Share

Kabanata 0002

Author: Nancy Ginger
last update Huling Na-update: 2025-03-13 11:47:56
Nakaramdam nang unti-unting kirot sa puso niya si Luciana sa mga oras na ito. Agad siyang pumasok sa cabinet at kumuha ng dark-colored na damit. Paglabas niya, rinig niya ang mahinang boses na nagmumula kay Maximo.

“‘Wag kang matakot at hayaan mong samahan ka ni Manang Victoria. Sisiguraduhin kong pupunta agad ako,” ani Maximo sa kanyang kausap sa kabilang linya.

Ang tila banayad na pananalita ni Maximo ay kakaiba at hindi kailanman narinig ni Luciana sa kanya noon. Pakiramdam niya ay nanigas siya sa kanyang direksyon habang ang tila'y tuwa na naramdaman niya sa kanyang puso ay mabilis na nawala.

“Maximo,” mahinang usal ni Luciana sa pangalan ng asawa. “S-Sino ang kausap mo sa cellphone?”

Nang dahil sa kanyang pagsalita, napalingon si Maximo sa kanyang direksyon. Ang malalim at malamig niyang boses ay tila yumanig sa loob ng kwarto.

“‘Wag mo na isipin pa ‘yon,” sagot sa kanya ni Maximo.

“Babae ba?” tanong ni Luciana kay Maximo.

“Wala kang pakialam.”

Imbes na magpaliwanag si Maximo, ito ang kanyang sinabi, at agad na kinuha ang damit mula sa kamay ni Luciana saka ito isinuot. Ang ginawang iyon ni Maximo ay tila isang pagbabago mula sa nakasanayan niyang hayaan si Luciana na tulungan siya.

Ang tila pagbabagong iyon ay hindi nakaligtas sa paningin ni Luciana.

‘Ganito ba ang kilos ng isang lalaki kapag nahulog na ang loob sa ibang babae sa pamamagitan ng pagsisimulang paglayo sa sarili niyang asawa?’ tanong ni Luciana sa kanyang isip.

May isang hindi maipaliwanag na sakit naman ang biglang gumapang sa tiyan ni Luciana. Tila biglang sumiklab na naman ang kanyang gastritis na siyang nagpalubha sa kanyang pagkabalisa ngayon.

Si Maximo na tuluyan nang nakabihis ay lumingon sa ibang direksyon para umalis na.

Isang bugso ng desperasyon ang biglang dumaloy kay Luciana sa mga oras na ito. Bihira lamang magkamali ang intuwisyon ng isang babae, at ang tila panganib sa kanyang kalooban ay hindi maitatanggi. Mabilis siyang pumunta sa pintuan kung nasaan si Maximo.

“M-Masama ang pakiramdam ko. Pwede ka bang manatili ngayong gabi, H-Hubby?” tanong ni Luciana sa asawa niya sa nanginginig at mahinang boses.

Napatigil naman sa akmang paglabas si Maximo saka muling tiningnan si Luciana.

Mababakas sa gwapong mukha ng lalaki ang isang larawan na tila walang pakialam. Ang mga maninipis nitong labi na likas na malamig ay tila sumasalamin sa likas na kawalan niya ng puso.

“Kung masama ang pakiramdam mo ay sabihan mo si Manang Bettina na tawagan ang family doctor natin. Oo nga pala, matagal-tagal pa bago ako makabalik agad,” ani Maximo sa malamig niyang boses bago ito tuluyang lumabas mula sa pinto ng kwarto.

Ang gintong liwanag ng mga ilaw na bumalot sa papalayong anyo ni Maximo ay unti-unting lumiliit hanggang sa tuluyan na nga siyang maglaho sa kanyang paningin.

Sa isang mabilis na sandali, naramdaman ni Luciana na tila hindi siya kailanman nakapasok sa puso ni Maximo. At dahil diyan, biglang sumama ang kanyang pakiramdam sa sikmurang bahagi ng katawan niya.

