로그인
-Ava-
“Masarap ba ang asawa ko?” iyon ang mga katagang bumungad sa akin pagkatapos ng isang malutong na sampal na dumapo sa mukha ko paglabas ko ng silid kung saan kakatapos ko lang makipagniig sa asawa ng kakambal kong si Ada.
Napatulak ang dila ko sa loob ng aking pisngi kasabay ng isang makahulugang pagngisi. Tumaas ang kamay ko at ginantihan siya ng dalawang mas malalakas na sampal sa magkabilaan niyang mga pisngi.
“Oo naman, Ada.” nakangising sagot ko. "Napakasarap ng asawa mo. Wala akong masabi. Ang sarap-sarap."
Halos matumba siya sa lakas ng impact ng pagkakasampal ko sa kanya, at nanlalaki ang mga matang pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. “Ang kapal ng mukha mong sampalin ako, Ava!”
Muling tumaas ang kamay niya para sana sampalin ako, pero mabilis ko iyong nasalo. “Ako pa ngayon ang makapal ang mukha? Baka nakakalimutan mong ikaw ang nag-utos sa akin na makipagsiping sa asawa mo sa gabi ng inyong kasal, Ada!” sigaw ko bago ko marahas na binitawan ang kamay niya. “Kaya huwag na huwag mong ipapamukha sa akin na ginusto ko ito! Itatak mo diyan sa kukote mo na napilitan lang ako dahil sa inyo ng tatay mo!”
“Napilitan?” pauyam niyang sagot. “Eh mukha ngang gusto mo pang umulit eh! Malandi ka!”
“Pwede ba, Ada! Wala akong interes sa asawa mo kaya huwag na huwag mo akong pagbibintangan!” singhal ko bago ko inilabas ang aking lumang cellphone at ipinakita sa kanya ang video na nakapatong sa akin ang asawa niya.
“A-ano ‘yan?” nabubulol at malalaki ang mga matang tanong niya.
“Siguraduhin mo lang na susunod ka sa napagkasunduan natin kung ayaw mong malaman ng asawa mo itong ginawa mo!” sagot ko, at napasinghap siya bago napaatras nang makita ang video namin ng asawa niya.
Hindi ko na siya hinintay pa na sumagot. Humakbang na ako papalayo at iniwan siyang mag-isa sa may pinto ng kuwarto kung saan ang asawa niya ay nasa loob pa rin at natutulog. Siguradong napagod siya sa ginawa namin. Hanggang madaling araw ba naman eh hindi niya ako tinigilan.
Marahas na pinahid ko ang mga luhang namalisbis sa aking mga pisngi habang naglalakad sa hallway ng Hotel Harrison kung saan maghahoneymoon sana ang mag-asawa. Hinablot ko din ang pekeng kwintas sa leeg ko, pati na rin ang mga hikaw na pinasuot sa akin ni Ada kanina, at kasama ng bag na dala ko kung saan ko isinilid ang mumurahing wedding gown, itinapon ko ang mga ito sa nadaanan kong basurahan.
Si Ada ay kakambal ko. Isang minuto lang ang pagitan namin nang ilabas kami sa mundong ibabaw, dalawapu’t tatlong na taon na ang nakararaan. Tubong Cebu ang aming mga magulang at mahirap lang kami. Pangingisda at pagsasaka lang ang tanging ikinabubuhay ng aming pamilya.
Masaya kami noong una, pero habang lumalaki, nakikita namin ang pagbabago sa pagtrato ng itay kay inay. Dahil pagtungtong namin ng grade one, may nakilala siyang isang maganda at mayamang babae.
Nahumaling siya dito at nasilaw sa kayamanan nito. Kaya naman hiniling niya kay inay na maghiwalay na sila at palayain siya upang mapakasalan niya ang kabit niya. Noong una ay hindi ito matanggap ng inay, pero nang makitang desidido na ang itay na iwanan kami, pumayag na rin siya pero sa isang kondisyon. Maiiwan kaming magkapatid sa kanya.
Pumayag naman ang itay, pero hindi si Ada. Gusto niyang sumama kay itay dahil mas close siya dito at nasasabik din siya sa marangyang buhay. Nang malaman niyang mayaman ang ipinalit ng itay kay inay, hindi na siya nagdalawang-isip pang pumili kung sino sa amin ang sasamahan niya.
“Kay itay ako sasama! Hindi mo na ako mapipigilan, inay!” halos mangunyapit ito kay itay at ayaw nang bumitaw pa. Mas lalo pa siyang nasabik noong sunduin ng kabit niya ang itay dala-dala ang magarang kotse.
