NAKAYAKAP si Preslee sa beywang ng kanyang ina habang umiiyak. Papasok na sa trabaho si Purity, at namimilit ang anak niyang babae na sumama. "Nanay, sama ako... please," humihikbing pakiusap ni Lee kay Purity. "Baby, hindi puwede. May work si Nanay, 'di ba? Pag-uwi ko, may dala akong candy na pasalubong," malambing na sabi ni Purity habang hinahaplos ang likod ng anak. Napabaling ang tingin niya kay Scott, na nakatayo sa gilid, naka-crossed arms at nakasimangot. Hindi ito umiiyak gaya ni Preslee, pero halatang may tampo. Kinagat nito ang ibabang labi, saka bahagyang tumalikod, ayaw ipahalata ang nararamdaman. "Ikaw din ba, Scott? Gusto mo ring sumama kay Nanay?" malambing na tanong ni Purity. Tahimik lang ang bata. Tumango ito nang dahan-dahan, pero hindi tumingin sa kanya. Napabuntong-hininga si Purity, at sabay na niyakap ang kambal. "Babalik agad si Nanay. Promise. Kaya magpakabait kayo rito kay Lola Inay, ha?" Mula sa kusina, lumapit si Arminda habang pinupunasan an
MABILIS na lumipas ang tatlong taon, abala si Purity sa paghahanda ng almusal nila. Si Inay Arminda ay nagwawalis sa labas ng bakuran habang si Ara ay naghahanda na sa pagpasok. Si Kuya Arnold naman ay lingguhan ang uwi, may trabaho ito sa kabilang bayan. Nakatira pa rin sila sa unang nilang nilipatan na bahay. Napangiti si Purity kapag naaalala niya ang nakaraan. Parang kailan lang, nagtatago siya sa kanyang pamilya, ngayon ay malaya na siyang namumuhay sa probinsya kasama ang kanyang kaibigan. May trabaho na rin siya. May bagong tayo na kompanya sa bayan. Isang malaking kompanya ng sabon pang-paganda. Sinuwerte siyang makapasok bilang sekretarya ng may-ari. Buti nga at nai-hire siya kahit na hindi siya nakatapos ng kolehiyo. Mag-aayos na rin siya sa pagpasok pagkatapos niyang maihanda ang almusal nila. "Gising na ba sina Scott at Lee?" tanong ni Ara. Bihis na ito at nagtitimpla ng kape. "Hindi pa. Gigisingin ko na nga. Marami akong ibibilin, sasakit na naman ang ulo ni Inay
NAIRAOS ni Purity ang panganganak sa kanyang kambal, isang lalaki at isang babae ang kanyang mga anak. Laking tuwa ni Pealle nang makita ang kanilang mga anak ni Purity. May luha sa mata niya ang dumaloy nang marinig ang unang iyak ng mga ito. At nang makarga niya sina kambal. Pinagmamasdan ni Pealle si Purity, mahimbing pa rin ang tulog nito at walang kamalay-malay na nasa tabi lang siya. Hanggng sa mailipat ng private room si Purity, nasa tabi pa rin nito si Pealle. Nakasunod si Ara, at ang ina ng dalaga, maging ang panganay na kapatid nitong si Arnold. Nilapitan ni Pealle si Ara. May kinuha ito sa loob ng kanyang wallet. Isang gold card. Ibinigay niya iyon sa dalaga. "D'yan ka kumuha ng lahat ng kailangan ni Purity at ng mga anak namin, Ara. Hind 'yan mauubusan ng laman. Gusto kong manatili kang magtrabaho kay Andy at bigyan mo ako ng update sa nangyayari sa mag-iina ko. Palagi lang akong nasa paligid at magbabantay sa kanila," mahabang litanya ni Pealle. Nalito si Ara. B
"ANDY!" malakas na tawag ni Pealle sa kaibigan. Napalingon agad ito sa kanya. Napabaling naman ang tingin niya kay Ara na halatang nagulat. "S-Sir Pealle?" gulat na sambit ni Ara. Biglang napasugod ang kaibigan ng kanyang amo. Ang alam niya ay sa susunod na araw pa ito darating. "Yes, I know her..." madiing sagot ni Pealle. "Ako ang ama ng kambal niya. Kaya sabihin mo na sa akin kung nasaan siya." Nanlaki ang mga mata ni Ara. Napatingin siya kay Andy na parang humihingi ng tulong, pero nanatili lang itong tahimik, tila pinipigilan ang sarili na makialam. Napaamang si Arminda sa naririnig at pinanood ang komusyon ng mga amo ng kanyang anak at si Ara mismo. "Hindi ko po alam kung nasaan siya ngayon," nanginginig na tugon ni Ara. "Matagal na po siyang umalis... ni hindi nga po siya nagpapaabot ng balita." "You're lying," mariing singhal ni Pealle. "Ara, please. This isn't just about me. This is about the twins. I have the right to know where she is. If you're really her fri
WALA namang nagawa si Ara kundi isama ang amo niya. Wala siyang maaring pag-iwanan niya dito. "Sir, ang maigi pa po ay ibalik ko na lang po kayo sa kuwarto n'yo at magbilin na lang ako sa nurse para bantayan kayo..." lakas loob na sabi ni Ara. "No. I will stay here with you! Hindi ako aalis." May diing sabi ni Andy. "Pero, Sir..." "Walang pero-pero, Ara. Nagprisinta akong tulungan ka. Kaya dito lang ako," pamimilit ni Andy. Tumahimik si Ara sa nakikitang galit sa mga mata ng among binata. Mariin siyang napatiim na tumango. Napilitan na lamang siyang umayon sa gusto ng kanyang amo. Kahit nababahala siya na baka nga kilala nito ang pamilya nina Purity. Siya pa ang magiging dahilan para mapahamak sa sariling kaibigan. Nang malapit na sila ay natanaw na ni Ara ang Inay niya. "Ara..." tumatakbong tawag ni Arminda sa kanyang anak. "Inay, kumusta po si Purity?" "Nasa loob na siya ng operating room. Natakot ako talaga para sa kaibigan mo. Pero malakas ang loob ng batang 'y
NAKATANGGAP ng tawag si Ara mula sa kanyang ina. Naisugod na raw nila sa ospital si Purity at manganganak na ito. "Sir, puwede po bang magpaalam sa inyo?" tanong ni Ara na nababanaag ang pag-aalala sa mukha. "May nangyari ba, Ara?" "Manganganak na po kasi ang best friend ko. Dito rin po sa ospital na ito..." sagot niya na parang maiiyak. Napaisip si Andy, kung papayagan ba niya si Ara. Wala pa naman siyang kasama. At wala rin si Pealle. "Hindi ako sigurado... kasi wala akong ibang kasama. Pero kung gusto mo, puntahan natin siya. Sabi mo naman andito lang ang kaibigan mo sa ospital." Napaamang si Ara sa narinig mula sa binatang amo. "Sigurado po kayo, Sir? Baka po kasi mailang kayo. Gusto ko pong malaman ang lagay niya dahil kambal po ang anak niya. Medyo kinakabahan po ako at natatakot din sa kalagayan nilang mag-ina." Napatitig si Andy kay Ara. Napakabuting kaibigan ng kanyang empleyada. "Sigurado ako. Malay mo makatulong pa ako sa inyo. Sasagutin ko na ang panganganak niya.