Share

Chapter 3

Author: RIDA Writes
last update Petsa ng paglalathala: 2026-05-01 16:44:42

WALA pa ngang isang oras ay may dumating para sunduin si Loyalty.

Sakay na siya ng isang magarang sasakyan. Hindi niya alam kung saan ang kanilang punta.

"Kuya, puwede pong magtanong?" tanong ni Loyalty. Nahihiwagahan lang siya. Ang akala niya ay isa siyang encoder. Pero hindi niya alam na iba pala ang magiging trabaho niya.

"Ano 'yon?" tanong din ng tagamaneho na abala ang mata sa daan.

"Saan po tayo pupunta?"

Napangiti ang driver. "Alam mo, hija, wala ako sa posisyon para magsalita. Isa lang akong hamak na driver nila amo."

Natahimik si Loyalty. Hindi na lang siya nagsalita at tumingin na lang sa labas.

Mga ilang minuto ang naibiyahe nila ay huminto ang sinasakyang kotse ni Loyalty sa tapat ng may malaking gate. Awtomatikong bumukas ang gate. At pumasok ang kotse.

Napalinga si Loyalty sa mahabang daan habang papalapit sila sa tila isang malaking bahay. Hindi nga bahay, para iyong hotel. Isang malaki at magandang hotel.

"Puwede ka nang bumaba, ineng. Pumasok ka d'yan, pagkatapos ay kumaliwa ka. May kuwarto roon at hintayin mo ang hudyat," sabi ng matandang driver.

"Salamat po." Pasasalamat ni Loyalty at mabilis na lumabas ng kotse.

Inayos ni Loyalty ang kanyang black skirt na tumaas ng kaunti. Huminga siya ng malalim saka pumasok sa loob ng bahay.

Pagpasok ni Loyalty sa loob ng bahay ay tila napako siya sa kinatatayuan. Ang ganda ng lugar—mga chandelier na kumikislap, mamahaling carpet, at mga painting na halatang imported. Para siyang napunta sa ibang mundo.

Tahimik ang paligid. Tanging tunog ng kanyang mga hakbang ang maririnig sa marmol na sahig. Sinunod niya ang sinabi ng driver at kumaliwa. Doon ay nakita niya ang isang mahabang hallway na may mga pintuang kulay itim na may gintong numero sa gitna.

Napahinto siya sa harap ng kuwarto. Hindi niya alam kung ito nga ang tinutukoy ng matandang driver, pero parang may kung anong humihila sa kanya para pumasok.

Hinawakan niya ang door knob. Mainit-init pa ito, parang may tao sa loob. Dahan-dahan niyang pinihit at bumungad sa kanya ang isang kuwartong puno ng amoy ng mamahaling pabango.

“Loyalty Sarmiento?” malamig ngunit mahinahong tanong ng boses lalaki.

“O-opo,” sagot niya, bahagyang nanginginig. Mag-isa lang siya sa loob ng kuwarto.

“Good. You’re right on time. 'Wag kang matakot. Relax ka lang...” sabi ng boses. “Can you remove your top?

Nanlaki ang mga mata ni Loyalty. “A-ano po?”

"Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko, hubarin mo ang blouse mo."

Napaamang si Loyalty. Hindi siya makapaniwala sa inutos ng mahiwagang boses.

Nanigas ang katawan ni Loyalty. Parang natuyuan siya ng laway. Hindi siya agad nakapagsalita, at tanging tibok lang ng puso niya ang naririnig niya sa katahimikan ng silid.

“Sir... a-ano pong ibig n’yong sabihin?” pautal niyang tanong, halos hindi lumalabas ang boses.

“Calm down,” sabi ng boses naman ng babae. Naguluhan si Loyalty. May isa pa siyang kausap at isang babae. “We just want to see if you are fit for the job, Loyalty. Don't worry.”

Napalunok si Loyalty. “Akala ko po tanggap na ako?” Sobrang naguguluhan na siya.

"We’ll let you see us soon, but for now, we just want to make sure you’re really willing to take the job."

"O-Oo naman po. Kaya nga po ako nag-apply." Mabilis na sagot ni Loyalty.

"And then strip..." utos pa ng boses babae.

"H-Huh? Bakit kailangan ko pong maghubad?" Mga tanong pa niya.

"Because we want to make sure you are physically fit."

Napalunok si Loyalty. Hindi pa rin siya makapaniwala sa naririnig. Physically fit? Parang hindi iyon bahagi ng napag-usapan nila sa interview.