Nagmamadali siyang tumakbo sa banyo at inilabas lahat ng kanyang nakain sa gabing iyon. Ngunit, ang kasunod na sakit na kanyang naramdaman ay tila walang tigil.

Namumutla ang pisngi ni Luciana pero nagawa niya pa rin na makabalik sa kanyang kama. Ngunit, isa na namang panibagong alon ng sakit ang kanyang naramdaman na siyang dahilan upang mapilitan siyang bumalik sa banyo kung saan nagsuka na naman siya. Isang mapait na kulay berdeng likido ang kanyang iniluwa.

Alam niya na wala na itong kinalaman sa pagbubuntis, bagkus isa itong lason sa pagkain.

Nangininig ang mga kamay ni Luciana nang kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang numero ni Manang Bettina. Mabuti na lamang ay sinagot ito agad ng katulong.

“M-Manang Bettina, masakit po ang tiyan ko. Nakikiusap ako sa inyo, dalhin po ninyo ako sa ospital…” pagsusumamo ni Luciana sa katulong.

Agad naman na nakarating si Manang Bettina at nakita si Luciana na nakahandusay sa sahig na puno ng pawis. Sa tulong ng driver, naisugod nila si Luciana sa malapit na ospital.

Sa ospital naman, tinulungan ni Manang Bettina si Luciana papunta sa silid ng konsultasyon. Pinainom na si Luciana ng doktor ng isang painkiller na gamot gamit ang injection at higit sa lahat, inirekomenda nito ang isang Abdominal Ultrasound upang matukoy kung ang sakit niya ay isang karaniwan o talagang may kinalaman ang gastritis.

Nang tumalab naman ang medikasyon sa kanya, nabawasan na ang sakit na nararamdaman ni Luciana na siyang dahilan upang makahinga siya nang maluwag.

Nang samahan ni Manang Bettina si Luciana patungo sa ultrasound room, may nakita silang isang pamilyar na hubog ng katawan ng isang tao ang biglang lumitaw sa daan.

“Ang senyorito Maximo, Senyorita!” natutuwang sambit ni Manang Bettina.

Napalingon naman si Luciana sa tinitingnan ni Manang Bettina at nakita niya ang isang matangkad na nakabihis na isang lalaki ang nakatayo hindi malayo sa kanilang direksyon. Nalaman ni Luciana na si Maximo nga ito.

Isang bugso ng tuwa ang namuo sa kanyang dibdib nang malaman iyon. Ngunit, paghakbang ng mga paa niya para tawagin ito, biglang napako ang tingin ni Luciana sa babaeng nakatayo sa tabi ni Maximo.

Ang babaeng ito ay biglang lumabas mula sa ultrasound room, hawak ang kanyang baywang, at mahigpit na hinahawakan ang isang medical report sa kamay.

“Ang sabi ng doktor ay maayos ang kalagayan ng baby, Max,” mahinahong sabi ng babae kay Maximo.

Ang tila malamig na ekspresyon ni Maximo ay biglang nagbago at napalitan iyon ng isang magaan na ekspresyon.

“Mabuti naman kung gano'n kaya sa susunod, mag-iingat ka sa mga kinakain mo. Buntis ka na ngayon at maraming pagkain ang kailangan mong iwasan lalo na ang pagkain na lamang dagat tulad ng hipon,” ani Maximo sa tila nag-aalalang boses nito.

“Alam ko naman ‘yon at sisiguraduhin ko na hindi na ako kakain pa ng mga hipon sa susunod,” tugon naman ng babae sa nakangiting reaksyon niya.

Si Luciana ay nananatiling nakatayo sa kanyang direksyon. Ang tuwang naramdaman niya kanina ay napalitan ng isang hindi makapaniwalang reaksyon. Nanlaki ang kanyang mga mata at nakapako pa rin sa babaeng kausap ng asawa niya.

