LOGINGABI na, tulog pa rin si Loyalty. Nasa harapan ng pinto ng kuwarto nito si Carla. Kanina pa katok nang katok pero hindi pinagbuksan ng dalaga. “What happened here, Carla?” nagtatakang tanong ni Kyle nang mapadaan siya sa kuwarto ni Loyalty. Nilingon ni Carla si Kyle. “E, nakatulog ata si Loyalty. Hindi niya Kasi naririnig ang mga katok ko. Anong oras na hindi pa siya bumababa para kumain.” “Huh? Wait, I will get the duplicate key. Ipapasyal ko siya ngayong gabi, hindi pa siya nakapaghanda…” Tumaikod agad si Kyle at pumunta sa kuwarto niya para kunin ang duplicate key ng room ni Loyalty. Naghintay si Carla sa pagbabalik ng binata. Ilang sandali pa ay bumalik si Kyle habang hawak ang duplicate key. "Tabi muna," mahinahon niyang sabi kay Carla. Tumango naman si Carla at bahagyang umurong. Maingat na ipinasok ni Kyle ang susi sa doorknob. Isang mahinang click ang narinig bago dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. "Loyalty?" mahina niyang tawag. Walang sumagot. Nagkatinginan si
PAGKAPASOK ni Loyalty sa kanyang silid, marahan niyang isinara ang pinto. Lumapit siya sa kama at maingat na inilapag ang teddy bear sa may ulunan ng higaan. Ilang sandali niya itong pinagmasdan bago kusa siyang napangiti. "Thank you..." mahina niyang bulong na tila kausap ang sarili. Umupo siya sa gilid ng kama at marahang hinaplos ang kanyang tiyan. "Baby..." mahinahon niyang sambit. "Mabait talaga ang daddy mo, hindi ba?" Bigla siyang natahimik. Napakurap siya nang mapagtanto ang kanyang nasabi. "Daddy..." Napailing siya at bahagyang napatawa sa sarili. Nagbago ang hilatsa ng kanyang mukha nang maalalang hindi siya permanenteng magiging ina ng kanyang dinadala. Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Hindi niya namalayang napabuntong-hininga siya. "Anong iniisip mo, Loyalty?" mahinang usal niya sa sarili. "Huwag mong kalilimutan ang kasunduan." Muli niyang hinaplos ang kanyang tiyan. Ilang buwan na lang at isisilang na niya ang batang dinadala. Pagkatapos noo
SABAY na naglalakad sina Carla at Loyalty SA lobby, palabas na sila ng kompanya. May ngiting mapanukso si Carla sa kanya kaya ayaw itong tingnan ni Loyalty. Pagkalabas nila nh kompanya ay nakaparada na sa harapan ang kotse ng sasakyan nila pauwi sa mansyon. “Ibang-iba si Sir Kyle sayo. May pagka-sweet pala siya…” sambit ni Carla. Napailing si Loyalty at bahagyang napasimangot. "Carla, tigilan mo nga ako." "Ano? Totoo naman." Natatawang ikinibit ni Carla ang kanyang mga balikat. "Napansin mo ba kung paano ka niya tiningnan kanina? Tapos pinaghanda pa tayo ng almusal. Hindi pa roon natapos, paulit-ulit ka pang pinaalalahanang kumain sa tamang oras dahil buntis ka." Napabuntong-hininga si Loyalty. "Mabait lang talaga si Sir Kyle. Huwag mong bigyan ng ibang kahulugan." "Talaga ba?" taas-kilay na tanong ni Carla. "Eh, bakit parang ikaw lang ang espesyal niyang pinagsasabihan? Kahit noong nasa opisina tayo, halos hindi niya ako tiningnan. Ikaw lang ang nasa radar niya." Lalong nam
“SIR, may bisita po kayo. Nasa visitors area po, naghihintay sa inyo,” imporma ni Flora sa amo. “Who?” Wala siyang alam para pumunta at bumisita sa kanya. Kung si Felicity naman, dumidiretso iyon sa opisina niya, hindi sa visitors area. “Carla and Loyalty,” sagot ni Flora. Nagulat si Kyle. Napatayo siya bigla sa kanyang upuan. “What are they doing here?” natanong ni Kyle sa isip. “Let them come inside my office,” Utos niya. “Yes, Sir,” tugon ni Flora bago lumabas ng opisina. Hindi mapakali si Kyle. Hindi niya inaasahang bibisita sa kanya sina Carla at Loyalty, lalo na't wala naman silang ipinabatid na darating sila. Ilang sandali pa'y bumukas ang pinto ng opisina. “Good morning, Sir Kyle,” magalang na bati ni Carla. Bahagyang tumango si Kyle. Ngunit ang mga mata niya ay agad na napunta kay Loyalty, na tila kinakabahan habang nakatayo sa tabi ng kaibigan. “Come in. Have a seat,” aniya. Magkatabing naupo ang dalawa sa harap ng mesa niya. “So... what brings you here? Sana
