The Ceo's Dying Bride

The Ceo's Dying Bride

last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-16
Oleh:  MoonBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel12goodnovel
Belum ada penilaian
6Bab
3Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

The CEO’s Dying Bride Si Samantha Reyes ay isang mapagmahal na asawa at ina na buong buhay ay inialay sa kanyang pamilya. Sa loob ng maraming taon, tiniis niya ang malamig na pakikitungo ng asawa niyang si Michael Reyes, umaasang balang araw ay matututunan din nitong mahalin siya. Ngunit dumating ang araw na tuluyan nang gumuho ang kanyang mundo. Nakipaghiwalay si Michael sa kanya— hindi dahil sa pagkukulang niya, kundi dahil mas pinili nito ang ibang babae. Ang mas masakit, ang babaeng iyon ay ang sarili niyang kapatid na si Sabrina. Ang anak nilang si Sophie, na minsang tinawag siyang “Mommy,” ay unti-unti ring lumayo sa kanya at mas kinilala pang ina ang tiyahin nito. Ilang araw bago tuluyang ma-finalize ang kanilang divorce, nalaman ni Samantha ang isang mas mabigat na katotohanan— may malubha siyang sakit sa puso, at may taning na rin ang kanyang buhay. Pagkatapos ng divorce, walang awa siyang pinalayas ni Michael sa bahay na minsan niyang tinawag na tahanan. Wala siyang pera, wala siyang pamilya, at tila wala na ring dahilan para mabuhay. Ngunit sa pinakamadilim na sandali ng kanyang buhay, may isang lalaking tahimik na nagmamasid sa kanya sa loob ng maraming taon. Si Sebastian Villanueva, isang makapangyarihang CEO. Matagal na niyang minahal si Samantha kahit pinili nito ang ibang lalaki noon. Sa araw na iyon, nilapitan niya si Samantha at inalok ng kasal. Nagdalawang-isip si Samantha. Alam niyang malapit na siyang mamatay, at ayaw niyang maging pabigat sa ibang tao. “Huwag kang mag-alala. Hindi ito dahil sa pag-ibig. Kailangan ko lang ng asawa… sa isang kontrata.” Sa huli, pumayag si Samantha. Akala niya isa lamang itong kasunduan. Isang pansamantalang papel. Hindi niya alam na para kay Sebastian, iyon ang matagal na niyang pinakahihintay na pagkakataon para mahalin siya.

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1

Chapter 1: The Betrayal

Tahimik ang buong bahay nang gabing iyon.

Tanging tunog ng wall clock sa sala ang maririnig, paulit-ulit na tila nagpapaalala kay Samantha kung gaano na kalalim ang gabi. Alas-diyes na ng gabi ngunit wala pa ring paramdam ang asawa niyang si Michael.

Muli siyang napabuntong-hininga habang inayos ang mesa sa dining area. Nakahain pa rin doon ang hapunang kanina pa niya niluto paboritong steak ni Michael, garlic butter shrimp, at red wine na espesyal pa niyang pinabili sa helper.

Malamig na ang lahat.

“Ma’am, ikukuha ko na po ba kayo ng pagkain?” maingat na tanong ng kasambahay nilang si Liza mula sa kusina.

Ngumiti si Samantha kahit pagod na ang mga mata niya. “Mamaya na lang, Liza. Hintayin ko muna si Sir.”

Tumango ang babae, ngunit halatang naaawa. Hindi na ito bago. Halos gabi-gabi na lang ganito ang eksena naghihintay si Samantha, habang si Michael ay laging late o minsan ay hindi na umuuwi.

Napatingin siya sa cellphone na hawak.

No new messages.

Napakagat siya sa labi. Kanina pa siya nag-text.

Samantha:

Honey, uuwi ka ba tonight?

I prepared dinner.

Seen lang.

No reply.

Hindi man lang nag-abala na sabihing busy siya. Isang masakit na kurot ang naramdaman niya sa dibdib, ngunit pinilit niyang huwag pansinin iyon. Ilang buwan na ring madalas sumakit ang dibdib niya, pero lagi niya itong binabalewala. Iniisip na dahil lang sa stress.

“Mommy!”

Napalingon siya nang marinig ang boses ng anak niyang si Sophie, pitong taong gulang, na pababa ito ng hagdan habang yakap ang stuffed toy.

“Ano ginagawa mo, baby? Dapat tulog ka na,” malambing niyang sabi.

Lumapit ang bata at hinila ang kamay niya. “Mommy, when will Daddy come home?”

Napangiti si Samantha kahit may kirot sa puso. “Soon, sweetheart. Busy lang si Daddy sa work.”

Tumango si Sophie, ngunit halatang disappointed.

Sandaling natahimik ang bata bago nagsalita ulit. “Mommy… pwede bang si Auntie Sabrina na lang ang maghatid sa akin sa school bukas?”

Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa kanya.

“Why?” maingat niyang tanong.

Nagkibit-balikat ang bata. “Because she promised me ice cream after class. And she helps me with homework better.”

Napatahimik si Samantha. Hindi niya alam kung masasaktan ba siya o maiinis sa sarili.

“Okay,” mahina niyang sagot. “If that makes you happy.”

Ngumiti si Sophie. “Thank you, Mommy!”

Yumakap ang bata sa kanya bago tumakbo pabalik sa kwarto. Nanatiling nakatayo si Samantha sa gitna ng sala, hawak pa rin ang plato na kanina pa niya nililinis. Mabigat ang pakiramdam ng dibdib niya, hindi lang dahil sa sakit, kundi dahil sa lungkot.

Pakiramdam niya unti-unti siyang nawawala sa sariling pamilya.

—----

Alas-onse na ng gabi nang tuluyang mapagod si Samantha sa paghihintay.

