“Katulad nito? Ganun ba? Nasabi ko man sa inyo ng mas maaga ay si Trina pa rin ang kakausapin ko. Pareho ko silang kwenekwento sa mga Dela Vegas but they finds Trina different from her sister. Hindi ko sinabi na ikwenento ko ang nakakahiya kay Joyce, sinabi ko lang na mas active ito sa labas kesa kay Trina na palaging nasa loob ng bahay. They like Trina for their son kahit na hindi pa nila ito nakikita, I told them too that Trina is my daughter from another woman but they don’t care about it kaya bakit mas nag-aalala kayo kesa sa mga magulang ng magiging groom?”
“Pero kasi diba, hindi naman payag si Trina sa kasal na yan?”
“Gusto man niya o hindi wala na kayong magagawa sa desisyon ko. Walang hilig si Joyce sa negosyo kesa kay Trina, tinanong din ako ng matandang Dela Vegas kung ano ang kinahihiligan nilang dalawa, ng malaman niyang mahilig sa drawing si Trina sa mga damit ay siya rin ang sinabi niyang ipagkasundo ko. Hindi lang ako ang namili kay Trina kundi ang mga Dela Vegas din.” pagpapaliwanag pa nito pero hilaw na natawa si Emily at inis na tiningnan ang asawa.
“Palibhasa kasi anak siya ng babae mo, babaeng kinahumalingan mo kaya mas gusto mo yung magandang buhay para sa kaniya dahil gusto mong bumawi, gusto mong bumawi sa naging anak niyo. You’re so unfair Zack!” inis na nitong saad.
“Stop blaming Trina, Emily! Nagkamali ako, inaamin ko yun pero kailanman ay hindi ako naging unfair sa mga anak ko.”
“Dahil ang pagkakamali mong iyun ay hindi mo pinagsisisihan! Dahil minahal mo ang babaeng yun kaya mas mahal mo ngayon ang anak niyo kahit na patay na siya!”
“Stop with your dramas Emily!” galit na nitong saad, nasuntok pa nito ang lamesa niya dahil nagsisimula nanaman ang asawa niya. Matagal ng panahong nangyari iyun pero hanggang ngayon palagi pa rin niyang binubuksan ang nagawa niyang pagkakamali. “Pinagsisisihan ko mang naloko kita noon pero kailan man ay hindi ko pinagsisisihan na naging anak ko si Trina. Mula umpisa naibigay ko lahat kay Joyce ng kailangan niya pero si Trina naranasan ang lahat ng hirap sa buhay. Pagtatalunan pa ba natin ‘to Emily? Hindi na tayo mga bata para sa mga ganitong bagay. Kung dahil lang sa kasal kung bakit nanaman tayo nagkakaganito, ask the Dela Vegas instead to cancel their wedding and tell them that you want Joyce and Darren to get married.” Inis nitong saad saka naupo sa kaniyang upuan at muling hinarap ang laptop.
Nasa labas naman ng pintuan si Trina, hindi niya na tinuloy ang balak niyang pagkatok. Napangiti na lamang siya dahil ang alam niya ay hindi siya mahal o minahal ng kaniyang ama dahil palaging malamig ang pakikitungo nito sa kaniya, hindi niya lang napapansin na may halaga pala siya sa kaniyang ama.
‘Kailan man ay hindi ko pinagsisisihan na naging anak ko si Trina.’ Muling ulit sa kaniyang tenga, ang sarap palang pakinggan kapag ipinagtatanggol ka ng yung ama. Nilagyan niya ng tubig ang pitsel niya saka pumasok sa loob ng kwarto niya. Hindi man sila madalas magkaroon ng oras ng kaniyang ama ay sapat na sa kaniyang malaman niyang may care ito sa kaniya kahit kaunti, masaya na siya dun.
Ipinikit niya naman na ang kaniyang mga mata at natulog ng may ngiti sa labi kahit na iniisip pa rin ang kasal na magaganap kahit hindi niya gusto.
KINABUKASAN
Lumabas na siya ng kaniyang kwarto at dumiretso na sa kusina, sakto ring naghahanda na ang mga katulong nila para sa agahan. Naupo naman na siya at naabutan pa niyang nagbabasa ng dyaryo ang ama. Kahit na nasa moderno na silang panahon ay mahilig pa rin itong magbasa sa dyaryo.
“Milk po ma’am?” tanong ng katulong kay Trina ng umiling ito.
“Marami akong pinabiling bagong damit mo Trina ganun na rin sa mga heels dahil kapag maghahanda na para sa kasal ay iyun ang isusuot mo, makakasama mo ang binatang Dela Vegas na yun. Ikaw naman Joyce naglagay ako ng pera sa account mo, bilhin mo ang gusto mong bilhin dahil baka hindi mo lang magustuhan ang mga ipapabili ko.” saad ng kanilang ama.
