Share

Chapter 2

Author: RIDA Writes
last update publish date: 2026-05-01 16:44:01

MASAYA si Loyalty nang umuwi sa bahay ng tiyahin niya. Nabugaran niya agad ang tiyahin na nakatayo sa pintuan.

"Ano, Loyalty, may nakuha ka na bang trabaho? Aba, ilang buwan ka na rito sa bahay palamunin ka pa rin. Nakiusap ang Inay mo sa akin na rito ka tumira sa bahay ko. Pero hindi ko sinabi na isasahog kita sa pagkain namin. Ang mahal ng bilihin ngayon..." putak ni Tiya Belen kay Loyalty. Nakapameywang ito at nakataas ang isang kilay.

"May trabaho na po ako, tiya. Huwag na po kayong mag-alala sa kakain ko dahil itong buwan tiyak na sasahod na ako."

Nanlaki ang mga mata ni Tiya Belen at napangiti nang malawak.

"Magkano ang sasahurin mo sa isang buwan, Loyalty? Mga dalawampung libong piso ba?" Mga tanong niya, hindi pa rin nawawala ang ngiti at nagniningning ang mata pagdating sa pera.

"Hindi ko pa po alam. Pero malaki pong kompanya ang inapplayan ko..." sagot ni Loyalty.

Nawala ang ngiti ni Belen. Napaismid ito. "Hmmp... Loyalty, tandaan mo ang bayad natin sa kuryente at tubig. Huwag mong kakalimutan mag-ambag. Gumagamit ka ng kuryente at tubig... mga limang libo para sa ambag mo."

Sa loob-loob ni Loyalty, pera lang talaga ang gusto ni Tiya Belen. Ang akala nila ng inay niya na magiging maayos siya kapag tumira kasama nito. Pero kabaliktaran ang inaasahan niya. Ayaw niya rin magsumbong sa inay niya dahil baka mag-alala pa ito. Gusto niyang makatapos ng pag-aaral para makatulong sa pagtataguyod ng kanyang mga kapatid.

Kaya ngumiti na lang si Loyalty kahit masakit na sa loob niya. “Opo, Tiya. Mag-aambag po ako kapag nakasahod na ako,” mahina niyang tugon, sabay yuko ng ulo.

“Tandaan mo ‘yan ha, Loyalty. Ayoko ng paasa. Marami ka nang utang sa kabutihan ko,” dagdag pa ni Belen habang naglalakad papasok ng bahay.

Tahimik lang si Loyalty na sumunod. Pumasok siya sa maliit na silid na tinutuluyan niya sa likod ng bahay. Isang kwartong gawa sa pinagtagpi-tagping playwud at may manipis na kurtinang nagsisilbing pinto.

Pagkaupo niya sa kama, napahinga siya nang malalim. Pinunasan niya ang pawis sa noo, saka ngumiti nang marahan. Kahit gaano kahirap, masaya pa rin siya. Dahil ito na ang simula ng katuparan ng mga pangarap niya.

Binuksan niya ang bag at kinuha ang isang lumang larawan ng pamilya nila. Nakangiti siya habang pinagmamasdan iyon.

“Konting tiis pa, Inay at mga kapatid ko. Gaganda rin ang buhay natin,” mahinang sabi niya.

Kinagabihan, bago siya matulog, pinangarap niya kung paano magiging maayos ang lahat kapag nagsimula na siyang magtrabaho. Hindi niya alam kung gaano kabigat o kahirap ang trabahong papasukin niya. Pero handa siyang harapin iyon para sa pamilya niya.

Maagang nagising si Loyalty dahil unang araw ng kanyang trabaho. Hindi pa niya alam ang dress code nila sa kompanya. Panggabi pa naman ang pasok niya sa University. Kaya pagkatapos sa trabaho ay didiretso na siyang pumasok sa eskwelahan.

"Mag-almusal ka muna, Loyalty. Baka sabihin mo napakasama kong tiyahin sa'yo. Tignan mo ipinagluto pa kita." Pagmamayabang na sabi ni Belen.

"Salamat po, tiya. Pero sa opisina na lang po ako mag-aalmusal." Tanggi ni Loyalty. Alam naman niya na may kapalit ang pagmamagandang-loob ng kanyang tiyahin.

"Aba, Loyalty... tinatanggihan mo ba ang pinaghirapan kong lutuin? Napakawalang-pakunswelo mo naman. Gumising pa ako ng maaga para umabot bago umalis."