“Puwede naman po sigurong may ibang paraan para malaman ‘yon, hindi po ba?” mahina niyang tanong, habang pilit pinipigil ang panginginig ng kanyang kamay.

Tahimik sa loob ng kuwarto sa loob ng ilang segundo bago muling nagsalita ang babae.

“Loyalty, if you’re uncomfortable, you can leave. But once you step out of that door, you’ll lose your chance. We only take people who can follow instructions without hesitation.”

Ramdam ni Loyalty ang bigat ng mga salitang iyon. Para bang sinusubok talaga siya. Huminga siya nang malalim, at sa sandaling iyon ay naglaro sa isip niya ang lahat—ang pangangailangan niyang kumita, ang pag-asang makatulong sa pamilya, at ang pangarap niyang makaahon sa hirap.

“P–pwede po bang malaman muna kung anong klaseng trabaho ito?” mahina ngunit matatag na tanong niya.

Narinig niya ang bahagyang paghinga mula sa kabilang panig ng kuwarto. “You’ll know everything soon, Ms. Sarmiento. But first, we need to see if you have what it takes.”

Unti-unti siyang napaatras. Hindi pa man niya nakikita ang mga kausap, ramdam na niya ang kakaibang presensiya sa paligid. Parang may mga matang nakamasid sa kanya sa dilim.

“O-Okay…” mahina niyang sabi, halos pabulong, habang pilit niyang pinatatag ang sarili. “Pero gusto kong malinaw, wala po akong gagawin na labag sa dangal ko.”

"Just strip, Loyalty. Walang mawawala sa'yo. Gusto kong makita ang katawan mo."

Naestatwa si Loyalty at nang makahuma ay tinakpan ang kanyang maselang parte. Hindi pa nga niya alam kung alin ang unang tatakpan. Ang kanyang boobs ba o ibaba?

"Gagawin mo ba?" tanong sa kanya ng babaeng hindi niya nakikita.

Nanginginig ang mga kamay ni Loyalty. Para sa trabahong makukuha niya ay pikit-mata siyang naghubad. Itinira lang niya ang kanyang underwear.

"Umikot ka..."

Sinunod ni Loyalty ang boses at umikot.

"Hmm. You passed. I want you to undergo a full body medical check-up."

Nahihiyang napatakip si Loyalty ng kanyang katawan. Nanuot ang lamig sa kanyang balat.

"Wear a robe. May inilagay akong puting robe diyan para sa'yo."

Nakita naman agad ni Loyalty ang robe at kinuha iyon saka isinuot.

"Loyalty, you will receive one hundred thousand every month, plus a monthly allowance. You won’t have to spend on anything while you’re staying in the mansion."

Nalaglag ang panga ni Loyalty sa narinig na magiging sweldo niya.

"S-Seryoso po? Isang daang libong piso ang sasahurin ko buwan-buwan?" tanong na hindi makapaniwala.

"Yes..." sagot ng boses. "May contract na nasa ibabaw ng lamesa. Basahin mo and then give us your decision."

Napatingin si Loyalty sa mesa at nasa ibabaw nga ang isang white folder.

Lumapit siya sa mesa at kinuha ang folder. Kinuha ang dokumento sa loob. Binasa niya iyon, lahat ng nakasaad sa kontrata.

Nanlaki ang mga mata ni Loyalty.

"S-Surrogacy? Ibig sabihin... magbubuntis ako para sa inyo? Iyon ang trabaho ko?"

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • CARRYING THE BILLIONAIRE'S HEIR : His Forbidden Love   Chapter 258

    NAKATANGGAP si Pearl ng isang sulat mula sa korte. Isa itong notice para sa hearing na magaganap sa mga susunod na araw. Matagal niyang tinitigan ang papel. Alam niyang darating ang araw na ito, pero iba pa rin ang pakiramdam ngayong hawak na niya mismo ang abiso mula sa korte. “Ganito na ba talaga kabilis?” mahinang tanong niya sa sarili. Muli niyang binasa ang nakasaad na petsa at oras ng hearing. Kaugnay ito ng legal na proseso para sa kanilang kasal ni Rigor. Napaupo si Pearl sa gilid ng kama. Ilang taon na silang magkahiwalay, pero ngayon lamang niya naramdaman na maaaring tuluyan nang matapos ang lahat. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya kapag humarap na sila ni Rigor sa korte. Magagalit ba siya o masasaktan? O natatakot lamang siya na kapag natapos ang lahat, wala na siyang dahilan para bumalik sa buhay ni Rigor? Mahigpit niyang hinawakan ang sulat. “Hindi pa puwedeng matapos nang ganito...” bulong niya na matalim ang tingin at mahigpit ang hawak sa puting s

