Home / Romance / Broken Love / CHAPTER 22

Share

CHAPTER 22

Author: Darkshin0415
last update Last Updated: 2025-09-08 13:12:37

BROKEN LOVE C22

3RD POV

“Kapit bahay? Ni wala ngang bahay rito, bukod sa kubo na ‘to.” Wika niya, habang nagbabalat ito ng manga.

“meron, ‘wag kang mag-alala mamaya pagkatapos mong kumain nito, ipapasyal kita sa kanila.” Ngiting sagot nito habang inabot nito sa kanya ang isang hinog na manga, kahit ayaw niya sana nito ay wala siyang nagawa kun’di kainin ito.

“Mia!!” Napalingon siya sa pinto nang makarinig ng boses. Dali-dali niya itong tiningnan at nakita si Lira.

“’Wag kang umalis dito.” Wika nito, habang bakas sa mukha nito ang galit. Hindi siya nakinig dito at agad na sumunod.

“Sir Lukas, ayos lang ba kayo? Hindi niya ba kayo sinaktan?” Tanong sa kanya ni Lira, habang tiningnan hahawakan sana siya.

“’Wag mo siyang hawakan.” Wika ni Mia, habang hinila nito si Lira.

“Ano bang nangyari sa ‘yo ha? Akala ko ba pakakawalan mo na siya? Pero bakit mo siya itinago sa lugar na ‘to?” Tanong nito sa kakambal nito.

“Wala kang pakialam! Sandali nga, paano kaba nakarating dito?” Tanong ni
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lyca Jane Salazar
mas bagay si mia at lukas
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Broken Love   CHAPTER 28

    BROKEN LOVE C28 3RD POV “Mommy, hindi na ako bata para kumuha kayo ng yaya!” Sagot niya sa kanyang ina. “Mamili ka Lukas, susunod ka sa gusto ko, o uuwi ka rito?” Tanong nito sa kanya, kaya napa-pikit ang kanyang mga mata. “Sige na, pumapayag na ako.” Na-pangiti ang kanyang ina, dahil sa narinig nito mula sa kanya. “Mabuti, sige na Andrea, ihanda mo na ang mga gamit mo.” Utos nito sa kanyang ina kay Andrea. “Mommy, dapat dito lang si Andrea.” Wika ng kapatid niyang si Maddox. “’Wag kayong mag-alala, aalagaan lang naman ni Andrea, nang ilang araw ang kuya niyo at babalik din siya rito.” Sagot ng kanyang ina rito. Sa kabilang kotse niya pinapasakay si Andrea, dahil ayaw niya itong kasama sa kotse niya. ‘Bakit ba siya pinasama ni Mommy sa akin? Alan naman sana niya na marami na akong katulong sa bahay. ‘Damn! Iniisip niya pa rin siguro na may gusto nga ako kay Andrea.’ Napapikit siya sa kanyang mga mata, dahil sa kanyang naisip. ‘Kasalanan mo rin ‘to Lukas, bakit kasi lagi mon

  • Broken Love   CHAPTER 27

    BROKEN LOVE C27 3RD POV “Pupunta lang muna ako sa baba Lukas, ‘wag kang maingay para hindi magising ‘yang kapatid mo, dahil kanina pa ‘yan pinapatulog ni Andrea.” Wika sa kanya ng kanyang lola, kaya tumango siya rito. “Pasensya kana sa ginawa ko.” Wika niya rito, matapos nitong nilagay ang kapatid niya sa tabi niya.“Ayos lang po ‘yon Sir.” Mahina na sagot nito habang umupo sa sahig, kaya gulat siyang napatingin dito. “Ano ‘yang ginagawa mo?” Tanong niya habang tumayo. “Babantayan ko po si Apollo Sir.” Sagot nito sa kanya. “Hindi mo kailangan na umupo r’yan. Hindi mo ba nakita ang sofa?” Tanong niya, habang napatingin ito sa sofa. “Baka po madumihan Sir.” Sagot nito, habang natigilan siya. Muli niyang naalala noon ang sinabi sa kanya ni Mia. “Hindi ‘yan madudumihan, umupo ka ro’n.” Wika niya rito, habang kita niya sa mga mata nito ang pag-aalinlangan. “Nandito naman ako sa tabi ng kapatid ko, kaya wala kang dapat ipag-alala.” Muling wika niya at nakita itong tumayo. Nang pum

