LOGIN-Ava-“Pagsisisihan mo ang ginawa mong ito sa akin, Ava.” Lalo pang humigpit ang hawak niya sa buhok ko, at ramdam ko ang pagpatak ng luha sa gilid ng aking mga mata. Hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa sinabi niya.“Ada...” Nanginginig ang boses na saad ko. Hindi ko maintindihan kung paano niya nagagawang sabihin ang ganoong bagay. “Nanay mo rin siya. Bakit ang tigas ng puso mo sa kanya? Siya ang nagluwal at ang nagpalaki sa atin. Inalagaan ka niya at minahal ng higit pa sa sarili niyang buhay.”Halos hindi na ako makahinga sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.“Hindi mo ba naaalala? Tuwing nagkakasakit ka, hindi siya natutulog. Kapag may gusto ka, ginagawa niya ang lahat para maibigay iyon sa'yo. Kahit wala na siyang makain, inuuna ka pa rin niya, Ada. Lahat ng pagmamahal niya, ibinigay niya sa'yo! Hindi ba kahit kaunting utang na loob man lang, wala kang nararamdaman?”Isang malamig na pagtawa lamang ang isinagot niya sa lahat ng mga sinabi ko. “Hindi ko siya ina! Ilang beses ko ba
-Ava-Hindi makasagot si Ada. Sa halip ay lalo lamang siyang napahagulgol. “Please… Ikaw na lang ang pag-asa ko. Please, James. Tulungan mo naman ako. Kapag nalaman ni Daniel ang totoo, iiwan niya ako. Makakaya mo bang makita akong nahihirapan? Naging magkaibigan din naman tayo, James.”Hindi ko alam kung maaawa ba ako o magagalit. Ngunit mas nanaig ang galit dahil hindi lang pala siya sinungaling. Handa pa niyang idamay ang isang doktor at sirain ang propesyon nito para lamang matupad ang kanyang kahilingan.Sa likuran namin ay abala si Chantal sa pakikipag-usap sa telepono kaya hindi niya alam kung anong mga pinagsasasabi ni Ada. “Kuya!” malakas niyang sambit. “We’re here at the hospital right now. Bilisan mo diyan! Sumunod ka na kaagad dito, okay?”Napansin kong tahimik si James. Siyempre, nag-aalangan siya. Bilang doktor, hindi siya maaaring magsinungaling sa medical records. Ngunit bilang pinsan ni Daniel at kaibigan ni Ada, mukhang naaawa rin siya dito.Hindi ko na siya hinayaan
-Ava-Unti-unti kong ikinuyom ang aking mga kamao.Masakit. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Hindi dahil pinili niya sina Kardo at Tanya. Kundi dahil ako na lang ang natitirang taong tunay niyang kadugo. Ako na lang ang natitirang taong handang lumaban para sa kanya, pero ako pa rin ang una niyang itinaboy.Ipinikit ko sandali ang aking mga mata at huminga ako ng malalim upang pigilan ang sarili kong sumagot.Ilang ulit kong sinubukang intindihin si Ada, at ilang beses ko din siyang pinatawad sa lahat ng ginawa niya sa akin. Kahit siya ang dahilan kung bakit nawalan sa buhay ko ang inay, kahit paulit-ulit niya akong siniraan at ilang beses niya din kaming ipinagpalit sa mga taong ginagamit lang siya, pinili ko pa ring bigyan siya ng pagkakataon dahil umaasa akong balang araw ay mamumulat din siya at mauunawaan niyang hindi kami ang kalaban niya. Kundi sina Kardo at Tanya. Pero mali ako. Dahil sa bawat pagkakataong inaabot ko ang kamay ko para iligtas siya sa pagkalunod sa kas
-Ava-“Ano'ng ibig mong sabihin?” Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at mahigpit kong hinawakan ang magkabilang balikat ni Ada. Pilit kong hinahanap sa kanyang mga mata ang anumang bakas ng pag-aalinlangan, pero wala akong makita dito.“Alam mong hindi siya ang tunay nating ama,” nanginginig kong saad. “Pero kung umasta ka… para siyang higit pa sa tunay nating ama kung ituring mo siya.”Napailing siya at marahas na itinabig ang mga kamay ko, pero sa sobrang higpit nito, hindi siya nakawala sa akin. “Wala kang pakialam!” pabulong na sigaw niya. “Desisyon ko 'to, at hindi ko kailangan ang opinyon mo! Eh ano kung gusto ko siyang ituring ni ama? Sino ka ba ha?”Naglalagablab ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin.“Mas pinipili ko sila kaysa sa inyo ng nanay mo, dahil masaya ako sa kanila! Wala akong magiging buhay sa inyo! Wala!” medyo lumakas ang boses niya kaya napalingon sa amin si Chantal.Maging si James, na siyang nagmamaneho, ay napat
