Limitado ang kilos ni Caramel habang naglalakad sa tabi ng dalawang bodyguard ni Fourth. Nakasunod sila kay Don Primero. Tahimik silang sumunod sa matanda papasok sa loob ng mansiyon, at hindi niya naiwasang mapahanga sa lawak at kagandahan ng paligid.
Napapalibutan ang buong lugar ng mamahaling kasangkapan at antigong kagamitan, habang sa mga dingding ay nakadisplay ang mga obra ng ilang kilalang pintor. Sa pagkakaalam niya, dito rin umuuwi ang dalawa pang kapatid ni Fourth na sina Sixto at Fifth. Silang tatlo na lamang ang wala pang asawa. Madalas daw ginaganap sa mansiyong ito ang mga party ng pamilya, lalo na ng mga anak at pamangkin ni Don Primero. Bukod sa marangya, mas malapit ito sa siyudad kumpara sa unang mansiyon na malayo sa syudad. Pagkapasok nila sa loob, agad silang sinalubong ng tatlong kasambahay na sabay-sabay na yumuko bilang pagbati sa kanilang amo. “Where’s Fourth?” tanong ni Don Primero sa isa sa mga kasambahay. Si Luna, isa sa mga recently hired na katulong sa mansiyong ito. “Natutulog pa po, sir,” magalang na tugon nito. Napabuntong-hininga naman si Don Primero, bakas sa mukha ang yamot dahil hindi nakinig sa kanya ang anak. Kasasabi niya lang kahapon na magising ng maaga dahil maaga ang punta nila sa balwarte ni Ling Xian, pero ang tigas talaga ng bungo ni Fourth. "I told him to wake up early so he could join me for the meeting with Feng Xian's father," naiinis na bulong nito bago muling humarap sa kasambahay. “Gisingin mo siya,” mahigpit na utos ni Primero kay Luna. “Sir, kanina pa po namin siyang ginigising, pero sinisigawan lang po kami at sinasabing huwag siyang istorbohin,” alanganing sagot ng isa, waring takot na muling mapagalitan ni Fourth. Napatingin si Caramel sa hagdan patungo sa ikalawang palapag. “Don Primero, puwede po bang ako na lang ang gumising sa kanya?” magalang na ika ni Caramel sa matanda. “Baka po ma-late kayo sa meet-up niyo sa Xian family,” dagdag niya pa. Napangiti naman ang matanda at pinahintulutan siya. Kaagad na inutus ng Don Primero sa kasambahay na iabot kay Caramel ang master key, dahil sigurado siyang hindi pagbubuksan ni Fourth kung sino man ang kakatok sa pintuan nito. Maingat namang umakyat ng grand stair si Caramel at noong nakarating na siya sa kwarto ni Fourth, sandali siyang huminto. Tatlong beses siyang kumatok ngunit parang wala itong balak na pagbuksan siya ng pinto. "Fourth, maghanda ka na! Kung ayaw mo pa ring bumangon, gagamitin ko ang master key!" banta ni Caramel mula sa labas ng kwarto. Sa loob, hindi man lang natinag si Fourth. Sa halip, lalo pa nitong isiniksik sa tainga ang earplugs. Wala siyang balak bumangon lalo na’t siguradong may kinalaman na naman iyon sa napipintong kasal niya. Mas gugustuhin pa niyang matulog kaysa harapin ang isang buhay na hindi naman niya pinili. Nakakakilabot isipin na ipapakasal siya sa isang babae. Iniisip pa lamang na magkaroon ng physical touch sa isang babae, kinikilabutan na siya. Wala siyang intensyong magpakasal, pero aminado siyang gusto niyang magkaroon ng anak gamit ang tulong ng siyensiya. Kahit bakla siya, may karapatan naman siyang magkaanak, 'no? Napailing si Caramel sa harapan ng pinto. Wala na siyang ibang opsyon kundi