Share

Chapter 02

Author: Author Rain
last update publish date: 2026-03-13 14:38:16

-Ava-

Sakay ng magarang kotse, bumaba sila sa tapat ng kubo namin. Si Ada, nakasuot ng designer clothes. Mamahalin ang bag at may mga lahas na nangingintab sa kanyang katawan. May suot siyang itim na salamin sa mga mata, at hindi ko na siya halos makilala dahil sa kapal ng make-up sa kanyang mukha.

Pero kahit saan mang anggulo tignan, iisa pa rin ang hulma ng mga mukha namin. Matangos na ilong, makipot na mga labi at mapupungay na mga mata.

Ang ipinagkaiba lang namin ay ang buhok. Mahaba ang sa kanya at ang sa akin naman ay maiksi. Hindi ako kailanman nagpahaba dahil mas kumportable ako sa maiksing buhok. Dito ay nakakagalaw ako ng maayos. Nakakapagtrabaho ng walang sagabal, at mas magaan ang paggalaw.

Si tatay naman, nakasuot ng magarang three-piece suit na animo’y CEO ng isang malaking kumpanya. Nangingintab din ang suot na makapal na gintong kuwintas sa kanyang leeg at pwede nang manalamin sa makintab niyang leather na sapatos.

Hindi pa man sila nakakalapit sa bahay, binuksan ko na ang pinto at sinalubong sila sa ilalim ng mainit na araw.

“Can you at least invite us inside your kubo? Sobrang init dito.” maarteng saad ni Ada habang pinapayungan at pinaypayan siya ng kanyang alalay.

“Hindi pwede sa loob. May sakit ang nanay ko. Baka kapag nakita kayo, mas lalong lumala ang kalagayan niya. Anong kailangan niyo?” nakataas ang kilay na tanong ko.

Nagkatinginan muna ang mag-ama bago nagpasyang sabihin ang kanilang pakay.

“Ikakasal na ang kakambal mo.” mayabang na sagot ng tatay ni Ada. Oo, tatay niya lang dahil matagal ko na silang itinakwil sa buhay namin. “At kailangan namin ang tulong mo.”

Napaismid ako. Anong klaseng tulong ang kailangan nila sa akin eh halos lahat nasa kanila na. Pera, bahay, magarang sasakyan, at kumpanya. Ano pa ba ang hihilingin nila sa isang katulad ko na wala namang pag-aari o kayamanan?

Hindi ko pa man naririnig kung anong klaseng tulong ang kailangan nila ay tumanggi na ako. “Ayoko. Hindi ko kayo tutulungan. Umalis na kayo bago pa kayo makita ng inay. Kapag may nangyari sa kanya, mas lalong hindi ko kayo mapapatawad.”

Tumalikod na ako at akmang papasok sa bahay, pero natigilan ako nang marinig ang sumunod na sinabi ng tatay ni Ada. “Tutulungan mo kami kapalit ng pagpapagamot namin sa nanay mo. Nakahanap na kami ng ka-match ng kidney niya.”

Natawa ako ng mapakla. So, alam nila ang nangyayari sa amin. Alam nilang may sakit ang nanay ko.

Dahan-dahan akong pumihit paharap sa kanila. “Anong tulong ang kailangan ninyo?”

Tagumpay ang ngising pinakawalan ni Kardo. Isang makahulugang ngiti naman ang isinagot ni Ada.

Gusto nilang makipagsiping ako kay Daniel Harrison sa gabi ng kasal nila ng kakambal ko, at magpanggap na ako si Ada. Ang dahilan? Hindi na birhen ang kakambal ko. Kapag nalaman ito ni Daniel, siguradong hihiwalayan siya dahil kilala ang mga Harrison sa makalumang paniniwala, lalong-lalo na ang mga abuelo nito.

At ang kapalit nito ay ang pagdodonate ng kidney ni Ada sa nanay ko dahil sila ang magka-match, at sila din ang gagastos ng lahat. Babayaran din nila ako ng isang milyon para sa pagbebenta ko ng aking puri, at para may panggastos kami ng nanay ko habang nagpapagaling siya.

