Kilalang chef sa buong bansa si Alexander Jones. Bukod sa gwapo na ay mayaman pa. Nasa kanya na ang lahat ng katangian na pinapangarap ng isang babae. Kaya naman nasanay siyang sa isang iglap lang ay nakukuha niya ang gusto niya, mapalarangan man ito ng negosyo, hobby, o di kaya ay babae. Laking dagok sa kanyang ego ng may isang babae ang tumanggi sa kanya. Si Karen Delgado, ang babaeng bukod tanging hindi nahulog sa karisma ng isang Alexander Jones. Pero ng dahil sa problemang pinansyal ay napilitan siyang tanggapin ang pinaka-ridiculous na offer na natanggap niya mula kay Alex. Isang contractual marriage. Magiging maayos kaya ang pagsasama ng dalawang nilalang na nag-umpisa sa maling sitwasyon? May tsansa kaya na ma-uwi sa pag-iibigan ang relasyong nagsimula sa awayan? Paano kapag nalaman nila, na ang ugnayan pala nila sa isa't-isa ay hindi lang nagsimula sa isang kontrata?
Lihat lebih banyakKaren was exhausted. She has a long day sa kanyang trabaho, at wala na siyang gustong gawin ngayon kundi ang makauwi agad at ng makatulog na at makapag-pahinga ng maaga. Nang saktong uwian na ay nakita niya ang kanyang boss na agad na lumabas sa opisina nito. Nang makita niyang wala na ang mga gamit nito ay agad na rin siyang gumayak upang umuwi at mag-log out na.
She go to the bathroom para magbihis ng damit, lagi siyang may baon, dahil hindi naman siya pwedeng sumakay sa motor ng nakapalda at naka-heels. She is wearing a red casual, long sleeve open-suit blazer jacket, with a white sleeveless shirt underneath, na naka tuck-in sa kapartner ng blazer nitong knee length na red skirt. Naka two-inches open high heels sandals din siya kapag nandito na siya opisina, para kagalang-galang ang kanyang datingan habang ginagampanan ang kanyang trabaho.
Ngayong uwian ay nagpalit siya nang tattered denim jeans at hinubad ang kanyang blazer, iniwan niya ang kanyang sleeveless shirt at itinuck-in sa kanyang pantalon. Pagkatapos ay nagsuot siya ng crop-top leather jacket na kulay itim. Nagpalit din siya nang tennis shoes. Iniwan niya ang kanyang heels sa may locker na nakalaan sa kanya sa may malapit sa banyo. Nang masigurong maayos na ang lahat at wala na siyang naiwanan ay kinuha na niya ang kanyang helmet na nakatago sa locker at saka na bumaba sa parking lot kung saan naka-park ang kanyang motor.
Kumaway pa si Karen sa dalawang guwardiya na naka-duty sa gate ng paglabas niya. Ginantihan din naman siya ng kaway ng mga ito, bago niya tuluyang pina-arangkada na ang kanyang motor.
Binagtas ni Karen ang daan pauwi sa kanyang apartment. Ilang minuto lang naman ay makakauwi na siya dahil mabilis siyang nakakalusot sa traffic kahit rush-hour. Kabisado niya na ang mga shortcuts na pwede niyang daanan kung sakaling masyadong ma-traffic sa edsa.
Nang makarating sa apartment na tinutuluyan ay napansin niyang may tao na sa kabilang unit sa katabing kwarto niya. Bukas na ang mga ilaw doon at parang may mga trabahador pang naghahakot ng mga gamit.
“May bago na pala akong kapitbahay,” saad niya sa isipan niya. Hindi niya rin napansin si Tatay Ando sa dating kinapupwestuhan nito sa may malapit sa gate. Dati-rati kasi ay nandoon na ito sa pwesto nito at nagbabantay sa gate kapag dumarating na siya.
Nasanay na kasi siyang laging bumabati sa kanya si Tatay Ando kapag dumarating na siya. Ang binili niyang pagkaing take-out para dito, dun sa may dinaanan niyang fast-food resto, ay nilagay na lang niya sa may lamesa kung saan lagi itong naka-tambay. Alam naman niyang makikita ito nang matanda kapag bumalik ito doon, wala namang hayop na ka-kain noon doon dahil wala silang mga alagang aso at pusa. Alam niyang hindi pa natutulog ang matanda dahil laging late na ito natutulog. Lagi nitong hinihintay ay mga kapwa niya borders na ang uwi ay hatinggabi.
