INICIAR SESIÓNNAPATULALA si Loyalty. Magiging surrogate mother siya ang magdadala at magbubuntis ng sanggol para sa mag-asawang hindi kayang magkaroon ng sariling anak.
"Loyalty, I know na labag ito sa iyong kalooban. Pero desperado na ako. Don't worry about everything. Lahat ay ibibigay naming mag-asawa. Pumayag ka lang..." tila nakikiusap na sabi ni Felicity, ang babaeng kaharap niya. Nakita ni Loyalty ang luha sa mga mata nito, luha ng matinding pagnanais na magkaroon ng sariling pamilya. Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Kyle. Matangkad, matipuno, at may mukhang puno ng awtoridad. Agad na napahinto ang hininga ni Loyalty nang magtama ang kanilang mga mata. Hindi maipaliwanag ang kakaibang kaba at kuryenteng dumaloy sa kanyang buong katawan. Tinignan muna ni Leon ang kanyang asawa bago ibaling ang matalim na tingin kay Loyalty. Dahan-dahan siyang lumapit at tumayo sa tabi ni Felicity habang hindi inaalis ang paningin sa dalaga. "Totoo ang sinabi ng aking asawa," mariing sabi ni Kyle. "Kailangan namin ng iyong tulong, Loyalty. Bilang kapalit, ibibigay ko ang lahat ng iyong nais. Pera, ari-arian, o kahit anong materyal na bagay, makukuha mo ang lahat basta matupad mo ang iyong pangako." Napakuyom ni Loyalty ang kanyang mga kamay. Alam niyang malaking halaga ang iaalok sa kanya ng mag-asawa. Ito ang tanging paraan upang malutas ang matinding suliraning pinagdaraanan ng kanyang pamilya. Ngunit sa kabilang dako, alam din niyang hindi ito magiging madali. Hindi lang basta pagbubuntis ang hinihingi sa kanya, kailangan niyang isuko ang kanyang katawan sa lalaking kaharap. "Alam ko ang iyong kalagayan," patuloy pa ni Felicity. "Ang pag-aaral mo at masusuportahan mo ang buong pamilya mo sa probinsya. Lahat iyon ay matatapos sa oras na pumayag ka. Ito ang tanging pagkakataon mo, Loyalty. Huwag mong sayangin." Napatingin si Loyalty kay Felicity na muling lumuhod sa harapan niya. "Pakiusap, Loyalty. Maging ina ka muna ng aking anak. Kapag ipinanganak mo na siya, ibibigay namin ang lahat ng pangangailangan mo. Wala ka nang haharapin pang suliranin. At pangako... hindi ka namin pipilitin na manatili kung ayaw mo na." Nanginginig ang buong katawan ni Loyalty habang pinakikinggan ang mga ito. Ang kalooban niya ay tumututol, ngunit ang kanyang isip ay napipilitang tanggapin ang katotohanan. Wala siyang ibang mapagkukunan ng tulong kundi ang mag-asawang ito. "Kailangan... kailangan ko munang malaman ang lahat ng kondisyon," nanginginig na sagot ni Loyalty habang iniiwas ang tingin sa matalim na mga mata ni Kyle. "Ano... ano ang aking gagawin? Paano... paano ko ipagbubuntis ang inyong anak?" Napangiti nang bahagya si Felicity. Lumapit siya at hinawakan ang kamay ng dalaga. "Sa simpleng paraan lamang, Loyalty. Kailangan mong makipagtalik sa aking asawa. Dito ka maninirahan sa aming tahanan hanggang sa ipanganak mo ang sanggol. At kapag lumabas na siya, ibibigay mo siya sa amin at malaya ka na." Parang binuhusan ng malamig na tubig si Loyalty nang marinig ang mga salitang iyon. Kailangan niyang ibigay ang kanyang kadalisayan sa