Masuk
Broken Love
CHAPTER 1 3RD POV “Luna, kumusta ang pag-aaral mo?” Tanong ng kanyang ama, habang nasa hapag-kainan sila. “Maayos naman po Dad.” Ngiting sagot niya rito. “Mabuti kung ganun, alam mong kailangan mong pagbutihan ang pag-aaral mo. Lalo na at malapit na kayong magtapos ni Sofia.” Muling wika nito, kaya napatingin siya sa kapatid niya na naglalaro ng phone. “Opo Dad..” Sagot niya rito. “Sofia, pwede bang ibaba mo muna ‘yang phone mo.” Wika ng kanilang ina, kaya agad nitong ibinaba ang hawak nitong phone. “Anak, tulungan mo lagi ‘yang kapatid mo sa pag-aaral. Alam mong ikaw ang mas matanda.” Wika ng kanyang ina, kaya tumango siya. Matapos silang kumain, ay agad na silang nagpa-alam sa kanilang ina, dahil ayaw ng kanilang ama na ma-late sila sa skwela. NANG makarating sa paaralan ay agad na hinanap ni Luna si Matteo. Si Mateo ay kaibigan nila at lihim niyang minamahal. “Mateo!” Tawag niya nang makita ito. Agad itong lumingon sa kanya, habang may ngiti sa labi. “Bakit?” Tanong nito habang ginulo ang kanyang buhok. “Wala lang, akala ko hindi ka pumasok.” Pagsisinungaling niya, dahil ang totoo, gustong-gusto niya itong makita. Ito rin ang dahilan kung bakit siya ganadong mag-aral. “Nagawa mo na ba ang assignment natin?” Tanong niya, habang umiling ito. “Gawan mo nalang ako.” Ngiting wika nito kaya nailing siya. “Ikaw talaga.” Ngiting wika niya, habang kinurot ang pisngi nito. “Ang kapatid mo pala pumasok?” Tanong nito, kaya unti-unti na nawala ang ngiti niya sa kanyang labi. “Oo.” Mahinang sagot niya, habang lihim na nasasaktan. Noon pa man ay ramdam na niya na may gusto si Mateo sa kapatid niya. “Bakit bigla kang natahimik?” Tanong nito habang umiling siya. “Akin na nga ‘yong bag mo.” Wika niya rito. NANG sumapit ang lunch break, ay agad silang nilapitan ni Mateo. “Sabay na tayo sa canteen.” Wika nito, habang napatingin siya rito. “Ayokong sumama sa inyo.” Sagot ni Sofia at nauna na naglalakad. Narinig niya naman ang malalim na pag-buntong hininga ni Mateo. “Ano pupunta ka pa bas a canteen?” Tanong niya rito. “Oo naman.” Sagot nito habang inakbayan siya. “Boyfriend mo ba si Matteo?” Tanong sa kanya ni Sofia, habang nasa loob na sila ng kanilang silid. “Anong boyfriend ang pinagsasabi mo?” Wika niya, habang pinipigilan na mapangiti. “Hindi mo ba alam na playboy siya?” “Hindi naman siya playboy, sadyang lapitin lang talaga siya ng mga babae.” “Isa pa, magka-ibigan lang naman kami.” Dagdag niya rito. “Magkaibigan? Para na nga kayong mag-nobyo.” Wika nito habang agad siyang napatingin sa pinto nang bigla nalang itong bumukas. “Anong nobyo? Luna, may nobyo ka?” Galit na wika ng kanilang ina. “Wala po Mommy.” Takot na sagot niya rito. “Imbis na pag-aaral