Share

Kabanata 2.1

Author: Rhea mae
last update Last Updated: 2022-01-28 11:25:29

Napahiga na lamang siya sa kaniyang higaan ng makauwi na ang mga Dela Vegas. Hindi naman siya masyadong nagsalita pero iba pa rin yung pakiramdam na mailagay ka sa hot seat. Parang medyo mabait naman ang binata na yun pero parang itinatago niya talaga yung nararamdaman niya. Para saan ang paglagay niya ng hipon sa pinggan niya kanina? Gusto niya ng hipon dahil isa sa mga paborito niya iyun, masyado ba siyang naging halata na gusto niyang manguha ng hipon?

“Nakakahiya,” usal niyang saad sa kaniyang sarili. Natakpan na lamang niya ang kaniyang mukha ng unan dahil nahihiya pa rin siya hanggang ngayon dahil parang masyado siyang halata kanina para mapansin iyun ni Darren.

“Ano? Kinikilig ka naman diyan?” napalingon na lang siya sa bandang pintuan niya ng magsalita ang kapatid niya kaya naupo siya sa kama.

“No, para saan sana para kiligin ako?”

“Dahil ikakasal ka na kay Darren, palagi akong natutuwa sa tuwing may ipinapagawa sayo si Daddy pero hindi ako natutuwa ngayon! bakit sa lahat ng pwedeng ipakasal sayo si Darren pa?! bakit hindi na lang ako?!” hilaw na natawa si Trina.

“Gusto mo palang magpakasal sa kaniya bakit hindi mo kinausap si Daddy para ikaw na lang? Para tahimik lang ang buhay ko.”

“Kunwari ka pang hindi natutuwa pero ang totoo kinikilig ka na! halata naman sayo eh! Bakit kung hindi mo talaga gusto bakit hindi ka tumanggi?!” napabuntong hininga na lamang si Trina, mukhang malalim talaga ang pagtingin nito sa Dela Vegas na yun.

“Ginawa ko na yan, sinabi ko na kay Daddy pero wala akong nagawa. Bakit hindi mo kausapin si Daddy na ikaw na lang ang ipakasal sa kaniya baka sakaling matuwa ako sa gagawin mo Ate.” Malumanay niya lang na sagot saka nahiga sa kama. Ayaw niya ng makipagtalo sa ate niya dahil palagi lang nauuwi sa away nilang dalawa tapos sa huli siya pa yung pagagalitan dahil siya lang naman yung parang hindi belong sa pamilya niya. Hindi naman nagagalit sa kaniya ang ama niya, mabait naman ito pero palaging mas inuuna ang negosyo kesa sa mararamdaman ng anak. Narinig niya na lang ang galit na pagsarado sa pintuan niya.

Natutulog siya sa malambot na kama, nakakakain ng masasarap na pagkain, nasa kaniya na ang lahat pero parang palaging may kulang, may kulang sa puso niya. All she need is support and love from her family pero kahit kailan yata hindi niya na iyun mararanasan.

Bumaba naman na ng hagdan si Joyce at dumiretso sa office ng kaniyang ama sa bahay nila saka ito kumatok. Nang magsalita ang ama niya ay pumasok na siya.

“What do you need para puntahan mo pa ako ng ganitong oras sa office ko?” tanong nito habang nasa laptop pa rin ang tingin.

“Bakit si Trina pa? bakit si Trina ang ipinagkasundo niyo sa mga Dela Vegas Dad?!” naagaw naman nito ang atensyon ng kaniyang ama kaya nilingon siya nito.

“And what do you want Joyce? Ikaw ang ipagkasundo ko sa kanila? sa tuwing may ipapagawa ako palaging si Trina na lang ang itinuturo mo, ito namang kapatid mong sunod sa utos sumusunod kaya para saan pa na kausapin kita para ipakasal sa anak ng mga Dela Vegas kung si Trina pa rin ang ituturo mo?”

“Pero iba na yun Dad sa mga iniutos mo, bakit hindi mo ako sinubukang kausapin muna malay mo pumayag ako diba? Tulad ngayon, payag naman ako dun eh kaya sana kinausap niyo man lang muna sana ako.”

“Stop pretending like you care in my every decision Joyce, si Trina naman ang palaging sumusunod sa akin, magrereklamo siya oo pero susunod din sa huli. Nasubukan na kita, mahirap kang pakiusapan. Gusto mong sumunod kasi you like that young man, right? Kung iyan naman pala ang dahilan kung bakit ka susunod sa akin dahil mapapakinabangan mo, hindi na kita kakausapin Joyce. Si Trina pa rin ang kakausapin ko at ipagkakasundo ko sa kanila kaya huwag mo na akong kakausapin tungkol sa magaganap na kasal ng kapatid mo. Now, leave.” Malumanay na saad ng kaniyang ama, inis namang lumabas ng opisina si Joyce. Napapailing na lamang si Zack saka pinagpatuloy ang naudlot na ginagawa.