lalaking hindi niya asawa, sa asawa ng babaeng kaharap niya. "Kailangan ko ang iyong sagot ngayon din," madiing singit ni Kyle. "Pumayag ka at ang lahat ng iyong problema ay matatapos. Kung hindi... ikaw ang mananagot sa lahat ng kahihinatnan ng iyong pamilya." Tumingin si Loyalty sa mag-asawa. Nakita niya ang matinding pagnanasa sa mukha ni Felicity at ang matigas na paghahangad sa mga mata ni Kyle. Sa oras ding iyon, napagtanto niyang wala na siyang ibang pagpipilian. Ang kanyang kalooban ay napapailalim na ng kanyang kinabukasan at ng kanyang pamilya. "Pumapayag na ako..." mahinang sagot ni Loyalty habang tumutulo ang kanyang mga luha. "Gagawin ko ang hinihingi ninyo. Ngunit pangako ninyo, ibibigay ninyo ang lahat ng inyong sinabi. At kapag tapos na ang lahat, palalayain ninyo ako nang walang kahit anong kondisyon." Napangiti nang matamis si Felicity at niyakap ang dalaga. "Maraming salamat, Loyalty. Maraming salamat. Hindi ka namin sasaktan. Ikaw ang aming tagapagligtas." Ngunit sa likuran nila, nakatitig lamang si Kyle kay Loyalty. May kakaibang kislap sa kanyang mga mata, hindi lamang pagnanais na magkaroon ng anak. Mayroon doon ang bagay na ikinakatakot ni Loyalty... ang pagnanais na angkinin din siya bilang kanya. "Mula ngayon, ikaw ay akin na..." bulong ni Kyle sa sarili habang nakatitig sa inosenteng mukha ng dalaga. "Hindi ko pa man nakukuha ang anak na nais ko... ngunit tiyak na makukuha rin kita." UMUWI si Loyalty sa bahay ng kanyang tiya. Wala siyang taong naabutan sa bahay. Dumiretso siya sa kanyang kuwarto na ibinigay para sa kanya. Ibinaba niya lang ang kanyang bag at ibinagsak ang katawan sa kama. Nakayakap siya sa kanyang sarili habang ang mga luha ay kusang tumutulo mula sa kanyang mga mata. Hindi niya mapigilan ang matinding kirot sa kalooban sa napagpasyahan niyang gawin. Sumagi sa isip niya ang kanyang pamilya sa probinsya. Ang Nanay niya na mag-isang itinataguyod ang kanyang dalawa pang kapatid. Simula noong mawala ang Tatay niya ay parang nawalan ng kulay ang buhay ang kanilang buong pamilya. Napilitan siyang lisanin ang kanilang tahanan upang maghanapbuhay at tumulong sa lahat ng kanyang makakaya. Nakita niya kung paano unti-unting nanghina ang kanyang ina dahil sa sobrang pagtatrabaho, at kung paano napipilitang tumigil sa pag-aaral ang kanyang mga kapatid dahil sa kakulangan ng pera. "Kailangan kong gawin ito... para sa kanila... ito lang ang tanging paraan," bulong niya sa sarili habang pinupunasan ang kanyang mga luha. "Kahit anong sakripisyo, kakayanin ko. Basta makita ko lang na maayos at masagana ang buhay ninyo..." Ngunit sa kabila ng kanyang pagtitiwala, hindi niya maalis sa kanyang isipan ang mukha ni Kyle. Ang matalim na mga mata at ang di-mababanggit na damdaming naramdaman niya tuwing nakatitig ito sa kanya. Kinilabutan siya sa alaala ng mga salitang binitawan nito. Alam niyang hindi magiging madali ang kanyang tatahakin, lalo pa't kailangan niyang ibigay ang kanyang sarili sa asawa ng ibang babae. "Kakayanin mo ito, Loyalty. Matatapos din ang lahat kapag naipanganak ko na ang sanggol. At