Sa suot na isang light-colored at pambabae na kasuotan, ang babaeng nakikita ni Luciana ay tila nag-uumapaw ang kagandahan at kariktan. Ang mukha nito na nakamamangha ang angking ganda at banayad na katangian ay nagbigay ng isang impresyon ng isang tila unang pag-ibig.

Ang kanyang buhok na sing-itim tulad ng isang uling ay bumalot sa mga mata niyang kumikislap sa liwanag, at ang malamig niyang awra ay tila ba may taglay na isang hindi maipaliwanag na alindog.
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0100

    Napailing na lamang si Luciana sa dalawa at bahagyang napangiti. Kahit ang kanilang dalawang assistant ay hindi napigilang mapahanga sa presensya na dala ni Adrian Hidalgo.“Hindi pa siya dumating,” sagot niya sa mga ito at kumalma naman ang dalawa.Samantala, nagsimula nang umorder ng pagkain ang grupo ng mga tao sa loob. Si Luciana naman ay agad na nagpadala ng text message kay Adrian.Luciana:Pinapauna ko nang umorder ang mga staff ko.Mabilis naman na sumagot si Adrian sa kanyang text message.Adrian:Sige, kumain lang kayo diyan. Katatapos ko lang sa isang interview at papunta na ako.Pagkatapos mabasa iyon, agad na ibinaba ni Luciana ang kanyang cellphone saka tumingin sa iba niyang kasama.“Papunta na raw si Mr. Hidalgo. Kumain na muna tayo,” sabi niya sa mga ito.Sakto namang dumating ang waiter dala ang mga pagkain, kasama ang isang bote ng mamahaling alak.Nagtaka naman si Luciana at napatingin doon nang maigi.“Hindi ko inorder 'yang bote na 'yan,” paliwanag niy

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0099

    Pagdating ng alas siyete y media ng gabi, nakarating na si Luciana sa Rustica Restaurant, at ang kanyang puso ay kalmado lamang. Ilang sandali lang, dumating na rin si Danica at huminto sa tabi niya. Nagkita ang dalawa sa labas ng restaurant.Pagkababa ni Danica ng sasakyan, agad niyang hinawakan ang kamay ni Luciana, at ang mga mata nito ay puno ng pag-aalala. “Nakipaghiwalay ka na ba kay Maximo nang tuluyan ngayong araw?” tanong ng babae sa malumanay nitong tono.“Oo, nag-apply na kami ng diborsyo kanina pero hindi pa matatapos ang certificate namin hanggang ngayong buwan,” nakangiting sagot ni Luciana sa tanong ng kaibigan, ngunit pilit lamang iyon para hindi ito mag-alala.Pinagmasdan siya ni Danica at may bahid ng pag-aalala sa mga mata nito. Alam niyang nag-aalala ang kaibigan sa kanyang sitwasyon ngayon.“Malungkot ka ba, Lucy?” tanong ni Danica sa kanya kaya natigilan siya ng ilang sandali. Ngunit, mabilis namang iniling ni Luciana ang ulo, habang hindi nawawala ang ngi

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0098

    Inaanim ni Alvin na noong una, gusto lang niyang takutin si Luciana, ngunit ngayon, nagbago bigla ang sitwasyon. Pinagplanuhan rin niya ito laban kay Maximo at kung kaya niyang gamitin ang banta laban kay Luciana, siguradong gagawin din iyon ng babae sa kanya.“Ginawa ko lahat nang ito para matulungan si Maximo na tanggalin ka sa buhay niya dahil isa kang tusong babae,” sambit ni Alvin kay Luciana.“Ginagawa mo ba talaga ito para sa kanya o para sa sarili mo? Alam ko na alam mo ang totoo. Gusto mong tulungan si Liezel na agawin si Maximo mula sa 'kin pero nagpapanggap kang para ito kay Maximo. Tinanong mo ba siya kung kailangan ba niya itong ginawa mo? Pumayag ba si Maximo, o inaprubahan ang mga ginawa mo?” seryosong tanong ni Luciana sa kanya habang nakatingin nang diresto at hindi kumukurap.Natigilan si Alvin sa sinabi ni Luciana sa kanya at ilang sandaling nanahimik, ngunit mabilis naman siyang nakabawi.“Hindi ka ba natatakot na sasabihin ko kay Maximo ang tungkol sa kasunduan