At habang papalabas ako ng hotel kung saan ibinigay ko na ang v!rginity ko sa asawa ni Ada, hindi ko maiwasang mapahagulgol. Noong una kong masilayan si Daniel, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Parang binalot ang aking puso ng kakaibang pakiramdam na sa tanang buhay ko ay ngayon ko lang naramdaman.

Gusto kong magsisi sa nangyari dahil hindi ko na ito kailanman maibabalik pa. Pero hindi dapat. Hindi maaari. Dapat nga magpasalamat pa ako eh. Dahil sa pagbebenta ko ng aking puri, madudugtungan ang buhay ng nanay ko. Maililigtas na siya sa tiyak na kamatayan.

Mabilis akong sumakay ng taxi at nagpahatid sa hospital kung saan naka-confine ang inay. Dinala kami nina Kardo at Ada dito sa Maynila upang dito maisagawa ang mabilisang operasyon, at kung saan mas madali ang magiging komunikasyon namin at pagpaplano sa mangyayari sa amin ng asawa ni Ada.

Bukas ang nakatakdang operasyon ng nanay ko na ipinangako ng mag-ama sa akin. Ang hiling ko lang ay sana tumupad sila sa usapan, dahil kung hindi, tatapusin ko ang kaligayahan niya bilang si Mrs. Harrison. Babalik siya sa pagiging Miss Hernandez.

“Anak, saan ka nanggaling?” tanong ng inay pagdating ko sa kanyang silid. Kakagising lang din niya dahil mag-aalas-singko pa lamang ng umaga.

Bahagya akong nagulat. Hindi ko akalain na mas mauuna siyang magigising bago pa man ako dumating. Nag-isip agad ako ng idadahilan.

“Naglakad-lakad lang ako sa labas, inay.” pilit ang ngiting sagot ko. Kagabi, umalis ako nang tulog siya. Hindi ko akalain na magigising siya ng maaga. Kadalasan ay alas sais ang gising niya. “Kumusta ho ang pakiramdam ninyo?”

“Anak, bumalik na tayo sa Cebu. Pakiramdam ko ay mas lumalala ang kalagayan ko dito sa Maynila.” hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit. “Sa probinsiya na lang tayo manatili. Doon ko na lang hihintayin ang kamatayan ko.”

“Inay, huwag kang magsalita ng ganyan.” marahas na pinahid ko ang luha sa mga mata ko. Ginagawa ko ang lahat para mailigtas siya, pero heto naman siya at parang ayaw nang mabuhay. Parang gusto na talaga niya akong iwanan mag-isa. “Gagaling ka. Kaya nga tayo nandito sa Maynila para magamot kita. Magagaling din ang mga doctor dito. Ginagawa ko ang lahat inay para gumaling ka, sana naman lumaban ka.”

“Pero wala tayong pera, anak.” nanghihinang napayuko siya. “Saan ka ba kumuha ng perang pamasahe natin papunta dito? At saka saan mo kukuhanin ang perang pampaopera sa akin?”

Nag-isip ako saglit. Hindi ko alam kung sasabihin ko sa kanya ang totoo o hindi. Pero sa huli, nagdesisyon akong sabihin ang kalahati ng totoo sa mga nangyayari sa amin ngayon.

“Inay, nalaman ni Ada na may sakit ka kaya tutulungan niya tayong maipaopera ka. Nakahanap din siya ng kidney na kamatch mo.” sabi ko nang hindi makatingin sa kanya ng diretso.

Hangga’t maaari, ayokong nagsisinungaling sa nanay ko dahil ayokong nasasaktan siya. Pero alam kong hindi siya titigil sa pangungulit sa akin hangga’t hindi niya ako napipilit na umuwi kami sa Cebu.

“Talaga, anak? Si Ada ang tumutulong sa atin? Kailan pa kayo nagkaroon ng komunikasyon? Ako? Tinanong ba ako ng kapatid mo, anak? Kailan daw siya dadalaw sa akin?” labis na tuwa ang nakita ko sa kanyang mga mata, at hindi ko maiwasan ang muling mapaluha. "Bagay sayo ang mahabang buhok. Magkamukhang-magkamukha na kayo ni Ada. Huwag ka na ulit magpapagupit ha."

