Share

Chapter 45

Auteur: Author Rain
last update Date de publication: 2026-04-24 10:40:10

-Ava-

Huminto muna ako sa ilalim ng malaking puno at hinintay na makabalik ang taxi na sinakyan ni Ada.

Malayo na ang nalalakad ko at medyo hinihingal na rin ako. Malayo-layo pa ang guard house at sobra na talaga ang pagod ko. Sana pala pinahintay ko na lang yung taxi na naghatid sa akin kanina. Kahit bayaran ko pa siya ng triple dahil may hawak na akong pera.

Hindi ko naman kasi akalain na sobrang hirap palang makakuha ng sasakyan dito.

Habang hinihintay ang taxi, biglang nagtext sa akin ang
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé
Commentaires (1)
goodnovel comment avatar
GINALYNVELANTE ZANO
author bkit Isa lng to hehe thank you po
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Latest chapter

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 48

    -Ava-Pinanlisikan naman ni Ada ng mga mata ang inay nang marinig ang sinabi niya. “Hoy, hindi ko kailangan ng awa mo! Pwede bang umalis na lang kayo dito sa Maynila! Bumalik na kayo sa probinsiya kung saan kayo nararapat! O gusto niyong isumbong ko pa kayo sa daddy ko?”“Hoy, ikaw na babae ka!” nakisali na rin si Ingrid, at biglang dinuro si Ada, pero mabilis ko siyang pinigilan. Ayoko siyang madamay dito dahil hindi niya alam kung paano magalit si Ada.“At sino naman itong kutong lupa na ‘to?” tanong nito, pero mabilis kong itinago si Ingrid sa likod ko at binulungan na huwag muna siyang makialam.“Anak, please. Huwag mong sasabihin sa iyong itay na nandito kami sa Maynila. Aalis na kami ni Ava. Babalik na kami sa probinsiya.” nagmamakaawang sambit ng inay, at awang-awa ako habang pinapanood siya. Wala siyang alam sa mga desisyong ginawa ko sa buhay. Hindi niya alam na kinausap nila ako dito, at wala din akong ideya na ganito pala siya matakot sa itay.Hinawakan niya ang kamay ko a

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 47

    -Ava-“Ano bang problema mo, Ada?!” galit na tanong ko, pero pigil na pigil ko ang pagtaas ng boses ko dahil nag-aalala ako na baka marinig kami ng inay. Pasalya kong binitawan ang braso niya kaya naman muntik na siyang matumba, pero mabilis siyang nakabalanse. “Ano bang ginagawa mo dito? Ano pang kailangan mo sa akin? Bakit kailangan mo pa kaming guluhin at pati ang inay ay gusto mong idamay!”“Ikaw!” idiniin niya ang hintuturo sa noo ko, pero marahas ko itong tinabig. “Ikaw ang problema ko! Pero hindi ako nandito para sa’yo o sa nanay mo! Nandito ako dahil hinahanap ko si Daniel. Nagkataon lang na nakita kita kaya huwag kang feeling diyan!”“Ganun ba?” medyo kumalma ang puso ko sa sinabi niya. “Eh di makakaalis ka na. Wala ka naman palang kailangan sa akin eh.”Nang akmang babalik na ako sa mga inay, bigla niyang hinawakan ang kamay ko at pinigilan ako sa paglayo. “Teka lang. Hindi pa ako tapos.” sabi niya, pero parang napasong binitawan niya ako nang marelaize niyang madumi ako par

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 46

    -Ava-Bago ako bumaba ng taxi, nakareceive ako ng text mula kay Ingrid na nasa likod daw sila ng inay at nagpapahangin. May mga matataas na puno sa likod kaya kahit papaano ay sariwa ang hangin na malalanghap doon. Makakabuti ito para sa inay.Doon na ako dumiretso habang kipkip ng mahigpit ang bag kong may lamang pera. Naglalakad ako sa hallway habang nagtatype ng text para kay Ingrid nang biglang may tumama sa balikat ko.“Aray!” napahawak ako sa balikat ko nang mapagtantong may bumangga sa akin.“Ada?” napatingala ako sa lalaking nabangga ko at tinawag ako sa pangalan ng kakambal ko.Nakasuot siya ng puting coat at may salamin sa mga mata. Isa lang ang ibig sabihin nito. Isa siyang doktor.“Sorry po, dok. Hindi ko po sinasadyang mabangga kayo.” nakayukong sambit ko. Alam kong kasalanan ko dahil nakatingin ako sa phone ko habang naglalakad. “Pero hindi po Ada ang pangalan ko.”Itinago ko ang mukha sa buhok ko at nilampasan ko siya. Binilisan ko pang lalo ang paglalakad, at napapikit