makakabalik ka rin sa dati mong buhay," pampalakas-loob niya sa sarili. Unti-unting napapikit ang kanyang mga mata. Dahan-dahang dinadala siya ng antok at doon ay muling nabuhay ang mga alaala ng nakaraan."INAY, may problema po ba?" Nagtatakang tanong ni Loyalty habang kausap ang ina sa kabilang linya. Maririnig ang malakas na hikbi ni Wella sa kabilang linya. "Inay, bakit po ba kayo umiiyak ng ganiyan? Magsalita nga po kayo..." naiirita na sabi niya. Day off niya at nagpadala siya ng pera sa kanyang Inay para sa panggastos nila. "S-Si Limon e..." nauutal na sabi ni Wella. Hindi niya kauang tapusin ang kanyang sasabihin. “Inay, naman. Ano bang nangyari kay Limon?” pilit na pinapakalma ni Loyalty ang sarili kahit kinakabahan na siya. Maya-maya pa ay narinig na naman niya ang mahinang pagsinghot ng kanyang ina. “Nakabuntis ang kapatid mo…” nanginginig na saad ni Wella. “At gusto na raw magpakasal agad.” Parang natulos si Loyalty sa kanyang kinauupuan. Ang bata pa ni Limon para magpakasal. Paano niya bubuhayin ang pamilya niya? Nag-aaral din ito. “Ano?” hindi makapaniwalang bulalas niya. “E, wala ngang trabaho si Limon, ‘di ba? Paano siya bubuhay ng pamilya? Sobrang bata
MABILIS na tumulin ang mga araw, nakakaya naman ni Loyalty na pagsabayin ang kanyang pag-aaral at pagta-trabaho bilang crew. Nakakapadala rin siya kahit kaunti sa kanyang Inay at mga kapatid. "Hindi ka pa ba uuwi, Loyalty? Huwag mong pagurin ang sarili mo sa pagta-trabaho. Abay, sayang kahit na may bayad ay mababa pa rin. Kapag ikaw nagkasakit, hindi ka matutulungan ng kompanya..." sitang sabi ni Clara. Payak na ngumiti si Loyalty. "Okay lang iyon. Para ito sa pamilya ko at saka kailangan kong paspasan ang pagkayod. Alam mong walang tutustos sa pag-aaral kong maging isang dentista." Naihilig ni Clara ang kanya ulo. "Ang taas din ng pangarap mo, kaibigan. Dentista pa ang gusto mo. Mag-teacher ka na lang, mas madali ka pa sa panggastos mo..." Napailing si Loyalty habang inaayos ang suot niyang apron. “Hindi ko nakikita ang sarili ko sa pagtuturo,” mahina ngunit matatag niyang sagot. “Simula bata ako, gusto ko talagang maging dentista. Gusto kong magkaroon ng sariling clinic balang
UNANG araw ni Loyalty sa kanyang trabaho, may isang linggo pa bago naman ang pasukan. Sasamantalahin niya na mag-overtime palagi dahil kapag nagstart na ang klase ay tiyak na mahihirapan siya sa schedule niya. "Loyalty, pakicheck ang table 45..." utos ng manager sa kanya. Tumango si Loyalty at tumalima. Dahan-dahan pa muna siyang naglalakad sa pinakadulong bahagi ng fast food. Nagtaka siya na halos lumayo ang customer sa ibang customer. "Sir, may kailangan pa po kayo?" magalang niyang tanong. Napaangat ang tingin ng lalaki. Napatulala si Loyalty. Matangos ang ilong nito at malamig ang mga mata. Nakaayos ang mamahaling relo sa pulsuhan habang bahagyang nakabukas ang manggas ng polo nito. Kahit simple lang ang suot ay halatang mayaman at sanay utusan ang mga tao sa paligid. Pero ang ikinagulat ni Loyalty ay ang pasa sa gilid ng labi nito at bahagyang sugat sa noo. "Coffee," tipid nitong sagot. "Black. No sugar." Agad natauhan si Loyalty. "A-Ah, sige po, sir." Tatalikod na sana