NASA sala si Carla at naghihintay kay Loyalty na bumaba. Pupunta sila sa Marasigan Group. Personal na bibisitahin ni Loyalty si Kyle sa kompanya. “Ayos na ba itong suot ko?” tanong ni Loyalty sa kaibigan. Natawa si Carla sa tanong ni Loyalty. “Alam mo, pupunta ka doon para magpasalamat. Hindi para magpaganda sa paningin ni Kyle.” Parang pinamulahan ng kanyang mukha si Loyalty. “Hindi iyon sa ganoon. Siyempre gusto kong maging presentable sa harapan ni Kyle. Napailing si Carla habang nakangising nakatingin sa kaibigan. "Presentable? O baka gusto mong mapansin ka ni Kuya Kyle?" Napairap si Loyalty. "Carla!" Natawa lalo ang dalaga. "Ano? Totoo naman. Simula nang magsimula ang one-week agreement ninyo, lagi mo na siyang hinahanap." "Hindi kaya." "Talaga? Eh sino ang kaninang halos mabigo nang hindi si Kyle ang kumatok sa pinto?" Napangiwi si Loyalty. "Huwag mo nang ipaalala." Lumapit si Carla at inayos ang laylayan ng damit nito. "Pero bagay sa'yo ang suot mo." Napatingin
DAY 2, Hindi alam ni Loyalty kung ano na namang pakulo ang gagawin ni Kyle. Mataman siyang naghihintay sa kanyang kuwarto. Parang pinanabikan na rin niya ang pagdating ni Kyle sa kuwarto niya. Isang mahinang katok ang kanyang narinig. Napangiti si Loyalty at mabilis na tinungo ang pinto. “Kyle…” pero nawala ang kanyang ngiti nang makitang hindi si Kyle ang nasa pintuan. “Hmm..” sabi ni Carla “Iba pala ang inaasahan mong kakatok sa pinto,” panunukso pa niya sa kaibigan. Napilitan na lamang ngumiti si Loyalty. "Hindi ah." "Talaga ba?" Tinaasan siya ng kilay ni Carla. "Eh bakit pagkabukas mo ng pinto, ang sigla-sigla ng mukha mo? Tapos biglang nalungkot nang makita mo ako." "Hindi naman." "Sige nga, ulitin mo." "Hindi nga." Napatawa si Carla. "Hala! Mukhang epektibo ang plano ni Kuya Kyle." Napakunot-noo si Loyalty. "Anong plano?" "Secret." "Pati ikaw, kakampi niya?" "Siyempre." Napailing si Loyalty. "Grabe kayo." Biglang inilabas ni Carla ang isang maliit na gift b
WALA pa ngang isang oras ay may dumating para sunduin si Loyalty. Sakay na siya ng isang magarang sasakyan. Hindi niya alam kung saan ang kanilang punta. "Kuya, puwede pong magtanong?" tanong ni Loyalty. Nahihiwagahan lang siya. Ang akala niya ay isa siyang encoder. Pero hindi niya alam na iba
MASAYA si Loyalty nang umuwi sa bahay ng tiyahin niya. Nabugaran niya agad ang tiyahin na nakatayo sa pintuan. "Ano, Loyalty, may nakuha ka na bang trabaho? Aba, ilang buwan ka na rito sa bahay palamunin ka pa rin. Nakiusap ang Inay mo sa akin na rito ka tumira sa bahay ko. Pero hindi ko sinabi n
"LOYALTY Sarmiento..." narinig niyang tawag sa pangalan niya. Agad nagtaas siya ng kamay. "Ako po! Ako po si Loyalty Sarmiento." Ang sabi niya. Napalingon agad sa gawi niya ang babaeng may hawak ng kaniyang papel. Nag-aapply siya ng trabaho at sinusubukan ang swerte sa Maynila. Naiwanan ang kan
‼️ WARNING: RATED18 ‼️ ‼️ MATURE CONTENT ‼️ Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events, and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. There are some words t