LOGINBroken Love
CHAPTER 2 3RD POV “Sofia!!” Tawag niya pero hindi ito sumagot, kaya naisipan niyang bumaba, dahil baka nasa baba ito. “Manang, nakita niyo ba si Sofia?” Tanong niya sa katulong nang nakasalubong niya ito. “Umlis po si Ma’am Sofia, Ma’am Luna.” Sagot nito, kaya na-pakunot ang noo niya. “Saan daw siya pupunta?” Taka na tanong niya rito. “Hindi ko po alam Ma’am.” Sagot nito, kaya na-pahinga siya nang malalim. Hindi niya maiwasan na manibago, dahil ngayon lang umalis ng bahay ang kanyang ina, na hindi sila kasama. Isa pa, si Sofia, kapag gabi ay hindi ito umaalis, dahil sabay silang mag-aaral. Bumalik siya sa kanyang silid at kinuha ang kanyang phone, tinawagan niya ang kanyang ina, pero hindi ito sumasagot. Naisipan nalang ni Luna ang matulog, dahil inaantok na siya, tinatamad na rin siyang mag-aral,dahil wala naman ang kapatid niyang si Sofia. “Gumising kana.” Nag-dilat siya sa kanyang mga mata at nakita si Sofia. “Anong oras ka umuwi?” Tanong niya, habang tumayo. “Hindi ko alam kung anong oras ‘yon, basta sabay kami ni Mommy at Daddy.” Sagot nito. “Maligo kana, anong oras na. Gusto mo bang pagalitan ni Daddy?” Wika nito kaya agad siyang tumayo. “Good morning Mommy.” Ngiting wika niya habang humalik sa pisngi ng kanyang ina. “Good morning umupo na kayo, para makakain na.” Wika nito. “Mommy, saan pala kayo galing kahapon?” Tanong niya rito. “May pinuntahan lang kami ng daddy mo.” Sagot nito kaya napatango siya. “Bilisan niyo na Luna, Sofia, ayokong ma-late.” Wika ng kanilang ama, kaya nagmamadali silang kumain. “Luna!” Napalingon siya at nakita si Matteo. Hindi niya naman naiwasan na mkaramdam ulit ng sakit, dahil sa sinabi ni Sofia sa kanya. “Bakit ang tagal mo?” Tanong nito sa kanya. “Bakit? Ano bang kailangan mo?” Inis na tanong niya rito, kaya natigilan ito. “Mukhang galit ka yata...” Wika nito habang iniwan niya ito. Pero mabilis itong sumunod sa kanya at binuhat siya. “Hoy!! Matteo!! Ano ba!! Ibaba mo nga ako!!” Sigaw niya, kaya nag-titinginan sa kanila ang ibang students sa kanila. “Ayoko! Hangga’t hindi mo ako kakausapin hindi kita ibaba.” Inis niya itong hinampas, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Kinakausap naman kita!” Wika niya habang natigilan ito. “Kinakausap mo nga ako, pero galit ka naman sa akin. Sorry na kung hindi ako pumasok kahapon, pinasama kasi ako ni Mommy sa pinsan ko.” Siya naman ang natigilan, dahil sa sinabi nito. “Ibig mong sabihin, pinsan mo ‘yong kasama mo kahapon?” Tanong niya rito. “Nakita mo ba kami? Bakit hindi ka lumapit, para ipakilala kita sa kanya.” Wika nito, habang binaba siya. “N-Nagmamadali ako.” Pagsisinungaling niya, dahil ayaw niyang sabihin na si Sofia ang nakakita sa kanila. “Kaya ka pala nagagalit. Ito, para mawala na ‘yang galit mo.” Wika nito, habang inabot sa kanya ang isang chocolate. Alam kasi nito na ito ang paborito niya. “’Wag ka nang magalit.” Ngiting wika nito habang hinalikan siya sa noo. Ganadong-ganado na nag-aral si Luna, habang nasa harapan niya ang binigay na chocolate ni Matteo. “Ayos ah, mukhang