Share

Kabanata 0003

Author: Nancy Ginger
last update Huling Na-update: 2025-03-13 11:47:56
“May ibang babae sa puso ni Maximo Guevarra na nakilala niya sa ibang bansa. Matagal niya itong itinago at wala siyang pinagkaiba sa ‘yo, Luciana.”

Bigla na lamang nanumbalik sa alaala ni Luciana ang sinabi ng isa sa kaibigan ni Maximo sa kanya noon.

Ngunit, noong panahon na ‘yon ay hindi niya ito sineryoso dahil inisip niya na ang babaeng tinutukoy ng kaibigan ay parte lamang ng isang nakaraan. Higit sa lahat, alam niya na wala itong panama sa kanya. Ngunit ngayon, para siyang sinampal ng reyalidad.

Ang makita kung paano tratuhin ng asawa niya ang babaeng ito nang may pag-iingat, pakiramdam ni Luciana ay parang tinusok ng patalim ang kanyang puso. Tila ramdam niya ang pagdaloy ng kirot na dulot nito sa kanyang buong pagkatao.

Samantala, naghanda naman si Maximo na alalayan ang babaeng kasama niya sa kabila ng ingay sa paligid ng ospital. Doon niya napansin si Luciana na nakatayo sa hindi kalayuan, kasama ni Manang Bettina.

Bahagyang kumunot ang noo ni Maximo nang dahil doon.

Si Liezel Rivero, ang babaeng nasa tabi ni Maximo ay napalingon sa direksyon niya at may kaonting pag-aalala sa kanyang mukha.

“Kilala mo ang babaeng ‘yan, Max?” tanong niya kay Maximo.

“Si Luciana, ang asawa ko,” kalmadong sagot ni Maximo kay Liezel, at nagpatuloy, “Mauna ka na sa sasakyan at susunod na lang ako, Liez.”

“Okay,” tugon naman ni Liezel na sinamahan pa ng pagtango.

Ngunit, bago pa siya umalis, bumaling muna siya ng tingin kay Luciana at nakipagtitigan muna rito.

Naramdaman naman ni Luciana ang seryosong tingin na binigay sa kanya ng babae, at paglingon niya rito ay bahagya siyang nginitian ni Liezel.

Pakiramdam ni Luciana ay nanikip ang kanyang dibdib at nabalot iyon ng mapait na pakiramdam sa kanya.

Si Maximo naman ay tuluyan na siyang nilapitan habang ang kanyang matangkad na pigura ay halos harangan ang sinag ng ilaw mula sa kisame ng hospital.

“Ano'ng ginagawa mo rito?” blankong tanong ni Maximo kay Luciana.

Akmang sasagot na sana si Manang Bettina kay Maximo nang biglang magsalita si Luciana.

“Sino siya?” tanong niya kay Maximo.

Hindi pa rin maalis sa isip ni Luciana kung bakit sinasamahan ni Maximo ang babae sa isang prenatal check-up.

‘Sa kanya ba ang batang nasa sinapupunan ng babae?’ tanong ni Luciana sa kanyang isip.

“Huwag mo na pakialaman ito dahil hindi mo na ‘yon trabaho,” malamig niyang tugon kay Luciana.

“Niloko mo ako tapos ayaw mong tanungin ko ang tungkol diyan?” tanong ni Luciana habang ang mga mata ay namumula at bakas sa boses niya ang hinanakit sa pagtataksil ni Maximo.

“Niloko?” saad ni Maximo sa kanyang matigas na reaksyon saka nagpatuloy, “Sa tingin mo ba may karapatan ka na gamitin ang salitang ‘yan sa ‘kin? Baka nakakalimutan mo kung paano mo ako pinakasalan? At higit sa lahat, mariin kong sinabi sa ‘yo noon na kahit ikasal pa tayo ay hinding-hindi kita mamahalin!”

