Share

BODCT-11

BODCT-11

MARINEL

HINDI rin naman nagtagal ay natapos din ako sa pag-aayos. Sa tindi ng pagod ko'y napahilata na ako sa sahig.

"You really ruined my design..." Napatingala pa ako at hinagod siya nang tingin mula paa hanggang ulo. Nakapamulsa pa itong napasandal sa pinto.

"Hindi ka ba marunong kumatok?" Tinaasan ko pa siya ng kilay.

"Why would I knocked? The door is widely opened anyway." May konting ismid pa siya sa akin.

"Ikaw na!" sagot ko na lamang at napatayo na.

Kinuha ko ang towel sa kabinet at pinunasan ang sarili kong pawisan.

"Get this," aniya sabay lapag ng credit card sa kama ko. Kunot-noo akong napatitig lang sa kanya.

"Para saan naman 'to?" tukoy ko sa credit card na bigay niya.

"Asawa kita and I am responsible for your own needs," aniya pero imbes na kunin ko ay ibinalik ko sa kanya ang credit card.

"Asawa mo lang naman ako sa papel. Ikaw na rin naman ang nagsabi na hanggang ganoon lang tayo. May suweldo naman akong matatanggap mula sa pagiging isang secretary ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status