Pagkalapag niya ng pag-kain ni Tatay Andoy sa may lamesa nito ay agad na siyang nagtungo sa sarili niyang unit upang makapag-pahinga. She was drained, her energy for the day was at its limit. Nang makapasok ay agad siyang nag-ayos nang sarili, ginawa niya ang kanyang every night routine bago matulog. Ilang sandali pa ay bagsak na siya sa kanyang kama at agad na nakatulog.
******
“Kikay, dali halika tingnan mo to.” tawag ni Xander sa kaibigan. Nasa may playground sila noon at naglalaro silang dalawa. Hindi sila mahilig makihalubilo sa ibang bata dahil si Kikay ay laging inaaway ng mga ito. Si Xander naman ay ayaw iwanan si Kikay, gusto nitong kung nasaan si Kikay ay nandoon din ito.
“Ano ba yang gawa mo, Kuya Xander?” tanong naman ni Kikay sa batang lalake.
“Tingnan mo ‘to, heto ang magiging bahay natin. Kapag mayroong umampon sa atin ay titira tayo sa isang bahay. Kaya heto gumawa ako ng drawing na magkasama tayo sa isang bahay. May garden, tapos may aso tayo, tapos may sari-sarili tayong kwarto. ‘Di ba galing kong mag-drawing?” ipinagmamalaki pang ipinakita ni Xander kay Kikay ang kanyang iginuhit.
“Ang ganda naman niyan, Kuya,” buong paghanga namang tiningnan ni Kikay ang drawing ng kababata. Umayos pa nang upo sa tabi ni Xander ang batang babae. Nasa loob silang dalawa sa bahay-bahayang nakakabit sa isang lumang padulasan. Doon ang lagi nilang tambayan, luma na ang padulasan na iyon at hindi na masyadong ginagamit dahil sa kalawang. Yung ibang mga bata ay naglalaro sa ibang bahagi nang playground kung saan naroon ang mga bagong gawang palaruan. Kaya tahimik ang pwesto na kanilang kinalulugaran.
“Sa tingin mo, Kuya Xander, may aampon kaya sa ating dalawa?” inosenteng tanong ni Kikay sa kaibigan.
“Meron yan, Kikay. Kapag hindi sila pumayag na ampunin tayong dalawa, hindi tayo sasama. Kahit pa na lumaki tayo dito sa bahay ampunan, hanggang sa tumanda na tayo tulad nila Sister Bell, basta magkasama tayo palagi,” akala mo naman ay matanda nang saad ni Xander sa kanya.
“Basta pangako yan, Kuya ah. Walang iwanan, peksman?” inosenteng tanong ng batang si Kikay sa batang lalaki, saka niya inilabas ang kanyang maliit na daliri sa kamay at iwinagayway sa harapan ng kaibigan.
“Pangako yun, Kikay. Promise ng maraming maraming beses, peksman,” nangangakong saad naman ni Xander sa kanya. Saka nito ikinawit ang hinliliit nito sa hinliliit ni Kikay. Nang magka-kawit na ang kanilang mga daliri ay biglang hinalikan ni Xander sa pisngi si Kikay. Nagulat naman ang batang babae sa kanyang ginawa. Sinapo nito ang pisngi at tiningnan si Xander. Nakangiti naman si Xander dito na parang walang nangyari. Napangiti na rin si Kikay, at habang magkakawit ang kanilang mga hinliliit ay sabay pa silang nag-tawanan.
******
Biglang nagising si Karen nang marinig na may kumalabog. Agad siyang napabalikwas ng bangon at nagpalinga-linga sa paligid. Pakiramdam niya ay nawala siya sa huwisyo dahil sa sobrang gulat. Ganun na lang ang bilis ng tibok ng puso niya ng dahil sa kaba. Akala niya ay kung may anong nangyari o may nakapasok na kung sino man sa kanyang unit. Nang inikot niya ang kanyang mga mata at masigurong wala namang kakaiba ay napa-buga na lang siya bigla nang malakas na hangin.
She groaned when she flipped at the other side of her bed. Tiningnan niya ang oras sa kanyang bedside clock. Alas tres pa lang nang madaling araw.
“F*ck!” marahan siyang napamura. Ang ayaw na ayaw niya sa lahat ay napuputol ang tulog niya. She is a morning person, pero hindi naman na sobrang ganito kaaga.