"E, sino naman po kasing may sabi na ipagluto n'yo ako ng almusal?"

Napataas ang kilay ni Tiya Belen. “Aba, aba! Sumusagot ka na ngayon, ha? Ganyan ka ba pinalaki ng Inay mo?” madiin nitong sabi, sabay hampas ng sandok sa mesa.

Agad namang natahimik si Loyalty. “Hindi po, tiya… Pasensya na po. Nagmamadali lang po talaga ako,” mahinahon niyang sagot.

“Hmp! Kung nagmamadali ka, e ‘di sige. Pero tandaan mo, Loyalty, ang mga taong marunong tumanaw ng utang na loob, ‘yan ang pinagpapala. Sana hindi mo makalimutan kung sino ang tumulong sa’yo noong wala ka pang trabaho.”

Tumango na lang si Loyalty kahit gusto na niyang pumikit sa inis. Bitbit ang kanyang lumang sling bag at folder ng mga requirements, nagpaalam na siya. “Aalis na po ako, tiya. Baka ma-late pa ako.”

“’Wag kang magpapahiya, ha! Huwag mong sabihin sa opisina n’yo na sa bahay ko ka nakatira. Baka isipin nila pinapabayaan kita dito,” pahabol pa ni Tiya Belen habang nag-aayos ng pinggan.

Napahinga nang malalim si Loyalty paglabas ng bahay. Inilabas niya ang maliit na panyo sa bulsa at pinunasan ang pawis sa leeg. Mainit na agad kahit maaga pa. Habang naglalakad papunta sa sakayan, pinilit niyang ngumiti.

“Kayang-kaya ko ‘to,” bulong niya sa sarili. “Para kay Inay. Para sa mga kapatid ko.”

Pagdating niya sa kompanya, napanganga siya sa laki ng gusali. Makintab ang sahig, may mga receptionist na nakaayos ang uniporme at bawat empleyado ay abala sa kani-kanilang mga laptop. Napalunok siya at nanginginig ang kamay habang inabot ang ID sa guard.

“First day mo?” tanong ng guard, sabay ngiti.

“Opo,” mahina niyang tugon. “Ako po si Loyalty Sarmiento.”

“Ah, oo. Nasa listahan ka. Sa HR ka muna pumunta sa third floor, ‘yung opisina sa dulo.”

“Salamat po,” sabi niya, sabay ngiti.

Habang paakyat ng hagdan, bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi dahil sa kaba lang, kundi sa saya at pag-asa. Ito na ‘yung simula ng bagong yugto sa buhay niya. Kahit may mga taong kagaya ni Tiya Belen na laging bumubunganga, hindi iyon makakabura sa pangarap niyang balang araw, siya naman ang tutulong sa iba, lalo na sa Inay niya.

Pagpasok niya sa HR office, sinalubong siya ng babaeng nakangiti. “Hi, you must be Loyalty Sarmiento?”

“Yes, ma’am,” sagot niya, mahina pero puno ng respeto.

“Welcome to Marasigan Corporation,” sabi nito, sabay abot ng kamay. “We’re glad to have you on board.”

Napangiti si Loyalty. Parang nagbalik sa kanya ang mga araw na sobrang hirap na hirap siya sa paghahanap ng trabaho. Pero ngayon, ramdam niyang worth it lahat ng kanyang pagod.

“Thank you po, ma’am,” sagot niya habang nakangiti.

"May susundo sa'yo at dadalhin ka sa totoong trabaho mo..."

"H-Ho? A-Ano po 'yon?" tanong niya na parang mali ang kanyang dinig.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • CARRYING THE BILLIONAIRE'S HEIR : His Forbidden Love   Chapter 258

    NAKATANGGAP si Pearl ng isang sulat mula sa korte. Isa itong notice para sa hearing na magaganap sa mga susunod na araw. Matagal niyang tinitigan ang papel. Alam niyang darating ang araw na ito, pero iba pa rin ang pakiramdam ngayong hawak na niya mismo ang abiso mula sa korte. “Ganito na ba talaga kabilis?” mahinang tanong niya sa sarili. Muli niyang binasa ang nakasaad na petsa at oras ng hearing. Kaugnay ito ng legal na proseso para sa kanilang kasal ni Rigor. Napaupo si Pearl sa gilid ng kama. Ilang taon na silang magkahiwalay, pero ngayon lamang niya naramdaman na maaaring tuluyan nang matapos ang lahat. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya kapag humarap na sila ni Rigor sa korte. Magagalit ba siya o masasaktan? O natatakot lamang siya na kapag natapos ang lahat, wala na siyang dahilan para bumalik sa buhay ni Rigor? Mahigpit niyang hinawakan ang sulat. “Hindi pa puwedeng matapos nang ganito...” bulong niya na matalim ang tingin at mahigpit ang hawak sa puting s