“Salamat po,” saad ni Trina, napairap na lamang si Joyce dahil hanggang ngayon hindi pa rin niya tanggap na si Trina ang ikakasal sa lalaking matagal niya ng gusto. Kung alam niya lang na mangyayari pala ito balang araw ay sinunod niya na ang kaniyang ama dahil simula una ay siya ang palaging kinakausap sa iniuutos nito pero palaging si Trina ang itinuturo niya dahil may mas hilig ito sa negosyo.
Nang matapos silang kumain ay nagtungo ng garden si Trina, napatingin na lang siya sa kaniyang cell phone ng magbeep ito. Napakunot na lamang ang kaniyang noo ng makita niyang unknown number ang nagtext.
[We need to see each other now, exactly 9am in a coffee shop near in your company. If not, you will not going to like what I am going to do with you. Huwag kang magsasama kahit sino.]
-Darren
Basa niya sa text mula kay Darren. Para saan naman ang pag-uusapan nilang dalawa? Saka saan niya nakuha ang number nito? Kung makapag-utos akala mo kung sino, tsss. Napairap na lamang siya saka tiningnan ang oras, alas otso na kaya isang oras na lang ang paggagayak niya. Tumayo naman na siya saka pumasok sa kaniyang kwarto para maligo. Napansin pa niya ang nagkalat na mga shopping bag sa kama niya kaya binuksan niya ang isa. Hindi kasi siya mahilig bumili ng mga damit niya kahit na nagbibigay ang kaniyang ama, mas maganda na yung may naiipon ka para may mahugot kapag kinailangan. Iyun na lamang ang isusuot niya dahil parang luma na ang mga damit niyang paulit-ulit pa niyang isinusuot sa tuwing may okasyon at sa pagdalo niya sa mga aral ng Diyos.
30 minutes naman siyang nagstay sa banyo niya bago siya nakalabas at nagbihis. Maganda naman lahat ng mga binibili ng kaniyang ama at tila ipinasadya pa iyun para sukat sa katawan niya. Tiningnan pa niya ang mga heels dun, kinuha niya na lamang ang isang 3 inch dahil mangangalay lamang siya kapag yung mataas pa ang isinuot niya.
Nang matapos siya ay saka siya lumabas ng kaniyang kwarto, napatingin naman sa kaniya ang kapatid niyang nakaupo sa salas.
“At saan naman ang punta mo para mag-ayos ka pa?” mataray nitong tanong.
“May pupuntahan lang ako saglit, maiwan muna kita.”
“Whatever, do whatever you want. Kung gusto mong huwag ng bumalik, pwede rin.” Irap nitong saad saka ibinalik ang paningin sa pinapanuod. Lumabas naman na si Trina saka sumakay sa kotse niya na bihira niya namang magamit, hindi niya na pinansin ang sinabi ng kapatid.
Napatingin na lang siya sa kaniyang relo ng maipit siya sa traffic. 5 minutes na lang at magnanine na baka nandun na ang binata. Para pa namang hindi ito makapaghintay, anong magagawa niya kung naipit siya sa traffic saka biglaan naman kasi ang pagtetext nito. Nang makaalis siya sa traffic ay mabilis na pinaandar ang kaniyang sasakyan hanggang sa makarating ito sa coffee shop na sinasabi ni Darren. Pumasok naman na siya sa loob saka inilibot ang paningin sa paligid. Napalingon na lamang siya sa bandang gilid ng may kumaway dun, nakita niya naman si Darren na salubong na salubong ang kilay.
“Pasensya ka na, naipit lang sa traffic.” Saad nito saka naupo. Tinawag naman na muna ni Darren ang waiter saka umorder ng makakain nila. Hindi naman na muna ito nagsalita, tiningnan niya ang kabuuan ni Trina at kita niya naman ang taglay nitong kagandahan saka siya napangisi.
“Girls is always girls, nagpapaganda ka ba?” tanong nito na ikatawa ni Trina dahil sa kapal ng mukha niyang sabihin iyun sa kaniya. Sinunod niya lang ang kaniyang ama kung ano ang isusuot niya, wala rin siyang nilagay sa mukha niya maliban sa lip tint na nasa labi niya, sadyang natural ang ganda niya.
“Anong tingin mo sa akin? may gusto sayo? hello, nasobrahan ka naman yata sa kapal ng mukha mo. Pakibawasan dahil ikaw lang ang mapapahiya sa huli, anong akala mo? lahat ng babae mahuhumaling o magkakagusto sayo? ibahin mo ako.”
“Then why did you accept this marriage?” tanong nito, nilingon naman na muna nila ang kararating na waiter.
