Kinaumagahan ay nagising si Hara at ang lalaking nasa kanyang tabi ay mahimbing pang natutulog. Ang makikisig nitong braso ay nakayakap sa kanya at prente itong natutulog sa kanyang leeg at may nararamdaman na konting kiliti. Para siyang teenager na kinikilig.
Ang pagmamanhid at pamamaga sa pagitan ng kanyang mga hita ay nararamdaman niya na. Nang nawala na rin ang kalasingan ay bumalik na rin ang kanyang wisyo. Nawala na ang tama ng alak kaya ramdam niya na ang ginawa ni Gabriel sa kanya.
‘Ano ang kanyang ginawa?' Agad na nag-init ang kanyang mga pisngi nang maalala ang maiinit na tagpo sa pagitan nila kagabi. Naalala niya kung paano tumingin sa kanyang mga mata si Gabriel, na puno ng adorasyon at pagnanasa.
'….Talaga bang may nangyari saamin ng CEO?' Mahinang tanong ni Hara sa kanyang isipan. Agad na nagbuhol-buhol ang mga ideya sa kanyang utak.
Napahinto ang paghinga ni Hara. Agad siyang nagmadali at maingat na inalis ang sarili mula sa yakap ni Gabriel at nagmamadaling umalis sa kama. Sinuot niya ang kanyang damit, inimpake ang bagahe, at tumakbo palayo sa room 1501 at nagpunta sa hotel front desk para kumuha ng panibagong kwarto.
Isang malaking kamalian ang nangyari sa kanila kagabi ngunit ginusto niya rin naman iyon.
Nang ilabas niya ang kanyang selpon para magbayad, bigla niyang napagtanto na hindi nga ba niya hiningian si Sabby para pasahan ng pang romansang palabas?
Malinaw na kay Gabriel ang account sa messenger! Marahil ay dahil sa kalasingan ay nagkamali siya ng pinag-sendan ng mensahe. Napapikit na lamang siya sa napag-tanto.
Ilang taon na ang nakalipas nang magkaroon sila ng pagtitipon ng mga kaklase nila noong junior high school at ang kanilang kaklaseng koordinator ay gumawa ng messenger group chat. Inanyayahan ang lahat na isali sa group chat na magka-kaklase noom. Malinaw pang naalala ni Hara na si Gabriel pa ang unang nag-add sa kanya ngunit nang in-accept ito ay hindi na nagsabi ng kung anu pa man kaya nagpasya siyang palitan ang nickname nito sa messenger.
Kaya ang kinalabasan, nangyari ang ganitong kaguluhan! At ang mas malala pa ay may nangyari nga talaga sa kanila ni Gabriel. Dahil nag-iwan pa ng mga bakas sa katawan ni Hara kung gaano kaagresibo si Gabriel kagabi. May mamula-mulang pantal sa kanyang leeg at sa kanyang dibdib nagkaroon din ng pasa sa kanyang braso at hita dahil sa mahigpit na pagpirmi sa kanya ng binata habang ginagawa iyon.
Umupo si Hara sa bagong bukas niyang kwarto at kumalma nang matagal. Inilabas niya ang selpon at umalis sa kanilang junior high school group chat pinalitan niya rin ang kanyang pangalan na dating Hara ay naging Abi at kumuha ito ng babaeng litrato sa internet at ipinalit sa kanyang orihinal na profile picture.
Sa ganitong paraan ay hindi na siya makikila ni Gabriel! Kahit habang buhay na siyang magtago at ibaon na lamang sa limot ang lahat ng nangyari sa gabing iyon!
Masyado namang grabe kung buburahin niya ang kanyang account para lang sa lalaking iyon! Ang room 1501 ay sagot ng kompanya at walang malalaman ng kahit ano ang kung sinuman kaya medyo nakampante rin naman si Hara doon. Hindi naman siguro nila malalaman na siya ang naka check in doon.
Matapos ang maraming pangyayari, sa wakas ay nahila na siya ng kama at mahimbing na nakatulog. Talagang napagod siya sa ginawa nila kagabi at buong katawan niya ay sumakit ilang oras din kasi bago sila matapos ni Gabriel.
Tumunog ang kanyang alarm clock kinaumagahan. Ngayon, si Hara ay kailangang pumunta sa ORBIS Corporation kasama ang kanilang company manager para pag-usapan ang isyu tungkol sa karagdagang pondo na ilalaan sa bagong proyekto. Napaisip na naman siya sa bagong isyu na kinakaharap ng kompanyang pinagta-trabahuhan niya.
