Compartir

Chapter 10

Autor: RIDA Writes
last update Fecha de publicación: 2026-05-17 18:22:17

UNANG araw ni Loyalty sa kanyang trabaho, may isang linggo pa bago naman ang pasukan. Sasamantalahin niya na mag-overtime palagi dahil kapag nagstart na ang klase ay tiyak na mahihirapan siya sa schedule niya.

"Loyalty, pakicheck ang table 45..." utos ng manager sa kanya.

Tumango si Loyalty at tumalima. Dahan-dahan pa muna siyang naglalakad sa pinakadulong bahagi ng fast food.

Nagtaka siya na halos lumayo ang customer sa ibang customer.

"Sir, may kailangan pa po kayo?" magalang niyang tanon
Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • CARRYING THE BILLIONAIRE'S HEIR : His Forbidden Love   Chapter 12

    "INAY, may problema po ba?" Nagtatakang tanong ni Loyalty habang kausap ang ina sa kabilang linya. Maririnig ang malakas na hikbi ni Wella sa kabilang linya. "Inay, bakit po ba kayo umiiyak ng ganiyan? Magsalita nga po kayo..." naiirita na sabi niya. Day off niya at nagpadala siya ng pera sa kanyang Inay para sa panggastos nila. "S-Si Limon e..." nauutal na sabi ni Wella. Hindi niya kauang tapusin ang kanyang sasabihin. “Inay, naman. Ano bang nangyari kay Limon?” pilit na pinapakalma ni Loyalty ang sarili kahit kinakabahan na siya. Maya-maya pa ay narinig na naman niya ang mahinang pagsinghot ng kanyang ina. “Nakabuntis ang kapatid mo…” nanginginig na saad ni Wella. “At gusto na raw magpakasal agad.” Parang natulos si Loyalty sa kanyang kinauupuan. Ang bata pa ni Limon para magpakasal. Paano niya bubuhayin ang pamilya niya? Nag-aaral din ito. “Ano?” hindi makapaniwalang bulalas niya. “E, wala ngang trabaho si Limon, ‘di ba? Paano siya bubuhay ng pamilya? Sobrang bata

  • CARRYING THE BILLIONAIRE'S HEIR : His Forbidden Love   Chapter 11

    MABILIS na tumulin ang mga araw, nakakaya naman ni Loyalty na pagsabayin ang kanyang pag-aaral at pagta-trabaho bilang crew. Nakakapadala rin siya kahit kaunti sa kanyang Inay at mga kapatid. "Hindi ka pa ba uuwi, Loyalty? Huwag mong pagurin ang sarili mo sa pagta-trabaho. Abay, sayang kahit na may bayad ay mababa pa rin. Kapag ikaw nagkasakit, hindi ka matutulungan ng kompanya..." sitang sabi ni Clara. Payak na ngumiti si Loyalty. "Okay lang iyon. Para ito sa pamilya ko at saka kailangan kong paspasan ang pagkayod. Alam mong walang tutustos sa pag-aaral kong maging isang dentista." Naihilig ni Clara ang kanya ulo. "Ang taas din ng pangarap mo, kaibigan. Dentista pa ang gusto mo. Mag-teacher ka na lang, mas madali ka pa sa panggastos mo..." Napailing si Loyalty habang inaayos ang suot niyang apron. “Hindi ko nakikita ang sarili ko sa pagtuturo,” mahina ngunit matatag niyang sagot. “Simula bata ako, gusto ko talagang maging dentista. Gusto kong magkaroon ng sariling clinic balang

  • CARRYING THE BILLIONAIRE'S HEIR : His Forbidden Love   Chapter 10

    UNANG araw ni Loyalty sa kanyang trabaho, may isang linggo pa bago naman ang pasukan. Sasamantalahin niya na mag-overtime palagi dahil kapag nagstart na ang klase ay tiyak na mahihirapan siya sa schedule niya. "Loyalty, pakicheck ang table 45..." utos ng manager sa kanya. Tumango si Loyalty at tumalima. Dahan-dahan pa muna siyang naglalakad sa pinakadulong bahagi ng fast food. Nagtaka siya na halos lumayo ang customer sa ibang customer. "Sir, may kailangan pa po kayo?" magalang niyang tanong. Napaangat ang tingin ng lalaki. Napatulala si Loyalty. Matangos ang ilong nito at malamig ang mga mata. Nakaayos ang mamahaling relo sa pulsuhan habang bahagyang nakabukas ang manggas ng polo nito. Kahit simple lang ang suot ay halatang mayaman at sanay utusan ang mga tao sa paligid. Pero ang ikinagulat ni Loyalty ay ang pasa sa gilid ng labi nito at bahagyang sugat sa noo. "Coffee," tipid nitong sagot. "Black. No sugar." Agad natauhan si Loyalty. "A-Ah, sige po, sir." Tatalikod na sana