ang atupagin mo, mga lalaki pala ang nasa isip mo?” “Hindi po totoo ‘yan Mommy, wala po akong nobyo at kaibigan ko lang si Mateo.” Paliwanag niya rito. “Mag-kaibigan lang po sila Mommy.” Wika ng kapatid niya, kaya napatingin dito ang kanilang ina. “Mabuti kung ganun, alam ninyong hindi pa kayo pwedeng pumasok sa ganyan, dahil mga bata pa kayo. Isa pa, kailangan ninyong unahin ang pag-aaral ninyo.” Wika nito kaya agad siyang tumango. Nang makalabas ang kanilang ina, ay agad siyang nakahinga nang maluwag. Ang akala niya kanina ay magsusumbong ito sa kanilang ama. “Kinabahan ka?” Ngiting tanong ng kapatid niya. “Sinabi mo pa.” Sagot niya rito. Kinabukasan ay nauna siyang pumunta sa paaralan, dahil may pupuntahan pa raw ang kapatid niya. hindi na rin siya nagtanong pa kung saan ito pupunta, dahil narinig niya itong nagpa-alam sa mga magulang nila. “Nakita mo ba si Matteo?” Tanong niya sa kaibigan nito, dahil kanina pa niya ito hinahanap at hindi niya ito nakita. “Hindi yata pumasok.” Sagot nito, kaya hindi niya maiwasan na malungkot. Maaga pa naman sana siyang pumasok at naghahanda ng pagkain para rito. Hanggang sumapit ang uwian ay hindi niya talaga nakita si Mateo, kaya hindi niya maiwasan na maging matamlay. “Bakit ngayon ngayon ka lang?” Tanong sa kanya ni Sofia. “Ngayon pa ang uwian.” Sagot niya habang umupo sa sofa. “Bakit hindi ka pumasok?” Tanong niya, habang nakitang natigilan ito. “Nagpa-alam naman ako kay Mommy kanina. Sinabi ko na hindi muna ako papasok, dahil may pupuntahan ako.” Sagot nito, kaya napatingin siya sa kusina. “Nasa’n pala sila?” Tanong niya sa kapatid niya, nang mapansin na wala ang kanilang ina. “Sumama kay Daddy, may mahalaga raw silang pupuntahan.” Sagot nito. “Kumain na tayo, para tulungan mo akong mag-aral.” Ngiting wika nito kaya nailing siya rito. “Malungkot ka yata ngayon?” Tanong nito, habang tinuturuan niya ito. “Hindi ako malungkot.” Wala sa mood na sagot niya. “Dahil ba kay Matteo?” Napakunot ang noo niya, habang tumingin dito. “Anong ibig mong sabihin?” “Nakita ko kasi siya kanina, may kasama siyang babae.” Wika nito, kaya lalo siyang nakaramdam ng sakit. “Sinabi ko naman sa ‘yo na playboy ‘yon, kaya dapat nilayuan mo na siya.” Wika nitong muli. “Ano ba ‘yang pinagsasabi mo?” Wika niya habang pinipigilan ang kanyang mga luha na bumagsak. Ayaw niyang ipakita sa kapatid niya na nasasaktan siya. “Sinabi ko naman sa ‘yo na magkaibigan lang kami.” Sagot niya habang pinipilit na ngumiti. “Kung ganun, bakit ka malungkot?” Tanong nito sa kanya “Dahil mababa ang nakuha ko kanina.” Napansin niyang napakunot ang noo nito, habang nakatingin sa kanya. “Anong mababa? Bakit bumaba? Hindi kaba nag-aral ng mabuti?” Galit na wika nito, kaya