Share

Kabanata 0004

Author: Nancy Ginger
last update Huling Na-update: 2025-03-13 11:47:56
“Alam mo na ba na niloloko ka ng asawa mo, Luciana?”

Si Danica Alcantara, ang best friend ni Luciana ang nasa kabilang linya at may pinapaalam sa kanyang balita.

“Nakita ko sa balita kanina ang tungkol diyan at magkasama sila ng sikat na singer na si Liezel Rivero. Ang sabi-sabi ay buntis ito at at nakita pa sila sa isang ospital. Halos sila ang laman ng mga balita ngayon kaya tingnan mo para malaman mo ang totoo!” dagdag na sabi ni Danica sa kanya.

Sandaling nanikip ang dibdib ni Luciana at hindi alam ang gagawin. Kalaunan, kinuha niya ang cellphone upang tingnan ito.

Ang una niyang binuksan ay ang Facebook at doon, maraming mga pictures na nakakalat tungkol kagabi kung saan magkasama sina Maximo at Liezel sa isang ospital.

Si Maximo Guevarra ay ang CEO ng Guevarra's Company. Makapangyarihan at mayaman ay hindi na kataka-taka na palagi siyang nangunguna sa listahan sa pinakakilalang CEO sa bansa. Hindi na rin bago na ang kanyang pribadong buhay ay talaga namang nakakaakit sa mata ng lahat.

Ang mga pictures niya na kasama ang isang babae sa isang prenatal check-up ay parang bomba na sumabog sa lahat ng mga balita ngayon. Tuluyan na ngang inungkat ng internet ang buhay ni Liezel.

Si Liezel Rivero ay kilalang mang-aawit sa USA, at siya ang kasintahan noong kabataan ni Maximo na sinasabing malalim daw ang kanilang pinagsamahan. Ngunit, makalipas ang ilang taon, nagpunta ito ng ibang bansa para mag-aral. Si Maximo naman ay matapat na naghintay sa kanya ng halos isang dekada.

Ngayon na nagbalik na si Liezel Rivero, tuluyan na ngang nagkita ang kilalang CEO at ang kanyang unang minahal. Walang sinuman ang makakapigil sa kanilang pagkikita.

Lahat ng mga tao na nasa internet ay sobrang namangha sa kanilang magandang kwento ng pagmamahalan at sa loob lamang ng ilang oras ay nadagdagan nang halos tatlong milyon ang followers ni Liezel sa lahat ng kanyang account.

Ngayon, nalaman na rin ni Luciana ang totoo kung saan nakuha ang atensyon niya sa lugar na pinanggalingan ni Liezel at pilit itong iniugnay sa sinasabi ng kaibigan ni Maximo noon.

‘Ikaw pala ang tinutukoy na unang minahal ni Maximo, ha?’ ani Luciana sa kanyang isip.

Hindi niya rin napigilan na maglabas ng isang mapait na tawa dahil sa kanyang mga nalaman.

“Nakita mo na ba, Luciana? Alam mo, napakawalang kwenta talaga ng internet ngayon at sobrang nakakagalit. Nanggigigil ako sa kanila kaya kailangan ko silang sawayin!” galit na sabi ni Danica sa kabilang linya.

“Huwag na, Danica. Alam ko naman ang tungkol diyan, e,” sagot ni Luciana at agad na pinigilan ang kaibigan sa tangkang gagawin nito.

“Alam mo ang tungkol dito?” tanong ni Danica upang linawin ito sa kanya.

“O-Oo, alam ko,” tipid na sagot ni Luciana sa kaibigan.

“Ano'ng nangyayari sa ‘yo, Luciana? Bakit mo hinahayaan na makipaglandian ang asawa mo sa ibang babae? Hindi ba dapat mo harapin ang babaeng gustong sumira sa pagiging asawa mo!?” galit na usal ni Danica at hindi makapaniwala sa ginawa niya.

