Share

Chapter 33

 

 

PAGKATAPOS ng pag-uusap nila ni Mari ay hindi siya nagtangkang umalis ng bahay ulit. Natatakot siya dahil baka kung sino na naman ang lumapit sa kanya at magsabi ng kung ano-ano.

Niyaya siya ulit ng mag-asawang Paul at Joy na lumabas pero umayaw siya. Ayaw niyang makita si Martin ulit dahil masasaktan lang siya. Kung malalasing siya ulit baka may mangyari na naman.

Mabuti na lang at pinaniwalaan siya ng mag-asawa sa inimbentong dahilan.

Mahimbing na sana ang tulog niya pero nagising dahil sa kapitbahay nilang nagwawala.

Ito ang unang beses na may nag-eskandalo sa kanilang tapat.

Kalaunan ang sigaw nito'y nagiging pamilyar na sa kanya. Tila boses ni Martin.

Sisilip na sana siya sa bintana pero sunod-sunod ang katok ni Ate Toyang. Nagmamadali siyang pinagbuksan ito ng pintuan.

"Ate, bakit? Sino ba 'yang nagwawala diyan sa labas?" Pati siya ay natataranta rin.

"Si Martin. Gusto ka niyang kausapin!"

Nagmamadali silang lumabas at kusang huminto sa paghakbang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status