  • CARRYING THE BILLIONAIRE'S HEIR : His Forbidden Love   Chapter 257

    BINUKSAN ni Rigor ang pinto ng kanilang kuwarto ni Carla. Napailing siya nang makapasok sa loob. Mahimbing na natutulog si Carla.Nilapitan niya ang nobya at hinalikan si Carla sa noo.Umupo siya sa gilid ng kama at ilang sandali itong pinagmasdan. Kitang-kita sa mukha ni Carla ang pagod. Simula nang manirahan ito sa mansyon, marami na rin ang nangyari. Bukod sa pagbubuntis nito, kailangan pa nitong harapin ang problema nila ni Pearl.Maingat na hinaplos ni Rigor ang buhok ng dalaga."Sorry, Carla," mahina niyang sambit.Ayaw niyang madagdagan pa ang iniisip ng nobya. Gusto niyang maramdaman nito na hindi ito nag-iisa at hindi niya ito pababayaan.Dahan-dahan siyang tumayo at inayos ang kumot ni Carla bago lumabas ng kuwarto.Pagkasara niya ng pinto, napahinto siya nang mapansin si Donya Carmina na nakatayo sa hallway."Ma," tawag niya.Tinitigan siya ng kanyang ina bago nagsalita."Tulog na ba si Carla?""Yes po, Ma. Pagod siya."Tumango si Donya Carmina."Hayaan mo siyang magpahinga

  • CARRYING THE BILLIONAIRE'S HEIR : His Forbidden Love   Chapter 256

    BIGLANG umalis si Pearl at naiwan sina Donya Carmina at Carla sa garden."Donya, baka po galit sa akin si Pearl. Ayoko po ng gulo..." sabi ni Carla.Hinawakan ni Donya Carmina ang kamay ng dalaga."Huwag mong isipin si Pearl. Kung galit man iyon, dahil iyon kay Rigor. Labas kayo ng apo ko."Napayuko si Carla. Hindi niya maiwasang makaramdam ng hiya sa kabila ng mga sinabi ng matanda."Pero ayoko rin po na isipin niya na inaagaw ko ang lugar niya rito.""Carla," mahinang tawag ni Donya Carmina.Napatingin sa kanya ang dalaga."Wala kang inaagaw. Hindi mo naman pinilit si Rigor na piliin ka. At lalong hindi mo kasalanan na nagkaroon kayo ng anak."Napahawak si Carla sa kanyang tiyan."Pero kasal pa rin po sila."Saglit na natahimik si Donya Carmina."Oo. At alam kong iyon ang pinakamalaking problema ngayon. Pero si Rigor ang dapat humarap sa problemang iyon. Hindi ikaw."Hindi nakasagot si Carla."Huwag mong akuin ang mga bagay na hindi naman ikaw ang gumawa," dagdag ng matanda. "Kung

  • CARRYING THE BILLIONAIRE'S HEIR : His Forbidden Love   Chapter 255

    NAPASILIP si Pearl sa garden mula sa bintana ng kanyang kuwarto. Andoon ang kanyang biyenan at si Carla, nagmemeryenda at nagpapahangin."Pati pala kay Mama ay inaagaw ng babaeng ito ang posisyon ko sa mansyong ito. Baka sa susunod ay palalayasin na ako rito dahil hindi na ako kailangan..." nausal ni Pearl habang matiim ang tingin sa labas.Napakuyom ang kanyang mga kamay. Hindi niya matanggap na sa loob lamang ng ilang araw ay unti-unting nagbabago ang pakikitungo ng ina ni Rigor sa kanya.Dati, siya ang laging kasama nito. Siya ang kinakausap at inaasikaso. Pero ngayon, tila si Carla na ang mas gusto nitong makasama."At dahil lang ba buntis siya, ganoon na lang kadali para kalimutan ang sampung taon kong pagsasama sa pamilyang ito?" bulong niya.Hindi niya namalayang napalakas ang pagkakahawak niya sa kurtina.Sa ibaba, tumawa si Donya Carmina nang may sabihin si Carla. Napatingin sila sa isa't isa bago muling nagpatuloy sa kanilang pag-uusap.Lalong sumikip ang dibdib ni Pearl. Na

