เข้าสู่ระบบ-Ava-Hindi ko pinansin si Chantal at dire-diretso akong umakyat sa ikalawang palapag ng bahay at pinagbubuksan ang mga pinto ng kuwarto.“Hey! Stop!” sinubukan niya akong pigilan, pero huli na. Nabuksan ko na ang kuwartong kulay pink lahat ang makikita sa loob. Mula sa kurtina hanggang sa kubrekama, pink ang kulay ng mga ito. Pati ang sofa at ang throw pillow dito ay kulay roses din. Sa totoo lang, hindi siya cute. Ang sakit sa mata.Mabilis siyang humarang sa pinto at bukas ang mga brasong pinigilan ako sa pagpasok nang akmang hahakbang ako papunta sa loob.“Hindi ka pwede dito! Layas!” sigaw niya sa mukha ko. “Doon ka matulog sa ibang kuwarto!”“Ah talaga? Gusto mong gisingin ko ang daddy mo at isumbong sa kanya kung anong ginagawa mo sa akin? Di ba ang sabi niya, dito ako sa kuwarto mo ako matutulog, hindi lang ngayong gabi, kung hindi sa buong buwan ng pagtatrabaho ko para putulin ‘yang sungay mo, kaya tumabi ka diyan.” tinabig ko ang kamay niya at saka ako dire-diretsong pumasok
-Ava-Hindi ko inaasahan ang gagawin sa akin ni Daniel. Siniil niya ng mariing halik ang aking mga labi, at kahit anong pagpupumiglas ang gawin ko ay ayaw niya akong bitawan. Sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa akin.Nararamdaman kong bumibigay na naman ako. Gumaganti na rin ako ng halik sa kanya, pero nang damhin niya ng kanyang palad ang isang dibdib ko, bigla akong napalayo sa kanya at napabalikwas ng bangon.“Daniel, ano ba!” naiinis na inirapan ko siya at saka padabog na inayos ko ang laylayan ng suot kong dress at hinila ito pababa. “Hindi na natin ‘to pwedeng gawin! Buntis na si Ada!”“What?” natatawang saad niya bago isinuklay ang mga daliri sa buhok pagkatapos niyang bumangon. “You seriously believe na akin ang batang dinadala niya, eh wala ngang nangyari sa amin kahit minsan. Hindi ko siya ginalaw Ava, and of all people, dapat ikaw ang nakakaalam niyan.”“Ha? Bakit ako? Malay ko sa inyong dalawa!” pagtataray ko sa kanya, at hindi makapaniwalang tinitigan niya ako, pero hi
-Daniel-“May tao!” mahina ngunit gulat na bulalas ni Manang Huling nang mapansin ang babaeng mahimbing na nakahiga sa malaking kama. “Si Ma'am Ava ba 'yan, Sir?”Despite the darkness inside the room, Manang Huling's eyesight was still remarkably sharp. She recognized the young woman almost immediately. At hindi nga siya nagkamali. As I walked closer and got a good look at the peaceful face resting on the pillow, my lips unconsciously curved into a faint smile. Siya nga, wala nang iba.“Manang,” mahina kong tawag habang hindi inaalis ang tingin ko kay Ava. “Doon mo na lang muna dalhin sa ibang kuwarto ang bisita. Ako na ang bahala rito.”Tumaas ang isang kilay ni Manang Huling at binigyan ako ng mapanuksong tingin.“Don't tease me like that, Manang,” natatawa kong sabi.Pabiro ko siyang itinulak palabas ng silid.Narinig ko pa ang marahan niyang halakhak, na para bang may alam siyang hindi ko alam, bago ko tuluyang isinara ang pinto.The beautiful woman was curled up on the bed, sle
-Daniel-Habang inaanunsyo ng Mommy ko sa harap ng lahat na buntis si Ada, napansin kong tahimik na umalis si Ava. Wala siyang imik habang dahan-dahang lumalayo sa ballroom. Mukha siyang tuliro at tila biglang nawalan ng sigla.Maybe she was just tired or baka naman nagselos siya sa biglaang pag-aanunsyo ng mga magulang ko na buntis si Ada.Ako man ay hindi makapaniwala sa narinig ko.How could Ada be pregnant when nothing had ever happened between us? Kahit minsan, hindi ko siya ginalaw. At malinaw pa sa memory ako na hindi siya ang nakaniig ko noong gabi ng aming kasal.Hindi ko ikinatuwa ang plano ng babaeng nasa tabi ko, ang babaeng inaakala pa rin ng lahat na asawa ko. Gustong-gusto ko siyang komprontahin at itanong kung sino ang tunay na ama ng batang dinadala niya.Pero wala na akong pakialam kung sino man iyon. What I couldn't accept was her forcing me to take responsibility for something I had never done. Kapag ginawa niya iyon, hindi ako magdadalawang-isip na ilabas ang CCT
