PAGOD na hinubad ni Gieselle ang suot na stiletto pagpasok niya sa sariling condo unit. Nanlalanta niyang ibinagsak ang katawan sa sofang nasa sala at inilapag ang bag sa center table. Hindi na siya nag-abalang buksan ang ilaw at nagkasya na lamang sa liwanag ng mga katabing gusali na tumatagos sa salaming bintana. Bumuntong-hininga siya habang minamasahe ang noo. Nasa ganoong posisyon siya nang tumunog ang cellphone kaya pagod niyang kinalkal ang bag para sagutin kung sinuman ang tumatawag. "Hi, Mom," halata sa boses niya ang pagod nang sagutin niya ang kanyang mommy. "Kumusta na, 'nak? Alam kong pagod ka at siguro'y kakauwi pa lang mula sa trabaho. Pasensiya na't wala kami riyan para maalagaan ka. Pumunta ka na kasi rito sa Canada at nang magsama-sama na tayo," saad ng kanyang mommy."Tungkol nga pala kay Tiya Carmen, malapit na ang second death anniversary niya, uuwi ka ba roon?" Halata ang kalungkutan sa boses ng kanyang mommy. Matagal siyang nanahimik bago
MAAGANG nagising si Gieselle dahil sa pambubulabog ng kung sinong tumatawag sa kanya. Kahit nakapikit pa ang mata’y kinapa niya ang cellphone sa ilalim ng unan at hindi na tiningnan ang caller at deritsong sinagot iyon. "Hello," inaantok niyang sabi. "Gie? Gising ka na ba o nananaginip pa?" tanong ni Ate Toyang sa kabilang linya. "Gising na po ngayon dahil sa tawag mo," halos bulong na lang 'yon."Kasi naman nakakabagot dito. Ako lang mag-isa. Kailan ka ba uuwi rito at nang may makasama na ako?" "Sa lalong madaling panahon, Ate. Naghahanap pa ako ng bibili ng condo unit ko," paliwanag niya. "May balita nga pala ako sa'yo," mas sumigla pa ang boses nito. "Magandang balita?" "Siguro. Alam mo bang may darating ngayong buwan. May uuwi!" Mababakas ang sobrang kasiyahan sa boses ni Ate Toyang. "Pinoy Henyo na ba tayo, Ate?" walang ganang tugon niya. "Si Martin! Uuwi si Martin!!" Kulang na lang ay tumalon ito sa sobrang tuwa. Matagal siyang hindi naka-imik
"GOOD evening, Gieselle," bati ng kaharap sa kanya. Tumayo ito at inilahad ang kamay. Tinitigan lamang ni Gieselle ang kamay ni Martin. Tila nag-aanyaya ang mahahabang daliri nito at magagandang kuko. Kalaunan, tinanggap niya rin ang pakikipag-kamay. Naisip niyang hindi naman tama kung papakitaan niya ng hindi maganda ang lalaki. Baka isipin pa nitong ang bitter niya at hanggang ngayon ay hindi pa rin nakaka-move on. "Good evening too," hindi mababakasan ng kasiyahan o kasabikan ang kanyang boses. "Have a sit, please." Pinaghila siya ng upoan sa katapat na silya nito. Mahinhin siyang umupo at inilagay ang handbag sa kanyang kandungan. Inayos ang buhok saka bahagyang binasa ang pang-ibabang labi. "Order muna tayo," nakangiting turan nito saka inilipat ang mata sa menu."Actually, nagmamadali ako kaya let's make this meeting brief and short."Natigilan ang lalaki at ibinaba ang hawak na menu. "Hindi ba pwedeng mag-dinner muna tayo bago pag-usapan ang condo u
MALALIM na ang gabi pero palakad-lakad pa rin si Gieselle sa loob ng kanyang unit. Parang hindi siya makapaniwala sa mga nangyari ngayong gabi. Nagkita at nagkausap sila ni Martin. Parang pilit pa rin silang pinagtatagpo ng mga taong nakapaligid sa kanila. Nasapo niya ang noo at namaywang. Humugot ng malalim na hininga saka pabugang pinakawalan ito. Dapat hindi na siya ganito kaapektado lalo't naka-moved on na siya. Pero nakalimut na nga ba talaga siya sa damdamin para sa lalaki? O pinipilit lang ang sarili niyang nakalimutan na ang lalaki kahit hindi pa? Nilunod niya ang sarili sa trabaho para hindi magkaroon ng oras na maisip pa si Martin. Ito lang ang natatanging paraan para maging payapa na ang kanyang isipan at dibdib. "Oo na, Mother. Papunta na ako riyan." Nagmamadali siyang pumasok sa elevator lalo’t late na siyang nagising kanina. Magsasara na sana ito nang may kamay na humarang at pumasok ang isang matangkad na lalaki. Muntik ng malaglag ang coat na nak