Muli niyang iniikot ang paningin sa kanyang unit upang alamin ang sanhi ng pagkagising niya ng alanganin. Nang muling matiyak na wala talagang kakaiba, ay umayos siya ulit nang higa upang habulin ang kanyang tulog. May ilang oras pa siya para makatulog ulit bago siya muling pumasok sa trabaho. Unti-unti nang nawawala ang kanyang ulirat nang marinig niya ulit ang kalabog.
“What the–” marahas niyang nasambit. Umupo siya sa kanyang kama at binuksan ang lampshade. Muli niyang tiningnan ang kanyang paligid. Wala naman talagang kakaiba. Maya-maya pa ay may narinig siyang ulit na kalabog, hindi ito nanggagaling sa kwarto niya. Napatingin siya sa dingding sa may uluhan niya. Muli niyang narinig ang kalabog na parang may paulit-ulit na bumu-bunggo sa dingding na nanggagaling sa kabilang silid.
“Sh*t!” galit na saad niya. Agad siyang tumayo sa higaan, kinuha ang roba na nasa may upuan malapit sa kanyang kama at isinuot iyon. Saka siya mabilis na lumabas nang kanyang unit. Lumakad siya patungo sa katabi niyang unit. Kumatok siya nang malakas sa pinto nito, alam naman niyang maririnig siya nang kung sino man ang tao dito. Wala siyang pakialam kung nakakaistorbo siya dahil naistobo din naman siya ng mga ito. Alam din niyang gising pa ang kung sinuman na nakatira doon ngayon dahil may nagka-kalabugan pa nga sa loob.
Ilang segundo na siyang kumakatok ay wala pa ring lumalabas. Muli niyang nilakasan ang kanyang katok na kahit yata kapitbahay nila sa taas ay maririnig siya. Biglang bumukas ng marahas ang pintuan ng kapitbahay niya. Kaya muntik-muntikan nang matamaan ng kamao niyang kumakatok ang babaeng nakasimangot na nakatayo at nagbukas ng pinto sa kanya, buti na lang ay agad niyang naagapan ang kamay.
“What?!” galit na saad pa nang babae sa kanya.
Mabilis na pinasadahan niya ng tingin ang babae mula ulo hanggang paa. Matangkad sa kanya ang babae ng ilang pulgada, maputi ito, pero bukod sa puti nito ay wala na siyang makita na maganda dito. Gulo ang buhok nito na parang sinabunutan, nakasuot ito nang robe pero halata namang wala itong suot na damit sa loob. Mukhang nagmamadali lang itong isinuot ang roba dahil may ilang bahagi pa ng katawan nito ang litaw na litaw ang balat. Mukhang ito pa ang galit sa kanya dahil sa mukhang naistorbo niya yata ang kung anumang ginagawa nito sa loob na nagiging sanhi nang kalabugan. Sabog ang make-up nito sa mukha na lalong nag-pangiwi kay Karen, dahil para itong ginahasa nang sampung demonyo sa itsura nito.
“Hey?!” galit na saad ng babae kay Karen ng hindi siya agad umimik. Pinitik-pitik pa nito ang dalawang daliri sa harapan ng pagmumukha niya upang ibalik ang atensyon niya dito. Kitang-kita niya ang lalong pagkalukot ng lukot na yata talaga ang mukha nito dahil sa pag-simangot nito sa kanya. The lady was tapping her feet as if silently telling Karen that she doesn’t have time for her. Lalong na-asar si Karen dahil sa aktuwasyon ng babae sa kanya.
“Pwede ba kung may gagawin kayong kalokohan sa kwarto ninyo, alalahanin ninyo naman kung anong oras na. Hindi lang kayo ang tao dito. May mga taong nagpapahinga na sa ganitong oras dahil may mga trabaho pa kinaumagahan. Kung anuman ang kalokohan ninyo diyan, huwag na kayong mambulahaw, kalabugan kayo ng kalabugan diyan! Alalahanin ninyo na hindi soundproof ang mga dingding ng mga unit dito!” asar na sunod-sunod na saad ni Karen sa babae.
Hindi nagawang makahuma ng babae sa mga sinabi ni Karen. Halatang nabigla ito sa bilis ng kanyang pagsasalita. Wala siyang pake! Dahil sinira ng mga ito ang tulog niya! Maya-maya ay tuluyang bumukas ng malawak ang pinto at iniluwa noon ang isang lalaking mala-adonis ang datingan. Nakatapis lang ito ng tuwalya at bahagya pang basa ang buhok nito. Kitang-kita ni Karen ang matipunong katawan nito na bahagya pang nangingintab sa maliliit na droplets ng tubig na hindi yata agad nito napunasan.
