Share

Chapter 32

 

 

NAPAGPASYAHAN ni Gieselle na lumabas ng bahay kaysa patuloy na magmukmok at umiyak.

"Hindi ka pa nag-aalmusal, aalis ka na?" tanong sa kanya ni Ate Toyang.

"Wala akong gana, Ate. Maghahanap lang ako ng maiinom sa labas, alam niyo na hang over." Inayos niya ang suot na aviator. Dalawa ang dahilan kung bakit nagsuot siya ng ganito. Para sa mainit na panahon at para itago ang namumugtong mata.

Nagpunta siya sa isang milk tea shop at nag-order. Umupo sa pinakadulong mesa sa may sulok upang ilayo ang sarili sa iilang tao na nasa loob. Gusto niya ng kapayapaan. Lately, ang dami niyang iniisip at gulong-gulo ang utak. Dumagdag pa ang nangyari kagabi sa kanila ni Martin.

Nangalumbaba siya't nakatutok lang ang mata sa labas. Kitang-kita niya ang mga sasakyan sa kalsada lalo't salamin ang dingding ng shop.

Hindi na niya inalis ang aviator upang malayang magliwaliw ang mata.

Naagaw ang kanyang atensiyon dahil may naglapag ng milk tea sa kanyang harapan. Kanina pa siya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status