Natigilan si Luciana sa kanyang narinig mula kay Maximo habang ang kanyang dibdib ay nagsimulang kumabog ng malakas. Hindi niya napigilang ikuyom ang mga palad at pilit pinapakalma ang sarili.

“Sa mga mata mo ba ay isa lang akong gamit na magpapainit sa ‘yo sa kama, ha?” ani Luciana at hindi na napigilan ang sarili.

“What do you think?”

Hindi na napigilan ni Luciana ang matawa ngunit balot iyon ng pait.

“Tama nga ako. Iniisip mo talaga na ginawan ka nang masama ng tatay ko at ngayon gusto mong samantalahin ang pagkakataon upang makaganti, hindi ba?” ani Luciana.

“Tama na!” mariing saad ni Maximo, ang kanyang tingin ay halos gusto ng wasakin si Luciana.

Pinapatigil na siya ni Maximo na magsalita pero pakiramdam ni Luciana ay nabato bigla ang kanyang puso.

“Ngayon nakabalik na ang babaeng minamahal mo ay ano'ng plano mo sa ‘kin?” tanong ni Luciana sa kanya.

Biglang tumikom ang bibig ni Maximo sa naging tanong ni Luciana at namayani bigla ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

Pakiramdam ni Luciana ay parang pinisil ang kanyang puso dahil ang tila walang balak na pagsagot ni Maximo sa kanya ay siyang bumasag sa natitirang pag-asa niya.

Muli na namang bumalik ang pagsakit ng tiyan ni Luciana at ngayon tila nawalan na ng epekto ang ininom niyang gamot. Ngayon ay mas lalong tumindi ang sakit hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Nang magising si Luciana, ang sinag mula sa ilaw sa kisame ay nagpapikit sa kanya ulit, at ang matapang na amoy ng disinfectant ay pumuno sa buong paligid.

Napakunot ang noo ni Luciana at dahan-dahan niyang binuksan ulit ang mga mata hanggang sa dumako ang kanyang paningin kay Maximo na palabas ngayon mula sa kwarto.

Pagtingin ni Luciana sa kamay, nakita niyang may nakalagay na dextrose.

“H-Hubby…” sambit ni Luciana sa mahinang boses habang pinipilit na bumangon at halos mahulog mula sa kama.

Mabilis naman na lumapit si Manang Bettina sa kanya nang mapansin siya.

“Mag-ingat po kayo, Senyorita!” sambit nito sa kanya upang paalalahanan siya.

“Saan siya pupunta, Manang?” tanong ni Luciana sa katulong sa kanyang mahinang boses.

“Tumawag po ulit ang babae at umalis si senyorito para puntahan ito,” paliwanag ni Manang Bettina sa kanya na may pagdadalawang-isip.

Natuod si Luciana sa kanyang narinig at tila parang patalim ang mga salitang iyon na pilit tumatama sa kanya.

“Huwag na po kayong mag-alala, Senyorita,” ani Manang Bettina sa kanya na may pag-aalala, at nagpatuloy, “Ang kalusugan ninyo ang mahalaga ngayon at kagabi lang ay nagpa-ultrasound kayo. Isang acute gastritis na nakuha mula sa nakakalason na pagkain ang nakita at pangatlong dextrose niyo na po ito pero mahina pa rin kayo…”

Nanikip muli ang dibdib ni Luciana sa kanyang narinig. Na sa ospital siya ngayon dahil sa acute gastritis na ito pero isang tawag lamang ng babae kay Maximo ay mabilis itong kumaripas.

Tunay ngang wala siyang panama sa babaeng iyon.

“Humigop muna po kayo ng sabaw, Senyorita,” saad ni Manang Bettina at iniabot ang isang bandehadong sabaw.

Mabilis namang umiling si Luciana upang tanggihan ito.

“Ilagay niyo na lang po riyan, Manang. Hindi pa ako nagugutom,” pagsisinungaling ni Luciana sa kanyang katulong.