Sobra-sobra ang pangungulila na nararamdaman niya para sa kakambal ko, pero ni hindi man lang siya madalaw nito. Ni hindi man lang tumatawag o kahit magtext man lang. Masyado na siyang nalunod sa pera at karangyaan, at mukhang mas mahal niya pa ang kabit ng tatay niya kaysa sa tunay niyang ina.

“Opo, inay. Kinakamusta ka niya palagi. Kaya naman magpagaling ka para kapag dinalaw ka niya dito, matutuwa siyang makita ka. Kailangan nating sundin ang lahat ng bilin ng doktor, okay?” niyakap ko siya ng mahigpit at kusang humaplos ang mga kamay ko sa kanyang manipis na likod.

“Oo, anak. Magpapagaling ako para kay Ada. Para sa inyong dalawa na mga anak ko. Magpapagaling ako.” mahinang sambit ng inay, at malungkot akong napangiti.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 083

    -Ava-“Hoy! Anong ginagawa mo?” tanong ni Cinderella na nakasunod sa akin kahit saan ako magpunta. Lahat ng binubuksan kong kuwarto ay hinihila niya pasara.Kung pabalibag akong nagbubukas, dahan-dahan naman niyang isinasarado ang mga ito na akala mo ay babasaging bagay na kailangang ingatan.“Namimili ako ng kuwarto, bakit? May reklamo ka?” nakataas ang kilay na tanong ko, at ipinagpatuloy ang paghahanap ng maganda at maaliwalas na silid na gusto kong tulugan.“Hindi ka pwede dito sa taas! Ang sabi ni Ma’am Ada, sa baba daw ang kuwarto mo!” galit na hinawakan ako sa kamay ni Cinderella, pero agad ko itong iwinaksi."At bakit hindi pwede? Anak din ako ni Kardo! Mas may karapatan ako kaysa sa'yo!" galit na sigaw ko sa kanya bago ako pumasok sa isang guest room na nagustuhan ko. Katabi ito ng kuwarto ni Ada.Alam ko kaagad na kuwarto niya iyong nabuksan ko kanina dahil nakita ko ang kanyang kama. Para itong sa prinsesa dahil may nakasabit pang kulambo sa taas.Bakit? May lamok ba dito a

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 082

    -Ava-“Kayo po ang nagpainom sa akin ng gamot?” tanong ko sa matanda habang namumula ang mukha ko. Wala akong ideya na iniutos pala ni Daniel sa katulong ang pagbibihis sa akin.“Oo, iha. At ako rin ang nagbihis sa’yo.” sagot niya, at bigla akong napayuko. Akala ko talaga si Daniel ang nagbihis sa akin. Nagalit pa naman ako sa kanya. “Ang sabi ni Sir Daniel ay kakambal mo daw si Ma’am Ada. Alam mo, mukhang mabait kang bata, hindi katulad ng kakambal mo. Napakamaldita! Ayoko talaga siya para sa amo namin. Alam mo, napakabait niyang si Daniel at kaming mga katulong dito ay hindi papayag na mapunta siya sa isang dem0nya dahil kaming mga katulong ang kawawa kapag tumira na siya dito.”At napangiti ako sa sinabi niya. Ngayon pa lang kami nagkakilala pero magaan na agad ang loob ko sa matandang ito. Siguro ay dahil pareho sila ng inay na mabait.Niyaya akong mag-almusal ni Manang Huling, pero hindi ako pumayag dahil baka maabutan pa ako ni Daniel dito.“Sa bahay na lang po ako mag-aalmusal.

