Masuk"LOYALTY Sarmiento..." narinig niyang tawag sa pangalan niya. Agad nagtaas siya ng kamay.
"Ako po! Ako po si Loyalty Sarmiento." Ang sabi niya. Napalingon agad sa gawi niya ang babaeng may hawak ng kaniyang papel. Nag-aapply siya ng trabaho at sinusubukan ang swerte sa Maynila. Naiwanan ang kanyang pamilya sa malayong probinsya sa Leyte. Dahil sa kahirapan ng buhay kailangan niyang magtrabaho habang nag-aaral. May pangtustos na siya sa pag-aaral niya, mayroon pa siyang pampadala ng pera sa Inay at mga kapatid niya. "Halika na... ikaw na susunod na iinterbiyuhin," utos ng babaeng nakasalamin kay Loyalty. Napahinga ng malalim si Loyalty. "This is it, Loyalty. Kaya mo 'to," pagpapalakas niya ng loob. Kanina pa siya kinakabahan, halos dalawa na lamang sila natitira at mag-aalas singko na ng hapon. Nagtataka naman siya na lahat ng mga babaeng nauna sa kanya ay puros hindi natanggap. Ang dinig niyang sinasabi ng mga ito ay tatawagan na lamang daw sila. Lalo tuloy siyang ninerbiyos na masyadong mapili ang nag-iinterview sa kanila. Tumayo na si Loyalty at inayos ang sarili. Ibinaba niya ang tumaas na black skirt niya. Naka-semi formal siya. Para na ngang office girl ang kanyang attire. While blouse at black pencil skirt na may maiksing slit sa gilid. Tinernuhan din niya iyon ng black shoes na may 2 inches na heels. Pak na pak! Ready na siya para sa kanyang interview at gagawin niya ang lahat para siya matanggap. Hindi siya uuwing luhaan gaya ng mga naunang nag-apply. "Good luck, girl!" Sabi ng babaeng katabi ko. Pagkatapos ko ay siya na ang kasunod. Pang-30 ata siya sa listahan. Sa sobrang dami ay inabot talaga ng uwian. "Miss Sarmiento, halika na. Hinihintay ka na ni Sir sa loob," tawag muli ng babae. Napangiti ako at nahiya ng konti. Muli akong huminga ng malalim at pilit pinapakalma ang kinakabahan kong dibdib. Nang makalapit siya sa babae ay binuksan niya ang pinto. Dahan-dahan pang pumasok sa loob ng opisina si Loyalty at tila nag-aalangan dahil sa kaba. Nagtaka siya sa loob ng opisina. Wala namang tao sa loob. May lamesa at isang upuan. Napalingon si Loyalty sa babae. "Nasaan po ang mag-iinterview sa akin?" tanong ni Loyalty. "Andito si Sir. Kakausapin ka niya. Maupo ka na, Miss Sarmiento." Sagot ng babae na ngumiti ng payak. Nagtaka naman si Loyalty na nagpalinga-linga sa buong silid. Walang tao, maliban sa kanilang dalawa ng babaeng may hawak ng papel niya. "Maupo ka na, Miss Sarmiento," utos ng babae. Tumalima naman si Loyalty at hinintay ang pagdating ng sinasabing Sir na mag-i-interview sa kanya. Ilang segundo pa ang hinintay niya, lumabas ang babae at nai-lock ang pinto. Naiwan siya sa loob na mag-isa. "Miss Loyalty Sarmiento?" Napasinghap si Loyalty nang may tumawag sa kanyang buong pangalan. Hindi niya malaman kung sasagot ba siya o hindi. "O-Opo," sagot niya na natatakot na. "Can you stand up?" Nagtaka siya sa boses. Pinapatayo siya? Kasama ba iyon sa interview? "I said, stand up..." madiing ulit ng boses. Mabilis siyang tumayo na nag-aalangan pa rin. "Please turn around, Miss." Muling utos ng boses. Napaamang si Loyalty. Naguguluhan at nalilito siya dahil sa kakaibang interview sa kanya. Dahan-dahan siyang nagtaas ng kamay. "A-Ano pong ibig sabihin ng mga pinapagawa n'yo? Hindi po model ang inaaplayan