“Enjoy ma’am, sir.” saad nito, nang makaalis na ito saka ibinalik ni Trina ang atensyon niya sa binata.
“Bakit ikaw? Bakit ka pumayag sa kasal na ito? bakit ako ang tinatanong mo gayong pumayag ka rin naman? Hmmm?” taas kilay nitong saad, inis namang tiningnan ni Darren si Trina dahil sa balik nitong tanong.
“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa babae, I want you to tell your parents that you’re going to cancel the marriage.” Diretsong saad nito, napangisi naman si Trina dahil sa wakas hindi lang siya ang may ayaw sa kasal na ito. May magiging kakampi siya.
“Sa pagkakaalam ko ay magulang mo ang lumapit sa Daddy ko, bakit hindi ikaw ang kumausap sa mga magulang mo?”
“Bakit ba ang hilig mong ibalik sa akin ang mga tanong ko?” pigil ang galit ni Darren dahil kanina pa si Trina.
“Dahil kahit kaya mo namang gawin ay ako pa ang uutusan mo, ang kakausapin mo. Ikaw itong lalaki pero ako pa ang kakausapin mo? sige sabihin na nating kinausap ko na ang Daddy ko tapos hindi pumayag, anong gagawin mo? hindi ba at kakausapin mo pa rin ang mga magulang mo?”
“You’re worthless.” Blangkong saad ni Darren dahil ang akala niya ay maaasahan niya ito pero ibinabalik niya lang sa kaniya ang lahat. Sinamaan naman ng tingin ni Trina si Darren.
“Ikaw ang gumawa kung gusto mo dahil kahit kausapin ko ang Daddy ko wala pa ring magbabago, sinasabi ko na sayo dahil kakausapin ko sana siya kagabi pero narinig ko silang nagtatalo ng step mother ko sa kasal at hindi siya payag na icancel.” Saad niya, napabuntong hininga naman si Darren. “Kung wala ka ng sasabihin ay aalis na ako.” saad niya pero bago pa man siya makatayo ay sumilaw na sa kanilang mga mata ang pagflash ng camera, sabay nilang nilingon ito at nanlaki na lamang ang kanilang mga mata ng paparazzi ang nakita nila.
“Damn!” mahinang mura ni Darren ng sunod sunod silang kinuhanan ni Trina. Mabilis na inalis ni Darren ang kaniyang coat at pinangharang sa mukha ni Trina pero huli na ang lahat.
“Acccckkk, my God! Bakit ang daming langgam!” rinig kong sigaw ni Joyce na nandito rin pala. Napangiti na lang ako ng tanguan at ngitian ako ni Daddy. Naiiyak naman si Mommy habang nakatingin sa aming dalawa. Masaya ako, masaya ako dahil binigyan niya ako ng pagkakataon na bumawi, na mahalin siya muli. Kung naging greedy ako sa kapangyarihan noon at pinili ang negosyo kesa sa kaniya, ngayon siya ang pipiliin ko over everything because she is my everything. Wala man akong naaalala sa kaniya sa nakalipas na pitong taon, wala pa rin namang nagbago sa nararamdaman ko dahil siya pa rin ang nakapagpatibok ng puso ko sa pangalawang pagkakaton. Nasaktan ko man siya, babawiin ko yun, ipaparamdam ko sa kaniya na mahalaga pa siya sa mahalaga. She is like a gem that you don’t want to lose. Hindi ko mapigilan ang paglandas ng mga luha ko dahil sa nakikita ko ngayon, she is like an angel na bumaba sa lupa. She is so gorgeous in her white wedding dress. Pakiramdam ko masyadong mabagal ang oras at a
Hindi ko alam na ganun na pala ang pinagdadaanan ni Trina, wala akong kaalam alam sa mga nangyayari sa kaniya. Ang akala ko talagang galit lang siya sa akin, wala akong inisip kundi kung paano ko uli siya makakausap ng maayos. Hindi ko alam na may nagtatangka pala ng buhay niya. I’m really a useless husband to her, am I really worth it for her? Wala akong ginawa kundi ang saktan siya. Gusto ko ng sampalin si Ashley nang sabihin niya sa akin ang lahat pero malaking pagpipigil ang ginawa ko because she’s still a woman. I never hit a woman and I will never be dahil kapag nanakit ako ng babae pakiramdam ko sinaktan ko na rin ang ina ko at ang asawa ko.Inamin sa akin lahat ni Ashley, lahat lahat ng mga ginawa niya. Sila rin pala ang dahilan kung bakit naaksidente si Joyce gamit ang kotse ni Trina, hindi ko sila mapapatawad kung may nangyari kay Trina. Ang mga bulaklak ng tulips na palagi kong nakikita sa office ni Trina, I’m so stupid to think na may nanliligaw