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 081

    -Ava-Nagising ako dahil sa narinig kong malakas na pag-ungol sa kabilang kuwarto. Agad akong bumangon at patakbong tinungo kung saan nanggagaling ang ungol, at nagulat ako nang makita si Daniel na nakabukas ang robang suot kaya naman kitang-kita ko ang kanyang kahvbdan.Ano ba naman ‘tong lalaking ito? Ganito ba siya lagi matulog? Pano kung may biglang dumaan dito na katulong, eh di nakita na ang lahat sa kanya?Napakagat-labi akong nang biglang tumutok ang aking mga mata sa kanyang sandata na nagngangalit kahit tulog siya. Grabe, ang laki talaga!Dahan-dahan akong lumapit sa kama, at napatingin ako sa guwapo niyang mukha. Napakaswerte talaga ni Ada dito kay Daniel, pero sobrang sungit naman! Hindi ko alam kung bakit basta-basta na lang nagagalit sa akin!Bumaba ang tingin ko sa kanyang malapad na dibd!b, at bigla akong napalunok. Hindi ko napigilan ang aking sarili at hinaplos ito, pababa sa kanyang flat na abs.Hindi ko ito nagawa noon kaya sasamantalahin ko na. Hindi ko rin magaw

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 080

    -Daniel-“I don’t know, bro. Wala akong alam diyan. Maybe she’s just playing games with you, maybe she isn’t. Pero kung ako sa’yo, mas maganda siguro kung mag-iingat ka.” James’ tone suddenly became serious. “Ingatan mo din ‘yang puso mo. Mukhang nahuhulog ka na talaga sa kakambal ng asawa mo. Ay este, ex-asawa mo pala. Tapos malalaman mong gumaganti lang pala siya sa kakambal niya kaya ka niya aagawin.” at tumawa pa ito ng nakakaloko. Akala ko seryoso na siya. “So, paano mo ngayon ipapaliwanag kay tita Helen at sa mommy ni Ada na hiwalay na kayo ng anak niya?”“Wala akong planong sabihin sa kanila, James. Saka na lang ako mag-iisip ng paliwanag kapag nabuking na nila ako. Sa ngayon, I’ll just go with the flow and deal with their drama later.” nakangising sambit ko.“You mean to say, magpapanggap ka pa rin na asawa ni Ada?” His voice was full of disbelief. “That’s going to get very messy, bro. Because when you finally decide to pursue Ava, siyempre hindi ‘yun papayag dahil iisipin niy

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 079

    -Daniel-As soon as I entered the guest room, I immediately called Marcus just to vent out my frustration.“Bro, it’s already two in the fvcking morning. What do you want?” Marcus groaned from the other end of the line. Siya pa ‘tong may ganang magalit eh nakapitong ring yata bago niya sinagot ang tawag ko.A few seconds later, I heard the unmistakable sound of a woman m0aning in the background. Anak ka ng… may kaiy0tan na naman!Sana all na lang. Samantalang ako, sa palad na lang umaasa.‘Hoy Daniel! May asawa ka naman! Bakit hindi siya ang birahin mo?’ may biglang bumulong sa utak ko, at agad ko itong pinagalitan. ‘Hindi ko mahal si Ada. At hindi pa ako sigurado kung siya nga ‘yung nakasiping ko dati! Isa pa, hindi ko na siya asawa!’I let out a deep sigh and rubbed my temples before dialing Yael next, pero hindi rin ito sumasagot. He was probably asleep by now. Being a lawyer meant exhausting days filled with endless cases, and I knew he rarely had enough time to rest. Pabagsak ak

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 078

    -Daniel-Dinala ko si Ava sa bahay ko sa halip na sa ospital. At sa kuwarto ko pa mismo.Basang-basa ang kanyang damit nang ihiga ko siya sa kama, kaya alam kong kailangan ko siyang mapalitan ng tuyong damit para hindi na lumala pa ang kanyang kondisyon. Dahan-dahan ang bawat kilos ko, at pilit pinapakalma ang aking sarili habang tinatanggal ang kanyang damit.Hindi ako dapat makaramdam ng kung ano man sa kanya dahil hindi ito tama. She’s unconscious, and I should not be taking advantage of her condition like this. I would never use this situation for my own desires. Sinabi ko rin sa sarili ko na ang dahilan kung bakit ko siya kailangang bihisan ay simple lang. Basang-basa siya at ayokong lumala pa ang kalagayan niya. Dapat iyon lang ang iniisip ko.But the truth was, I couldn’t stop my mind from drifting back to that night.May isang bagay na pilit kumakapit sa aking alaala kahit ilang ulit ko nang sinusubukang kalimutan. Para bang may hinahanap akong maliit na detalye. Isang bagay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status