ko, kundi assistant. Pero part time lang po dahil nag-aaral pa po ako." "Hmm... how old are you?" "Eighteen po." Sagot ni Loyalty. "You’re too young for the position." Napakunot ang noo ni Loyalty. “Pero kaya ko naman po, Sir. Marunong po akong mag-organize ng files, mag-assist, at mabilis po akong matuto. Kung pagbibigyan n’yo lang po ako ng pagkakataon—” “Sit down.” Malamig at mababa ang boses na pumigil sa kanya. Dahan-dahan siyang umupo, pinipilit itago ang nanginginig niyang mga kamay. Hindi pa rin niya makita kung saan nanggagaling ang boses. Tanging ilaw mula sa lampshade sa mesa lang ang bukas sa loob ng opisina, kaya’t kalahati ng silid ay natatabunan ng anino. “Why do you want this job?” tanong ng lalaki, tila nasa likod ng kurtinang naghahati sa opisina. Napakagat si Loyalty sa labi. “Kailangan ko po ng trabaho para makapagpatuloy ako sa pag-aaral. Gusto ko rin pong makatulong sa pamilya ko sa Leyte.” Tahimik. Ilang segundo rin bago muling nagsalita ang lalaki. “Marami na akong narinig na ganyan. Pero karamihan sa kanila… hindi nagtatagal.” Hindi na siya nakasagot. Pilit niyang pinapakalma ang sarili habang iniipit sa palad ang strap ng sling bag niya. Narinig niyang kumalansing ang metal doorknob. Bumukas ang pinto sa loob, isang maliit na silid sa kanan at saka lumabas ang isang lalaking nakasuot ng dark gray suit. Matangkad ito, may matalim na tingin, at halatang sanay mag-utos. “Sir Alaric…” sabi ng babaeng kanina ay nagbukas ng pinto, bago ito tuluyang lumabas at isinara muli ang pinto sa kanila. Tumigil ang paghinga ni Loyalty sa kaba. ‘Ito na siguro ang Sir na sinasabi nila.’ Lumapit ang lalaki sa mesa, binuksan ang folder at tumingin sa kanya. “So, Loyalty Sarmiento. From Leyte. Eighteen years old. Taking Business Administration?” “O-Opo.” Tinitigan siya nito ng diretso. “You know this is a private company, not an internship program, right?” Tumango siya. “Opo, Sir. Pero handa po akong matuto at magtrabaho nang maayos.” Maya-maya ay bahagyang kumunot ang noo ni Sir Alaric. “You remind me of someone…” bulong nito, tila para sa sarili. Hindi na lang kumibo si Loyalty. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng lalaki. “Alright,” ani Alaric matapos ang ilang segundo. “Let’s see if your loyalty matches your name. You’ll start tomorrow. 8 a.m. sharp.” Napasinghap si Loyalty, hindi agad makapaniwala. “T-tanggap na po ako?” Tumingin lang ito sa kanya, malamig pero matalim ang mga mata. “For now.” Iyon lang ang sinabi nito bago muling tumalikod at bumalik sa loob ng maliit na silid, iniwang nakatulala si Loyalty. Hindi makapaniwala kung dapat ba siyang matuwa o kabahan dahil natanggap na siya sa trabaho.3RD day, hindi mapakali si Kyle sa kanyang opisina. Kanina pa siya nag-iisip ng magandang sasabihin kay Loyalty para ilabas ito mamayang gabi. Siyang pasok ni Tres at Bern sa loob ng opisina. Nagulat si Kyle nang makita ang asawa ng kanyang best friend. "Bern? Tres?" gulat na sabi ni Kyle habang tumatayo mula sa kanyang upuan. Napangiti si Tres. "Mukhang istorbo yata kami." Umiling agad si Kyle. "Hindi. Maupo kayo." Naupo ang mag-asawa sa harap ng mesa ni Kyle. Napansin agad ni Bern ang tila wala sa sarili nitong kaibigan. "Anong problema?" tanong niya. "Kanina ka pa yata lutang." "Wala." Napatawa si Tres. "Kapag 'yan ang sagot ng isang lalaki, ibig sabihin meron." Napailing si Kyle. "Hindi naman seryoso." Nagkatinginan sina Bern at Tres. "Sige nga, ikuwento mo," sabi ni Bern. Napabuntong-hininga si Kyle bago isinandal ang likod sa kanyang upuan. "May gusto sana akong sabihin kay Loyalty." Napangiti agad si Tres. "Wow. Finally." "Hindi pa tapos." "Ano pa?" tanong