Nagbuntong-hininga na lamang si Luciana at sinabing, “Hindi mo ba nakita kung ano ang sinasabi ng mga tao sa internet? Ang babaeng ‘yon ay matagal na hinihintay ni Maximo at siya ang tunay niyang minahal.”

“Wala akong pakialam kung siya man ang naunang minahal ni Maximo. Kabit pa rin siya at sa mata ng lahat ay mali ‘yon!” singhal na sagot ni Danica.

“Kalimutan mo na ‘to, Danica,” nanghihinang saad ni Luciana sa kaibigan at nagpatuloy, “Matagal na walang kwenta ang kasal ko sa kanya sa simula pa lang at isa pa, pagod na rin ako.”

Isa rin sa dahilan kung bakit ayaw niyang pansinin ito ay dahil hindi siya makakapayag na bumaba para lang makipag-away sa isang kabit. Kapag gumawa siya ng eskandalo, malalaman ng lahat ang tungkol sa kanilang magulong pagsasama.

Sa kabila ng lahat, ayaw ni Luciana na dumihan ang relasyon nila ni Maximo ng putik.

Samantala, ilang minuto namang natahimik si Danica bago muling magsalita.

“Ano na ang plano mo ngayon? Mananatili ka pa rin ba sa pagsasama niyo o hihiwalayan mo na siya?” tanong sa kanya ni Danica.

“Hihiwalayan ko na siya.”

Walang pagdadalawang-isip si Luciana nang sagutin niya si Danica sa tanong nito.

Napayuko naman si Luciana at dumako ang kanyang mga mata sa dextrose na nakakabit sa kamay niya. Sa kabila pa man ng pinagdadaanan niyang sakit ngayon, mas pinili pa rin ni Maximo na samahan si Liezel, at napuno na siya. Napagod na siya.

“Kung wala sa ‘kin ang pagmamahal niya, wala na akong planong pilitin pa siya,” ani Luciana sa kanyang nanghihinang boses.

“Tandaan mo, nasa tabi mo lang ako palagi. Marami ka pa na mahahanap na mga lalaki at siguradong maghahabol sa ‘yo dahil maganda ka. Huwag mo na sayangin ang sarili mo sa isang walang kwentang tao tulad ni Maximo, Luciana,” tugon ng kaibigan na si Danica kaya napangiti siya.

“Salamat sa pagdamay sa akin, Dani,” ani Luciana sa kaibigan.

Mabuti na lang ay nandiyan ang kaibigan niya sa mga panahong nasa kadiliman siya at hindi siya nito iniwan.

Pagkatapos ng kanilang tawag, nagpahinga muna saglit si Luciana. Nang maubos na ang kanyang dextrose, nagsimula na maging maayos ang kanyang pakiramdam. Tuluyan na nawala ang pananakit ng kanyang tiyan pero mahina pa rin ang kanyang katawan.

Agad na siyang inuwi ni Manang Bettina at ang personal driver niya sa mansyon. Pagdating ng bahay, agad siyang nagpahinga upang tuluyang gumaling.

Pagsapit ng dilim ay dumating na rin si Maximo. Paghubad niya ng kanyang jacket, agad siyang nagtanong sa katulong tungkol kay Luciana.

“Nasaan ang senyorita mo, Manang Bettina?” tanong ni Maximo.

“Nasa taas na po siya at nagpapahinga, Senyorito,” sagot ni Manang Bettina at nagpatuloy, “Malungkot po siya kanina paggising niya nang malaman na wala kayo.”

Napakunot na lamang ang noo ni Maximo at agad na umakyat sa taas. Nang makarating sa kwarto, ang unang ginawa ni Maximo ay itulak ang pinto nang dahan-dahan.

Nakita niya ang asawa na nakahiga sa couch habang ang kanyang itim at mataas na buhok ay nakalugay patungo sa sahig. Mas lalo siyang nagmukhang mahina sa ganoong posisyon.