gamitin ang master key upang mabulabog ang pagtulog-tulugan ni Fourth. Maingat niyang itinusok ang susi at marahang pinihit ang seradura. Pagkapasok niya sa loob ng malawak na kwarto, naigala niya pa ang mga mata dahil sa lawak nito. Halos buong bahay na nila sa probinsiya ang sukat ng kwarto ni Fourth. Mabilis niyang ibinaling ang mga mata sa lalaking nakalublob sa ibabaw ng king-size bed. Nakabalot pa rin siya sa kumot habang abala sa pag-scroll sa cellphone. Nakasuot pa rin ito ng earplugs, sinadya upang hindi siya nito marinig. Napangisi naman si Caramel. Wala namang sinabi sa kontrata na bawal siyang manghimasok sa ginagawa nito. Wala ring nakasaad na hindi niya ito pwedeng hawakan. Ang malinaw na nakasaad sa papel na pinermahan niya ay puwede siyang gumamit ng dahas kung kinakailangan. Ibig sabihin... puwede niya itong batukan, suntukin, at bugbugin kapag matigas ang ulo nito. Napatawa siya sa sarili. Di ba may pagka-harsh talaga ang utak niya? Ganun siya, at malas lamang ni Fourth dahil siya ang piniling maging bodyguard ni Don Primero. Marahan siyang sumampa sa malambot na kama at lumapit sa kinaroroonan ni Fourth. "Fourth, kumilos ka na. Kung ayaw mong masaktan, bumangon ka na ngayon din!" sigaw niya. Walang tugon. Hindi pa rin siya nito pinansin. Muling napailing si Caramel. Aba'y gusto talaga nitong makutusan. Sumampa siya nang buo sa kama at biglang siniksik ang dalawang kamay niya sa ilalim ng tagiliran nito. Bago pa man makapag-react si Fourth, naitulak na niya ito nang malakas kaya derecho itong nahulog sa sahig. "PUTIK! HOW DARE YOU TO—" natigil si Fourth nang makita kung sino ang naghulog sa kanya mula sa kama. "Caramel?!" Gulantang na tanong ni Fourth noong makilala si Caramel nga ang kaharap niya. Napangiti naman si Cara. Palihim na natuwa siya sa gulat na pinakita nito. Ang ganda kasi ng mga mata ni Fourth lalo na kapag nagugulat ito. Sino ba namang hindi mapapahanga sa mga mata nitong kakulay ng mga mata ni Alexandra Daddario? "Yes, papa?" Masiglang tugon niya. Naningkit ang mga mata ni Fourth. "Eating sugar?" "No, papa!" sagot niya naman na tila may pagngisi pa. Napasinghap si Fourth. "No papa?! Bigwasan kita diyan, e! Anong ginagawa mo rito?!" yamot na sigaw nito. Napangisi si Caramel at pinagpag ang suot niyang itim na suit. Gusto niyang ipaalam na siya ang newly hired bodyguard. Kitang-kita sa mukha ni Fourth ang unti-unting realization. Tumaas pa ang makapal at mataray nitong kilay. Damn... napaka-perpekto talaga ng kilay nito. Halos lahat ng maganda ay nasa kay Fourth na. Magandang kilay, nakakaakit na mga mata, mapupulang labi, matangos na ilong, at napakagwapong mukha. Kaso nga lang... siya ay darna. Baklush. Badet. Sayang nga eh. Sino ba namang hindi manghihinayang sa ganyang mukha? "Ibig sabihin, ikaw ang newly hired bodyguard?!" gulantang nitong tanong. Napatango naman si Caramel at napahalukipkip na tila proud na proud sa sarili. Napasapo si Fourth sa noo, halatang hindi makapaniwalang siya ang kinuha ni Don Primero. "What the fvck," pabulong nitong mura bago nanghihinang napaupo sa kama. Lumapit siya at tumayo sa harap nito. "Maligo ka na. Kung hindi, bubuhatin kita papasok ng banyo at isasalampak kita