Home / Romance / Broken Love / CHAPTER 8

Share

CHAPTER 8

Author: Darkshin0415
last update Last Updated: 2025-09-04 11:14:07

BROKEN LOVE C8

3RD POV

Hindi napigilan ni Lukas na mapa-iling, dahil sa ginawa ng mga kapatid niya, pinalibutan kasi nila si Mia at ang sama ng tingin nila rito.

“Kuya, bakit ka may dalang babae?” Tanong sa kanya ni Violet.

“Layuan niyo nga siya, dahil siya ang personal assistant ko.” Sagot niya rito.

“Anak, hayaan mo na sila, ito kasi ang unang beses na may dala kang babae rito sa bahay.” Ngiting wika ng kanyang ina.

“Gusto ko kasi na matuto agad siya Mommy.” Sagot niya sa kanyang ina, habang napatitig ito kay Mia.

“Mukha naman siyang mabait at mapagkakatiwalaan Apo.” Wika sa kanya ng kanyang lola Viol.

“Siya ang sinabi ko sa inyo Mama.” Sagot naman ng kanyang lola Aveline.

“Mas maganda na rin ‘yong may personal assistant ka Apo, dahil sobrang busy na rin ng secretary mo, mukhang ‘di na niya kaya pang gampanan ang ibang gawain niya.” Wika ng lolo Oliver niya.

“Tama po kayo Lolo, isa pa po talagang magaling siya sa trabaho lalo na sa bahay.” Sagot niya rito.

“Siguro naman h
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Broken Love   CHAPTER 10

    BROKEN LOVE C10 3RD POV “’Yong inutos niyo po kanina Sir, ‘yong documents sa lahat ng nagtatrabaho rito.” Sagot ng kanyang secretary sa kanya. Muli naman siyang na-patingin kay Mia, at biglang nag-kasalubong ang kanilang mga mata, ito ang unang nag-iwas ng tingin kaya hindi na siya nagsalita pa. Gabi na nang matapos ang meeting niya, kaya hindi na siya bumalik pa sa opisina. Ilang hotel lang din ang napuntahan niya, at ang iba ay sa sunod na araw nalang niya pupuntahan. Nang makarating sa bahay ay agad na hinanda ni Mia, ang tsinelas niya, at nilagay ang ibang gamit niya sa lamesa. Hindi niya naman na iwasan na magtaka, dahil hindi nito tinanggal ang kanyang sapatos. “Ilagay ko lang ba ‘to rito Sir?” Tanong nito sa kanya, habang tumango siya rito. “Ihanda ko lang ang mga gamit mo sa pagtulog mo Sir, at lalabas na rin ako.” Muling wika nito, kaya lalo siyang nagtaka sa kinikilos nito. Napansin niya kasi na parang bigla itong nag-iba. “Bakit dark ang lahat ng damit mo Sir? Ayaw

  • Broken Love   CHAPTER 9

    BROKEN LOVE C93RD POV “Sir..” Nag-angat siya ng kanyang mukha at napatingin kay Mia. “Bakit?” Kunot-noo na tanong niya rito. “Nakalimutan ko po kasing ibigay sa inyo ang pagkain na hinanda ko kanina. Ito po..” Mahina na wika nito, habang nilagay ang isang paper bag sa itaas ng kanyang lamesa. “Bakit ba nag-aabala ka niyan?” Tanong niya rito, habang kita niya sa mukha nito ang pagkadismaya. “Ayaw niyo po ba sa mga niluluto ko Sir?” Tanong nito sa kanya. “Hindi sa ayaw, mas dinagdagan mo lang kasi ang trabaho mo.” Sagot niya rito. “Sige na lumabas kana.” Muling wika niya, kaya agad itong lumabas. Nag-angat naman siya ng mukha niya at nailing dito. “Sir, malapit na po ang meeting niyo.” Wika sa kanya ng secretary niya, kaya agad siyang tumayo. “Mia!” Tawag niya rito, kaya agad itong pumasok sa kanyang opisina.“Dalhin mo ang mga gamit ko.” Utos niya at nauna nang lumabas. “’Yong ibang documents, binigay mo na ba kay Mia?” Tanong niya sa kanyang secretary.“Opo Sir,” sagot nito