“Is there something wrong here?” tanong nito sa babaeng sumalubong kay Karen. Saka nito tiningnan si Karen ng mula ulo hanggang paa.
Nang dahil sa ginawa nito ay muling nabuhay ang inis ni Karen, “How dare he! Akala mo kung makatingin ay kung sinong poncio pilato! Sila na nga ang nakaka-istorbo, sila pa ang may ganang mang mata!” umuusok ang ilong na saad niya sa kanyang isipan.
“I’m sorry, Miss. Do you need anything?” kapagdaka ay tanong ng lalaki sa kanya. Hindi nagustuhan ni Karen ang dating ng tono ng pagkaka-tanong nito sa kanya. His face was void of expression but his eyes were twinkling mischievously while scanning her up and down.
“Hah! I don’t need anything from you, Mister, whoever you are. Ang sa akin lang, you should tone down your extra curricular activities in there nang hindi kayo nakakaistorbo ng normal na tao!” asar na saad ni Karen sa lalaki. Naarogantehan siya dito. “The nerve of this man, na wala man lang sense of privacy!” inis na saad niya sa isip niya.
“Kung naiinggit ka, Miss. We are willing to accept you as our third,” nakakaloko ang ngiting saad ng lalaki sa kanya.
The lady beside him, sniggered. Tinapunan ni Karen ito ng matalim na tingin. “
In your dreams, mister! Hindi kayo kainggit-inggit dahil kahit kailan walang dapat ika-inggit sa mga taong walang decency sa katawan!” galit na saad niya. Hindi na niya hinintay na makasagot pa ang mga ito dahil agad na siyang tumalikod at mabibilis ang mga hakbang na tinungo niya na ang kanyang kwarto.
Hindi na niya nakita ang pag-sunod ng tingin sa kanya ng lalaki at tiningnan kung saang unit siya pumasok. Napaka-lawak ng ngiti nito habang bahagya pang napapa-iling habang nakatitig sa unit niya.
Biling-baligtad si Karen sa higaan, kanina pa siya nakahiga pero kahit na anong posisyon ang gawin niya ay hindi pa rin siya makatulog. Binuksan niya ang lampshade sa tabi ng kaniyang kama, napatingin siya sa alarm. Mag-a-alas diyes na ng gabi. Napapalatak siya at pabuntong-hiningang hinatak ang kumot sabay talukbong hanggang ulo.“Matulog ka na, Karen,” mahinang anas niya sa sarili. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. “One, two, three…” pagbibilang niya ng tupa sa isipan. Nakarating na siya sa bilang na mahigit isang daan ay walang antok na dumadalaw sa kaniya. “Can’t sleep?” mahinang anas ng baritonong tinig na nakapagpapiksi sa kaniya. Inilabas niya ang ulo sa kumot at ibinaba iyon hanggang sa kaniyang leeg. “I-I am sorry, did I wake you?” tanong niya sa lalaki, hindi niya tinangkang lumingon sa gawi nito. Wala itong kagalaw-galaw sa tabi niya, kaya inakala niyang tulog na ito.“You didn’t, I can't sleep either,” kaswal na sagot nito sa kaniya, saka marahan itong kumilos. Nahigi
“Is there something wrong with preparing my wife’s meal?” he asked, elaborating on the word ‘wife.’Karen was speechless, hindi niya alam kung ano ang isasagot sa lalaki. Technically, he was correct. There was nothing wrong with him preparing a meal for both of them. After all, they became husband and wife this morning.“Why don’t you just take a seat so we could eat,” sambit nito sa kaniya. Hindi na nito pinansin ang pag-a-alinlangan niya. Sa halip ay agad nitong inayos ang mga pagkaing nakahain sa lamesa. Inilapag din nito ang pininyahang manok na siyang niluluto nito kanina.Napatulala si Karen sa mga nakahain sa hapagkainan. May tatlong side dishes na itong naihanda; steamed broccoli, crispy brussel sprouts, at spring salad mix, may nakahanda na rin itong kanin, at ang main menu nitong pininyahang manok. Bukod pa doon ay may nakahanda na ring freshly squeezed orange juice sa kanilang mga baso, may chocolate mousse pa for dessert.“Are you sure na tayong dalawa lang ang kakain?” hi