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 45

    -Ava-Huminto muna ako sa ilalim ng malaking puno at hinintay na makabalik ang taxi na sinakyan ni Ada. Malayo na ang nalalakad ko at medyo hinihingal na rin ako. Malayo-layo pa ang guard house at sobra na talaga ang pagod ko. Sana pala pinahintay ko na lang yung taxi na naghatid sa akin kanina. Kahit bayaran ko pa siya ng triple dahil may hawak na akong pera. Hindi ko naman kasi akalain na sobrang hirap palang makakuha ng sasakyan dito.Habang hinihintay ang taxi, biglang nagtext sa akin ang isang kaibigan ko. Ang nag-iisang taong pinasahan ko ng video namin ni Daniel Harrington. At nagpapasalamat talaga ako dahil naisip kong gawin iyon, kaya kahit binura nina Tanya at Kardo ang video, mayroon pa ring taong may hawak nito. At makukuha ko ulit ito sa sandaling kailanganin ko ang video.Kabilin-bilinan ko sa kanya na huwag na huwag niya itong papanoorin dahil talagang puputulin ko ang pagkakaibigan namin kapag pinanood niya ito. Sobra-sobra ang tiwala namin sa isa’t isa ng taong ito

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 44

    -Ava-“Sige, saktan mo ulit ako!” Inilabas ko ang cellphone ko at hinanap dito ang kinuha kong video ng pagniniig namin ni Daniel bago ko ito ipinakita sa kanya. “Ayan! Tignan niyong mabuti! May kopya ako noong gabing nags!ping kami ni Daniel Harrison! Kung ayaw niyong pumunta ako sa kanya at ipakita ito, ibigay niyo sa akin ang pera ko!”Parehong nanlaki ang mga mata ng dalawang matandang nasa harap ko nang makita ang video sa cellphone ko. Agad ko itong iniiwas nang tangkain ni Kardo na agawin ito sa kamay ko.Nakita ko namang tumayo si Tanya at dumukot ng tatlong bungkos ng pera sa kanyang bag at ibinato ito sa mukha ko. “Hayan ang pera mo, mukhang pera!” sigaw niya sa akin. “That’s five hundred thousand pesos, b!tch!”Naluluhang pinulot ko isa-isa ang mga nagkalat na pera sa sahig. Lahat ng sulok ay tinignan ko. Pati ang carpet ay iniangat ko para walang maiwang pera dito. Parang sinasaksak ng ilang ulit ang puso ko, at nanginginig ang mga kamay ko habang pinupulot at binibilang k

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 43

    -Ava-Samantalang itong si Kardo ay nagpapakasarap lang dito at si Ada naman ay nag-eenjoy sa ibang bansa. Hindi man lang nila naisip ang nanay ko. Wala silang mga awa!“Nasaan ang pera ko?” tiim ang mga bagang na tanong ko. “Ibalik mo ang pera ko sa card! Kailangan ko ‘yun ngayon din. Kung ayaw nang idonate ni Ada ang kidney niya sa inay, hahanap ako ng kamatch niya na willing magdonate, pero ibalik mo sa akin ang pera ko.”Biglang nanlisik ang mga mata ni Tanya nang marinig ang sinabi ko. “Pera mo? At kailan mo pa naging pera ang galing sa bulsa ko?”“Huwag kang makialam dito! Hindi ka kasali sa usapan!” singhal ko sa kanya, at pareho silang nagulat ni Kardo. “Hindi ka kasali sa pamilya!”Sa sobrang galit ni Kardo sa inasal ko, bigla siyang tumayo at sinampal ako sa mukha. “Huwag mong pagsasalitaan ng ganyan si Tanya!” sigaw niya sa mukha ko bago niya ako dinuro. “Baka hindi mo alam na siya ang tumutulong sa’yo! Siya ang nagbibigay ng pera para magamot ‘yang nanay mong walang kwenta

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status