Ang nakaplanong halaga sa proyektong ito ay bumagsak ng malayo mula sa stop line loss. Ang kabilang panig ay gustong kunin ang posisyon, kung hindi mabebenta ang security assets. Ang bagay na ito ay apurahan, kaya ang kanilang investment department ay mapalad na makakatanggap ng tulong mula sa CEO na ngayon ay sakay sa pribadong eroplano papunta sa Bonifacio Global City sa kanyang business trip.
Matapos maligo, ay nagmamadaling pumunta si Hara sa hotel lobby bitbit ang mga dokumento. Ilang sandali, bumaba na rin si Sabby, nagsalita ito na walang gana, “Pinipilit ni Manager Molina na hindi kinuha ng ating kompanya ang posisyon, ngunit nang pumunta ako sa trust company para tignan ‘yong kontrata, malinaw na nakasulat ang pangalan niya!”
“Sige, anumang oras ay darating si Manager Molina, huwag mong hayaan na marinig niya ito.” Hinila ni Hara si Sabby, bago pa siya makapagsabi ng kung ano. Nakita niya ang isang matangkad na pigura na pinalilibutan sa labas ng elevator. Agad siyang nakaramdam ng kaba sa nakita at para bang gusto niyang masuka.
Si Gabriel Dela Valle iyon. Hindi siya puwedeng magkamali dahil alam niya ang pigura ng lalaki may saplot man ito o wala. Gusto niyang tampalin ang sarili dahil naisingit niya pa talaga ang kahalayang iyon sa seryosong sitwasyon.
Siya ay nakapagpalit na sa suot niya na roba noong nakaraang gabi and nakasuot ngayon ng isang hapit na black suit. Bahagyang nakakunot ang kanyang gwapong kilay, at mahigpit na nakatikom ang kanyang manipis na labi. Tila siya ay nakikinig sa sinasabi ng kanyang sekretarya, at hindi niya pinansin ang ibang panig.
Kilala sa mundo ng negosyo si Gabreil Dela Valle bilang malamig ang pakikitungo sa lahat. Ang kanyang malalim at gwapong mukha ay laging matalim, mayabang, at tahimik. Nakapanliliit ng pagkatao kapag mapapatingin ka sa kanyang mga mata na para bang mararamdaman mong lalamig ang paligid mo sa oras na magtagpo kayo.
“Napaka gwapo talaga ng ating CEO. Kung makakasama ko lamang siya sa kama kahit isang gabi, magiging sulit kahit mamatay na ako agad!” Hindi namalayan ni Sabby na nanigas si Hara. Kinausap ni Hara ang sarili, “Parehas sila ng apelyido na Dela Valle, ngunit bakit malaki ang pagkaka-iba nila sa hitsura? Hoy, Hara, ano ‘yang iniisip mo?”
Bumalik si Hara sa kanyang wisyo nang siya ay tapikin sa braso. Siya ay agad na umatras, sinusubukang iwasan si Gabriel dahil ayaw niyang makilala siya nito sa nangyari kagabi.
Ngunit bago pa marating ni Gabriel at ang sekretarya ng mga shareholders ang elevator ay bigla silang huminto hindi kalayuan kina Hara kaya naman ay halos malagutan siyan ng hininga sa sobrang kaba.
Tumitig si Gabriel ka sa kanyang sekretarya gamit ang malungkot na ekspresyon sa kanyang mga mata at mahina itong bumulong, “Alamin mo kung sino ang nasa room 1501 kagabi”. Malalim nitong hayag.
Nang marinig ni Hara ang mga numerong iyon, naramdaman niya na parang napuno ng bala ang kanyang mga binti at hindi siya makagalaw! Hindi alam ni Hara kung ano ang gagawin niya. Ang alam niya lamang ay hindi pwedeng malaman ni Gabriel na siya 'yong nasa room 1501.
Sumakit ang ulo ni niya at ang tanging naririnig lamang niya ay ang kagalakan ni Sabby na sumabat-
“1501? Mr. Dela Valle, si Hara ang naroon sa 1501 kagabi!” Napapikit na lamang si Hara sa kadaldalan ng kaibigan. Ano kaya ang gagawin ni Gabriel ngayong alam niya na kung sino ang nasa room 1501 kagabi?