Ilang sandali lang, bigla namang tumunog ang cellphone ni Luciana sa ibabaw ng mesa na siyang bumasag sa katahimikan sa loob ng kwarto.

Napatingin si Luciana sa cellphone niya at nanghihinang inabot ito saka nagsalita.

“H-Hello?” 
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0100

    Napailing na lamang si Luciana sa dalawa at bahagyang napangiti. Kahit ang kanilang dalawang assistant ay hindi napigilang mapahanga sa presensya na dala ni Adrian Hidalgo.“Hindi pa siya dumating,” sagot niya sa mga ito at kumalma naman ang dalawa.Samantala, nagsimula nang umorder ng pagkain ang grupo ng mga tao sa loob. Si Luciana naman ay agad na nagpadala ng text message kay Adrian.Luciana:Pinapauna ko nang umorder ang mga staff ko.Mabilis naman na sumagot si Adrian sa kanyang text message.Adrian:Sige, kumain lang kayo diyan. Katatapos ko lang sa isang interview at papunta na ako.Pagkatapos mabasa iyon, agad na ibinaba ni Luciana ang kanyang cellphone saka tumingin sa iba niyang kasama.“Papunta na raw si Mr. Hidalgo. Kumain na muna tayo,” sabi niya sa mga ito.Sakto namang dumating ang waiter dala ang mga pagkain, kasama ang isang bote ng mamahaling alak.Nagtaka naman si Luciana at napatingin doon nang maigi.“Hindi ko inorder 'yang bote na 'yan,” paliwanag niy

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0099

    Pagdating ng alas siyete y media ng gabi, nakarating na si Luciana sa Rustica Restaurant, at ang kanyang puso ay kalmado lamang. Ilang sandali lang, dumating na rin si Danica at huminto sa tabi niya. Nagkita ang dalawa sa labas ng restaurant.Pagkababa ni Danica ng sasakyan, agad niyang hinawakan ang kamay ni Luciana, at ang mga mata nito ay puno ng pag-aalala. “Nakipaghiwalay ka na ba kay Maximo nang tuluyan ngayong araw?” tanong ng babae sa malumanay nitong tono.“Oo, nag-apply na kami ng diborsyo kanina pero hindi pa matatapos ang certificate namin hanggang ngayong buwan,” nakangiting sagot ni Luciana sa tanong ng kaibigan, ngunit pilit lamang iyon para hindi ito mag-alala.Pinagmasdan siya ni Danica at may bahid ng pag-aalala sa mga mata nito. Alam niyang nag-aalala ang kaibigan sa kanyang sitwasyon ngayon.“Malungkot ka ba, Lucy?” tanong ni Danica sa kanya kaya natigilan siya ng ilang sandali. Ngunit, mabilis namang iniling ni Luciana ang ulo, habang hindi nawawala ang ngi

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0098

    Inaanim ni Alvin na noong una, gusto lang niyang takutin si Luciana, ngunit ngayon, nagbago bigla ang sitwasyon. Pinagplanuhan rin niya ito laban kay Maximo at kung kaya niyang gamitin ang banta laban kay Luciana, siguradong gagawin din iyon ng babae sa kanya.“Ginawa ko lahat nang ito para matulungan si Maximo na tanggalin ka sa buhay niya dahil isa kang tusong babae,” sambit ni Alvin kay Luciana.“Ginagawa mo ba talaga ito para sa kanya o para sa sarili mo? Alam ko na alam mo ang totoo. Gusto mong tulungan si Liezel na agawin si Maximo mula sa 'kin pero nagpapanggap kang para ito kay Maximo. Tinanong mo ba siya kung kailangan ba niya itong ginawa mo? Pumayag ba si Maximo, o inaprubahan ang mga ginawa mo?” seryosong tanong ni Luciana sa kanya habang nakatingin nang diresto at hindi kumukurap.Natigilan si Alvin sa sinabi ni Luciana sa kanya at ilang sandaling nanahimik, ngunit mabilis naman siyang nakabawi.“Hindi ka ba natatakot na sasabihin ko kay Maximo ang tungkol sa kasunduan