  • CARRYING THE BILLIONAIRE'S HEIR : His Forbidden Love   Chapter 257

    BINUKSAN ni Rigor ang pinto ng kanilang kuwarto ni Carla. Napailing siya nang makapasok sa loob. Mahimbing na natutulog si Carla.Nilapitan niya ang nobya at hinalikan si Carla sa noo.Umupo siya sa gilid ng kama at ilang sandali itong pinagmasdan. Kitang-kita sa mukha ni Carla ang pagod. Simula nang manirahan ito sa mansyon, marami na rin ang nangyari. Bukod sa pagbubuntis nito, kailangan pa nitong harapin ang problema nila ni Pearl.Maingat na hinaplos ni Rigor ang buhok ng dalaga."Sorry, Carla," mahina niyang sambit.Ayaw niyang madagdagan pa ang iniisip ng nobya. Gusto niyang maramdaman nito na hindi ito nag-iisa at hindi niya ito pababayaan.Dahan-dahan siyang tumayo at inayos ang kumot ni Carla bago lumabas ng kuwarto.Pagkasara niya ng pinto, napahinto siya nang mapansin si Donya Carmina na nakatayo sa hallway."Ma," tawag niya.Tinitigan siya ng kanyang ina bago nagsalita."Tulog na ba si Carla?""Yes po, Ma. Pagod siya."Tumango si Donya Carmina."Hayaan mo siyang magpahinga

  • CARRYING THE BILLIONAIRE'S HEIR : His Forbidden Love   Chapter 256

    BIGLANG umalis si Pearl at naiwan sina Donya Carmina at Carla sa garden."Donya, baka po galit sa akin si Pearl. Ayoko po ng gulo..." sabi ni Carla.Hinawakan ni Donya Carmina ang kamay ng dalaga."Huwag mong isipin si Pearl. Kung galit man iyon, dahil iyon kay Rigor. Labas kayo ng apo ko."Napayuko si Carla. Hindi niya maiwasang makaramdam ng hiya sa kabila ng mga sinabi ng matanda."Pero ayoko rin po na isipin niya na inaagaw ko ang lugar niya rito.""Carla," mahinang tawag ni Donya Carmina.Napatingin sa kanya ang dalaga."Wala kang inaagaw. Hindi mo naman pinilit si Rigor na piliin ka. At lalong hindi mo kasalanan na nagkaroon kayo ng anak."Napahawak si Carla sa kanyang tiyan."Pero kasal pa rin po sila."Saglit na natahimik si Donya Carmina."Oo. At alam kong iyon ang pinakamalaking problema ngayon. Pero si Rigor ang dapat humarap sa problemang iyon. Hindi ikaw."Hindi nakasagot si Carla."Huwag mong akuin ang mga bagay na hindi naman ikaw ang gumawa," dagdag ng matanda. "Kung

  • CARRYING THE BILLIONAIRE'S HEIR : His Forbidden Love   Chapter 255

    NAPASILIP si Pearl sa garden mula sa bintana ng kanyang kuwarto. Andoon ang kanyang biyenan at si Carla, nagmemeryenda at nagpapahangin."Pati pala kay Mama ay inaagaw ng babaeng ito ang posisyon ko sa mansyong ito. Baka sa susunod ay palalayasin na ako rito dahil hindi na ako kailangan..." nausal ni Pearl habang matiim ang tingin sa labas.Napakuyom ang kanyang mga kamay. Hindi niya matanggap na sa loob lamang ng ilang araw ay unti-unting nagbabago ang pakikitungo ng ina ni Rigor sa kanya.Dati, siya ang laging kasama nito. Siya ang kinakausap at inaasikaso. Pero ngayon, tila si Carla na ang mas gusto nitong makasama."At dahil lang ba buntis siya, ganoon na lang kadali para kalimutan ang sampung taon kong pagsasama sa pamilyang ito?" bulong niya.Hindi niya namalayang napalakas ang pagkakahawak niya sa kurtina.Sa ibaba, tumawa si Donya Carmina nang may sabihin si Carla. Napatingin sila sa isa't isa bago muling nagpatuloy sa kanilang pag-uusap.Lalong sumikip ang dibdib ni Pearl. Na