  • Broken Love   CHAPTER 8

    BROKEN LOVE C8 3RD POV Hindi napigilan ni Lukas na mapa-iling, dahil sa ginawa ng mga kapatid niya, pinalibutan kasi nila si Mia at ang sama ng tingin nila rito. “Kuya, bakit ka may dalang babae?” Tanong sa kanya ni Violet. “Layuan niyo nga siya, dahil siya ang personal assistant ko.” Sagot niya rito. “Anak, hayaan mo na sila, ito kasi ang unang beses na may dala kang babae rito sa bahay.” Ngiting wika ng kanyang ina. “Gusto ko kasi na matuto agad siya Mommy.” Sagot niya sa kanyang ina, habang napatitig ito kay Mia. “Mukha naman siyang mabait at mapagkakatiwalaan Apo.” Wika sa kanya ng kanyang lola Viol. “Siya ang sinabi ko sa inyo Mama.” Sagot naman ng kanyang lola Aveline. “Mas maganda na rin ‘yong may personal assistant ka Apo, dahil sobrang busy na rin ng secretary mo, mukhang ‘di na niya kaya pang gampanan ang ibang gawain niya.” Wika ng lolo Oliver niya. “Tama po kayo Lolo, isa pa po talagang magaling siya sa trabaho lalo na sa bahay.” Sagot niya rito. “Siguro naman h

  • Broken Love   CHAPTER 7

    BROKEN LOVE C7 3RD POV “Hindi siya kasali Lola.” Sagot niya sa lola niya. “Lumabas kana.” Utos niya kay Mia, kaya dali-dali itong umalis. “Umupo po muna kayo Lola.” Yaya niya habang inalalayan itong umupo. “Ipaliwanag mo nga ang nangyari rito Apo? Alam mo mabuti nalang pala at pumunta ako ngayon dito.” Wika ng kanyang lola sa kanya. “Naisip ko kasing silipin ang monitor ko at nakita kung naka-asa lang ang mga katulong dito kay Mia. Alam niyo po bang lahat ng gawain dito ay siya ang gumagawa Lola, tapos hinihintay pa niya ako sa pag-uwi ko.” Sagot niya sa kanyang lola. “Bakit po?” Taka na tanong niya rito, nang makitang nakatitig ito sa kanya. “Para mo pala siyang asawa.” Nailing siya, dahil sa kanyang narinig. “Lola naman, bakit asawa?” Hindi napigilan ng kanyang lola Aveline ang matawa, dahil sa reaksyon niya. “Kasi sino ba namang katulong ang matiyaga na maghihintay sa ‘yo ‘di ba?” Sagot nito sa kanya. “Isa pa, mukha naman siyang mabait Apo at maganda pa.” “Lola, hindi s

  • Broken Love   CHAPTER 6

    BROKEN LOVE C6 3RD POV Nang makarating sa opisina ay agad niyang binuksan ang kanyang monitor, para tingnan ang documents na pinasa ng secretary niya. Pino-forward niya rin dito ang ibang files na tapos na niyang basahin, at ‘yong nalagyan na niya ng sign. Lumipas ang ilang oras ay nakaramdam siya ng pagod, kaya naisipan niya muna ang humiga sa sofa. Naalimpungatan si Lukas at agad na napabalikwas, napatingin siya sa kanyang orasan at nakitang madaling araw na, kaya agad niyang pinatay ang kanyang monitor. Nang lumabas siya sa kanyang opisina ay agad na sumunod sa kanya ang kanyang mga tauhan. “Pumunta muna tayo sa isang coffee shop.” Wika niya sa kanyang driver. Nang makarating sa coffee shop ay inutusan niya ang tauhan niya na mag-order, gusto niya rin na mag-take-out nalang sila, dahil inaantok pa rin siya. Nang makarating ang tauhan niya ay agad niyang pinabigay ang mga kape sa kanila. Hindi na rin siya uminom, dahil gusto niyang makatulog agad pagdating sa bahay. “Sir..

  • Broken Love   CHAPTER 5

    BROKEN LOVE C5 3RD POV “Kuya, bakit ba kasi hindi nalang ikaw ‘yong nag-drive?” Tanong sa kanya ng kapatid niyang si Violet. “Malayo ang pupuntahan natin, kaya hindi ako pwedeng mag-drive.” Sagot niya sa kapatid niya. “Ano ba kasi ang pumasok sa isip mo at sumama ka?” Tanong niya rito. “Kuya, gusto ko lang naman malaman ang tungkol sa negosyo natin.” Sagot nito sa kanya. “Pero dapat hindi ka muna sumama sa akin sa mga malalayong lugar na pinupuntahan ko.” Wika niya, habang kunot-noo siyang tiningnan nito. “Kuya naman, ito nga ang gusto ko.” Maktol na sagot nito, kaya pinili niya nalang ang manahimik. Nang makarating sa mall ay nag-ikot muna siya bago siya pumunta ng meeting, tinitingnan niya rin kung wala ba silang dapat baguhin sa mall, habang ang kapatid niya ay pinabantayan niya sa mga tauhan nila. ‘Sandali lang.. B-bakit parang kilala ko ‘yon?’ “Sir..” Sambit ng director ng mall, kaya napatingin siya rito. Agad naman siyang naglalakad at hindi na pinansin ang babaeng na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status