ang saya-saya mo.” Napalingon siya sa kanyang kapatid at masama itong tiningnan. “Pwede bang ‘wag kang maingay, at bakit hindi ka nagsusulat?” Tanong niya rito, dahil nakahawak lang ito sa phone. “Tapos na kaya ako.” Ngiting wika nito. “Umayos ka nga.” Inis na wika niya, habang lalo itong napangiti. “Ayos lang kung hindi ako mag-aral, nand’yan ka naman.” Inirapan niya ito, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Ikaw talaga, lagot ka talaga kay Daddy, kapag malaman niya ‘yang ginagawa mo.” Wika niya at muli nang itinuon ang atensyon sa hawak niyang libro. “Sabay na tayong kumain.” Wika sa kanya ni Matteo, kaya napatingin siya kay Sofia. “Ayokong sumama sa inyo.” Wika nito at iniwan sila. “Hayaan mo nalang ‘yong kapatid mo. Mukhang ayaw niyang makasama tayo.” Wika ni Matteo, habang lihim siyang napangiti. Iniisip niya na baka napagtanto na nitong hindi siya gusto ni Sofia. “Bakit hindi mo pa rin ‘yan kinain?” Tanong nito habang nakatingin sa chocolate na hawak niya. “Ngayon ko ‘to kakainin.” Sagot niya rito. “’Wag kang mag-alala. Bukas bibilhan pa kita niyan.” Ngiting wika nito, habang lalo siyang nakaramdam ng kilig. “Baka magselos ang girlfriend mo.” Wika niya, kaya agad na na-pakunot ang noo nito. “Girlfriend? Anong girlfriend?” “Nagma-maang-maangan pa talaga.” Iling na wika niya, habang nailing ito. “Alam mo naman na ikaw lang ‘yong girlfriend ko.” Gulat siyang napatingin dito, dahil sa sinabi nito sa kanya. “A-anong ibig mong sabihin?” “Luna, wala naman akong ibang kasamang babae, ikaw lang, kaya ikaw ang girlfriend ko.” Ngiting wika nito habang inakbayan siya. “Tara na nga.” Wika nito. “Bakit ‘yan lang ang kakainin mo?” Tanong nito sa kanya. “Busog pa ako.” Pagsisinungaling niya, dahil ang totoo ay nailang na siya rito, lalo na sa sinabi nito kanina. “Dagdagan mo nga ‘yan.” Wika nito, habang nilagay sa plato niya ang ibang pagkain nito. “Luna, samahan mo kaya ako mamaya.” Nag-angat siya nang mukha, dahil sa sinabi nito. “Saan?” Tanong niya rito. “Mamasyal sa labas.” “Alam mo naman na bawal akong lumabas.” Sagot niya habang nakita ang dismayado nitong mukha. “Kung gusto mo, ako ang magpaalam sa daddy mo.” Namilog ang kanyang mga mata, dahil sa sinabi nito. “’Wag!” Wika niya, kaya taka itong napatingin sa kanya. “’Wag mong gagawin ‘yon, dahil lalo lang magalit si Daddy.” Wika niyang muli, kaya na-pahinga ito nang malalim. “Bakit ba kasi bawal? Sandali lang naman sana tayo.” Malungkot na wika nito sa kanya. “S-sige, ‘wag kang mag-alala. Hahanap ako ng paraan para makalabas.” Wika niya, kaya unti-unti na nagliwanag ang mukha ni Matteo. “T-tlaga?” Tuwang tanong nito, habang tumango siya rito. “Hihintayin ko ‘yan Luna.” Wika nito, habang hinahalikan ang kamay niya. “Hoy, ano ba ‘yang ginagawa mo?” Nahihiya na tanong niya rito. “Bakit?” Ngiting tanong nito, habang hindi niya maiwasan na makaramdam ng init sa mga pisngi niya. “D-Dad..” Utal na wika niya habang nasa loob na sila ng kotse. “Pwede ba akong sumama sa kaklase ko?” Wika niya, habang na-patingin ang kanyang ama sa