Share

KABANATA 6

Author: Anne Lars
last update Last Updated: 2024-12-26 20:28:11

Nakarating sila sa malawak na golf field na pagmamay-ari ng Xian Family. Kasama ni Caramel sina Fourth at Don Primero sa pagpunta sa kinaroroonan ni Ling Xian, na abala sa seryosong paglalaro ng golf. Kumalat naman sa paligid ang mga bodyguard bilang dagdag na seguridad sa lugar.

“Ling, how are you?” bati ni Don Primero kay Ling Xian habang papalapit siya rito.

“I’m feeling well, Primero,” tugon naman ni Ling Xian na agad ding yumakap sa kaibigan. Matapos iyon ay nakipagkamay rin si Fourth, na may paggalang, sa matalik na kaibigan ng kanyang ama.

“Mabuti naman at pumayag si Fourth na pumunta rito. Excited na akong makita silang magkasama ni Feng,” natutuwang pahayag ni Ling Xian habang nakatingin sa kanyang kumpare. Pilit naman na ngumiti si Fourth, halatang may pag-aalinlangan na makita ang matanda.

“Where’s Feng?” tanong ni Don Primero habang inililibot ang paningin sa paligid upang hanapin ang inaanak.

“Ayon siya, nag-eensayo,” sagot ni Ling Xian sabay turo sa anak na kasalukuyang humahawak ng katana at abala sa sparring session.

Agad namang naging interesado si Caramel sa laban ng dalawa. Masyado lamang itong malayo para makita nang malinaw ang mukha ng nag-eensayong babae, lalo’t nakatalikod pa ito mula sa kanilang direksyon.

“Tara, doon tayo,” aya ni Ling Xian, kaya’t agad silang nagtungo sa direksyon ng sparring area kung saan naroon ang dalawang naglalaban gamit ang katana.

Habang papalapit, napahanga si Caramel sa bawat kilos ng babae. Napakaliksi nitong gumalaw, eksakto at maingat ang bawat bitaw at pag-atake nito. Kitang-kita na bihasa ito sa sining ng pagkikipaglaban gamit ang espada.

“Ang galing niyang humawak ng katana, Fourth. Mukhang kaya niyang hatiin ang katawan mo kapag nagpasaway ka sa mapapangasawa mo,” palihim niyang bulong kay Fourth habang nanonood. Sinamaan lamang siya ng tingin ng bakla.

“Feng,” tawag ni Ling Xian sa anak pagkarating nila sa mismong sparring ground.

Agad na huminto sa kanilang labanan ang dalawa at hinarap si Ling Xian upang magbigay galang. Nang iangat ng babae ang kanyang mukha, doon lamang napagtanto ni Caramel kung sino ito. Kilala niya ang babae at halata rin nitong namukhaan siya, sapagkat bigla itong ngumisi.

Biglang kumulo ang dugo ni Caramel. Naiirita talaga siya sa tuwing nakikita ang pagmumukha ni Satoh, ang mayabang niyang dating comrade sa Supreme Intelligence Agency.

Ngayon lamang niya nalaman na Feng pala ang tunay nitong pangalan. Mapa-misteryoso pa kasi ang gaga, ayaw ihayag ang tunay na pangalan sa ahensiya.

Lumapit ang ka-sparring ni Feng upang kunin ang hawak nitong espada, nagbigay galang, saka tahimik na gumilid.

“Hi, Fourth!” bati ni Feng kay Fourth sabay lapit at halik sa pisngi ng binata.

Siguradong sigurado si Caramel na nandidiri ang baklang katabi niya sa halik na iginawad nito, halatang pilit lamang ang kilos, ngunit ayaw ipahalata dahil naririto ang ama nito

“Caramel, long time no see,” baling ni Satoh sa kanya. Isang pekeng ngiti lang ang iginanti niya rito, kasabay ng pagpigil sa sarili na hindi mairapan.

“Bakit kasama siya rito?” tanong ni Satoh habang nakakunot-noo at pasimpleng turo sa direksyon ni Caramel.

“She is Fourth’s new bodyguard,” maiksing sagot ni Don Primero, diretsong tumingin sa inaanak.

Napatango si Satoh at agad siyang pinasaringan ng tingin mula ulo hanggang paa, na tila ba isang hindi kapani-paniwala at kalokohang desisyon na ginawa siyang bodyguard ni Don Primero para bantayan si Fourth. Napaismid naman si Caramel at hindi nagpatalo kay Satoh.

“Why you hired her as Fourth’s bodyguard, Ninong? Marami ka namang pagpipilian na mas magaling pa kaysa sa kanya,” may bahid ng pangmamaliit ang tanong ni Satoh. Naningkit ang mga mata ni Caramel ngunit pinili niyang maging kalmado.

“Naniniwala akong magaling si Caramel pagdating sa pagprotekta sa anak ko,” tugon ni Don Primero, mariing ipinagtatanggol ang kanyang piniling tauhan.

