Share

CHAPTER 25-HER PAST

“Kikay halika na, punta na tayo doon sa may padulasan,” yakag ni Xander kay Kikay ng pinayagan na sila ng mga madre na maglaro sa labas.

“Sige Kuya Xander, saglit lang at kukunin ko lang si Fluffy,’ sagot naman ni Kikay sa batang lalaki, sabay takbo papasok sa common room ng mga batang nakatira sa bahay ampunan na iyon. Mga dalawampung bata ang puwedeng matulog sa loob ng kuwarto, magkahalo sa iisang silid ang mga batang babae at lalaki.

Ang higaan ni Xander at Kikay ay nasa pinakasulok ng kuwartong iyon, malapit sa may banyo. Magkasunod ang kanilang mga katre, nasa dingding banda ang kay Kikay at ang katabi sa hilera nito ay ang kay Xander.

Agad na kinuha ni Kikay ang lumang-lumang laruan na teddy bear na pinangalanan niyang Fluffy. Mahalaga sa kaniya ang laruang iyon dahil binigay iyon ni Xander. Bagama’t napulot lang ito ng batang lalaki sa may tambakan ng basura ay pinaka-iingatan niya ito dahil nag-iisa lang itong laruan niya at pinaghirapan pa itong ayusin ng Kuya Xander niya. N
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status