kanya. “Sasama? Saan?” Kunot-noo na tanong nito sa kanya. “Sinong kaklase?” Tanong sa kanya ng kapatid niyang si Sofia.EPILOGUEWARNING MATURED CONTEXT!!!SPG 3RD POV “Bakit nasa labas ka pa?” Napalingon si Abby, at tumingin sa asawa niyang si Matteo. “Iniisip ko lang ang mga bata.” Sagot niya rito, habang yumakap ito sa kanya. “Malaki na ang mga Anak at Apo natin.” Sagot nito sa kanya. “Tama ka, alam mo bang sobrang saya ko, kapag nakikita ko silang masaya.” “Kahit ako Wife..” Sagot nito, habang hinalikan siya sa labi. “Ang kamay mo.” Saway niyarito, dahil ipinasok nito ang isang kamay nito sa loob ng kanyang damit. “Ang sexy mo pa rin talaga Wife, at ang sarap mo pa rin.” Napa-sigaw ito ng bigla niya itong kurutin sa tagiliran nito. “Pwede bang itigil mo ‘yang kalokohan mo, dahil alam ko kung saan patungo ‘yan.” Madiin na wika niya rito, kaya malawak itong napangiti. “Alam mo naman na hindi na tayo, masyadong nakapag-tabi, dahil laging nasa tabi natin si Apollo at Vanz.” Sagot nito, habang hindi niya na-pigilan na napapikit sa kanyang mga mata, dahil sa ginawang pagma-masahe nito, sa kanya
BROKEN LOVE4 C30 WARNING MATURED CONTEXT!!!SPG3RD POV Labis ang tuwa na nararamdaman ni Addison, habang naglalakad patungo sa altar. Nasa tabi niya ang kanyang mga magulang, at hindi niya napigilan na mapaluha, habang nakatingin kay Kevin at sa dalawang anak nila na nakatayo. Hanggang ngayon, ay hindi pa rin niya maiwasan na sisihin ang sarili niya, dahil sa ginawa niyang pag-takas noon, dahil iniisip niya na sana noon pa ‘to nangyari. “Anak, baka matanggal ‘yang make-up mo.” Ngiting wika sa kanya ng kanyang ina, kaya agad siyang napangiti rito. “Hindi ko lang mapigilan na mapaluha, dahil sa saya na nararamdaman ko ngayon Mommy. Hindi ko lang kasi mabigyan ng buong pamilya ang mga Anak ko, kun’di makasama ko pa ang lalaking mahal ko.” Sagot niya rito, habang napangiti ito. “Alam ko kung gaano ka ka-saya ngayon Anak.” Wika nito, habang na-patitig sa kanya si Kevin, nang makarating sila sa harapan nito. agad itong nagmano sa kanyang mga magulang. Habang ang kanilang mga anak, ay
BROKEN LOVE4 C29 3RD POV“Pasensya kana Lola, pero hindi po kita kilala.” Wika niya rito. Lalapit na sana ang kanilang mga bodyguard. Pero natigilan ito nang makita ang kanyang ina.“Mommy!” Tuwang niya rito, dahil hindi niya inakala na makikita ito. “Addison.” Ngiti nitong wika, habang humalik sa pisngi niya. Mabilis din na lumapit ang mga anak niya at si Kevin dito. “Mommy, kilala n’yo ba siya? Ang sabi niya apo niya raw ako.” Wika niya, habang napatingin sa matandang babae. “Oo Anak, magmano ka sa lola Emma mo.” Gulat siyang napatingin sa kanyang ina, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Pero paano ko siya naging lola?” Taka na tanong niya, habang napangiti sa kanya ang kanyang ina. “Mahabang kwento Anak, sige na ipagpatuloy niyo nalang ang pagkain niyo, dahil aalis din ako mayamaya. Hinihintay kasi ako ng daddy mo sa labas.” Sagot nito sa kanya. Hindi niya rin maiwasan na magtaka, nang marinig niya ang kanyang ina, na tinatawag itong mommy. “Nakalimutan ko pa lang sabihin kay Ti