SA dining, harap-harap sila. Nahihiya si Loyalty na parang siya na lang ang hinihintay. Hindi niya alam na napahimbing ang tulog niya. Nag-alala tuloy si Kyle sa kanya. “I'm sorry, hindi ko alam na nalock ko ang room ko. Hindi ko sinasadya na mag-alala kayong lahat,” hingi niya ng paumanhin. Napailing si Margarita. “Mo. You don't have to say sorry. Of course, concern kaming lahat sayo.” Mabilis na napatango si Carla. “Oo nga naman, Loyalty. Siyempre, gusto naming lahat na hindi ka mapahamak. Lalo na at buntis ka.” Napangiti si Loyalty, kahit bahagya pa rin siyang nahihiya. "Salamat. Hindi na talaga mauulit." Napatingin si Margarita kay Kyle. "Ikaw kasi. Halos ipabukas mo na ang pinto ng kuwarto niya kanina." Napabaling ang tingin ng lahat kay Kyle. Bahagya nitong nilinis ang lalamunan bago uminom ng tubig. "Normal lang iyon. Hindi siya sumasagot at naka-lock ang pinto. Siyempre, mag-aalala ako." Napangiti si Carla at napatingin kay Loyalty. "Naku, kung nakita mo lang ang
GABI na, tulog pa rin si Loyalty. Nasa harapan ng pinto ng kuwarto nito si Carla. Kanina pa katok nang katok pero hindi pinagbuksan ng dalaga. “What happened here, Carla?” nagtatakang tanong ni Kyle nang mapadaan siya sa kuwarto ni Loyalty. Nilingon ni Carla si Kyle. “E, nakatulog ata si Loyalty. Hindi niya Kasi naririnig ang mga katok ko. Anong oras na hindi pa siya bumababa para kumain.” “Huh? Wait, I will get the duplicate key. Ipapasyal ko siya ngayong gabi, hindi pa siya nakapaghanda…” Tumaikod agad si Kyle at pumunta sa kuwarto niya para kunin ang duplicate key ng room ni Loyalty. Naghintay si Carla sa pagbabalik ng binata. Ilang sandali pa ay bumalik si Kyle habang hawak ang duplicate key. "Tabi muna," mahinahon niyang sabi kay Carla. Tumango naman si Carla at bahagyang umurong. Maingat na ipinasok ni Kyle ang susi sa doorknob. Isang mahinang click ang narinig bago dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. "Loyalty?" mahina niyang tawag. Walang sumagot. Nagkatinginan si
PAGKAPASOK ni Loyalty sa kanyang silid, marahan niyang isinara ang pinto. Lumapit siya sa kama at maingat na inilapag ang teddy bear sa may ulunan ng higaan. Ilang sandali niya itong pinagmasdan bago kusa siyang napangiti. "Thank you..." mahina niyang bulong na tila kausap ang sarili. Umupo siya sa gilid ng kama at marahang hinaplos ang kanyang tiyan. "Baby..." mahinahon niyang sambit. "Mabait talaga ang daddy mo, hindi ba?" Bigla siyang natahimik. Napakurap siya nang mapagtanto ang kanyang nasabi. "Daddy..." Napailing siya at bahagyang napatawa sa sarili. Nagbago ang hilatsa ng kanyang mukha nang maalalang hindi siya permanenteng magiging ina ng kanyang dinadala. Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Hindi niya namalayang napabuntong-hininga siya. "Anong iniisip mo, Loyalty?" mahinang usal niya sa sarili. "Huwag mong kalilimutan ang kasunduan." Muli niyang hinaplos ang kanyang tiyan. Ilang buwan na lang at isisilang na niya ang batang dinadala. Pagkatapos noo