Nakita naman ni Emily na galit na lumabas ng opisina ng asawa niya ang anak niya kaya siya rin ang pumasok dito. Kita naman ni Zack ang pagpasok ng asawa niya pero hindi siya nito nilingon at patuloy ang pagtipa sa laptop.

“Balak mo pa lang makipagsundo sa mga Dela Vegas bakit hindi mo sinabi sa akin?”

“Biglaan lang din yun, ng tanungin ako ng mga Dela Vegas kung gusto ko bang makipagmerge sa kanila ay pumayag ako yun nga lang ang kapalit, ang ipakasal ang anak nila sa isa sa mga anak ko.” sagot nito habang patuloy ang ginagawa.

“Bakit si Trina agad ang naisip mo? Alam mo namang anak mo lang siya sa labas, hindi ba nakakahiyang ipakasal mo ang anak mo sa labas? Isang malaking kahihiyan iyun sa pamilya nila Zack.” Pigil naman ang galit ni Zack dahil sa sinabi ng kaniyang asawa, anak man niya ito sa labas o hindi walang nakakahiya dun. Ang pagkakamali niya ay hindi kasalanan ng anak niya.

“Pabor kayo sa kasal dahil gusto ni Joyce ang binatang yun? Kailan ba ako pinakinggan ng anak mo Emily.”

“Hindi mo man siya mapakiusapan minsan malay mo sa ibang bagay diba?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Nanc y Obias
Pls full chapter
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ayan joyce sa katatanggi mo sa mga pinapagawa sayo ng ama mo kaya kay trina napunta ang lalaking gusto mo buti nga sayo
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • CEO's Forgotten Wife   Epilogue 1.2

    “Acccckkk, my God! Bakit ang daming langgam!” rinig kong sigaw ni Joyce na nandito rin pala. Napangiti na lang ako ng tanguan at ngitian ako ni Daddy. Naiiyak naman si Mommy habang nakatingin sa aming dalawa. Masaya ako, masaya ako dahil binigyan niya ako ng pagkakataon na bumawi, na mahalin siya muli. Kung naging greedy ako sa kapangyarihan noon at pinili ang negosyo kesa sa kaniya, ngayon siya ang pipiliin ko over everything because she is my everything. Wala man akong naaalala sa kaniya sa nakalipas na pitong taon, wala pa rin namang nagbago sa nararamdaman ko dahil siya pa rin ang nakapagpatibok ng puso ko sa pangalawang pagkakaton. Nasaktan ko man siya, babawiin ko yun, ipaparamdam ko sa kaniya na mahalaga pa siya sa mahalaga. She is like a gem that you don’t want to lose. Hindi ko mapigilan ang paglandas ng mga luha ko dahil sa nakikita ko ngayon, she is like an angel na bumaba sa lupa. She is so gorgeous in her white wedding dress. Pakiramdam ko masyadong mabagal ang oras at a

  • CEO's Forgotten Wife   Epilogue 1.1

    Hindi ko alam na ganun na pala ang pinagdadaanan ni Trina, wala akong kaalam alam sa mga nangyayari sa kaniya. Ang akala ko talagang galit lang siya sa akin, wala akong inisip kundi kung paano ko uli siya makakausap ng maayos. Hindi ko alam na may nagtatangka pala ng buhay niya. I’m really a useless husband to her, am I really worth it for her? Wala akong ginawa kundi ang saktan siya. Gusto ko ng sampalin si Ashley nang sabihin niya sa akin ang lahat pero malaking pagpipigil ang ginawa ko because she’s still a woman. I never hit a woman and I will never be dahil kapag nanakit ako ng babae pakiramdam ko sinaktan ko na rin ang ina ko at ang asawa ko.Inamin sa akin lahat ni Ashley, lahat lahat ng mga ginawa niya. Sila rin pala ang dahilan kung bakit naaksidente si Joyce gamit ang kotse ni Trina, hindi ko sila mapapatawad kung may nangyari kay Trina. Ang mga bulaklak ng tulips na palagi kong nakikita sa office ni Trina, I’m so stupid to think na may nanliligaw

