Share

Buy Me for a Billion
Buy Me for a Billion
Author: Zenshine

PROLOGUE

“Isang bilyon kapalit ng puri mo?! Hindi! Hindi ako papayag, Rebecca!” Hiterikal ang sigaw ng isang lalaki sa loob ng isang high end bar na puntahan ng mga big time na mga taong pagod, gustong maglibang o magpakasasa sa mga babae.

 Ang iba, marahil gusto lang magwaldas ng pera. Mabuti pa sila, pagwawaldas lang ng pera ang problema. Samantalang si Rebecca, mabigat ang desisyon na kailangan niyang gawin.

“Ano bang pinuputok ng butsi mo, Alexis? Can’t you see? I am still a disgrace! Matagal nang sira ang puri ko. Mamamatay rin lang ang tatay ko kapag hinayaan ko siyang walang pampagamot. Mamamatay siya na wala pa ring kwenta ang anak niya. So might as well, sell me! Ibenta mo ako sa mga kilala mo ritong mayaman! Kapag nagawa mo ‘yon, maiaahon ko sa hirap ang mga magulang ko. Kahit mamatay ako, giginhawa ang buhay nila. Don’t you get it? I want my family to at least live. Hindi nila kaya nang sila lang. Matanda na sila pareho.”

Nahabag ang binatang si Alexis kay Rebecca. Bata pa lang, matalik nang magkaibigan ang dalawa. Napakahirap. Hindi niya kayang ipagkaluno ang kaibigan niya sa pera. Kung sana, may ganoon lang siyang halaga. Matagal na niyang naiahon sa hirap ang kaibigan niya pero hindi.

Rebecca has been working as a prostitute in this bar. Marami-rami na rin itong mga naging customer pero hindi iyon sapat para makaipon siya nang pambuhay sa mga magulang niya. Kalunos lunos ang nalaman niyang balita kamakailan lang na kakailanganin ng heart transplant ng tatay niya matapos.

Naihilamos ni Alexis ang kanyang dalawang palad sa mukha. “Is this really the only way? Ang sakit naman, Becca. Ang s-sakit sakit. W-Wala akong magawa.” Napahagulgol na ito.

Rebecca can clearly see how helpless this man is. Naiiyak na rin siya pero  hindi niya gustong dagdagan pa ang apoy. She is strong. Iyon ang pinanghahawakan niya.

Tumawa siya ng pilit para pagtakpan ang totoo niyang nararamdaman. “Ito naman. Alam mo, para kang tanga. Hindi pa naman ako mamamatay ah? Hindi pa. H’wag ka nga munang iiyak diyan. Umiyak ka kapag nasa ataul na ‘ko, baliw.”

Sinamaan siya ng tingin ni Alexis at kasabay non ay ang pagkaltok nito sa noo ng dalaga. “At nakuha mo pa talagang tumawa ng ganyan? This is as serious condition, Rebecca. H’wag ka ngang ganyan!”

Humalakhak si Rebecca. “But seriously, Alexis, bakit hindi na lang natin i-enjoy ang mga oras nating magkasama ‘di ba? Saka, sige na naman o? hanapan mo na ako ng buyer.” Nagpuppy eyes pa ang dalaga at baka tumalab ito sa kaibigan niya.

Umiwas ng tingin si Alexis. Kailan man, hindi niya inakala na darating sila sa puntong ‘to. How can he sell her best friend like that?

“Gusto kitang ipagdamot sa kahit na sino, pero wala akong karapatan.” Pabulong nito sa hangin. Hindi iyon narinig ni Rebecca. Nanatili iyon sa kanyang isipan lang.

“May binubulong ka ba diyan? Uy, papayag na ‘yan?”

Malalim na napabuntong hininga si Alexis. Kahit naman hindi siya pumayag wala riin naman siyang magagawa. He can’t afford Rebecca. Mahirap ang sitwasyon. Sobrang hirap.

Napabuntong hininga na lamang si Alexis. He had no choice.

“Fine, hahanapan kita.” Labag sa kalooban nitong sagot habang bagsak ang mga balikat niya. Kahit na hindi niya man gusto, kailangan niyang humanap ng lalaking sa palagay niya ay magiging ligtas pa rin ang babaeng mahal niya. This sacrifice will be nothing kung hindi niya lang talaga mahal si Rebecca.

Masakit na napangiti si Rebecca. Of course, who would want to be sold to some stranger? Hindi niya rin naman ito gusto but she needs to sacrifice for her family. Kahit ang sarili niya ay isasakripisyo niya para sa pamilya.

Hanggang saan ba kayang umabot ni Rebecca Alejandro para pangarap niya sa sarili at pamilya?

Para sa kanya, wala nang mas mabilis na paraan kundi ang puri kapalit ng pera. Masakit man, mahirap man, ano man ang sabihin ng ibang tao, hindi siya mabubuhay sa mga salita nila.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status