SABAY na naglalakad sina Carla at Loyalty SA lobby, palabas na sila ng kompanya. May ngiting mapanukso si Carla sa kanya kaya ayaw itong tingnan ni Loyalty. Pagkalabas nila nh kompanya ay nakaparada na sa harapan ang kotse ng sasakyan nila pauwi sa mansyon. “Ibang-iba si Sir Kyle sayo. May pagka-sweet pala siya…” sambit ni Carla. Napailing si Loyalty at bahagyang napasimangot. "Carla, tigilan mo nga ako." "Ano? Totoo naman." Natatawang ikinibit ni Carla ang kanyang mga balikat. "Napansin mo ba kung paano ka niya tiningnan kanina? Tapos pinaghanda pa tayo ng almusal. Hindi pa roon natapos, paulit-ulit ka pang pinaalalahanang kumain sa tamang oras dahil buntis ka." Napabuntong-hininga si Loyalty. "Mabait lang talaga si Sir Kyle. Huwag mong bigyan ng ibang kahulugan." "Talaga ba?" taas-kilay na tanong ni Carla. "Eh, bakit parang ikaw lang ang espesyal niyang pinagsasabihan? Kahit noong nasa opisina tayo, halos hindi niya ako tiningnan. Ikaw lang ang nasa radar niya." Lalong nam
“SIR, may bisita po kayo. Nasa visitors area po, naghihintay sa inyo,” imporma ni Flora sa amo. “Who?” Wala siyang alam para pumunta at bumisita sa kanya. Kung si Felicity naman, dumidiretso iyon sa opisina niya, hindi sa visitors area. “Carla and Loyalty,” sagot ni Flora. Nagulat si Kyle. Napatayo siya bigla sa kanyang upuan. “What are they doing here?” natanong ni Kyle sa isip. “Let them come inside my office,” Utos niya. “Yes, Sir,” tugon ni Flora bago lumabas ng opisina. Hindi mapakali si Kyle. Hindi niya inaasahang bibisita sa kanya sina Carla at Loyalty, lalo na't wala naman silang ipinabatid na darating sila. Ilang sandali pa'y bumukas ang pinto ng opisina. “Good morning, Sir Kyle,” magalang na bati ni Carla. Bahagyang tumango si Kyle. Ngunit ang mga mata niya ay agad na napunta kay Loyalty, na tila kinakabahan habang nakatayo sa tabi ng kaibigan. “Come in. Have a seat,” aniya. Magkatabing naupo ang dalawa sa harap ng mesa niya. “So... what brings you here? Sana
KABADO si Loyalty habang nakaupo sa gilid ng kama. Sumasagi sa isip niya ang gagawin niya. Wala siyang alam dahil wala pa naman siyang karanasan. Naisipan niyang tawagan si Carla. Alam niyang may sagot ang kaibigan sa kanyang mga katanungan. Nang magring ang phone ay sinagot agad ito ni Carla. "
NAPATULALA si Loyalty. Magiging surrogate mother siya ang magdadala at magbubuntis ng sanggol para sa mag-asawang hindi kayang magkaroon ng sariling anak."Loyalty, I know na labag ito sa iyong kalooban. Pero desperado na ako. Don't worry about everything. Lahat ay ibibigay naming mag-asawa. Pumaya
WALA pa ngang isang oras ay may dumating para sunduin si Loyalty. Sakay na siya ng isang magarang sasakyan. Hindi niya alam kung saan ang kanilang punta. "Kuya, puwede pong magtanong?" tanong ni Loyalty. Nahihiwagahan lang siya. Ang akala niya ay isa siyang encoder. Pero hindi niya alam na iba
MASAYA si Loyalty nang umuwi sa bahay ng tiyahin niya. Nabugaran niya agad ang tiyahin na nakatayo sa pintuan. "Ano, Loyalty, may nakuha ka na bang trabaho? Aba, ilang buwan ka na rito sa bahay palamunin ka pa rin. Nakiusap ang Inay mo sa akin na rito ka tumira sa bahay ko. Pero hindi ko sinabi n