“Oh, really? Ikaw pa lang ang taong narinig ko na naniniwala sa kanya na magaling siya,” tugon ni Feng na may kasamang ngiti ng pang-uyam.

Medyo natawa si Fourth sa narinig, kaya agad siyang sinuklian ni Caramel ng isang matalim na tingin na parang bumubulong ng... "Tumawa ka at makakatikim kang buwisit ka."

“Feng, I have something to tell you in private. Can we talk privately?” sabad ni Fourth, pilit binabago ang usapan.

“Of course, but maybe later. Hindi kasi ako pinagpawisan sa ensayo ko kanina kaya gusto kong makalaban si Caramel,” sagot ni Feng na halatang may kayabangan sa tono.

“Kung matatalo mo ako, paniguradong kaya mong protektahan ang mapapangasawa ko. Ngunit kung hindi, dapat kang palitan at mag-focus ka na lang sa computer, para naman gumaling ka kahit sa pagbusisi ng system,” dugtong pa nito na mas lalong nagpainit ng ulo ni Caramel.

Gaga! Ang yabang talaga!

“Why not?” matapang na sagot ni Caramel. Napatingin si Fourth sa kanya, halatang hindi inaasahan ang tapang ng bagong bodyguard niya.

“Walang mangingialam sa laban namin,” paalala ni Feng sa mga alipores na naroon. Naging interesado rin ang dalawang business tycoon sa magiging laban ng dalawa.

Nasa gitna sila ng field, at tinatayang tatlong metro ang distansya nila sa isa’t isa. Samantala, ang iba ay nakapuwesto sa gilid, handang panoorin ang eksena. Nagbigay ng senyas si Feng sa lalaking may hawak ng dalawang espada. Magalang nitong iniabot ang isa kay Satoh Feng, at ang isa naman ay inabot kay Caramel.

Hindi siya ganoon kasanay sa espada. Mas bihasa siya sa paghawak ng baril dahil iyon ang kanyang main weapon. Ngunit kahit ganoon ay hindi siya uurong sa labanan. Kailangan niyang ipakita na kaya niyang protektahan si Fourth.

Hinugot niya ang espada at ibinigay ang takip nito sa lalaki, ganoon din ang ginawa ni Satoh. Pumuwesto siya sa laban, habang si Satoh naman ay tuwid lamang na nakatayo, relax na relax na parang hindi seryoso.

Siya ang unang sumugod. Ngunit napakabilis ng kamay ni Satoh at agad nitong nasangga ang kanyang atake. Sunod-sunod ang kanyang mga galaw—kaliwa, kanan, taas—baba pero walang kahirap-hirap na nasasagang ang bawat bawat pag-atake niya.

Sa huling pagsugod niya ay isang matatag na depensa ang pinakawalan ni Feng. Tumalbog ang espada niya at bumagsak sa damuhan. Itinutok pa nito sa kanya ang matulis na dulo ng hawak nitong espada at tila nagdeklara ng panalo.

“Weak,” pangungutya ni Feng.

Napalingon siya kay Fourth na mas lalo lang niyang kinapundi ng makita nitong... pumalakpak pa.

Sarap gilitan ng leeg ni Fourth. Halatang kontra sa kanya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD   KABANATA 4

    “Sige, sakay ka na,” saad ni Sixto kay Carmela, habang pinasasakay siya ng binata sa motorsiklo nito. “Hindi ba pwedeng sumakay na lang tayo ng van?” suhesyon ni Carmela. Naka-park lang naman ang van sa parking lot, saka marunong naman mag-drive ng kotse si Sixto. “Baka kasi umulan, mabasa pa tayo,” dagdag pa niya. “Sa motor na lang. Tayong dalawa lang naman ang pupunta roon. At saka, masikip ang daanan ng baryong pupuntahan natin, mahihirapan tayong humanap ng parking lot doon,” kalmadong paliwanag ni Sixto. Napabuntong-hininga naman si Carmela. “Huwag nang maarte. Sa probinsiya n’yo nga, kalabaw lang raw ang sinasakyan ninyo ni Caramel noon,” dagdag pa ni Sixto na may halong biro. “Noon 'yon,” asik ni Carmela, at napilitan na ring sumakay sa motor. Hinintay siya ni Sixto na maisaayos ang pagkakasuot ng helmet bago pinaharurot ang bigbike. Mabilis ang pagpapatakbo ni Sixto kaya napakapit agad si Carmela sa beywang ng binata. Hindi niya akalaing medyo malayo pala ang baryong ti

  • CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD   KABANATA 3

    "Gusto mo bang sumakay ng kabayo? Sabi sa akin ni Caramel, gusto mo raw mag-try ng horseback riding," saad ni Sixto, pilit binabasag ang tensyon sa pagitan nina Carmela at Luis. Ramdam ni Sixto ang paminsang tagpong tumitigas ang panga ni Carmela at kung paano siya iwas na iwas kay Luis. Hindi man siya nagtatanong, alam na niyang may mabigat na kasaysayan ang dalawa. Ayaw lang niyang mas lumalim pa ang awkwardness sa pagitan nila, lalo’t kasama si Olivia. “Me! I want a horseback riding, Tito Sixto!” magiliw na sabat ni Olivia. “Why not, Carmen? Ikaw pa ba? Malakas ka sa akin,” ani ni Sixto sa bata bago nito binuhat si Olivia at pinasakay sa itim na kabayo. Bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Carmela habang pinagmamasdan ang tiyo at pamangkin. “Dito ka na sumampa sa puting kabayo, Carme. Tulungan na kita,” sabat naman ni Luis na agad ikinaasim ng mukha ni Carmela. Napahalukipkip siya at mariing tiningnan si Luis. “Ayaw ko,” agarang tanggi niya. “Past is past, Carmela. Ibaon mo na

  • CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD   KABANATA 2

    Maaga silang bumiyahe kasama ang buong pamilya. Alas-4 pa lang ay gising na si Carmela at naghanda agad kasama ang kanyang ina para makalarga nang maaga. Tatlong magkasunod na white van ang bumabaybay sa liko-likong daan na may mga lubak, kaya bawat liko ay halos manginig ang buong sasakyan. Isang van para sa pamilya ni Caramel, ang isa ay sa pamilya nina Carmela, at ang isa pa ay sakay ang ilang tauhan ni Fourth. Naroroon din sa van na iyon ang mga gamit at pagkaing kakailanganin nila. Malayo kasi ang Granja Luz del Sol, mga dalawang oras mula sa lungsod, tapos masukal at makipot pa ang daan papuntang bukid kaya pinaghandaan na nila ang lahat para hindi na kailangang magpabalik-balik pa. Labinlimang minuto pa lang sa biyahe ay nagsalampak na ng headset si Carmela sa tainga at nagpatugtog. Tahimik lang sa tabi niya si Firlan, nakatanaw sa bintana na parang malalim ang iniisip. Napapahikab si Carmela; kulang pa talaga ang tulog niya. Halos madaling-araw na siya nakatulog dahil sa dam

  • CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD   KABANATA 1

    “Anong mukha 'yan, Carmela? Halatang stress ang fislak mo, girl,” sabi ng ate niyang si Caramel. “Summer break ngayon, tapos ikaw, mukhang nauna na sa Undas,” dagdag pa nito habang buhat-buhat ang pang-apat nilang anak ni Fourth, si Theo Oliver Jr. Napakamot sa ulo si Carmela. Hindi biro ang pagiging public school teacher, sobrang stressful dahil sa dami ng gawain. Elementary Education ang kinuha niya noong college, at sa awa ng Diyos, nakapasa rin siya sa LET Exam. Nagpa-rank agad siya para makapagturo sa elementarya, pero hindi niya alam na 90% backer system pala ang labanan para makapasok bilang public teacher. Kaya ayun, ilang beses siyang nagpa-rank pero hindi nakakuha ng item. Sabi ng iba, “Mag-master’s degree ka, mas malaki ang chance mo na matanggap,” kaya kahit kakapasa pa lang niya noon ng LET, nagdesisyon siyang kumuha ng Master's Degree. Nakapasa naman siya, nagpa-rank ulit… pero wala pa rin. Ang dahilan? Kulang daw siya sa experience. Tàngina talaga. Dahil doo

  • CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD   BOOK 2 - SIXTO & CARMELA

    Hindi inakala ni Carmela na ang isang simpleng bakasyon sa farm ng kanyang half-sister ay magbabago ng kanyang pananaw sa linték na pag-ibig. As a hardworking public high school teacher, wala siyang oras para sa love life, especially not for a man like Sixto Misuaris. Pero, sa isang hindi inaasahang halik mula sa binata ang biglang nagpabago sa mahigpit niyang pananaw. She was hooked on his charming yet hilarious antics which made her short summer vacation memorable. From one accidental kiss to an unexpected love story.

  • CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD   Author's Note PART 2

    Hi readers, Thank you ulit sa suporta ninyo sa librong ito. You can check out my other books if you like. I also have the next-generation sequel story to this book. Title: My Contract Husband: The Ultimate Prank Gone Wrong Ito ang love story ni Olivia Carmen, ang anak nina Caramel at Fourth. Pero nasa ibang genre na siya. Hindi ko alam kung makakabalik pa ba ako sa light romance and comedy genre katulad nitong libro nina Caramel at Fourth, dahil sa totoo lang, seryoso na ang buhay ko ngayon. Eme. Drama is life now, and I’m also trying to dive into more mature and mysterious vibes of stories. I hope mapagtagumpayan kong matapos ang new story ko. Yun lang. SKL

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status