  • Broken Love   CHAPTER 26

    BROKEN LOVE C26 3RD POV Matapos nilang puntahan ang lugar kung saan binili ni Andrea ang suot nitong kwintas ay agad siyang humingi ng tawad dito, dahil sa ginawa niya. Pilit niya kasi itong pinapa-amin na ibang tao ito. “Ano ba ang nangyari sa ‘yo Lukas?” Galit na wika sa kanya ng kanyang ina. “Hindi mo ‘yon ginawa kay Andrea, wala naman siyang ginawang masama, lalo na sa kapatid mo.” Napa-pikit siya sa kanyang mga mata, dahil sa narinig niya mula rito. “Humingi na ako ng tawad sa kanya Mommy,” sagot niya sa kanyang ina. “Bakit mo ba siya pinagdududahan?” “Wala po ‘yon Mommy, kalimutan niyo na.” Wika niya habang tumayo. NANG makapasok siya sa kanyang opisina ay hindi pa rin nawawala ang guilt na nararamdaman niya, dahil sa ginawa niya kay Andrea.“Sir, ito na po ang pinapa-kuha niyo.” Magalang na wika sa kanya ni Lira, kaya napatingin siya rito. “Alam mo bang may nakilala akong parang katulad sa kapatid mo.” Wika niya, habang natigilan ito. “A-ano po ang ibig ninyong sabihi

  • Broken Love   CHAPTER 25

    BROKEN LOVE C25 3RD POV Sa paglipas ng isang taon ay unti-unti na niyang nakalimutan si Mia, at sanay na rin siya na si Lira ang kasama niya. Alam na rin ng mga staff niya sa opisina ang totoong pangalan ni Lira, kay hindi na niya ito kailangan pang tawaging Mia.“Kuya!!” Sigaw ng mga kapatid niya, nang makarating siya sa kanila. “Kuya, tingnan mo ang bagong laruan namin!” Tuwang wika ng dalawa sa kanya, habang pinakita nito ang mga laruan nila na nasa sahig. “Ang ganda ‘di ba Kuya?” Tanong sa kanya ni Levi, kaya tumango siya rito. “Lumapit naman siya sa kanyang ina, habang karga nito ang maliit niyang kapatid. “Mabuti at naisipan mong umuwi rito Anak..” Wika nito matapos niyang halikan ang pisngi ng kanyang ina. “Hindi po kasi ako busy Mommy.” Sagot niya, habang hinalikan ang kapatid niya. “Bakit ba minsan ka nalang nauwi rito Apo?” Tanong naman sa kanya ng kanyang lola, kaya agad siyang lumapit dito at humalik sa pisngi nito. “Ang dami kasing kailangan gawin sa opisina Lola

  • Broken Love   CHAPTER 24

    BROKEN LOVE C24 3RD POV Mabilis niyang tinawag ang tauhan niya, para tanungin kung sino ang naglalagay ng kape sa kanyang lamesa. “Bumalik po kanina si Miss. Mia, Sir. Siya po ang naglagay niyan.” Sagot ng tauhan niya. Muli siyang bumalik sa loob ng opisina niya at napatingin sa kape. ‘Fvck! Nababaliw kana ba talaga Lukas? Kung anu-ano nalang ang pumapasok sa isip mo!’ Kinuha niya ang kape at ininom ito, agad din siyang nagulat nang malasahan ang kape. “Bakit ganito ang lasa nito?” Mabilis niyang kinuha ang kanyang phone at agad na tinawagan si Lira. “Sir..” Sagot nito sa kanya. “Ikaw ba ang naglagay ng kape sa lamesa ko?” Tanong niya rito. “Opo Sir, baka po kasi bigla kayong antukin habang nagtatrabaho kaya po naglagay ako ng kape. Hindi na rin po kita tinawag kanina, kasi napansin kung nasa banyo kayo.” Sagot nito, kaya muli siyang napatingin sa kape. “Salamat nito Lira.” Wika niya at mabilis na pinutol ang tawag. Muli niyang kinuha ang tasa at ininom ang kape. Habang naa

  • Broken Love   CHAPTER 23

    BROKEN LOVE C23 3RD POV Habang nasa opisina ay hindi niya maintindihan ang sarili niya kung bakit bigla niyang na-miss si Mia. Bawat sulok na kanyang tingnan ay hindi niya akalain na makikita niya ito. ‘Damn!’ Inis niyang hinampas ang kanyang lamesa, dahil sa kanyang naisip. Kahit sa kanyang bahay ay hinahanap niya pa rin ito, hinihintay niyang tatanggalin ni Mia ang suot niyang sapatos. Nang makarinig ng katok sa pinto ay agad siyang nag-angat nang mukha niya. “Sir, nandito na po si Mia.” Gulat siyang na-patingin sa secretary niya, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Sir..” Napatitig siya sa babaeng pumasok, habang hindi agad niya itong nilapitan. “Mabuti at nandito kana.” Wika niya habang yayakapin niya sana ito pero mabuti nalang at napigilan niya ang kanyang sarili. “Sige na lumabas kana.” Wika niya sa kanyang secretary. “Sir, hindi mo po ba sasabihin sa kanila na hindi ako si Mia?” Tanong nito, kaya roon niya lang na naalala na si Lira ang nasa harapan niya. “Umupo ka muna

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status