  • CARRYING THE BILLIONAIRE'S HEIR : His Forbidden Love   Chapter 9

    "TUMAWAG ka ba sa Inay mo sa San Gabriel? Dalawang linggo ka palang dito sa Maynila nakakuha ka na agad ng trabaho..." nakangiting tanong ni Belen sa pamangkin. Nasa hapag sila at sabay-sabay silang tatlo naghahapunan."Opo, kanina..." sagot ni Loyalty.Napahinto si Belen sa pagsubo ng kanin habang si Mariel ay hindi maipinta ang mukha."Tuwang-tuwa siguro si Wella. Alam ko na kahit wala na si Jack ay magiging maganda ang kinabukasan mo, Loyalty. Basta hindi ka agad mag-aasawa gaya ng ginawa ng magulang mo noon," saad ni Belen.Nawala ang ngiti ni Loyalty. Akala niya ay pupurihin siya ng tiyahin. Kasunod pala niyon ay may sasabihin na hindi maganda sa magulang niya."Tiya Belen, kung ano po ang nangyari kina Inay at Itay noon, dahil po iyon sa mahal nila ang isa't isa..."Napakuyom ni Belen ang kutsara sa kanyang kamay at bahagyang umismid, habang si Mariel naman ay bahagyang napataas ng kilay at pabulong na humalakhak."Pagmamahal?" ulit ni Belen na parang kinukutya ang salitang bini

  • CARRYING THE BILLIONAIRE'S HEIR : His Forbidden Love   Chapter 8

    NAPALINGA si Loyalty sa labas ng bintana, walong oras din ang naging biyahe nila mula Mabini papuntang Maynila. Nasa Maynila na raw sila sabi ng katabi niya. Namangha siya sa dami ng matataas at matatayog na gusali. Parang ito ang mga nakikita niya sa TV, sa mga commercials at sa news. Napaka-ignorante niya sa mga nakikita. Ito naman kasi ang unang beses na tumuntong ng Maynila.Susunduin siya sa terminal ng bus ng tiyahin, pinsan ng itay niya. Pansamantala ay manunuluyan siya sa bahay nito habang hindi pa siya nakakahanap ng boarding house na malapit sa state university na papasukan.Napahigpit ang hawak ni Loyalty sa kanyang maliit na bag habang unti-unting bumabagal ang takbo ng bus. Mas lalo niyang sinilip ang labas ng bintana. Ang mga sasakyan na dikit-dikit, mga taong nagmamadali, at mga ilaw na tila hindi nauubos kahit maliwanag pa ang araw.“Ito na, hija. Terminal na,” sabi ng konduktor.Napapitlag siya at agad na tumango. Dahan-dahan siyang tumayo, kinakabahan na hindi maipal

  • CARRYING THE BILLIONAIRE'S HEIR : His Forbidden Love   Chapter 7

    "ATE Loyalty, mag-iingat ka ro'n. Dalasan mo ang text, ha," bilin na sabi ni Lissie, ang sampung taong gulang niyang kapatid.Niyakap ni Loyalty ang kapatid at pagkatapos ay hinalikan niya ito sa pisngi ng pamamaalam."Aalagaan n'yo at parati mong i-check ang inay. Kayo lang ni Limon ang kasama niya, Lissie," bilin din niya sa bunsong kapatid."Marahang tumango ang kapatid niya na naiiyak na rin. Ngayon lamang sila magkakahiwa-hiwalay. Kahit noong nabubuhay pa ang kanilang itay ay wala pang nalalayo sa kanila. Iba na ang buhay nila ngayon, dahil wala na ang kanilang itay.Panay na rin ang iyak ni Lowella habang tinitignan ang kanyang mga anak. Nasa tabi niya si Limon, ang kanyang pangalawang anak.Nasa terminal dila ng bus, ihahatid nila ang panganay niyang anak na si Loyalty. Nalulungkot si Lowella na mawawalay ang kaniyang anak sa kanya, parang hindi siya sanay na nasa malayo ito. Naasahan na kasi niya ang kanyang panganay sa lahar. Si Loyalty ang katu-kstulong niya sa pag-aasikaso

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status