TRINA POV “Babe,” mahinang wika ni Darren nang magkasalubong kaming dalawa. “Please let’s talk.” nagsusumamo niyang aniya, gustuhin ko man pero may kailangan akong gawin. “Maybe next time Darren.” “When? Gustong gusto na kitang makausap. Please, let me explain everything.” “Darren, may kailangan pa akong gawin.” Lalampasan ko na sana siya ng hawakan niya ang braso ko, blangko ko naman siyang tiningnan at ang kamay niyang nakahawak sa akin. Napapahiya naman siyang binitawan yun. “I’ll wait.” Maghihintay pero kailangan may reserba? Tssss. I’m still mad at you Darren, nasasaktan mo pa rin ako. Kahit ganito lang ako, kahit na para akong walang pakialam sayo pero ramdam ko pa rin yung sakit. Para pa ring kinukurot ang puso ko sa tuwing naalala ko ang picture niyo ng magkasama. Hindi ko lang kayang isipin na ang lalaking mahal ko may ibang humahawak sa kaniya. Walang salita ko siyang iniwan. May mga bagay na dapat pa akong malaman, kaya ko lang ihilom ang puso kong dulot ng mga pananak
Maya maya pa ay bahagya siyang nagulat pero hindi mo yun mahahalata kaagad kung hindi ka nakatitig sa mga mata niya.“If you have problem with me Ashley, tell it. Hindi yung ganito kailangan mo akong takutin ng mga sulat.”“Hindi ko po talaga alam ang tungkol dito Ma’am. Wala po akong alam.” Wika niya pero this time parang hindi na convincing ang tinig niya. Alam kong walang nakagawa ng kasalanan ang aamin ng sarili niyang kasalanan. I will find it in my own way Ashley. Kung hindi nga ikaw then good to hear that. Huwag mong sirain ang pangarap ko para sayo sa simpleng dahilan mo.“I just want to remind you Ashley, nasa ibaba ka pa. Wala ka pa sa pinakatuktok kaya huwag mong hayaan na kung gaano ka kabilis umangat ay ganun ka rin kabilis na bumagsak. Makakaalis ka na.”“Naiintindihan ko po Ma’am. Kung may nalaman man po ako, sasabihin ko po kaagad sa inyo. Ingat po kayo, pasensya na rin po sa nangyari.&
Ilang araw din akong hindi pumasok ng kompanya. Pagkaalis ng anak ko para pumasok ay umaalis na rin ako. Sa ibang lugar ko ginagawa ang mga trabaho ko. Halos araw araw ding nanggugulo si Darren sa bahay, ayon sa mga katulong ko. Gusto kong irelax ang sarili ko, gusto kong makapag-isip ng maayos. Uunahin ko muna ang tungkol sa babaeng nagtatangka ng buhay ko kesa kay Darren.I can deal with him to the other days pero hindi muna ngayong mas mahalaga itong ginagawa ko. Pinag-isipan kong mabuti, pinagsama-sama ko ang lahat ng mga palatandaang nalalaman ko.Noong isang araw, nakita ko siyang may dala dalang mga bulaklak na tulips. Siya lang ang nakita kong may hawak nun sa mga pinagmamasdan ko sa kompanya. Maaaring may kinalaman siya sa nagpapadala ng mga bulaklak at card sa akin.Taas noo akong naglakad sa lobby kahit panay ang lingon sa akin ng mga empleyado. Ang lahat ng mga issue dito sa kompanya ay hindi lumalabas, subukan mong ilabas ngayon paniguradong bukas w
Nagising akong nasa tabi ko pa rin si Ate Joyce at nakatutok sa cellphone niya. “Gising ka na pala, gutom ka na ba? Nagpadeliver na lang ako ng pagkain nating dalawa rito. Ang tagal mo ring matulog.” Tiningnan ko ang relo ko at tanghalian na pala. Hindi ko namalayan ang oras, ganun na pala ako katagal na natulog. “You’re still here, wala ka bang gagawin?” paos pang tanong ko, nakatagal siyang hintayin o bantayan ako rito? “Anong gagawin ko? Gusto mo bang kalbuhin ko na talaga ang babaeng yun? Ang kapal kapal ng malanding yun. Pero kanina ko pa tinitingnan ang media pero wala namang nagbabago ron. Parang normal lang ba yung nangyayari rito sa kompanya.” Taka niyang wika, kahit naman magulo na rito sa loob walang magtatangkang ilabas ang lahat ng nangyayari rito. Takot na lang nilang mawalan ng trabaho. “Kilala mo si Darren, hinding hindi niya hahayaang marumihan o madungisan ang pangalan niya at ng kompanya. Lahat kaya niyang paikutin sa pamamagitan ng