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0097

    Natigilan naman ang lahat dahil sa biglang tugon ni Luciana. Napalingon pa si Liezel kay Maximo, ngunit nanatiling walang emosyon ang mukha nito. Hindi niya rin mabasa kung ano ang iniisip ng lalaki dahil sa blankong ekspresyon na ipinapakita niya ngayon.“Alvin, kailan pa kayo naging malapit ni Luciana?” takang tanong ni Liezel na may bahid ng pagtataka sa boses nito.“Kailan lang kami naging malapit sa isa't-isa,” sagot naman ni Alvin nang walang kahirap-hirap, at agad na nakabawi mula sa pagkabigla. Hindi niya inasahan na sasabay si Luciana sa kanyang palabas. Isa iyong kaaya-ayang sorpresa para sa kanya. Agad namang lumapit si Alvin kay Luciana at walang pakundangang iniakbay ang braso nito sa balikat niya. “Tara na. Ihahatid na kita pauwi,” mahinahong usal ni Alvin na para bang inosente. Samantala, tinapunan naman siya ni Luciana ng isang makahulugang tingin, at bakas ang inis sa mukha nito. Si Maximo naman ay mas lalong nandilim ang mukha at para bang isang matulis na bag

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0096

    Nakatayo sa tabi ni Maximo si Luciana ngayon. Ngunit, ni isa sa kanila ay walang nagsalita. Kapwa magandang babae at gwapong lalaki, ngunit napakailap ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa na halos sobrang awkward na.Pagkalipas ng ilang sandali, sila na ang tinawag. Agad silang lumapit at naupo sa mga itinalagang upuan.Tinanong sila ng staff na humahawak ng proseso ng tungkol sa paghihiwalay.“Nandito po ba kayo upang maghain ng diborsyo?”“Oo,” sagot ni Luciana habang inilalabas ang kanyang identification card.Tiningnan sila ng staff—una ang lalaki, pagkatapos ang babae. “Ang ganda ninyong tignan na magkasama. Isang gwapong lalaki, at isang magandang babae. Bakit kayo maghihiwalay?” takang tanong ng staff.Walang duda na sila ang pinakamagandang mag-asawa sa lahat ng naroon sa opisinang iyon.“Hindi kami pareho ng nararamdaman,” kalmadong sagot ni Luciana sa nagtanong na staff. “May dala ba kayong kasunduan ng inyong paghihiwalay?” tanong ulit ng staff.“Meron,” sagot

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0095

    “Hindi mo na 'yon trabaho pa.” Malamig ang boses ni Maximo habang nakatingin kay Luciana nang sabihin ang mga salitang ito.Saglit na natigilan si Luciana, saka kinuha ang kurbata at maingat na iniikot ito sa leeg ng lalaki. Sanay na sanay na siya sa pagtatali nito dahil ito naman palagi ang kanyang ginagawa kahit noon pa.May Liezel na si Maximo ngayon at naisip ni Luciana na hindi na kailangan ng pag-aalaga niya ang lalaki. At sa pagiging maayos at elegante ni Liezel, siguradong marunong rin itong maglagay ng kurbata.Matapos itali ang kurbata, kinuha na ni Luciana ang pin at ikinabit ito sa kuwelyo ng lalaki. Sa suot na suit, lalong tumingkad ang kagwapuhan ni Maximo—may malamig at mailap na awra na para bang kay hirap nitong maabot.“Ayan, tapos na,” nakangiting sabi ni Luciana at bahagyang bumilog ang mga mata niya sa tuwa. Maglalakad na sana siya palayo, ngunit bago pa 'yan mangyari, agad siyang hinila ni Maximo sa baywang at inilapit sa kanya.Dahil diyan, biglang nagtagp

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status