-Ava-“I don’t care!” galit na sigaw niya sa akin. “Bakit ka ba nangingialam, ha?”“Dahil trabaho ko ang baguhin ang pangit mong ugali!” hinaklit ko siya sa braso at nakita ko ang pagngiwi niya, pero hindi ko siya binitawan. “Hindi ka na bata para hindi malaman kung anoa ng tama at mali! Isa pa. Isa pa talaga, Chantal! Malilintikan ka na sa akin!” Pero bago pa man niya ako masagot, narinig ko ang boses ni Ada sa likuran namin. “Can I join you, guys? Balak ko rin sanang mamasyal kaso umuwi na ang driver ko. Mukhang may business meeting naman ang asawa ko kaya hindi ko siya pwedeng istorbohin.”Hindi pa kami sumasagot ni Chantal ay tinabig niya ako palayo kaya nabitawan ko si Chantal, at saka siya umakyat sa van at mabilis na tumabi sa kapatid ni Daniel na lalong sumama ang timpla pagkakita sa kanya.“Hindi ka pwedeng sumama sa amin!” galit na itinulak siya ni Chantal palayo, at muntikan pa siyang mahulog kung hindi ko naiharang ang mga kamay ko.Pero imbes na magpasalamat, galit na mu
-Ava-“You barely had a bite, Ava. Pano mo nasabing busog ka na?” kunot ang noong tanong ni Marcus sa tabi ko. “Pano ka nga pala natutong gumawa ng pandesal? Ang sarap ha. Pwede nating ibusiness ‘to. Magpatayo kaya ako ng bakery tapos pandesal mo ang ibebenta ko, tapos pwede ka ding mag-bake pa ng iba para marami tayong mabenta.”“Si Ava ang gumawa ng pandesal na 'yan?” Hindi makapaniwalang tanong ni Ada habang itinuturo ang kagat-kagat ni James.May pagtataka sa kanyang mga mata, ngunit mas nangingibabaw ang pagdududa. Parang hindi niya matanggap na ang pandesal na pinupuri nila dahil sa sobrang sarap ay gawa ko pala.“Ayoko na pala niyan!” nakairap na sagot ni Chantal. “Magkakanin na lang ako.”“Me too.” sagot din ni Ada na pinaikot pa ang mga mata.“Then you’ll regret not trying it.” sagot naman ni Daniel na nagsimula na ring sumandok ng kanin. “Kumain ka din ng kanin, Ava. Para magkalaman ka naman ng kaunti. Look at yourself. You’re too thin.”Napangiti ako ng bahagya bago ako nap
-Ava-Pagdating sa kuwarto, binuksan ko ang pinto gamit ang keycard na himalang hindi nawala mula sa bulsa ng short na suot ko. “Daniel, kailangan na nating pumunta sa doktor para ma-check ang sugat mo.” Pinigilan ni Ada na pumasok sa kuwarto ko si Daniel. Hawak niya ang braso nito at pilit itong
-Ava-“Marcus, halika na. Kailangan na ni Ava na magpahinga.” hinila na ni Ada si Marcus sa kamay.“Pero may sasabihin pa daw sa akin si Ava.” mariin namang tumutol si Marcus.“Okay lang, Marcus. Bukas na lang. Gusto ko na ring magpahinga.” sabi ko, at agad naman siyang tumango.“Okay. Maaga nga pa
-Ada-“Huwag nang maraming tanong, Ada.” tinapik ni mommy ang mga paa ko kaya nalaglag ang mga ito sa sahig. I couldn’t help but roll my eyes at her. Ang sakit ha!“Kung ako sa’yo, asikasuhin mo na lang ang asawa mo. Gawin mo ang lahat para magsiping na kayo. At siguraduhin mong mabubuntis ka sa u
-Ava-“Hoy, Ava! May hindi ka ba sinasabi sa akin, ha?” tanong ni Ingrid habang sinusubuan ko ng pagkain ang inay. Hindi na kami nakapag-usap kanina ni Ingrid pagkatapos naming iwanan sina Daniel sa labas ng ward dahil inasikaso ko na ang nanay ko. Tapos ipinatawag pa ako ng doktor at sinabi sa aki







