Mafioso Series: Call me the Devil

Mafioso Series: Call me the Devil

last updateLast Updated : 2025-06-25
By:  RhenkakoiUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
4Chapters
11views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

"The angel you saw on television? A lie. I am something far darker. Call me the Devil if you like. It suits me." - Rowan Zaroza Appearances is a deciever, iyan ang tumatak sa isipan ni Happy nang makilala na niya ang tunay na kulay ng sikat at kilalang actor na si Rowan Zaroza. Ang mabait at gentle character nito na pinapakita sa harap ng maraming tao ay taliwas sa kung paano nakilala ni Happy ang bago niyang babantayan bilang manager nito. Paano iha-handle ni Happy ang kaniyang sitwasyon lalo na at hindi niya namamalayan na nahuhulog na siya kay Rowan na hindi isang pangkaraniwang artista lamang.

View More

Chapter 1

Prologue

"I'm very sorry Ms. Valdez , alam ko kung gaano kahalaga sayo ang trabaho mo dito sa YZ, kaya lang dahil sa nalulugi na ang agency natin, the agency cannot afford your salary anymore. Ilan sa mga artist natin ay naglilipatan na ng ibang company, YZ entertainment is near to it's end."

Walang masabi si Happy sa ipinaalam sa kaniya ng CEO ng YZ entertainment, sa apat na taon na nagtrabaho siya bilang manager ng ilang talents nito ay hindi nita lubos maisip na hahantong sa ganito ang career niya.

YZ entertainment was very successful before, lahat ng artist mapa music at acting ay nakilala at sumikat dahil narin sa suporta ng agency, yet dahil sa malaking utang ng CEO na hindi na mabayaran, pati agency na itinayo nito ay naisangla na nito at hindi iyon ipinapaalam sa lahat.

"Pa-paano po nangyari 'yun Mr. Fuentes? YZ entertainment was the grossing agency on our country, so paano po ito bumagsak?" naguguluhang tanong ni Happy na imbis na sagutin siya ng CEO ay inilipag nalang nito ang huling sahod ni Happy bilang manager.

"I'm sorry again Ms. Happy, please leave the office now."

Happy, a Mass Communication graduate of the Universidad De Manila, landed her first job at YZ Entertainment managing their top-performing artist. Minahal niya ang trabaho niya kahit maraming beses siyang binigyan ng problema ng inaalagaan niyang artist. She loves to support behind the scene at ang success ng artist niya, ay success narin niya. At dahil nalugi ang YZ Entertainment, hindi malaman ni Happy kung anong dapat niyang gawin.

"Paano nangyari 'to? Wala na ba talaga ang YZ Entertainment?" sambit ni Happy habang pinagmamasdan niya ang mataas na building ng YZ na naging pride niya in her career.

"Manager Happy!"

Napalingon si Happy sa dalawang tao na mabilis na tumatakbo palabas ng building. Bakas sa mukha ng dalawa ang lungkot habang papalapit ito kay Happy.

"Manager Happy, ano ng gagawin natin? Wa-wala na ang YZ."

"Paano na tayo?"

"Teka? Bakit narito kayo? Hindi ba kayo sinama ni Ms. Gaia sa paglipat niya sa Big Entertainment?" kunot noong tanong ni Happy sa make up artist ng alaga niyang aktress na nasa ibang agency na.

"Hi-hindi niya kami sinama, binigyan daw siya ng Big Entertainment ng mas magagaling na glam team." malungkot na ani ng mga ito na hindi mapaniwalaan ni Happy na sa tagal na naging glam team ni Gaia ang dalawang ito, ay basta-basta nalang nito iiwan.

"How did Gaia did this to the both of you?" ani ni Happy nang bahagya siyang magitla sa pagtili ng tatlong estudyante na nakatayo di kalayuan sa puwesto nila.