Muling napakunot ang noo ni Maximo nang may biglang pumasok sa kanyang isipan.

‘Kung may gastritis siya, bakit sa couch niya naisipang matulog?’
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0100

    Napailing na lamang si Luciana sa dalawa at bahagyang napangiti. Kahit ang kanilang dalawang assistant ay hindi napigilang mapahanga sa presensya na dala ni Adrian Hidalgo.“Hindi pa siya dumating,” sagot niya sa mga ito at kumalma naman ang dalawa.Samantala, nagsimula nang umorder ng pagkain ang grupo ng mga tao sa loob. Si Luciana naman ay agad na nagpadala ng text message kay Adrian.Luciana:Pinapauna ko nang umorder ang mga staff ko.Mabilis naman na sumagot si Adrian sa kanyang text message.Adrian:Sige, kumain lang kayo diyan. Katatapos ko lang sa isang interview at papunta na ako.Pagkatapos mabasa iyon, agad na ibinaba ni Luciana ang kanyang cellphone saka tumingin sa iba niyang kasama.“Papunta na raw si Mr. Hidalgo. Kumain na muna tayo,” sabi niya sa mga ito.Sakto namang dumating ang waiter dala ang mga pagkain, kasama ang isang bote ng mamahaling alak.Nagtaka naman si Luciana at napatingin doon nang maigi.“Hindi ko inorder 'yang bote na 'yan,” paliwanag niy

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0099

    Pagdating ng alas siyete y media ng gabi, nakarating na si Luciana sa Rustica Restaurant, at ang kanyang puso ay kalmado lamang. Ilang sandali lang, dumating na rin si Danica at huminto sa tabi niya. Nagkita ang dalawa sa labas ng restaurant.Pagkababa ni Danica ng sasakyan, agad niyang hinawakan ang kamay ni Luciana, at ang mga mata nito ay puno ng pag-aalala. “Nakipaghiwalay ka na ba kay Maximo nang tuluyan ngayong araw?” tanong ng babae sa malumanay nitong tono.“Oo, nag-apply na kami ng diborsyo kanina pero hindi pa matatapos ang certificate namin hanggang ngayong buwan,” nakangiting sagot ni Luciana sa tanong ng kaibigan, ngunit pilit lamang iyon para hindi ito mag-alala.Pinagmasdan siya ni Danica at may bahid ng pag-aalala sa mga mata nito. Alam niyang nag-aalala ang kaibigan sa kanyang sitwasyon ngayon.“Malungkot ka ba, Lucy?” tanong ni Danica sa kanya kaya natigilan siya ng ilang sandali. Ngunit, mabilis namang iniling ni Luciana ang ulo, habang hindi nawawala ang ngi

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0098

    Inaanim ni Alvin na noong una, gusto lang niyang takutin si Luciana, ngunit ngayon, nagbago bigla ang sitwasyon. Pinagplanuhan rin niya ito laban kay Maximo at kung kaya niyang gamitin ang banta laban kay Luciana, siguradong gagawin din iyon ng babae sa kanya.“Ginawa ko lahat nang ito para matulungan si Maximo na tanggalin ka sa buhay niya dahil isa kang tusong babae,” sambit ni Alvin kay Luciana.“Ginagawa mo ba talaga ito para sa kanya o para sa sarili mo? Alam ko na alam mo ang totoo. Gusto mong tulungan si Liezel na agawin si Maximo mula sa 'kin pero nagpapanggap kang para ito kay Maximo. Tinanong mo ba siya kung kailangan ba niya itong ginawa mo? Pumayag ba si Maximo, o inaprubahan ang mga ginawa mo?” seryosong tanong ni Luciana sa kanya habang nakatingin nang diresto at hindi kumukurap.Natigilan si Alvin sa sinabi ni Luciana sa kanya at ilang sandaling nanahimik, ngunit mabilis naman siyang nakabawi.“Hindi ka ba natatakot na sasabihin ko kay Maximo ang tungkol sa kasunduan