  • CARRYING THE BILLIONAIRE'S HEIR : His Forbidden Love   Chapter 254

    MULING napabuntong-hininga si Donya Carmina. “Pearl, tatlong taon na kayong hiwalay ni Rigor. Hindi kita pinipilit na sumuko sa kasal ninyo. Pero hindi mo rin maaaring asahan na mananatiling pareho ang lahat kahit pa kasal pa rin kayo." “Hindi ko naman sinasabing pareho pa rin.” “Kung ganoon, ano ang gusto mong mangyari?” Hindi agad nakasagot si Pearl. “I want Rigor to remember that we are still married.” “Alam niya iyon. Hindi nakakalimutan ng anak ko, Pearl." “Pero parang nakakalimutan niya.” “Hindi niya nakakalimutan. Pinili lang niyang ipagpatuloy ang buhay niya.” Napatingin si Pearl sa matanda. “At kasama si Carla.” Tumango si Donya Carmina. “Kasama si Carla at ang magiging anak nila.” Napahigpit ang pagkakahawak ni Pearl sa kanyang bag. “Hindi ko pa kayang tanggapin iyon, Mama.” “Hindi kita pipilitin.” “Pero hindi rin ako basta mawawala.” “Hindi naman kita pinapaalis.” Tumayo si Donya Carmina at inayos ang upuan. “Ang hinihingi ko lang ay hu

  • CARRYING THE BILLIONAIRE'S HEIR : His Forbidden Love   Chapter 253

    “GOOD morning po.” Bahagyang tumango si Pearl habang nakatitig pa rin kay Carla. “Good morning.” Hindi man mataas ang boses nito, ramdam ni Carla ang lamig sa pakikitungo ng babae. “Maupo ka, Pearl,” alok ni Donya Carmina. Umupo si Pearl sa kabilang bahagi ng mesa. Saglit na nagkatitigan ang dalawang babae bago umiwas ng tingin si Carla. Hindi naging komportable ang dalaga. Kilala na niya si Pearl bago pa man siya tumira sa mansyon. Alam niyang hindi pa rin annulled ang kasal nito kay Rigor. At higit sa lahat, alam niyang hindi magiging madali ang sitwasyon nila. “Hindi ko alam na nandito ka pala sa dining, kasama namin sa breakfast,” sabi ni Pearl. Napayuko si Carla. Hindi na niya kailangang ipaliwanag pa kung bakit siya naroon. Alam na ni Pearl ang lahat. Napansin ni Donya Carmina ang tensyon sa pagitan nila. “Carla, kumain ka na. Baka lumamig ang pagkain mo.” “Opo.” Kumuha si Carla ng pagkain at tahimik na nagsimulang kumain. Samantala, hindi inalis ni Pearl ang ting

  • CARRYING THE BILLIONAIRE'S HEIR : His Forbidden Love   Chapter 2

    MASAYA si Loyalty nang umuwi sa bahay ng tiyahin niya. Nabugaran niya agad ang tiyahin na nakatayo sa pintuan. "Ano, Loyalty, may nakuha ka na bang trabaho? Aba, ilang buwan ka na rito sa bahay palamunin ka pa rin. Nakiusap ang Inay mo sa akin na rito ka tumira sa bahay ko. Pero hindi ko sinabi n

  • CARRYING THE BILLIONAIRE'S HEIR : His Forbidden Love   Chapter 1

    "LOYALTY Sarmiento..." narinig niyang tawag sa pangalan niya. Agad nagtaas siya ng kamay. "Ako po! Ako po si Loyalty Sarmiento." Ang sabi niya. Napalingon agad sa gawi niya ang babaeng may hawak ng kaniyang papel. Nag-aapply siya ng trabaho at sinusubukan ang swerte sa Maynila. Naiwanan ang kan

  • CARRYING THE BILLIONAIRE'S HEIR : His Forbidden Love   Prolouged

    ‼️ WARNING: RATED18 ‼️ ‼️ MATURE CONTENT ‼️ Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events, and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. There are some words t

  • CARRYING THE BILLIONAIRE'S HEIR : His Forbidden Love   Chapter 4

    NAPATULALA si Loyalty. Magiging surrogate mother siya ang magdadala at magbubuntis ng sanggol para sa mag-asawang hindi kayang magkaroon ng sariling anak."Loyalty, I know na labag ito sa iyong kalooban. Pero desperado na ako. Don't worry about everything. Lahat ay ibibigay naming mag-asawa. Pumaya

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status