hindi niya maiwasan na magtaka. “Nag-aral ako, alam mo ‘yon.” Sagot niya rito. “Kung ganun, paano mo ‘yon, ipaliwanag? Alam mo naman na ayaw ni Daddy nang mababang grades.” Napapikit siya sa kanyang mga mata, dahil sa sinabi nito. “Isang beses lang naman ‘yon, at mababawi ko agad ‘yon.” “Siguraduhin mo lang Luna.” Galit na wika nito, habang tumayo. Hindi niya naman maiwasan na magtaka, dahil sa kinikilos ng kapatid niya, lalo na at hindi niya maintindihan kung ano ang kina-gagalit nito. “Manang, wala pa ba sila Mommy?” Tanong niya sa katulong. “Hindi pa po sila umuwi Ma’am.” Sagot nito, kaya naisipan niya na pumasok muli sa silid nila ni Sofia. Pero taka siyang napatingin sa paligid nang hindi niya ito makita.BROKEN LOVE4 C26 3RD POV “A-anong ibig mong sabihin K-Kevin?” Utal na tanong niya rito. “Oo Addison, at gusto ko lang malaman mo, na ang babaeng tinutukoy kung pakasalan noon ay walang iba kun’di ikaw, dahil kina-usap sila ng mga magulang ko, at pumayag sila sa arranged marriage natin.” Sagot nito, habang hindi siya makapaniwala na tumingin dito. Iniisip niya na hindi totoo ang lahat ng sinabi nito sa kanya. “At kung ayaw mo pa rin maniwala, ipapakita ko sa ‘yo ang marriage contract natin.” “’Wag mo nga akong lokohin? Kung totoo ‘yang sinabi mo, bakit nakikita kita noon na may kasamang iba? At bakit wala man lang sinabi sa akin ang pamilya ko?” “Dahil ayaw naming ipaalam sa ‘yo, dahil sa oras na malalaman mo, alam kung hindi ka papayag Addison..” Nailing siya, dahil sa narinig niya. “Hindi totoo ang sinasabi mo, dahil kung totoo lahat ‘yan, dapat sinabi mo agad sa akin ‘yon! At dapat pumayag ka agad noong sinabi kung magpapakasal tayo!” Iyak na wika niya rito. “Gusto lang kita
BROKEN LOVE4 C25 3RD POV “Opo Mommy, halika rito ka sa tabi ni ko.” Wika ng kanyang anak na si Aaliyah. Pilit siyang ngumiti rito, habang napatingin siya kay Kevin. “Umupo kana.” Ngiting wika nito, habang masama niya itong tiningnan. “Hindi ako pwedeng umupo r’yan Anak, mabigat si mommy, baka mahirapan ang daddy niyo.” Sagot niya rito. “Siguro tama na muna ang paglalaro niyo, baka pagod na ang daddy niyo. Matulog na muna kayo.” Wika niya sa kanila. Magsasalita pa sana si Kevin, pero agad niya itong binalaan. Nang humiga ang kanyang mga anak ay agad na silang lumabas. “Pwede ko ba silang ipasyal bukas?” Wika nito, habang napalingon siya rito. “Ipasyal? Anong ipasyal? Hindi mo ba alam, na lumaki silang nasa loob lang ng bahay? Baka ano pang mangyari sa kanila sa labas.” Napa-hinga ito ng malalim, habang napatingin ito sa kanya. “’Wag mo naman sana silang palakihin na takot sa mga tao Addison. Kasama nila ako, kaya hindi ko rin hahayaan na may mangyaring masama sa mga Anak ko.”
