mga tao sa silid, na nagbibigay sa akin ng aura ng isang misteryoso at untouchable na New York executive. Walang sinuman ang makakakilala sa akin sa unang tingin.At sa kabilang dulo ng mesa, nakaupo ang natatanging lalaking matagal kong iniwasan.Si

  • Broken Contract with My Client   Chapter 4

    "Mommy, look! The yellow cabs downstairs are so bright! Pwede ba tayong sumakay doon later after your work?"Isang masiglang tinig ng isang anim na taong gulang na batang lalaki ang biglang pumutol sa aking malalim na pag-iisip. Nabalutan ako ng init sa dibdib habang nakatitig ako sa malalaking glass windows ng aking penthouse office sa Manhattan. Tumingin ako kay Leo, ang aking anak. Habang lumalaki siya, lalong nagiging halata ang kaniyang mga genes—ang matatalas na hugis ng mukha, ang makakapal na kilay, at ang tindig na puno ng natural na awtoridad. Copy-paste talaga ng kaniyang ama. Kulang na lang ay maging kulay-abo rin ang kaniyang mga mata. Pero sa kabutihang palad, sa akin nakuha ni Leo ang kaniyang mga mata—bilugan, malalalim, at laging puno ng kabaitan."Of course, baby. We can ride the yellow cab after Mommy’s conference," nakangiting sagot ko habang lumalapit ako sa kaniya at hinahaplos ang kaniyang malambot na buhok.Anim na taon na ang lumipas mula nang lisanin ko ang P

  • Broken Contract with My Client   Chapter 3

    Kinabukasan, pumasok ako sa opisina ng Elite Recruitment & Consulting Agency na tila walang nangyari. Ang hirap magpanggap. Buong gabi akong hindi nakatulog dahil sa kakaiyak sa lumang bahay ni Mama, kaya idinaan ko na lang sa makapal na concealer at seryosong awra para hindi mahalata ng mga katrabaho ko ang namumugto kong mga mata. Walang nakakaalam sa kanila na ang asawa ko ay ang pinakamalaking kliyente ng kumpanya, at walang nakakaalam na winasak niya nang pira-piraso ang puso ko kagabi. Naupo ako sa aking desk, binuksan ang aking laptop, ngunit hindi para magtrabaho, kundi para ihanda ang aking pagtakas gamit ang aking kaalaman sa corporate system.Kung karaniwang babae ako, baka nag-impake na ako at sumakay ng bus patungo sa isang malayong probinsya. Pero alam kong makapangyarihan si Kai. Sobrang yaman niya, at sa loob ng isang oras ay kaya niyang utusan ang kaniyang mga private investigators para hanapin ako sa kahit saang sulok ng Pilipinas. Alam ko kung paano gumalaw ang mga

  • Broken Contract with My Client   Chapter 2

    "Wren! Sandali!"Narinig ko ang mabibigat na hakbang ni Kai na sumusunod sa akin pababa ng VIP elevator hanggang sa marating namin ang kaniyang pribadong opisina sa loob ng ospital. Pagkasara ng pinto, hinarap niya ako. Bigla niya akong hinawakan sa mga braso ko ng mariin, kaya napilitan akong huminto at ngumiwi sa harap niya dahil sa sakit.Pero walang naging pagabahago sa kaniyang emosyon. Ang kaniyang mukha ay seryoso, bumalik ang kaniyang pagiging dominanteng CEO na sanay na sinusunod ng lahat."What do you mean about what you did? Bakit ganyan ka magsalita?" mariing tanong niya, ang kaniyang tinig ay mababa ngunit puno ng babala.Tumingin ako sa paligid ng marangyang opisina. Walang bakas ng init. Parang ang kasal namin—malamig. Sobrang lamig na kahit ang sarili kong hininga ay parang nagyeyelo kahit nasa tindi ng tensyon sa pagitan naming dalawa.Doon niya napansin na namumula na ang aking braso at saka ako binitawan. Humakbang ako palapit sa kaniyang lamesa, inilapag ang aking

  • Broken Contract with My Client   Chapter 1

    POV: Wren's PerspectiveHawak ko ang piraso ng papel habang nanginginig ang mga daliri ko sa loob ng CR ng clinic ng kumpanyang aking pinagtatrabahuhan. Sa bawat mabilis na pag-angat at pagbaba ng dibdib ko, naiiyak ako sa tuwa na tila sumasabay ang buong mundo sa kabog ng puso ko. Sa wakas, pagkatapos ng dalawang taon ng aming sikretong kasal, positibo ang resulta. Magiging ina na ako.Ang kasal namin ni Kai Vance ay hindi normal. Nagsimula ito bilang isang malamig na transaksyon sa pagitan ko - isang simpleng HR Staff ng isang Recruitment Agency - at niya, ang pinakamayaman at pinakamalaking korporasyong kliyente ng kumpanya namin. Kailangan niya ng asawa para makuha ang mana niya mula sa kaniyang lolo, at kailangan ko naman ng pera para isalba ang pamilya ko mula sa baon sa utang na iniwan ng tatay ko. Sa loob ng dalawang taon, pinilit kong maging propesyonal. Sa umaga, inaasikaso ko ang mga mga kinakailangan ng kumpanya niya at iba pang transakyon; sa gabi, natututo akong mabuhay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status