Share

Kabanata 3

Author: eveinousss
last update Last Updated: 2024-10-23 11:07:23

Napakalakas talaga ng bunganga ni Sabby, nang sinabi niya iyon, dahil lahat ng tao sa hall ay napatingin, pati na rin si Gabriel. Napayuko na lamang si Hara dahil sa kahihiyang naramdaman.

Sa kabutihang palad, sinulyapan lamang siya ng binata at umiwas agad ng tingin, umalis siya ng hotel na walang sinabing kahit ano. Nakahinga si Hara nang maluwag akala niya'y may eksenang magaganap.

Nang nakaalis na ang lahat, lumapit si Sabby kay Hara na may kyuryusong mukha. Gusto sana siyang iwasan ni Hara kaso kilala niya ang kanyang kaibigan. Hindi ito titigil hanggat hindi niya nakukuha ang gusto niyang sagot.

"Hoy? Bakit tinanong iyon ni Mr. Dela Valle?" Kyuryusong tanong ni Sabby sa kanya. Agad siyang nag-isip ng ipapalusot dahil wala naman siyang balak sabihin ang totoo.

Nalilito si Hara. Akala niya ay may mga pasabog na balita, ngunit naging ganto lang pala. Isang malaking eskandalo ito para kay Gabriel kung may makakaalam ng nangyari kagabi.

Nakahinga ng maluwag si Hara na para bang binigyan siya ng pagkakataon na iligtas mula sa kamatayan. Labis na nanuyo ang kanyang lalamunan nang siya ay magsalita...

"...Maganda ang tanawin sa kwarto ko, baka gusto niyang makipagpalitan." Simpleng sagot niya sa kaibigan.

"Iyon lang ba?" Ramdam ni Hara na parang hindi kumbinsido ang kaibigan sa kanyang sagot.

"Sabby, isang CEO si sir Gabriel," binigyang diin ni Hara ang bawat bigkas. Gustong ipaalala sa kaibigan na walang magiging koneksyon sa kanilang dalawa. Parang suntok sa buwan kung magkakaroon man sila ng relasyon lalo na't napakalayo ng estado ng kanilang buhay sa isa't-isa.

Ngumuso si Sabby, at naramdaman na walang relasyon ang namamagitan sa dalawa sa ganitong lebel, masyadong malayo ang agwat nila sa buhay.

"Sa tingin mo, ang mga lalaking gwapo gaya ni Mr. Dela Valle, na sinlamig ng yelo ang ugali ay matindi ba sa kama? Sa height pa lang niya, sa tingin ko malaki ang sukat niya!"

Hindi makapaniwala si Hara sa binulalas ng kanyang kaibigan. Walang makakapantay sa pagiging bulgar nito. Napailing na lamang siya.

Ngunit malaki talaga ang sukat ni Gabriel saksi siya doon dahil halos ilang kalmot ang nagawa niya sa likod ni Gabriel nang ipasok nito ang sarili sa sakanya. Halos mawalan pa siya ng wisyo sa bawat labas masok ni Gabriel sa kanya ng gabing iyon.

Sobra naman ang salitang matindi. Kung tungkol sa susunod na sinabi niya...ang sukat ni Gabriel ay malaki nga naman. Kahit na wala pa siyang pagbasehan na iba, halos isang oras ang iginugol niya nong nakaraang gabi para lang umayos. Nag-init ang pisingi ni Hara nang maalala na naman nag tagpong iyon.

'Tigil, tigil, ano bang iniisip mo!' Pagsusuway niya sa kanyang isip.

Hindi tumagal ay dumating si Manager Molina sa hall na desenteng nakaayos, sa kanyang business suit at leather na sapatos, ang kanyang buhok ay kagaya ng isang sakristan sa simbahan. Kinuha niya ang mga dokumento mula sa kamay ni Hara at pinasadahan ang mga iyon.

"Sa loob ng dalawang taon, humigpit ang IO. Hindi madaling i-promote ang ganoong proyekto, ngunit ito ang nangyari! Kung mas maraming pera pala ang makukuha niyo sa pagkuha ng posisyon, kalimutan niyo na ang bonus niyo!" Puno ng dismaya ang kanyang boses.

Walang sinabi ng kahit ano si Hara, natagpuan niya si Sabby na tinapunan ng mapanglait na tingin ang Manager. Sino ba naman ang hindi madidismaya sa pinakitang ugali ng kanilang manager.

'Hindi ba si Mr. Molina ang nagpagulo dito? Para lang mailaban ang proyekto, ang kabilang panig din ay umoo dito' bulong ni Hara sa kanyang isipan.

Biglang napatingin si Mr. Molina kay Hara na para bang may iniisip ng kung ano, at ang kanyang boses ay naging mas mahinahon kumpara sa malapit niyang tono kanina.

"Ms. Hara, may naalala ako....Taga Naga City ka?" Gulat si Hara dahil sa biglaang katanungan ni Manager Molina.

"Opo, sa South Poblacion Naga City po." Sagot ng dalaga. Sa kabilang isip nito ay parang alam niya na kung bakit iyon natanong sa kanya.

"Si Sir Dela Valle ng ating kompanya ay taga-Naga City din. Susubukan kong imbitahan siya para sa dinner mamayang gabi. Pwede mo ring gamitin bilang palusot na parehas kayo ng bayan para malaman mo kung anong naiisip niya?" Napakunot ng noo si Hara sa dahilan ni Mr. Molina.

Sinabi niya ito na parang nagpapayo ngunit wala sa lugar upang tumanggi si Hara! Gusto niyang rumason ngunit nakakatakot. Alam niyang hindi kasama sa trabaho niya ang pinapagawa ni Mr. Molina it's beyond unprofessional.