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0097

    Natigilan naman ang lahat dahil sa biglang tugon ni Luciana. Napalingon pa si Liezel kay Maximo, ngunit nanatiling walang emosyon ang mukha nito. Hindi niya rin mabasa kung ano ang iniisip ng lalaki dahil sa blankong ekspresyon na ipinapakita niya ngayon.“Alvin, kailan pa kayo naging malapit ni Luciana?” takang tanong ni Liezel na may bahid ng pagtataka sa boses nito.“Kailan lang kami naging malapit sa isa't-isa,” sagot naman ni Alvin nang walang kahirap-hirap, at agad na nakabawi mula sa pagkabigla. Hindi niya inasahan na sasabay si Luciana sa kanyang palabas. Isa iyong kaaya-ayang sorpresa para sa kanya. Agad namang lumapit si Alvin kay Luciana at walang pakundangang iniakbay ang braso nito sa balikat niya. “Tara na. Ihahatid na kita pauwi,” mahinahong usal ni Alvin na para bang inosente. Samantala, tinapunan naman siya ni Luciana ng isang makahulugang tingin, at bakas ang inis sa mukha nito. Si Maximo naman ay mas lalong nandilim ang mukha at para bang isang matulis na bag

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0096

    Nakatayo sa tabi ni Maximo si Luciana ngayon. Ngunit, ni isa sa kanila ay walang nagsalita. Kapwa magandang babae at gwapong lalaki, ngunit napakailap ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa na halos sobrang awkward na.Pagkalipas ng ilang sandali, sila na ang tinawag. Agad silang lumapit at naupo sa mga itinalagang upuan.Tinanong sila ng staff na humahawak ng proseso ng tungkol sa paghihiwalay.“Nandito po ba kayo upang maghain ng diborsyo?”“Oo,” sagot ni Luciana habang inilalabas ang kanyang identification card.Tiningnan sila ng staff—una ang lalaki, pagkatapos ang babae. “Ang ganda ninyong tignan na magkasama. Isang gwapong lalaki, at isang magandang babae. Bakit kayo maghihiwalay?” takang tanong ng staff.Walang duda na sila ang pinakamagandang mag-asawa sa lahat ng naroon sa opisinang iyon.“Hindi kami pareho ng nararamdaman,” kalmadong sagot ni Luciana sa nagtanong na staff. “May dala ba kayong kasunduan ng inyong paghihiwalay?” tanong ulit ng staff.“Meron,” sagot

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0095

    “Hindi mo na 'yon trabaho pa.” Malamig ang boses ni Maximo habang nakatingin kay Luciana nang sabihin ang mga salitang ito.Saglit na natigilan si Luciana, saka kinuha ang kurbata at maingat na iniikot ito sa leeg ng lalaki. Sanay na sanay na siya sa pagtatali nito dahil ito naman palagi ang kanyang ginagawa kahit noon pa.May Liezel na si Maximo ngayon at naisip ni Luciana na hindi na kailangan ng pag-aalaga niya ang lalaki. At sa pagiging maayos at elegante ni Liezel, siguradong marunong rin itong maglagay ng kurbata.Matapos itali ang kurbata, kinuha na ni Luciana ang pin at ikinabit ito sa kuwelyo ng lalaki. Sa suot na suit, lalong tumingkad ang kagwapuhan ni Maximo—may malamig at mailap na awra na para bang kay hirap nitong maabot.“Ayan, tapos na,” nakangiting sabi ni Luciana at bahagyang bumilog ang mga mata niya sa tuwa. Maglalakad na sana siya palayo, ngunit bago pa 'yan mangyari, agad siyang hinila ni Maximo sa baywang at inilapit sa kanya.Dahil diyan, biglang nagtagp

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status