sa inodoro!" mariing banta niya rito. Pinasaringan siya ng tingin ni Fourth mula ulo hanggang paa, saka siya tiningnan nang may halong pangmamata. Mas matangkad ito sa kanya, pero hindi kalakihan ang katawan, sakto lang naman, parang tipikal na Korean actor, pero may masarap na abs. "Ang tapang mo naman. Kaliit-liit mong babae," pangmamaliit nito. Tumaas ang kilay ni Caramel. "Excuse me? Ilang pulgada lang ang lamang mo sakin. Kahit mas matangkad ka sa’kin ng 4 inches, kaya kitang buhatin at ibalibag sa sahig," sagot niya na walang pag-aalinlangan. Mahina naman itong natawa. "K. Fine! Maliligo na ako. Baboosh!" Maarteng tugon nito bago pakending-kending na naglakad patungong banyo. "BILISAN MO!" pahabol niyang utos sa bago niyang amo. Pagkapasok ni Fourth sa banyo, sumilip siya at sinamaan ng tingin si Caramel. "Boss mo ako kaya matuto kang gumalang! Huwag mo akong utusan! Huwag mo akong sigaw-sigawan!" anito bago pabagsak na isinara ang pinto. Napailing na lang si Caramel. "Asus... Boss mo mukha mo." Bulong niya sa sarili. Kapag maraming tao, tatawagin niya itong ‘boss.’ Pero kapag silang dalawa lang? Neknek nito. Hinding-hindi niya ito tatawaging ‘boss’ maliban na lang kung required talaga.“Sige, sakay ka na,” saad ni Sixto kay Carmela, habang pinasasakay siya ng binata sa motorsiklo nito. “Hindi ba pwedeng sumakay na lang tayo ng van?” suhesyon ni Carmela. Naka-park lang naman ang van sa parking lot, saka marunong naman mag-drive ng kotse si Sixto. “Baka kasi umulan, mabasa pa tayo,” dagdag pa niya. “Sa motor na lang. Tayong dalawa lang naman ang pupunta roon. At saka, masikip ang daanan ng baryong pupuntahan natin, mahihirapan tayong humanap ng parking lot doon,” kalmadong paliwanag ni Sixto. Napabuntong-hininga naman si Carmela. “Huwag nang maarte. Sa probinsiya n’yo nga, kalabaw lang raw ang sinasakyan ninyo ni Caramel noon,” dagdag pa ni Sixto na may halong biro. “Noon 'yon,” asik ni Carmela, at napilitan na ring sumakay sa motor. Hinintay siya ni Sixto na maisaayos ang pagkakasuot ng helmet bago pinaharurot ang bigbike. Mabilis ang pagpapatakbo ni Sixto kaya napakapit agad si Carmela sa beywang ng binata. Hindi niya akalaing medyo malayo pala ang baryong ti
"Gusto mo bang sumakay ng kabayo? Sabi sa akin ni Caramel, gusto mo raw mag-try ng horseback riding," saad ni Sixto, pilit binabasag ang tensyon sa pagitan nina Carmela at Luis. Ramdam ni Sixto ang paminsang tagpong tumitigas ang panga ni Carmela at kung paano siya iwas na iwas kay Luis. Hindi man siya nagtatanong, alam na niyang may mabigat na kasaysayan ang dalawa. Ayaw lang niyang mas lumalim pa ang awkwardness sa pagitan nila, lalo’t kasama si Olivia. “Me! I want a horseback riding, Tito Sixto!” magiliw na sabat ni Olivia. “Why not, Carmen? Ikaw pa ba? Malakas ka sa akin,” ani ni Sixto sa bata bago nito binuhat si Olivia at pinasakay sa itim na kabayo. Bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Carmela habang pinagmamasdan ang tiyo at pamangkin. “Dito ka na sumampa sa puting kabayo, Carme. Tulungan na kita,” sabat naman ni Luis na agad ikinaasim ng mukha ni Carmela. Napahalukipkip siya at mariing tiningnan si Luis. “Ayaw ko,” agarang tanggi niya. “Past is past, Carmela. Ibaon mo na