Nagdesisyon siyang akyatin na ang kwarto nila ni Michael upang matulog. Bukas na lang niya kakausapin ang asawa tungkol sa dinner.

Tahimik siyang naglakad paakyat sa hagdan. Ngunit pagdating niya sa hallway sa second floor, bigla siyang napatigil. May narinig siyang mahihinang boses mula sa loob ng guest room.

Napakunot ang noo niya.

‘Bakit may tao doon?’

Alam niyang walang bisita ngayon at ang helper ay nasa quarters sa likod ng bahay.

Dahan-dahan siyang lumapit sa pintuan mas lalong luminaw ang mga boses.

Isang babae at isang lalaki. Nanlamig ang buong katawan niya. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya at parang may kung anong masamang mangyayari.

Narinig niya ang mahinang halakhak ng babae.

Pamilyar. Sobrang pamilyar.

“Michael, stop… someone might hear us,” malambing na sabi ng babae.

Parang tumigil ang mundo ni Samantha. Kilalang-kilala niya ang boses na iyon.

Sabrina.

Ang sarili niyang kapatid. Napaatras siya ng isang hakbang, nanginginig ang kamay.

‘Hindi… imposible.’

Siguro mali lang siya ng narinig. Siguro may misunderstanding. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili. Ngunit muli niyang narinig ang boses ng asawa.

Mahina, paos, at puno ng lambing. “Relax, baby. Tulog na si Samantha.”

Parang may malakas na puwersang tumama sa dibdib niya. Nanlaki ang mata niya. Hindi na siya nakahinga. Hindi na siya makagalaw. Dahan-dahan niyang iniabot ang kamay sa doorknob.

Nanginginig.

Takot.

Umaasa pa rin na mali ang lahat. Ngunit nang tuluyan niyang pinihit ang doorknob at bahagyang binuksan ang pinto nawasak ang buong mundo niya.

Nakita niya si Michael. Hubad ang itaas na katawan. Yakayakap si Sabrina na nakasuot lamang ng manipis na robe. Magkadikit ang kanilang mga katawan sa kama at halatang-halatang hindi lamang iyon simpleng yakap. Sandaling natahimik ang lahat.

Nagkatinginan silang tatlo. Nanlaki ang mata ni Sabrina.

“Sam—Samantha?”

Nabitawan ni Michael ang hawak nitong babae at agad tumayo mula sa kama. Doon niya nakitang nakaboxer lang asawa niya. Hindi siya tanga para hindi maintindihan ang sitwasyon.

“What the hell are you doing here?” galit na tanong nito.

Napakurap si Samantha. Hindi siya makapaniwala sa narinig.

‘What am I doing here?’

Ito ang bahay niya. Ngunit sa sandaling iyon, pakiramdam niya siya pa ang mali. Para bang mali na binuksan niya ang pintuan ng guest room. Mali na pumunta sa lugar na ‘yun. Para bang kasalanan pa niya na nakita niya ang asawa at kapatid na magkasama sa iisang kama.

Nanghina ang tuhod niya. Pakiramdam niya may kung anong bumabasag sa loob ng dibdib niya.

“Michael…” mahina niyang tawag, nanginginig ang boses. “What is this?”

Tahimik sandali ang lalaki bago napabuntong-hininga, tila naiirita.

“This is not what it looks like.”

Napatawa si Sabrina isang mahinang, pilit na tawa.

“Actually, it is exactly what it looks like,” malamig nitong sabi.

Parang tinusok ang puso ni Samantha. Napatingin siya sa kapatid.

Ang kapatid na tinulungan niya.

Ang kapatid na pinatira niya sa bahay.

Ang kapatid na pinagkatiwalaan niya.

“Why?” pabulong niyang tanong.

Tumayo si Sabrina mula sa kama, marahan nitong inayos ang suot na robe.

“Because he loves me,” diretso nitong sagot.

Parang tumigil ang mundo. Napatingin si Samantha kay Michael, umaasang magsasalita ito.

Umaasang ide-deny nito.

Ngunit wala.

Tahimik lamang ang lalaki at iyon ang pinaka-masakit.

“Tell me she’s lying,” halos pakiusap niyang sabi.

Ngunit malamig ang mukha ni Michael nang sumagot.

“She’s not.”

Isang luha ang kusang pumatak mula sa mata ni Samantha. Pakiramdam niya biglang nawalan ng hangin ang paligid.

Hindi siya makagalaw.

Hindi siya makapagsalita.

Tanging sakit lamang ang nararamdaman niya.

“I’m in love with Sabrina,” diretsong sabi ni Michael. “And I want a divorce.”

Parang kidlat na bumagsak ang mga salita nito.

Divorce.

Isang salitang hindi niya kailanman inisip na maririnig mula sa asawa.

“Michael… we have a child,” mahina niyang sabi.

Wala man lang emosyon ang mukha ng lalaki.

“I know.”

“Then why are you doing this?” halos pabulong niyang tanong.

Napabuntong-hininga si Michael, tila pagod.

“Because I’m tired, Samantha. Tired of this boring marriage. Tired of pretending.”

‘Boring.’

Ang walong taon ng sakripisyo niya, boring.

Napahawak siya sa dibdib. Biglang sumakit iyon nang matindi. Ngunit mas masakit ang nararamdaman ng puso niya. Samantala, lumapit si Sabrina at huminto sa harap niya.

May bahid ng awa ang mukha nito ngunit mas nangingibabaw ang kayabangan.

“You should let him go, Ate,” malamig nitong sabi. “He deserves to be happy.”

Parang sinampal si Samantha. Napatawa siya isang mapait na tawa.

“So you betrayed me… for happiness?” mahina niyang tanong.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Tidak ada komentar
6 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status