“Kikay halika na, punta na tayo doon sa may padulasan,” yakag ni Xander kay Kikay ng pinayagan na sila ng mga madre na maglaro sa labas.“Sige Kuya Xander, saglit lang at kukunin ko lang si Fluffy,’ sagot naman ni Kikay sa batang lalaki, sabay takbo papasok sa common room ng mga batang nakatira sa bahay ampunan na iyon. Mga dalawampung bata ang puwedeng matulog sa loob ng kuwarto, magkahalo sa iisang silid ang mga batang babae at lalaki.Ang higaan ni Xander at Kikay ay nasa pinakasulok ng kuwartong iyon, malapit sa may banyo. Magkasunod ang kanilang mga katre, nasa dingding banda ang kay Kikay at ang katabi sa hilera nito ay ang kay Xander.Agad na kinuha ni Kikay ang lumang-lumang laruan na teddy bear na pinangalanan niyang Fluffy. Mahalaga sa kaniya ang laruang iyon dahil binigay iyon ni Xander. Bagama’t napulot lang ito ng batang lalaki sa may tambakan ng basura ay pinaka-iingatan niya ito dahil nag-iisa lang itong laruan niya at pinaghirapan pa itong ayusin ng Kuya Xander niya. N
Alex could now breathe freely, dahil wala na sa loob ng unit ni Karen ang mga unwanted visitors nila kanina. Sa tanang buhay niya ay ngayon niya lang muling naramdaman ang matakot. He wasn’t afraid because of Augustus, but because of Karen’s reaction earlier.Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa babae kanina, but his instinct was telling him na may kinalaman si Augustus doon. He could see how he was eye f*cking his wife earlier. Hindi niya gusto ang pagka-bastos ng ugali nito, but he needed to be patient para sa kapakanan ng kaniyang asawa at ng ama nito. Augustus thought that he was just a simple business man, kaya ganoon na lang ang pambabastos nito sa kaniya ng harap-harapan. Mangani-ngani na nga niyang pagbuhatan ito ng kamay ng makita ang naging reaksiyon ni Karen kanina, ngunit pinigilan niya ang sarili. Kailangan pa rin niyang mag-timpi kahit na hindi niya na nagugustuhan ang mga titig nitong ipinupukol sa kaniyang asawa. Naikuyom niya ang kamao ng muling magbalik sa kani
*TRIGGER WARNING: Ang chapter na ito ay naglalaman ng maselang senaryo na maaring hindi kaaya-aya sa ibang mambabasa. Read at your own risk.*******She was only ten years old and still living in the orphanage. She was waiting for her Kuya Xander to come back for her. Pinanghawakan niya ang pangako ni Xander na babalikan siya nito. It was three years ago ng kuhanin ng mga totoong magulang nito ang kaniyang Kuya Xander. Matagal na pala itong hinahanap ng mga totoo nitong magulang, dahil nawalay ito sa kanila nuong panahong unang napadpad si Xander sa orphanage na kinalakihan niya.Kaya kahit na may mga taong gusto siyang kunin at ampunin ay hindi siya sumasama. Ang nasa isip niya noon ay kapag bumalik ang kaniyang Kuya Xander ay hindi siya nito mahahanap kung nasaan siya. Labis-labis ang kaniyang pagtanggi sa mga mag-asawang nagtatangkang umampon sa kaniya. Kahit ang mga madre sa bahay ampunan ay walang magawa at hindi siya mapilit ng mga ito na sumama sa mga pamilyang gusto siyang amp
“You are too beautiful in your dress. Which makes me think that you are making yourself extra beautiful for the man your father chose for you.” Hindi napigilan ni Alex na banggitin ng may diin ang mga katagang iyon sa babae.Tumaas ang isang kilay ni Karen ng dahil sa sinabi niya. Nagbukas-sara ang bibig nito pero ni walang katagang lumabas mula sa natural na mapula at manipis na labi nito. Seeing how her lips moved brings back the memories of the kiss we shared in the judicial room this morning. In just a mere thought of it, he felt a tingle in his stomach.Hindi na bago sa kaniya ang makipaghalikan. In fact, iba’t ibang babae na nga ang nakadaop ng labi niya. But he will admit that Karen’s lips were different. May kakaibang binubuhay na emosyon sa kaniya ang halik na pinagsaluhan nila kanina. And now, just by staring at those lips ay muling ibinabalik nito ang alaalang naramdam niya kanina. He wanted to pull her right here, right now, and savor her lips once again. Malamyos na tuno
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen