"MARTIN, I'm sorry. Hindi ko sinasadya." Iyon ang katagang sinabi ni Mari sa kanya, isang buwan bago ang kanilang engagement. "What? Sorry para saan?" Napahigpit ang kapit siya sa gilid ng mesa kung saan sila nagkita't nag-usap.Itinulak ng kamay nito ang isang pregnancy test kit at may dalawang pulang guhit doon. Paano nangyari 'yon gayung todo ang pagpipigil nilang dalawa na walang mangyari sa kanila hangga't hindi pa ikinakasal. "Bullshit!" Malakas niyang pinadapo ang kamao sa mesa. Tumunog ang mga kubyertos at napalingon ang mga tao sa kanila. Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mata ng nobya. Iwan kung nobya pa bang matatawag si Mari gayung niloko siya nito. "Martin! Open the door! Kahapon ka pa hindi kumakain at panay ang inom mo riyan sa loob ng kwarto mo! Please, don't do this. Hindi dahil niloko ka ni Mari ay katapusan na rin ng mundo!” Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang kinakatok ng kanyang mommy at dinadalhan ng pagkain. Simula nan
MASIGABONG palakpakan ang sumalubong sa kanila paglabas ng simbahan. Pagakatapos ng limang buwan na preperasyon ay ikinasal na rin sila ni Martin. Sinalubong siya ni Paloma ng halik sa magkabilang pisngi. Namamasa ang mata nito sa luha. Kinamayan naman ni Arken si Martin at nag-usap ng palihim at sabay na natawa.Nakiyakap na rin si Mother Chelsea sa kanila."Congratulations, my dear friend. Finally, nakapag-settle down ka na rin." "Ganito pala ang feeling ng ma-inlove," masayang turan niya at naiiyak na rin."Dalawang magagaling kong model nag-settle down na. Ang ganda lang ng mga alaga ko." Sumisinghot pa ang bakla.Nag-agawan ang mga single ladies sa kanyang bouquet nang ihagis niya pero kusa itong dumapo sa kamay ni Katarina. "Who's the lucky guy, Kat?!" biro niya sa natigilang pinsan. Isa ito sa kanyang mga bride's maid. Inirapan siya nito kaya mas lalo pa siyang natawa. Balita niya'y ang kakanta sa kanilang wedding reception ay ang sikat na bokalista ng is
About the Author Blu Berry loves the beach, the sunrise and the sunset and the sound of the waves crushing on the shore. She was born and bred in the province and that’s why most of the settings in her novels are located at similar places. Except for writing, she also loves reading, watching movies, documentaries or reality shows and simply listening to music.
Nagsimula ng magpatugtog ang DJ ng panibagong kanta. Nagkakagulo na sa dancefloor dahil sa mga taong tuluyan ng nilunod ng alak at tila iba na ang mundong ginagalawan. Tahimik lamang si Gieselle sa pwestong inuupoan habang nakamasid sa mga taong sumasayaw. A natural scene for her. High school pa lamang siya nang magsimulang pumunta sa mga lugar na kagaya nito. Sa paglipas ng mga taon, unti-unti na siyang nasasanay at naging daily routine na ang pagpasok at pananatili sa mga bars. Utang na loob niya sa bar ang narating ngayon. Sa isang high end bar siya nadiskubre ng isang bakla na humahawak ng mga fashion models. Isa iyon sa mga gabing nagbulakbol siya sa klase noong nasa kolehiyo pa at mas piniling alak at sigarilyo ang hawak kaysa sa papel, ballpen at libro. Pumayag siya sa alok ng bakla. Hindi dahil interesado o hilig niya ang pagmo-model pero upang kumita ng sarili niyang pera at tuluyan ng huminto sa pag-aaral. Kahit may pagkapilya ay marunong pa rin naman siyang mahiya at m