Iyak kami ng iyak ng inay habang nag-eempake ang itay. Hindi dahil sa kanya, kung hindi dahil mapapalayo na sa amin si Ada. Ang kakambal ko naman ay excited umalis at tila ba hindi alintana kahit hindi na makahinga ang inay sa sobrang pag-iyak.
Ni hindi man lang siya yumakap at humal!k bago sila umalis. “Hayaan mo inay, hinding-hindi kita iiwan kahit na anong mangyari. Dito lang ako sa tabi mo.” Ang mga katagang iyon ang binitawan ko at ipinangako ko sa kanya habang pinapanood namin ang pag-andar ng magarang sasakyan papalayo sa aming maliit na bahay.
Humihikbing niyakap ako ng nanay ko. Mula nang mga sandaling iyon, ipinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat upang mapasaya siya, at hindi na kailanman maalala pa ang sandaling ito ng kanyang buhay.
Pero sa pagtungtong ko ng bente-tres anyos, hindi ko inaasahan ang biglaang pagkakasakit ng inay. Sakit sa bato, at malubha na ito. Kinailangan ko nang humanap ng kamatch niya para ipalit sa kanyang nasirang kidney sa lalong madaling panahon, dahil kung hindi, hindi na siya magtatagal pa.
Agad akong nagpa-match test. Pero sa kasamaang palad, hindi nagtugma ang kidney namin ng inay. Hindi ko pwedeng idonate sa kanya ang kidney ko.
Kung saan-saan ako naghanap ng donor. Lahat ng hospital sa Cebu at sa karatig-bayang hospital ay pinakiusapan ko na kung may reserba silang kidney ay sa nanay ko na lang ibigay.
Pero wala din silang maibigay na kamatch niya, hanggang isang araw, dumating sina Ada at itay sa bahay.
-Ava-“Hoy! Anong ginagawa mo?” tanong ni Cinderella na nakasunod sa akin kahit saan ako magpunta. Lahat ng binubuksan kong kuwarto ay hinihila niya pasara.Kung pabalibag akong nagbubukas, dahan-dahan naman niyang isinasarado ang mga ito na akala mo ay babasaging bagay na kailangang ingatan.“Namimili ako ng kuwarto, bakit? May reklamo ka?” nakataas ang kilay na tanong ko, at ipinagpatuloy ang paghahanap ng maganda at maaliwalas na silid na gusto kong tulugan.“Hindi ka pwede dito sa taas! Ang sabi ni Ma’am Ada, sa baba daw ang kuwarto mo!” galit na hinawakan ako sa kamay ni Cinderella, pero agad ko itong iwinaksi."At bakit hindi pwede? Anak din ako ni Kardo! Mas may karapatan ako kaysa sa'yo!" galit na sigaw ko sa kanya bago ako pumasok sa isang guest room na nagustuhan ko. Katabi ito ng kuwarto ni Ada.Alam ko kaagad na kuwarto niya iyong nabuksan ko kanina dahil nakita ko ang kanyang kama. Para itong sa prinsesa dahil may nakasabit pang kulambo sa taas.Bakit? May lamok ba dito a
-Ava-“Kayo po ang nagpainom sa akin ng gamot?” tanong ko sa matanda habang namumula ang mukha ko. Wala akong ideya na iniutos pala ni Daniel sa katulong ang pagbibihis sa akin.“Oo, iha. At ako rin ang nagbihis sa’yo.” sagot niya, at bigla akong napayuko. Akala ko talaga si Daniel ang nagbihis sa akin. Nagalit pa naman ako sa kanya. “Ang sabi ni Sir Daniel ay kakambal mo daw si Ma’am Ada. Alam mo, mukhang mabait kang bata, hindi katulad ng kakambal mo. Napakamaldita! Ayoko talaga siya para sa amo namin. Alam mo, napakabait niyang si Daniel at kaming mga katulong dito ay hindi papayag na mapunta siya sa isang dem0nya dahil kaming mga katulong ang kawawa kapag tumira na siya dito.”At napangiti ako sa sinabi niya. Ngayon pa lang kami nagkakilala pero magaan na agad ang loob ko sa matandang ito. Siguro ay dahil pareho sila ng inay na mabait.Niyaya akong mag-almusal ni Manang Huling, pero hindi ako pumayag dahil baka maabutan pa ako ni Daniel dito.“Sa bahay na lang po ako mag-aalmusal.