  • CEO's Forgotten Wife   Kabanata 55

    TRINA POV “Babe,” mahinang wika ni Darren nang magkasalubong kaming dalawa. “Please let’s talk.” nagsusumamo niyang aniya, gustuhin ko man pero may kailangan akong gawin. “Maybe next time Darren.” “When? Gustong gusto na kitang makausap. Please, let me explain everything.” “Darren, may kailangan pa akong gawin.” Lalampasan ko na sana siya ng hawakan niya ang braso ko, blangko ko naman siyang tiningnan at ang kamay niyang nakahawak sa akin. Napapahiya naman siyang binitawan yun. “I’ll wait.” Maghihintay pero kailangan may reserba? Tssss. I’m still mad at you Darren, nasasaktan mo pa rin ako. Kahit ganito lang ako, kahit na para akong walang pakialam sayo pero ramdam ko pa rin yung sakit. Para pa ring kinukurot ang puso ko sa tuwing naalala ko ang picture niyo ng magkasama. Hindi ko lang kayang isipin na ang lalaking mahal ko may ibang humahawak sa kaniya. Walang salita ko siyang iniwan. May mga bagay na dapat pa akong malaman, kaya ko lang ihilom ang puso kong dulot ng mga pananak

  • CEO's Forgotten Wife   Kabanata 54.2

    Maya maya pa ay bahagya siyang nagulat pero hindi mo yun mahahalata kaagad kung hindi ka nakatitig sa mga mata niya.“If you have problem with me Ashley, tell it. Hindi yung ganito kailangan mo akong takutin ng mga sulat.”“Hindi ko po talaga alam ang tungkol dito Ma’am. Wala po akong alam.” Wika niya pero this time parang hindi na convincing ang tinig niya. Alam kong walang nakagawa ng kasalanan ang aamin ng sarili niyang kasalanan. I will find it in my own way Ashley. Kung hindi nga ikaw then good to hear that. Huwag mong sirain ang pangarap ko para sayo sa simpleng dahilan mo.“I just want to remind you Ashley, nasa ibaba ka pa. Wala ka pa sa pinakatuktok kaya huwag mong hayaan na kung gaano ka kabilis umangat ay ganun ka rin kabilis na bumagsak. Makakaalis ka na.”“Naiintindihan ko po Ma’am. Kung may nalaman man po ako, sasabihin ko po kaagad sa inyo. Ingat po kayo, pasensya na rin po sa nangyari.&

  • CEO's Forgotten Wife   Kabanata 54.1

    Ilang araw din akong hindi pumasok ng kompanya. Pagkaalis ng anak ko para pumasok ay umaalis na rin ako. Sa ibang lugar ko ginagawa ang mga trabaho ko. Halos araw araw ding nanggugulo si Darren sa bahay, ayon sa mga katulong ko. Gusto kong irelax ang sarili ko, gusto kong makapag-isip ng maayos. Uunahin ko muna ang tungkol sa babaeng nagtatangka ng buhay ko kesa kay Darren.I can deal with him to the other days pero hindi muna ngayong mas mahalaga itong ginagawa ko. Pinag-isipan kong mabuti, pinagsama-sama ko ang lahat ng mga palatandaang nalalaman ko.Noong isang araw, nakita ko siyang may dala dalang mga bulaklak na tulips. Siya lang ang nakita kong may hawak nun sa mga pinagmamasdan ko sa kompanya. Maaaring may kinalaman siya sa nagpapadala ng mga bulaklak at card sa akin.Taas noo akong naglakad sa lobby kahit panay ang lingon sa akin ng mga empleyado. Ang lahat ng mga issue dito sa kompanya ay hindi lumalabas, subukan mong ilabas ngayon paniguradong bukas w

  • CEO's Forgotten Wife   Kabanata 53.2

    Nagising akong nasa tabi ko pa rin si Ate Joyce at nakatutok sa cellphone niya. “Gising ka na pala, gutom ka na ba? Nagpadeliver na lang ako ng pagkain nating dalawa rito. Ang tagal mo ring matulog.” Tiningnan ko ang relo ko at tanghalian na pala. Hindi ko namalayan ang oras, ganun na pala ako katagal na natulog. “You’re still here, wala ka bang gagawin?” paos pang tanong ko, nakatagal siyang hintayin o bantayan ako rito? “Anong gagawin ko? Gusto mo bang kalbuhin ko na talaga ang babaeng yun? Ang kapal kapal ng malanding yun. Pero kanina ko pa tinitingnan ang media pero wala namang nagbabago ron. Parang normal lang ba yung nangyayari rito sa kompanya.” Taka niyang wika, kahit naman magulo na rito sa loob walang magtatangkang ilabas ang lahat ng nangyayari rito. Takot na lang nilang mawalan ng trabaho. “Kilala mo si Darren, hinding hindi niya hahayaang marumihan o madungisan ang pangalan niya at ng kompanya. Lahat kaya niyang paikutin sa pamamagitan ng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status