SIGURADO ka na ba sa desisiyon mo?" malungkot na tanong ni Mother Chelsea pagkatapos niyang sabihin ang planong tumigil muna sa modeling. Tumango naman siya bilang tugon. "Pasensiya na, Mother, ah. Kailangan kasi ako ng lola sa probinsiya. Pero marami ka namang mga bagong alaga na magagaling at magaganda kaya walang dapat na ipangamba itong agency mo," nakangiti niyang sabi. Totoo iyon at kahit wala silang dalawa ni Paloma ay marami pa ring alagang magagaling na modelo ang kanilang manager."Pero in case magbago ang isip mo, bumalik ka ha," paglalambing na sabi ni Mother at hinawakan ang kanyang siko."Oo, naman. Kapag pwede na akong bumalik sa runway at sa mga pictorials, aabisuhan po kita kaagad," nakangiti niyang tugon. Hahanap-hanapin niya ang buhay na kinagisnan sa pagmomodelo. Tatatak sa kanyang puso't isipan ang mga taong nakilala at mga pangyayaring mas nagpatibay ng kanyang pagkatao sa mga taong nagdaan. Inunat niya ang mga braso at dahan-dahang bumaba mula
NAKAHILATA siya sa sofa nang hapong iyon at walang ganang lumabas. Kahit maghilamos man lang ay ayaw pa niyang gawin. Sanay siyang ganito dati lalo na kung day off niya."Hindi ganyan ang tamang pag-upo, Gieselle," puna ng kanyang lola. "Tinatamad ako, 'La. Hayaan niyo na po at ngayon lang naman’ to," nakanguso niyang saad habang pagltuloy lang sa pagkalikot sa cellphone. "Maligo ka na't magbihis dahil aalis tayo ngayon. Mamayang ala-sais ng gabi magsisimula na ang novena para sa kapistahan ni Sto. Domingo at sasabat tayo." Napabalikwas siya dahil sa narinig. "Seriously, 'La? Novena na naman? Kayo na lang kasi ni Ate Toyang ang pumunta at ako ang magluluto ng hapunan natin." Kondisyon niya na sana naman ay payagan ng matanda."Hindi. Sasama ka sa akin sa kapilya at maiiwan si Toyang dito," pinal na sabi ng kausap. Sobrang nakatatamad ang ganitong buhay. Nakalimutan na niya ang lasa ng alak, amoy ng sigarilyo at maging ang hitsura ng bar. Kapag ganitong araw
"GIESELLE, bumangon ka riyan," pukaw ni Lola Carmen sa matigas na boses. Umungol lamang ang dalaga at hindi man lang nag-abalang magdilat ng mata. Lumapit ang matanda sa bintana at binuksan ito. Hinawi ang kurtina at tuluyang pumasok ang sinag ng araw mula sa labas. "Gieselle, bumangon ka na. Alam kong naririnig mo ako pero tinatamad ka lang. Bumangon ka na at maligo dahil magsisimba tayo ngayon. Alas nuwebe magsisimula ang second mass kaya maghanda ka na para hindi tayo mahuli," patuloy ng kanyang lola. Nagtalukbong siya ng kumot pero hinila ito ni Lola Carmen. Nanunuot ang lamig sa kanyang balat kaya pagod siyang bumangon at umupo sa kama. Sabog ang kanyang buhok at mababakas pa ang lipstick na hindi natanggal mula sa paggala kagabi."Tingnan mo nga ang hitsura mo. Mahabaging langit, patinuin niyo na po ang aking apo." Napatingala pa ang matanda dahil sa hinihiling nito. "Lola, naman eh," daing niya sa nakapikit na mata, "huwag niyo na lang kasi akong isama.
"HI, Gie, napatawag ka?" masayang bati sa kanya ng kaibigang si Paloma na nasa kabilang linya. Naisip niya ang malaking ngiti nito."Wala, nangangamusta lang," kibit-balikat niyang sagot kahit pa hindi naman ito nakikita ng kausap."Kumusta ang nirireto ng lola mo? Nagkaharap na ba kayo?"Saglit siyang nag-isip kung sasabihin ba ang mga nangyari nitong nagdaang araw. Baka naman ay tuksuhin pa siya nito.Sasagot na sana siya sa tanong nang may biglang pumasok na tawag mula sa unregistered number. Akala niya'y missed call lang pero hindi pala. Na-curious tuloy siya kung sino ito."Pam, saglit lang. may tumatawag kasi kaya sasagutin ko muna," paalam niya sa kausap. Nagpaalam kaagad ang kaibigan at ito na ang kusang nagbaba ng linya."Hello?" pilit niyang inipit ang boses para cute pakinggan. "Mabuti naman at naisipan mong sagutin ang tawag ko," saad ng baritong boses na nasa kabilang linya.Hindi siya makapaniwalang si Martin ang may-ari ng baritonong boses na tum