-Ava-Nang mapansin ni Tanya ang kakaiba kong reaksyon, mabilis niyang inalis ang kamay ni Carlos sa kanyang balikat.Sakto namang nagsalita si Mrs. Harrison kaya lumayo na ako sa kanila. “Daniel, anak. Come up here.”Tahimik na umakyat si Daniel sa entablado. Ang bahagyang ngiti sa kanyang mga labi ay agad naglaho at napalitan ng dati niyang malamig at walang emosyong ekspresyon.Kasabay ng pagharap niya sa mga bisita ay ang sunod-sunod na paghanga ng mga kababaihan sa bulwagan sa taglay niyang kaguwapuhan.“Oh my God! Ang guwapo niya talaga!”“Oo nga! Silang apat na magkakaibigan, lahat guwapo! Pero wala rito 'yung dalawa. Si Dr. James lang at si Daniel ang nandito. At si Daniel pa lang ang taken, ha. Single pa yung tatlo.”“Pero balita ko, may girlfriend na rin daw sina Marcus at Yael, kaya wala na tayong pag-asa.”Napapailing na lang ako sa mga bulung-bulungan nila. Mahilig din palang mag-fangirling ang mga tulad nilang mayayaman.Muli kong ibinalik ang aking atensyon kina Daniel
-Ava-Mukhang namana ni Daniel ang pinakamahusay na katangian ng kanyang mga magulang. Ang husay sa negosyo ng kanyang ama, at ang talino, kagandahan, at matatag na determinasyon ng kanyang ina.Samantala, ang kanilang unica hija naman... kahit medyo bossy at spoiled kung minsan, sino nga ba ang hindi magpapalambing sa nag-iisa nilang prinsesa?Nakatayo ako ilang metro ang layo mula sa entablado habang tahimik na pinagmamasdan si Mrs. Harrison. Kitang-kita sa bawat kilos niya ang matinding kumpiyansa at likas na karisma ng isang babaeng sanay mamuno.Nang matapos ang kanyang talumpati, umalingawngaw ang malakas na palakpakan sa buong bulwagan.Kasabay ng lahat, kusa ring nagpalakpakan ang mga kamay ko habang pinapanood si Mr. Harrison na umakyat sa entablado. Lumapit siya sa kanyang asawa, niyakap ito nang buong pagmamahal sa harap ng lahat, saka marahan itong hinalikan sa pisngi.“I am so happy that so many of you were able to join us tonight to celebrate my wife's birthday,” masayan
-Ava-“Mommy, what are you doing here?” mukhang hindi nagustuhan ni Daniel ang pagdating ng kanyang ina dahil mabilis niya itong hinila sa tabi at masinsinang kinausap.Habang nag-uusap ang mag-ina, biglang bumilis sa pagtibok ang puso ko dahil sa maya’t mayang pagsulyap sa akin ni Mrs. Harrison. W
-Ava-Pagdating sa kuwarto, binuksan ko ang pinto gamit ang keycard na himalang hindi nawala mula sa bulsa ng short na suot ko. “Daniel, kailangan na nating pumunta sa doktor para ma-check ang sugat mo.” Pinigilan ni Ada na pumasok sa kuwarto ko si Daniel. Hawak niya ang braso nito at pilit itong
-Ava-“Hindi naman, pero gusto ko sana munang kumain, Marcus,” sagot ko. Kahapon pa ng umaga kami walang kain ni Daniel, at pakiramdam ko ay nanghihina na ang buong katawan ko sa sobrang gutom.Agad na nagbago ang ekspresyon ni Marcus.“Oh, I'm sorry. Hindi ko man lang naisip na kahapon pa pala kay
-Ava-Inalalayan ko si Daniel papasok sa loob ng kuweba, ngunit pagkapasok na pagkapasok namin ay napahinto ako. Bahagyang naningkit ang mga mata ko nang mapansin ang apoy na nagliliyab sa gitna ng kuweba.Halatang hindi ito bagong sindi. Sa paligid nito ay may mga kahoy na nakasalansan, at may ila