ILANG minuto nang nawala si Martin sa harapan ni Gieselle ngunit nanatili siyang nakatulala. Tila na-istatwa at nahihirapang gumalaw. Hinalikan lang naman siya ng binata. Hinalikan siya kahit wala silang relasyon. Lasing na nga ito at hindi niya alam kung matutuwa o magagalit sa inasta ng lalaki. Hindi na bago sa kanya ang ganito. Ilang beses na rin naman siyang nakipaghalikan dati kahit walang label. Pero dati 'yon. Noong hindi pa niya nakilala si Martin. After they broke up nagbago na ang pananaw niya sa buhay, lalo na sa usaping relasyon at pag-ibig. "Hoy! Nakikinig ka ba?" pukaw sa kanya ni Mother Chelsea. Nakapangalumbaba lang siya habang nagsasalita ito sa kanyang harapan. Nasa loob sila ng opisina nito para pag-usapan ang nalalapit niyang bakasyon. "Ang sabi ko next week pwede ka ng hindi pumasok. Humayo ka na sa leave mo." "Ga-ganoon po ba? Salamat, Mother," walang ganang sagot niya. Palaisipan pa rin sa kanya ang nangyari sa kanila ni Martin kaya para
HINDI inaasahan ni Gieselle ang madadatnang bisita pagkagising niya. Mabuti na lang at naisipan niyang maghilamos at magsuklay bago lumabas ng kwarto. "Hi! Good morning, Gie. Pasensiya na sa maagang pag-abala namin sa'yo," mahiyaing wika ni Joy na kaibigan ni Martin. Kasama rin nito ang asawang si Paul na ngumiti sa kanya. "Ayos lang. Ako dapat ang humingi ng pasensiya kasi tinanghali ako ng gising. Ano nga palang atin?" deritsong tanong niya. "Nang mabalitaan namin kahapon na umuwi ka pala, nagpasya kaming personal kang imbetahan. Remember our son na bininyagan dati at dumalo kayo ni Martin? Magbi-birthday na naman kasi at gusto naming nandoon ka sa kaunting salo-salo na inihanda namin para sa kanya." Sa dami ng pwedeng ipaalala ang pinuntahan pa talaga nila ni Martin ang nabanggit. Hindi niya alam kung alam ng mag-asawa ang nangyaring hiwalayan nila o nagkunwari na lang na wala upang hindi nakakailang ang sitwasyon. "Kailan nga pala ang kaarawan niya?" tan
INILAPAG niya sa lababo ang basong ginamit at naglakad palabas ng kusina. Lalagpasan na sana niya si Martin ngunit nagsalita ito. "Kumusta ang sugat sa tuhod mo?" tanong nito sa mababang boses. Kinilabutan siya nang marinig ang tinig nito. Samahan pa ng pabangong nanunuot sa kanyang ilong. "Ayos na," simpleng sagot niya at humakbang na palayo sa lalaki. Ngunit hindi natuloy dahil maagap nitong nahawakan ang kanyang siko. "Gie. . ." Tila napapaso siya sa mainit nitong palad. Napako ang mata niya roon. Dahan-dahan naman itong bumitaw.Nang lumuwag ang pagkakahawak sa kanya’y nagmamadali siyang lumayo. Tila may humahabol sa kanya sa bilis ng paglalakad. Halatang kabado ang mukha nang umupo ulit. Kinagat niya ang labi upang hindi mahalata ang panginginig. Hindi niya kayang mapalapit kay Martin. Kung dahil ba sa saya, sakit, pagkasabik, ilang, hiya ay hindi niya mapangalanan.Hindi na niya masundan ang mga nangyayari. Lutang na siya hanggang sa isa-isang nagpaalam ang mga bisi
MUGTO ang mata ni Gieselle kinabukasan. Nakaharap siya sa salamin at tinitigan ang sariling repleksiyon. Gusto niyang sigawan ang sarili. Hindi niya inaasahang makikita ang sarili sa ganitong sitwasyon. Siya ang nang-iiwan. Siya ang iniiyakan. Siya ang nakikipaghiwalay. Pero nakilala niya lang si Martin ay biglang bumaliktad ang kanyang mundo. "Pangako, hinding-hindi na ako iiyak at magpapaapekto sa'yo, Martin," bulong niya. Hindi pinuputol ang titig sa sariling repleksiyon. Napagtanto niyang hindi niya kailangang baguhin ang sarili upang mahalin ng kahit na sino. Hindi niya kailangang magpanggap na ideal girl na kahit na sinong lalaki. Sinipat siya ni Ate Toyang habang inihanda ang kanilang agahan. Nakasuot siya ng crop top sleeveless blouse at skimpy shorts habang nagtitimpla ng kape. Umupo siya sa silya at humigop mula sa hawak na tasa. "Kung marunong lang akong sumipol, sinipulan na kita." "This is me, Ate Toyang. Nasanay akong ganito ang sinusuot