Maaga silang bumiyahe kasama ang buong pamilya. Alas-4 pa lang ay gising na si Carmela at naghanda agad kasama ang kanyang ina para makalarga nang maaga. Tatlong magkasunod na white van ang bumabaybay sa liko-likong daan na may mga lubak, kaya bawat liko ay halos manginig ang buong sasakyan. Isang van para sa pamilya ni Caramel, ang isa ay sa pamilya nina Carmela, at ang isa pa ay sakay ang ilang tauhan ni Fourth. Naroroon din sa van na iyon ang mga gamit at pagkaing kakailanganin nila. Malayo kasi ang Granja Luz del Sol, mga dalawang oras mula sa lungsod, tapos masukal at makipot pa ang daan papuntang bukid kaya pinaghandaan na nila ang lahat para hindi na kailangang magpabalik-balik pa. Labinlimang minuto pa lang sa biyahe ay nagsalampak na ng headset si Carmela sa tainga at nagpatugtog. Tahimik lang sa tabi niya si Firlan, nakatanaw sa bintana na parang malalim ang iniisip. Napapahikab si Carmela; kulang pa talaga ang tulog niya. Halos madaling-araw na siya nakatulog dahil sa dam
“Anong mukha 'yan, Carmela? Halatang stress ang fislak mo, girl,” sabi ng ate niyang si Caramel. “Summer break ngayon, tapos ikaw, mukhang nauna na sa Undas,” dagdag pa nito habang buhat-buhat ang pang-apat nilang anak ni Fourth, si Theo Oliver Jr. Napakamot sa ulo si Carmela. Hindi biro ang pagiging public school teacher, sobrang stressful dahil sa dami ng gawain. Elementary Education ang kinuha niya noong college, at sa awa ng Diyos, nakapasa rin siya sa LET Exam. Nagpa-rank agad siya para makapagturo sa elementarya, pero hindi niya alam na 90% backer system pala ang labanan para makapasok bilang public teacher. Kaya ayun, ilang beses siyang nagpa-rank pero hindi nakakuha ng item. Sabi ng iba, “Mag-master’s degree ka, mas malaki ang chance mo na matanggap,” kaya kahit kakapasa pa lang niya noon ng LET, nagdesisyon siyang kumuha ng Master's Degree. Nakapasa naman siya, nagpa-rank ulit… pero wala pa rin. Ang dahilan? Kulang daw siya sa experience. Tàngina talaga. Dahil doo
Hindi inakala ni Carmela na ang isang simpleng bakasyon sa farm ng kanyang half-sister ay magbabago ng kanyang pananaw sa linték na pag-ibig. As a hardworking public high school teacher, wala siyang oras para sa love life, especially not for a man like Sixto Misuaris. Pero, sa isang hindi inaasahang halik mula sa binata ang biglang nagpabago sa mahigpit niyang pananaw. She was hooked on his charming yet hilarious antics which made her short summer vacation memorable. From one accidental kiss to an unexpected love story.
Hi readers, Thank you ulit sa suporta ninyo sa librong ito. You can check out my other books if you like. I also have the next-generation sequel story to this book. Title: My Contract Husband: The Ultimate Prank Gone Wrong Ito ang love story ni Olivia Carmen, ang anak nina Caramel at Fourth. Pero nasa ibang genre na siya. Hindi ko alam kung makakabalik pa ba ako sa light romance and comedy genre katulad nitong libro nina Caramel at Fourth, dahil sa totoo lang, seryoso na ang buhay ko ngayon. Eme. Drama is life now, and I’m also trying to dive into more mature and mysterious vibes of stories. I hope mapagtagumpayan kong matapos ang new story ko. Yun lang. SKL