"TUMAWAG ka ba sa Inay mo sa San Gabriel? Dalawang linggo ka palang dito sa Maynila nakakuha ka na agad ng trabaho..." nakangiting tanong ni Belen sa pamangkin. Nasa hapag sila at sabay-sabay silang tatlo naghahapunan."Opo, kanina..." sagot ni Loyalty.Napahinto si Belen sa pagsubo ng kanin habang si Mariel ay hindi maipinta ang mukha."Tuwang-tuwa siguro si Wella. Alam ko na kahit wala na si Jack ay magiging maganda ang kinabukasan mo, Loyalty. Basta hindi ka agad mag-aasawa gaya ng ginawa ng magulang mo noon," saad ni Belen.Nawala ang ngiti ni Loyalty. Akala niya ay pupurihin siya ng tiyahin. Kasunod pala niyon ay may sasabihin na hindi maganda sa magulang niya."Tiya Belen, kung ano po ang nangyari kina Inay at Itay noon, dahil po iyon sa mahal nila ang isa't isa..."Napakuyom ni Belen ang kutsara sa kanyang kamay at bahagyang umismid, habang si Mariel naman ay bahagyang napataas ng kilay at pabulong na humalakhak."Pagmamahal?" ulit ni Belen na parang kinukutya ang salitang bini
NAPALINGA si Loyalty sa labas ng bintana, walong oras din ang naging biyahe nila mula Mabini papuntang Maynila. Nasa Maynila na raw sila sabi ng katabi niya. Namangha siya sa dami ng matataas at matatayog na gusali. Parang ito ang mga nakikita niya sa TV, sa mga commercials at sa news. Napaka-ignorante niya sa mga nakikita. Ito naman kasi ang unang beses na tumuntong ng Maynila.Susunduin siya sa terminal ng bus ng tiyahin, pinsan ng itay niya. Pansamantala ay manunuluyan siya sa bahay nito habang hindi pa siya nakakahanap ng boarding house na malapit sa state university na papasukan.Napahigpit ang hawak ni Loyalty sa kanyang maliit na bag habang unti-unting bumabagal ang takbo ng bus. Mas lalo niyang sinilip ang labas ng bintana. Ang mga sasakyan na dikit-dikit, mga taong nagmamadali, at mga ilaw na tila hindi nauubos kahit maliwanag pa ang araw.“Ito na, hija. Terminal na,” sabi ng konduktor.Napapitlag siya at agad na tumango. Dahan-dahan siyang tumayo, kinakabahan na hindi maipal
"ATE Loyalty, mag-iingat ka ro'n. Dalasan mo ang text, ha," bilin na sabi ni Lissie, ang sampung taong gulang niyang kapatid.Niyakap ni Loyalty ang kapatid at pagkatapos ay hinalikan niya ito sa pisngi ng pamamaalam."Aalagaan n'yo at parati mong i-check ang inay. Kayo lang ni Limon ang kasama niya, Lissie," bilin din niya sa bunsong kapatid."Marahang tumango ang kapatid niya na naiiyak na rin. Ngayon lamang sila magkakahiwa-hiwalay. Kahit noong nabubuhay pa ang kanilang itay ay wala pang nalalayo sa kanila. Iba na ang buhay nila ngayon, dahil wala na ang kanilang itay.Panay na rin ang iyak ni Lowella habang tinitignan ang kanyang mga anak. Nasa tabi niya si Limon, ang kanyang pangalawang anak.Nasa terminal dila ng bus, ihahatid nila ang panganay niyang anak na si Loyalty. Nalulungkot si Lowella na mawawalay ang kaniyang anak sa kanya, parang hindi siya sanay na nasa malayo ito. Naasahan na kasi niya ang kanyang panganay sa lahar. Si Loyalty ang katu-kstulong niya sa pag-aasikaso