BROKEN LOVE4 C24 3RD POV “Gusto mo ba talaga ng gulo?!” Galit na sigaw niya kay Kevin. “Mommy..” Agad siyang natigilan nang marinig niya, si Aaliyah. “Tama na Addison, dahil tinatakot mo ‘yong bata.” Galit na wika sa kanya ni Kevin. “Anak..” Napa-kunot ang kanyang noo, dahil sa narinig niyang sinabi nito. “Anong anak ang pinagsasabi mo?” Inis na wika niya. “Akin na siya.” Malakas na umiyak si Aaliyah, nang pwersahin ito ni Kevin sa pagkuha, kaya mabilis siyang lumayo rito. “Wala kaba talagang gagawin na matino? Bakit mo ba tinatakot ang mga Anak ko?” “Hindi ako ang gumawa nun kun’di ikaw, dahil pilit mo silang nilalayo sa akin!” Sigaw nito, kaya napa-pikit siya sa kanyang mga mata, at pilit na ni-relax ang kanyang sarili, dahil kung naisip niya na kung makikisabay siya sa init ng ulo nito ay lalo lang matatakot ang mga anak niya. “Mag-usap nalang tayo kung pareho ng hindi mainit ang ulo natin Kevin, kaya kung pwede, hayaan mo muna kami ng mga Anak ko.” Mahinahon na wika niya
BROKEN LOVE4 C23 3RD POV “Dahil gusto kung makapag-isip, at gusto kung suluhin ang kasalanan ko, isa pa ginusto ko ‘yon, kaya dapat lang na ako lang ang mag-aalaga sa sarili ko at sa mga Anak ko.” Mahabang wika niya, habang nailing ito sa kanya. Nang tumunog ang phone nito, ay agad itong sinagot ni Kevin. “Naihanda niyo na ba ang eroplano?” Napa-kunot ang kanyang noo, dahil sa narinig niya mula rito. “Magaling, papunta na kami.” Lalong napa-kunot ang kanyang noo, habang napatingin kay Kevin na binaba ang phone nito. “Saan mo ba ako balak dalhin ha?” Inis na tanong niya, habang napalingon ito sa kanya. “Saan pa, ‘di sa mga Anak natin.” Sagot nito sa naiirita na boses. Namilog naman ang kanyang mga mata, habang napatingin ito kay Kevin. “Anong pupunta? Bakit alam mo ba kung nasa’n sila?” Sumilay ang ngiti nito sa labi, dahil sa tanong niya rito. “Hindi ako nakikipag-biruan sa ‘yo Kevin.” Madiin na wika niya. “Bakit? Sa tingin mo, nagbibiro ako?” Napa-pikit siya sa kanyang mga
BROKEN LOVE4 C22 3RD POV Nang makita niyang lumabas sa isang kotse si Kevin ay agad siyang nakaramdam ng galit dito. “Kami na po ang bahala Ma’am.” Wika sa kanya ng kanyang bodyguard. Pero mabilis niya itong pinigilan. Alam niya na siya ang kailangan ni Kevin, kaya siya na ang kaka-usap nito. “Dito na nalang kayo.” Sagot niya, habang hindi na hinintay pa na buksan nito ang kotse. “Bakit mo hina-harangan ang daan?” Tanong niya kay kevin, matapos siyang makababa. “Sumama ka sa akin.” Napa-kunot ang kanyang noo, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Sasama? At bakit ko naman gagawin ‘yon?” Taas kilay na wika niya rito. “Pwede bang sundin mo nalang ang gusto ko.” Hindi niya napigilan na matawa, dahil sa narinig niya mula rito. “Ayoko, at wala akong balak na sumama sa ‘yo.” Sagot niya at akmang tatalikuran na sana ito. Pero mabilis nitong hinawakan ang kanyang braso. “Dito ka lang, hindi pa tayo tapos mag-usap.” Masama niya itong tiningnan, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Alam mong wa
BROKEN LOVE4 C21 3RD POV “Anong ama ang pinagsasabi mo? Alam mo naman na wala silang ama.” Inis na wika niya rito. “Hindi sila mabubuo kung wala kang kasam-.” Natigilan ito ng pingutin niya ang tainga nito. “Manahimik ka nga, ang dami mo namang alam.” Galit na wika niya, habang malawak itong napangiti. “Pero hindi ako nagbibiro AAte, ikaw na muna ang bahala ro’n, may mga yaya naman ang mga anak mo, at nand’yan din si Mommy at Lola. Alam mo naman na hindi nila hahayaan ang mga bata.” Wika nito sa kanya. Naisip niya naman na tama ito, dahil totoo naman ang sinabi niya. Katulad ngayon, ay basta nalang isinama ng kanyang mga magulang ang kanyang mga anak. “Alam ko naman na kahit hindi ako papayag, ay hindi mo pa rin ako pipigilan.” Sagot niya rito, kaya muli itong napangiti. “Alam mo pala Ate.” Kindat na wika nito sa kanya. “Pero alam mo bang nagtatampo ako sa ‘yo.” Napalingon siya rito, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Dahil bigla mo nalang kaming iniwan. Alam mo bang sobra akong