-Ava-Nagising ako dahil sa narinig kong malakas na pag-ungol sa kabilang kuwarto. Agad akong bumangon at patakbong tinungo kung saan nanggagaling ang ungol, at nagulat ako nang makita si Daniel na nakabukas ang robang suot kaya naman kitang-kita ko ang kanyang kahvbdan.Ano ba naman ‘tong lalaking ito? Ganito ba siya lagi matulog? Pano kung may biglang dumaan dito na katulong, eh di nakita na ang lahat sa kanya?Napakagat-labi akong nang biglang tumutok ang aking mga mata sa kanyang sandata na nagngangalit kahit tulog siya. Grabe, ang laki talaga!Dahan-dahan akong lumapit sa kama, at napatingin ako sa guwapo niyang mukha. Napakaswerte talaga ni Ada dito kay Daniel, pero sobrang sungit naman! Hindi ko alam kung bakit basta-basta na lang nagagalit sa akin!Bumaba ang tingin ko sa kanyang malapad na dibd!b, at bigla akong napalunok. Hindi ko napigilan ang aking sarili at hinaplos ito, pababa sa kanyang flat na abs.Hindi ko ito nagawa noon kaya sasamantalahin ko na. Hindi ko rin magaw
-Daniel-“I don’t know, bro. Wala akong alam diyan. Maybe she’s just playing games with you, maybe she isn’t. Pero kung ako sa’yo, mas maganda siguro kung mag-iingat ka.” James’ tone suddenly became serious. “Ingatan mo din ‘yang puso mo. Mukhang nahuhulog ka na talaga sa kakambal ng asawa mo. Ay este, ex-asawa mo pala. Tapos malalaman mong gumaganti lang pala siya sa kakambal niya kaya ka niya aagawin.” at tumawa pa ito ng nakakaloko. Akala ko seryoso na siya. “So, paano mo ngayon ipapaliwanag kay tita Helen at sa mommy ni Ada na hiwalay na kayo ng anak niya?”“Wala akong planong sabihin sa kanila, James. Saka na lang ako mag-iisip ng paliwanag kapag nabuking na nila ako. Sa ngayon, I’ll just go with the flow and deal with their drama later.” nakangising sambit ko.“You mean to say, magpapanggap ka pa rin na asawa ni Ada?” His voice was full of disbelief. “That’s going to get very messy, bro. Because when you finally decide to pursue Ava, siyempre hindi ‘yun papayag dahil iisipin niy
-Daniel-As soon as I entered the guest room, I immediately called Marcus just to vent out my frustration.“Bro, it’s already two in the fvcking morning. What do you want?” Marcus groaned from the other end of the line. Siya pa ‘tong may ganang magalit eh nakapitong ring yata bago niya sinagot ang tawag ko.A few seconds later, I heard the unmistakable sound of a woman m0aning in the background. Anak ka ng… may kaiy0tan na naman!Sana all na lang. Samantalang ako, sa palad na lang umaasa.‘Hoy Daniel! May asawa ka naman! Bakit hindi siya ang birahin mo?’ may biglang bumulong sa utak ko, at agad ko itong pinagalitan. ‘Hindi ko mahal si Ada. At hindi pa ako sigurado kung siya nga ‘yung nakasiping ko dati! Isa pa, hindi ko na siya asawa!’I let out a deep sigh and rubbed my temples before dialing Yael next, pero hindi rin ito sumasagot. He was probably asleep by now. Being a lawyer meant exhausting days filled with endless cases, and I knew he rarely had enough time to rest. Pabagsak ak
-Daniel-Dinala ko si Ava sa bahay ko sa halip na sa ospital. At sa kuwarto ko pa mismo.Basang-basa ang kanyang damit nang ihiga ko siya sa kama, kaya alam kong kailangan ko siyang mapalitan ng tuyong damit para hindi na lumala pa ang kanyang kondisyon. Dahan-dahan ang bawat kilos ko, at pilit pinapakalma ang aking sarili habang tinatanggal ang kanyang damit.Hindi ako dapat makaramdam ng kung ano man sa kanya dahil hindi ito tama. She’s unconscious, and I should not be taking advantage of her condition like this. I would never use this situation for my own desires. Sinabi ko rin sa sarili ko na ang dahilan kung bakit ko siya kailangang bihisan ay simple lang. Basang-basa siya at ayokong lumala pa ang kalagayan niya. Dapat iyon lang ang iniisip ko.But the truth was, I couldn’t stop my mind from drifting back to that night.May isang bagay na pilit kumakapit sa aking alaala kahit ilang ulit ko nang sinusubukang kalimutan. Para bang may hinahanap akong maliit na detalye. Isang bagay