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0097

    Natigilan naman ang lahat dahil sa biglang tugon ni Luciana. Napalingon pa si Liezel kay Maximo, ngunit nanatiling walang emosyon ang mukha nito. Hindi niya rin mabasa kung ano ang iniisip ng lalaki dahil sa blankong ekspresyon na ipinapakita niya ngayon.“Alvin, kailan pa kayo naging malapit ni Luciana?” takang tanong ni Liezel na may bahid ng pagtataka sa boses nito.“Kailan lang kami naging malapit sa isa't-isa,” sagot naman ni Alvin nang walang kahirap-hirap, at agad na nakabawi mula sa pagkabigla. Hindi niya inasahan na sasabay si Luciana sa kanyang palabas. Isa iyong kaaya-ayang sorpresa para sa kanya. Agad namang lumapit si Alvin kay Luciana at walang pakundangang iniakbay ang braso nito sa balikat niya. “Tara na. Ihahatid na kita pauwi,” mahinahong usal ni Alvin na para bang inosente. Samantala, tinapunan naman siya ni Luciana ng isang makahulugang tingin, at bakas ang inis sa mukha nito. Si Maximo naman ay mas lalong nandilim ang mukha at para bang isang matulis na bag

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0096

    Nakatayo sa tabi ni Maximo si Luciana ngayon. Ngunit, ni isa sa kanila ay walang nagsalita. Kapwa magandang babae at gwapong lalaki, ngunit napakailap ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa na halos sobrang awkward na.Pagkalipas ng ilang sandali, sila na ang tinawag. Agad silang lumapit at naupo sa mga itinalagang upuan.Tinanong sila ng staff na humahawak ng proseso ng tungkol sa paghihiwalay.“Nandito po ba kayo upang maghain ng diborsyo?”“Oo,” sagot ni Luciana habang inilalabas ang kanyang identification card.Tiningnan sila ng staff—una ang lalaki, pagkatapos ang babae. “Ang ganda ninyong tignan na magkasama. Isang gwapong lalaki, at isang magandang babae. Bakit kayo maghihiwalay?” takang tanong ng staff.Walang duda na sila ang pinakamagandang mag-asawa sa lahat ng naroon sa opisinang iyon.“Hindi kami pareho ng nararamdaman,” kalmadong sagot ni Luciana sa nagtanong na staff. “May dala ba kayong kasunduan ng inyong paghihiwalay?” tanong ulit ng staff.“Meron,” sagot

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0095

    “Hindi mo na 'yon trabaho pa.” Malamig ang boses ni Maximo habang nakatingin kay Luciana nang sabihin ang mga salitang ito.Saglit na natigilan si Luciana, saka kinuha ang kurbata at maingat na iniikot ito sa leeg ng lalaki. Sanay na sanay na siya sa pagtatali nito dahil ito naman palagi ang kanyang ginagawa kahit noon pa.May Liezel na si Maximo ngayon at naisip ni Luciana na hindi na kailangan ng pag-aalaga niya ang lalaki. At sa pagiging maayos at elegante ni Liezel, siguradong marunong rin itong maglagay ng kurbata.Matapos itali ang kurbata, kinuha na ni Luciana ang pin at ikinabit ito sa kuwelyo ng lalaki. Sa suot na suit, lalong tumingkad ang kagwapuhan ni Maximo—may malamig at mailap na awra na para bang kay hirap nitong maabot.“Ayan, tapos na,” nakangiting sabi ni Luciana at bahagyang bumilog ang mga mata niya sa tuwa. Maglalakad na sana siya palayo, ngunit bago pa 'yan mangyari, agad siyang hinila ni Maximo sa baywang at inilapit sa kanya.Dahil diyan, biglang nagtagp

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status