Mga kinikilig ito at nakatingin sa iisang direksyon, at dahil curious si Happy kung bakit kinikilig ang tatlong estudyante ay tiningnan niya ang tinitingnan ng mga ito. Nakita ni Happy ang isang malaking LED screen kung saan ipinapakita roon ang pinaka sikat, kilala at bagong award winning actor na hindi lang kinagigiliwan ang talent sa pag-acting, ay kinahuhumalingan din ito ng mga kababaihan dahil sa angkin nitong kaguwapuhan.

"Ano kayang pakiramdam na maging PA ng isang Rowan Zaroza? Ang guwapo-guwapo niya." kumento ng kasama ni Happy na biglang ibinalik ang tingin sa kaniya.

"Oh? Manager Happy bakit hindi ka kaya mag-apply na Manager ni Rowan Zaroza. Sa pagkakaalam ko, wala siyang manager na nagha-handle sa kaniya. Bakit hindi mo kaya subukan maging Manager niya?" suhestiyon pa ng kasama ni Happy.

"That man is an artist of Stellar Entertainment, isa sa pinakamalaking entertainment company sa bansa natin. Imposibleng wala siyang manager." ani ni Happy na nagbuntong hininga bago nagpaalam sa dalawa at nagsimula ng maglakad paalis.

Kinuha ni Happy ang cellphone niya at tiningnan ang kaniyang bank account. Muling nagpambuntong hininga si Happy ng makita niya ang savings niya.

"Siguro aabot pa ang savings ko habang naghahanap ako ng ibang papasukan kong company. Atleast may last payment ako sa YZ, but still bakit biglang bumagsak ang ang YZ Entertainment!" reklamo ni Happy na napalakas ang boses kaya ilan sa mga nakakasalubong niya ay napapatingin sa kaniya.

SA PAG-ALIS ni Happy sa building ng YZ Entertainment ay pagdating ng tatlong black sedan na kotse. Lumabas ang ilang mga lalaking naka suit at isa sa mga ito ay dere-deretsong pumasok sa loob ng building. May dala itong attache case, sumakay ito sa elevator hanggang makarating ito sa opisina ng CEO ng YZ Entertainment.

"Good day Mr. Fuentes." agad na bati nito na ikinaputla ng mukha ng CEO sa pagdating nito.

"I hope you remember me. But incase your forgot, i'm Lev Kaminsky, personal lawyer of Mr. Ivanovich. And you know the reason why i'm here, right?" pahayag nito na ikinalunok ni Mr. Fuentes sa kinauupuan niya.

"Ka-kailangan ba talagang ang kumpanya ko ang kunin ni Mr. Ivanovich?"

"Well, if you have 35 million pesos to pay your debt plus your intereset, then we won't take your company on you. Do you have that money, Mr. Fuentes?" ani ni Lev na bagsak ang balikat na binuksan ni Mr. Fuentes ang first drawer ng mesa niya at inilabas ang isang envelop kung saan laman nito ang titulo ng kumpanya kasama na ang natitirang assets nito.

"It's better for you to paid than taking the consequences, Mr. Fuentez. My boss is not the person you want to face, it's better for you to be alive than face death." pahayag pa ni Lev na kinuha ang envelop at inilagay iyon sa dala nitong attache case.

"I will give you time to pack up and say goodbye to this building, have a nice day, Mr. Fuentes." yumuko si Lev bago lumabas na ng opisina.

Agad na sumakay si Lev sa elevator, at pagkalabas niya ay siyang pagtunog ng cellphone niya na agad niyang kinuha at sinagot.

"YZ Entertainment teper' prinadlezhit vam, boss. (YZ Entertainment now belongs to you, boss.)" pagbibigay alam ni Lev bago nito ibinaba ang cellphone niya at deretso ng sumakay ng kotse bago umalis sa lugar na 'yun.

At sa pag-alis ng mga ito ay siyang pagkagulat at pagkataranta ng mga taong dumadaan sa harapan ng YZ entertainment, nang bumagsak mula sa pinakamataas na bahagi ng building ang dating CEO na si Mr. Fuentes, na ikinawalan nito ng buhay.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
4 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status