BROKEN LOVE4 C283RD POV “Gusto kung ituloy ang kasal natin noon Addison.” Hindi niya napigilan ang kanyang mga luha, dahil sa narinig niya mula rito. “Alam kung hindi ito ang tamang lugar, para mag-propose pero ayokong muli kana namang mawala.” Muling wika nito sa kanya. “Pakasalan mo ako?” Hindi makapaniwala na wika niya, habang itinabi nito ang kotse. “Oo, dahil alam mo naman na simula noon, ikaw lang ang babaeng, gusto kung makasama habang buhay Addison, at gusto ko lang ipaalala sa ‘yo, na hindi kana pwede pang tumanggi.” Sagot nito habang pinunasan nito ang kanyang mga luha. “Kung ganun, hindi na nga ako makaka-tanggi pa.” Bakas ang gulat sa mukha ni Kevin, dahil sa sinabi niya rito. “Ibing mo bang sabihin, pumapayag ka?” Tanong nito, habang mabilis siya nitong niyakap at sumigaw. “Kevin, ano ba?” Natatawa na wika niya, habang yumakap din sa kanila ang kanilang mga anak, kahit pa hindi nila alam kung ano ang nangyayari. “Alam mo bang hindi ako makapaniwala, na pumayag ka
BROKEN LOVE4 C27 3RD POVHindi niya maiwasan na makaramdam ng lungkot, dahil sa narinig niya mula sa kanyang ina. “Dapat Anak, hindi ka nag-padalos-dalos noon, dahil alam mo bang sorang nakaka-awa si Kevin, lalo na noong iniwan mo siya. Halos libutin na niya ang buong mundo, makita ka lang. pero sadyang matalino ka.” Iling na wika ng kanyang ina sa kanya. “Sa bagay, sa akin ka naman nagmana.” Ngiting wika nito, kaya hindi niya rin napigilan na mapangiti. “Anak, sana ‘wag kang panghinaan ng loob at ‘wag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari. Alam mo, hindi pa huli ang lahat Anak, kaya mo pang buuhin ang pamilya mo.” “Pwede ko pa kayang gawin ‘yon Mommy? A-alam mo bang hindi ko kayang harapin ngayon si Kevin, at g-gusto ko lang ulit magtago..” Hikbing wika niya sa kanyang ina.“Anak, ‘wag na ‘wag mong gagawin ‘yon, hindi mo ba naiisip na madagdagan lang ang mga kasalanan mo sa mag-ama mo?” Wika ng kanyang ina, kaya lalo siyang napa-iyak. “Ang dapat mong gawin Anak, ay lakasan mo
BROKEN LOVE4 C26 3RD POV “A-anong ibig mong sabihin K-Kevin?” Utal na tanong niya rito. “Oo Addison, at gusto ko lang malaman mo, na ang babaeng tinutukoy kung pakasalan noon ay walang iba kun’di ikaw, dahil kina-usap sila ng mga magulang ko, at pumayag sila sa arranged marriage natin.” Sagot nito, habang hindi siya makapaniwala na tumingin dito. Iniisip niya na hindi totoo ang lahat ng sinabi nito sa kanya. “At kung ayaw mo pa rin maniwala, ipapakita ko sa ‘yo ang marriage contract natin.” “’Wag mo nga akong lokohin? Kung totoo ‘yang sinabi mo, bakit nakikita kita noon na may kasamang iba? At bakit wala man lang sinabi sa akin ang pamilya ko?” “Dahil ayaw naming ipaalam sa ‘yo, dahil sa oras na malalaman mo, alam kung hindi ka papayag Addison..” Nailing siya, dahil sa narinig niya. “Hindi totoo ang sinasabi mo, dahil kung totoo lahat ‘yan, dapat sinabi mo agad sa akin ‘yon! At dapat pumayag ka agad noong sinabi kung magpapakasal tayo!” Iyak na wika niya rito. “Gusto lang kita