  • CARRYING THE BILLIONAIRE'S HEIR : His Forbidden Love   Chapter 254

    MULING napabuntong-hininga si Donya Carmina. “Pearl, tatlong taon na kayong hiwalay ni Rigor. Hindi kita pinipilit na sumuko sa kasal ninyo. Pero hindi mo rin maaaring asahan na mananatiling pareho ang lahat kahit pa kasal pa rin kayo." “Hindi ko naman sinasabing pareho pa rin.” “Kung ganoon, ano ang gusto mong mangyari?” Hindi agad nakasagot si Pearl. “I want Rigor to remember that we are still married.” “Alam niya iyon. Hindi nakakalimutan ng anak ko, Pearl." “Pero parang nakakalimutan niya.” “Hindi niya nakakalimutan. Pinili lang niyang ipagpatuloy ang buhay niya.” Napatingin si Pearl sa matanda. “At kasama si Carla.” Tumango si Donya Carmina. “Kasama si Carla at ang magiging anak nila.” Napahigpit ang pagkakahawak ni Pearl sa kanyang bag. “Hindi ko pa kayang tanggapin iyon, Mama.” “Hindi kita pipilitin.” “Pero hindi rin ako basta mawawala.” “Hindi naman kita pinapaalis.” Tumayo si Donya Carmina at inayos ang upuan. “Ang hinihingi ko lang ay hu

  • CARRYING THE BILLIONAIRE'S HEIR : His Forbidden Love   Chapter 253

    “GOOD morning po.” Bahagyang tumango si Pearl habang nakatitig pa rin kay Carla. “Good morning.” Hindi man mataas ang boses nito, ramdam ni Carla ang lamig sa pakikitungo ng babae. “Maupo ka, Pearl,” alok ni Donya Carmina. Umupo si Pearl sa kabilang bahagi ng mesa. Saglit na nagkatitigan ang dalawang babae bago umiwas ng tingin si Carla. Hindi naging komportable ang dalaga. Kilala na niya si Pearl bago pa man siya tumira sa mansyon. Alam niyang hindi pa rin annulled ang kasal nito kay Rigor. At higit sa lahat, alam niyang hindi magiging madali ang sitwasyon nila. “Hindi ko alam na nandito ka pala sa dining, kasama namin sa breakfast,” sabi ni Pearl. Napayuko si Carla. Hindi na niya kailangang ipaliwanag pa kung bakit siya naroon. Alam na ni Pearl ang lahat. Napansin ni Donya Carmina ang tensyon sa pagitan nila. “Carla, kumain ka na. Baka lumamig ang pagkain mo.” “Opo.” Kumuha si Carla ng pagkain at tahimik na nagsimulang kumain. Samantala, hindi inalis ni Pearl ang ting

  • CARRYING THE BILLIONAIRE'S HEIR : His Forbidden Love   Prolouged

    ‼️ WARNING: RATED18 ‼️ ‼️ MATURE CONTENT ‼️ Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events, and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. There are some words t

  • CARRYING THE BILLIONAIRE'S HEIR : His Forbidden Love   Chapter 4

    NAPATULALA si Loyalty. Magiging surrogate mother siya ang magdadala at magbubuntis ng sanggol para sa mag-asawang hindi kayang magkaroon ng sariling anak."Loyalty, I know na labag ito sa iyong kalooban. Pero desperado na ako. Don't worry about everything. Lahat ay ibibigay naming mag-asawa. Pumaya

  • CARRYING THE BILLIONAIRE'S HEIR : His Forbidden Love   Chapter 3

    WALA pa ngang isang oras ay may dumating para sunduin si Loyalty. Sakay na siya ng isang magarang sasakyan. Hindi niya alam kung saan ang kanilang punta. "Kuya, puwede pong magtanong?" tanong ni Loyalty. Nahihiwagahan lang siya. Ang akala niya ay isa siyang encoder. Pero hindi niya alam na iba

  • CARRYING THE BILLIONAIRE'S HEIR : His Forbidden Love   Chapter 1

    "LOYALTY Sarmiento..." narinig niyang tawag sa pangalan niya. Agad nagtaas siya ng kamay. "Ako po! Ako po si Loyalty Sarmiento." Ang sabi niya. Napalingon agad sa gawi niya ang babaeng may hawak ng kaniyang papel. Nag-aapply siya ng trabaho at sinusubukan ang swerte sa Maynila. Naiwanan ang kan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status