Nang maisip niyang magkikita sila ni Gabriel.... Hindi pwede ang ideyang iyon. Agad siyang nakaramdam ng kaba dahil pilit niyang tinatakbuhan ang pangyayaring iyon ngunit bakit siya tila hinihila nito pabalik?

Umapila si Hara, "Manager Molina, nababahala po ako na hindi ako karapat-dapat para kausapin si Mr. Dela Valle sa ganoong paraan, hindi po ba?"

"Hindi ba normal na uminom kayo sa iisang lamesa, at kausapin siya?" Tanong sa kanya ni Mr. Molina. Hindi kailan man magiging normal ang bagay na iyon isa lamang siyang empleyado kung tutuusin.

"Pero--" Matigas at gustong tumanggi ni Hara sa naisip na solusyon ng kanyang boss.

"Iyon na ang gagawin mo. Magdamit ka ng maganda at disente mamayang gabi at huwag mo akong papahiyain!" Pinal sa hayag nito at wala na nang nagawa si Hara dahil talagang desidido si Mr. Molina.

Nag lakad si Mr. Molina paalis sa hotel matapos sabihin ang mga iyon. Ang walang nasabing si Sabby ay inikutan ng mata ang lalaki at sa likod naman niya si Hira na kanyang hila hila para sumunod.

Kinagabihan, nang matapos ang unang round ng negosasyon kasama ang person in charge sa ORBIS Corporation, si Hara naman ay minadali ni Manager Molina na bumalik sa hotel at magprepara na.

Hindi niya alam anong paraan ang ginawa ng Manager nila, pero sumipot si Gabriel sa hotel. Na nakakagulat naman talaga dahil sobrang busy ng taong 'yon at hindi rin palakaibigan sa mga ka-trabaho.

Ramdam ni Hara ang lamig ng gabi dahil sa suot niyang formal black dress na yumayakap sa kanyang payat na katawan. Gusto niyang umatras na lamang ngunit malalagot siya kay Mr. Molina.

Nang makapasok si Hara, ang una niyang nakita ay si Gabriel na nakaupo sa kanang bahagi ng mesa. Agad siyang nakaramdam ng kakaibang kaba.

Hinubad ni Gabriel ang suot niyang suit at pinatong ito sa armrest. Gamit ang kanyang mapigurang mga daliri ay tinanggal niya sa pagkaka-botones ng ilang button sa taas ng kanyang puting shirt. Ang kanyang malamig na puting balat ay bumagay sa gintong rimmed glasses na nakatutok sa tulay ng kanyang ilong dahilan na mas nagmukha siyang tahimik at misteryosong tao.

Apat na tao ang nasa lamesa, siya at si Manager Molina, si Gabriel at ang personal niyang sekretarya.

Nang makitang nag-aatubiling gumalaw si Hara, lumapit sa kanya si Manager Molina upang ipaghila siya ng upuan na malapit kay Gabriel, "Dito ka, Miss Hara, umupo ka rito." Nakaramdam ng ilang ang dalaga.

Nag-atubili ang kanyang mga paa, ngunit naglakad pa rin siya na parang naninigas. Kinakabahan siya at parang gusto niyang masuka sa nararamdaman. Nasa harap niya na ang lalaking pilit niyang iniiwasan sa kanyang buong buhay.

Ngunit bago siya umupo, narinig niya ang malamig na boses ni Gabriel, "Hindi ba ay assistant si Hara? Lumipat ba siya sa public relations.?” Hindi alam ni Hara kung ano ang iri-reaksyon ng kanyang mukha.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 224

    "Nakakainis talaga ang pagmumukha ng isang yon! Napaka-epal. I'm irereport niya na naman ang nakita niya sa kanyang bestfriend na si---" Hindi na natuloy ang sasabihin ni Sabby nang kaagad siyang pinutol ni Hara. "Sab, that's enough...." Malalim niyang saad. Nang makarating sila sa building ng pai

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 223

    Napa-igtad si Hara nang marinig si Mira kaya kaagad siyang naglakad papalayo sa kiddie park upang hanapin ang mga kasama at magpaalam na para umuwi.Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga narinig na salita mula kay Gabriel. May dumaan na sakit mula sa kanyang dibdib. Dahil labis siyang nanibago sa ug

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 222

    Gabi na at dapat sa ganoong oras ay tulog na ang mga ito. Inilibot niya ang kanyang mga mata upang humanap ng tahimik na pwesto. Nakita niya ang kiddie park sa kabilang daanan ng kompanya kaya mabilis siyang naglakad patungo roon. Pagkasagot niya ng tawag ay nakita niyang nag-aagawan na naman ang k

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 221

    Napakuyom si Hara nang marinig iyon. Masakit man ngunit kailangan niyang baliwalain ang mga narinig mula kay Gabriel. Lalo pa at kaharap niya ang babaeng nali-link ngayon sa binata, Almira Go. Napaangat ng tingin si Hara at dumapo iyon sa mga mata ni secretary Saez na nakakunot noo habang tinitign

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 220

    "No. OKay lang. Nasaktan po ba kayo? Actually may mali rin po kasi ako." Pagpapaliwanag ni Hara. Tatawagan niya na sana ang kompanya para sa insurance ng kanyang sasakyan nang pigilan siya ng lalaki. "Ma'am kunin ko na lang po ang calling card niyo para ma-settle na po ang lahat ng bayad." May pin

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 219

    Habang bumibili ng candy si Gabriel sa isang supermarket ay nakangiti siyang tinignan ni Neil na para bang natutuwa siyang tignan ang amo sa ginagawa nito. Nang makita iyon ni Gabriel ay agad niyang sinamaan ng tingin. "Sir, naghihintay pa rin po si ma'am Mira sa inyo. Hindi niya raw po uumpisahan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status